what. the. duck.

blogging is a motherducking waste of time.

pakikilakbay ng alamat

ako si pauee at wala na akong magagawa dun. ako ang spoiled brat sa mundo ng blogesperyo. walang kapararakan lahat ng pinagsasabi ko pero pipilitin kitang magbasa. isa akong living irony. pauee by day and pauee by night dahil hindi naman ako nagpapalit ng pangalan.

masakit sa bangs

ano ang mga sintomas ng masakit na bangs? unang una, dapat mahapdi ito at hindi mo mahawak-hawakan. pangalawa dapat ito'y namumula. pangatlo, namamaga at mukhang matamlay. so sa iyong pagsisiyasat, masakit ba ang bangs mo?

Matayog ang Lipad

Sabi ng mga kaibigan ko tama na daw ang emo na entries.

At dahil masunuring tao ako in general, paminsan-minsan, mga every other day, kapag bilog ang buwan, pagbibigyan ko sila.

^________^

Ang dami kong nakikitang bata sa daan ngayon na nagpapalipad ng saranggola. Naalala ko tuloy yung bugtong:

Buto't Balat,
Lumilipad.

Short but precise. Kapag narinig mo, di mo man maisip na saranggola ang tamang sagot, kapag nalaman mo na, mapapasambit ka ng "Ahh. oo nga."

Ganun ka-iksi, pero eksakto. Kung sino man nakaisip ng bugtong na yun ay talagang tatawagin kong henyo. Eto na siguro ang pinakamalupit na bugtong na narinig ko. At kung papakinggan mo, nagrhyrhyme pa. Ito na siguro ang ultimate bugtong of all time.

Hindi mo ito maikukumpara sa:

Isang prinsesa,
Nakaupo sa tasa.

Kung malaman mo na Kasoy ang sagot sa bugtong na yan, masasambit mo ba na "Ay oo nga?" Sobrang talinhaga ng bugtong na yan at hindi na malapit sa katotohanan. Naoverpower nito ang pagiging rhyming ng bugtong, wala ito sa kalingkingan ng galing ng bugtong ng saranggola.

Madaling magsabi ng kung anu-anong salita. Pero ang importante, yung kahulugan. Totoo bang naihahayag mo sa mga salita mo ang gusto mong ipahiwatig. At kahit pahabain mo pa ang statement mo, hindi ka pa din sigurado na masasabi mo ang gusto mong sabihin.

Sana lahat parang yung bugtong na lang nang saranggola. Madali sabihin, madali intindihin. Walang talinhaga, walang kalaliman.

Teka, parang nag-eemote nanaman ako a. Anu ba Pauee, ang sakit mo sa Bangs!

Ano-ano nga ba ang maaaring signs na hindi ka na naiintindihan at gustong pakinggan ng kausap mo?

1. Habang kausap mo sha e nagkukutkot sha ng kuko. Malamang sa malamang ay wala na shang naiintindihan sa mga sinasabi mo, naguguluhan na sha. Mas malinaw pa para sa kanya na kelangan niya tanggalin yung dumi sa ilalim ng kuko niya. Kahit yung hard to reach places itatry niya yung best niyang abutin. At least fulfilling, kesa naman makinig sa yo.

Ganti sa taong to: I wish na magkaroon sha ng ingrown. Sa hinliliit ng kamay.

2. Dalawang words na lang ang sinasagot niya sayo, Talaga at Bakit. Kapag ang tono mo ay tonong nagpapahiwatig na kelangan ng affirmation, isasagot niya sayo ang tanong na "Talaga?", at kapag sumagot ka, susundan niya ng "Bakit?" Pakiramdam mo ay enthusiastic sha sa kinukwento mo. Pero sa totoo lang, ikaw na daw ang pinakaboring na kausap sa balat ng earth. Para kang kumakausap sa isang robot na buggy ang program.

Ganti sa taong to: Kamustahin ang recent break up niya. At tumawa.

3. Bigla niyang iniba ang usapan. Okay lang sana kung yung segway niya ay malapit lapit naman ng kaunti sa kwento mo. Pero kung nagkwekwento ka ng tungkol sa Syota mo at bigla shang humirit tungkol sa nakita niyang babaeng naka-4 inch heels na natalisod sa kanto ng Lanuza, siguro naman ay mahahalata mo na na wala siyang ganang makinig sayo.

Ganti sa taong to: Talisudin.

4. Nagteteks habang kausap ka. Sabihin man niya na multi-tasking sha, isa pa din napakabastos at kawalang manners ang biglang magteteks habang may kausap. Malamang e nagteteks pa sha ng ibang tao habang sinasabi na wala kang kakwenta kwentang kausap. O di ba naishare niya pa.

Ganti sa taong to: Isumbong sa syota niya na merong kateks na iba.

Madami pang ibang klase ng pang-eewan ng mga taong obvious na ayaw ka na kausapin at intindihin. Kaya mas mabuti pa talagang iklian mo na lang ang kwento mo. Baka naman kasi ala telenovela nag stories mo, may chapters pa at commercials. Mas nagkakaintindihan ang mga tao kung short but precise ang usapan. Direct to the point. Straightforward.

Pwede ko kayang isabay yung saranggola sa remote control helicopter? Tapos ipagyayabang ko sa mga bata dun sa park. Yung sakin wireless/sinulidless.

Ang hirap naman hindi mag-emote! ^_____^

yupomismo

Sa pangatlong bote ng San Mig Light na isinasalin ko sa baso kong may yelo, unti-unti ko nang nararamdaman ang epekto ng alak na dumadaloy ngayon sa sistema ko. Nawawala na ako sa ulirat, nahihilo na ako at umiikot na ang paligid. Unti-unti ko na din nadarama na paakyat na ang daloy ng beer sa lalamunan ko. Alam ko na, eto na at malalasing nanaman ako.

May mga luhang namumuo sa mata ko. Pero pinigilan kong tumulo. Sa hindi malamang kadahilanan ay naiiyak ako. Hindi ko alam kung dulot ito ng napipinto kong pagsusuka. O talaga nga naman may panahon pa akong magsenti sa gitna ng kasiyahan.

Pinagmasdan ko ang mga tao sa paligid. Bagamat mga bago ko pa lang silang kilala, di ko maitatanggi na sa mga taong ito, nakakaramdam ako ng kasiyahan. Sa tuwing may taong hahalakhak, at sa tuwing may sasayaw saliw sa kantang "Boom shakalak", talagang di ko maitatanggi na sa mga panahong yun, hindi ko kailangan indahin ang lahat ng problema ko sa buhay.

Sa pagmamasid, mukha din namang masaya ang mga kasama ko. May mga munti akong alam sa buhay nila, alam kong may mga problema din silang dinadala, pero sa panahong yun, alam kong hindi sila malungkot. Sa pagsasama-sama namin, alam kong kahit panandalian, napapasaya namin ang isa't isa.

Ininom ko na ang naisalin ko sa baso. Nakadagdag nanaman ito sa lahat ng nararamdaman ko. Mas naging nakakahilo ang paligid. At mas umangat ang beer sa lalamunan. Pero hindi ko pa ito isusuka. Kayang kaya ko pa ito kontrolin.

Panahon ko na para kumanta. Inabot nila sakin ang mikropono. Sa pagbirit ko sa isang kantang walang kuneksiyon sa mga nangyayari sa buhay ko, sinasabayan ako ng mga kasama ko. Ibinibigay namin ang isang daan porsiyento ng aming kakayahan para mas lalo pang mapasaya ang atmospera ng inuman. Ang totoo ay sa mga panahong ito, wala na akong ibang iniisip kundi ang magsaya.

Patapos na din ang inuman, at mauubos ko na ang ikaapat na bote ng beer. Nalimutan ko na na nahihilo ako. Pakiramdam ko normal na ang ganitong paningin. Paliko liko na ako maglakad. Pero ganun din naman ang lahat ng kasama ko. Panahon na para umuwi. At tapos na ang kasiyahan.

Pagsakay ko ng taxi, alam kong sa biyahe pauwi ay babalik nanaman ang lahat ng gumugulo sa isip ko. Sa bawat pagpatak ng metro, bumabalik na naman ako sa ulirat. Lumilipas na ang epekto ng alak at babalik na naman ang mga problema.

Sa paghiga ko sa kama, pilit kong inaalala ang sayang naramdaman ko kanina habang nagkakantahan. Pilit kong inaalala ang tono ng "Boom Shakalak". Pero sa halip, nalaman ko na ang dahilan ng muntikang pagtulo ng luha ko kanina. At ang di ko mapigilan na pag-agos ng luha ko ngayon. Alam ko na na hindi ito dulot ng alak. Luminaw na sa utak ko ang tunay na dahilan.

Isinantabi ko muli ang pag-iyak, inisip ko muna kung ayos na ba ang mga kasama ko sa kanilang sari-sariling mga bahay. Malamang ay mga tulog na sila. Ipinikit ko ang mga mata ko. Alam kong kahit papano ay mapipigil nito ang pagdaloy ng luha. Kailangan ko na ulit magsimulang magbilang.

Umabot na ako sa isanlibo ng makaramdam ako ng antok. Matatapos na ang araw ko, at mamayang kaunti ay papasok na ako ulit sa opisina.

Hindi ako umiyak kagabe, kulang lang ako sa tulog.

eskapo


Napanood ko kelan lang sa HBO yung pelikulang Alcatraz. Nakakatakot yung theme ng pelikulang yun. Isipin mo na nakakulong ka sa isang bilanggong nasa isang isla. Makatakas ka man alam mong dagat din ang paligid nun. Sabi nila dun daw nilalagay yung nuknukan na ng bigat na kasalanan na mga kriminal.

Pero sa pelikula, nakatakas sila. Hindi na nakita ang mga katawan nung mga nakatakas kahit nag search na sila sa buong dagat, sa buong paligid. After a while, shinut down ang Alcatraz. Nice waste of money.

True to life nga daw yun e. Pero hindi natin alam kung nabuhay pa yung mga nakatakas. Kahit anu pa man nakatakas pa din sila, sa pagkakabilanggo, at kung namatay man sila, sa buhay na ito.

Minsan parang ang sarap sarap magtago na lang sa kung anong nangyayari sayo. Parang ang sarap tumakbo ng tumakbo ng tumakbo palayo sa lahat ng komplikasyon na meron ka sa buhay. Pero sa realidad, alam mo namang kay tagal mo mang mawala, babalik ka rin. Para ka lang tumakbo ng tumakbo sa isang treadmill. Nakakapagod, nakakahina, pero di ka umuusad. Pero at least nakakapayat.

Sabi nila laughter is the best medicine. Pero kung iisipin, healthy rin minsan na magmukmok ka lang sa isang tabi. Ika nga e maging emo. Para bang nakikipagtaguan ka pero magpunta ka sa pwesto mo na hindi ka na talaga makikita, at di ka na dun lalabas hangga't di natatapos yung laro. Sawa ka na maging taya, sawa ka na din makipag-unahan parang mag-save sa base.

Ang saya nga minsan magsuot ng hood. Ika nga ng kaibigan kong si EJ, para tong proteksyon from something not physical. Kumbaga naitatago ka niya sa kung ano mang gulo na andiyan lang sa tabi tabi at readyng ready na pumasok sa utak mo. Well, screw them, you got the hoodie. Parang may special powers yung hood na kahit anong metaphysical element ay magbobounce palayo. Tagong-tago ka sa realidad.


Advise din sakin ng kaibigan kong si Chris, kung iiyak daw ako dun ako sa fire exit. Napakasymbolic nga naman ng lugar na yun. Isipin mo na nakakatakas ka gamit ang exit na yun sa kung anu mang problema meron ka. Ibuhos mo lahat ng luha mo sa exit, at pag pasok mo sa buhay mo dapat di na sila kasama. Kung sa bahay siguro, pwede ka na umiyak habang ibinabalik mo sa kalikasan ang nasasaloob mo sa loob ng banyo. Dapat pagka-flush, naiflush mo na din lahat ng problema mo.


Kung magpapakamatay ka naman, isipin mo na lang na pahihirapan mo pa yung mga kamag-anak mo sa pagpapalibing sayo. Hanggang sa kabilang buhay mag-eemote ka. Dahil isa kang malaking pabigat. Iiyak pa sila ng matindi-tindi sayo. Hanggang sa kabilang buhay may problema ka. E ganun din pala, bakit ka pa pupunta dun. Mahal ang pamasahe.

O sige na, tayo na ang hindi makapag-eskapo. Tayo na ang hindi makapagtago. Kahit naman ata anung gawin kailangan pa din harapin lahat ng komplikasyon, lahat ng gulo sa buhay. Kaya siguro mas mabuti pang matulog na lang. Beauty sleep. Bukas haharapin mo na problema mo. Pero at least maganda ka di ba. ^_^


minsan

yan yung password ng isa sa mga servers sa project ko.

ewan sino nag-set niyan. pero sa tuwing tinatype ko yan kapag binubuksan ko yung server, nawei-weirduhan ako. anu bang trip nung gumawa ng password na yan? emo ba sha nung mga panahong iyon? or naisip niya na minsan lang naman niya bubuksan yung server.

ano nga bang ibig sabihin talaga ng word na "minsan"?

ika nga ng isang pelikula/kanta/teleserye: gaano kadalas ang minsan?

na sa tingin ko sinagot pa ng isang kanta: dahil ang minsan ay magpakailanman.

confusing!

sa pagkaaalam ko, ang salitang minsan -> sa english "sometimes." not all the time. not everytime. but sometimes. not just sometimes. or only sometimes. rather, plain sometimes.

so kung sometimes ang ibig sabihin ng minsan, pano mo naman maitatranslate yung
"oi pare di ba minsan nagkita tayo kumain pa tayo sa labas."

hey dude, isn't it right that sometimes we saw each other then we ate outside?

so freaking wrong.

wala atang direct translation yung salitang minsan. so left tayo with the confusion sa tunay na ibig sabihin ng salitang yan.

minsan magulo talaga ang buhay no. minsan masaya. minsan malungkot. minsan walang kwenta. minsan masaya. at minsan nageemote ako. minsan dapat hindi sinisingitan ng hirit ang emote na salaysay. pero minsan hindi ko talaga mapigilian.

sa totoo lang ang dali dali gamitin ng salitang yan. imagine kapag tinanong ka "Crush mo ba sha?" safe na isagot mo ang "Minsan." magmumukhang hindi ka hayok at deads na deads dun sa tao. kahit naman sa totoo lang ang ibig sabihin ng minsan mo e "minsan lage."

minsan nga lang ako ma-leyt sa trabaho e. mga every monday. minsan na yun para sakin e. or tuwing kelan ako nanunuod ng sine? minsan lang, every other day. at minsan lang din ako kumain, kapag wala lang akong magawa.

minsan lang ako gumimik, every weekend lang. at minsan lang din ako magsusulat ng gantong kahabang post para sa isang salita.

di ko kasi maalis yung pagka-weird ko sa salitang yan lalo na madalas ko na iniinput as password. minsan makakalimutan ko pa e. kasi naman e. bakit kasi minsan pa ang ginamit na salita. nalilito na ako. minsan lang ako malito at eto na yun.

---


for sale: ice-cold halo-halo

O kay sarap ng halo-halo. lalo na ngayong panahon ng tag-araw. talagang nakakalaban sha sa init ng panahon. super refreshing. kaya nga naman kahit san ka tumitingin sa ngayon ay may nagtitinda ng halo-halo. every where i go, every smile i see, all nang-aanyaya na bumili ng halo halong tinda nila. Halo-halo: Buy me, buy me, buy me..

pero hindi ata refreshing yung sign na nakita ko kanina. actually imbis na maka-refresh sha sakin e lalo lang nag-init ulo ko. at sobrang naconfuse ako. sakit talaga sa ulo pramis.

For Sale: Ice-Cold Halo-halo.

Ayan na nga yung title.

Naguluhan kasi ako. Meron na bang tindang halo halo ngayon na hindi ice-cold? May halo-halo na bang walang yelo? Gulong-gulo na ako!! Kelan pa to nang-yari? Paano nag-simula? Sino ang pioneer? At sino ang patrons nito? Saan? Naku, sobrang naguluhan talaga ako. Ibang klase confusion ang inabot ko.

Hindi natin alam baka sa susunod e meron na ding squid balls na square. O kaya naman hot ice cream. Or pandesal na walang flour. Or sopas na dry. Nakakatakot kung iisipin.

Mawawalan na ng individuality ang mga pagkaing ito kung magkaganon. Kumbaga sa tao e nawawalan ng personality. Para mo na ding sinabing "Mamatay ka na food-being!!"

Ouch ang sakit sa part ng pagkain. Wala talagang pakundangan minsan yang mga tindera na yan. Di na nila hinayaan yung mga mamimili na magsabi, ng tipong "Pabili nga ng iced tea, no ice ha!" Talagang pinangunahan na nila. Sobrang awang awa ako sa part ng halo-halo.

Di bale, I love you Halo-halo. Kahit kelan di ko hahayaang alisin nila ang ice sayo. ^_^

look, the glass is half full

cinomment ko yang title to two of my closest friends lately who have their own fair share of problems. yes, for me it is a fair share.

lahat naman sa mundo may problema. hindi mo nga masasabi na mas malalim ang problema mo kesa sa iba. kasi darating at darating ka sa punto na marerealize mo na putek para mong sinabing ingrown lang ang problema mo kumpara sa amputation ng iba. there's always someone else out there na masasabi mong di mo kakayanin i-fit yung shoes nila, that is kung meron silang shoes in the first place.

you get my drift. sabi ni einstein everything is relative. kung sa akin e feeling ko pasan ko na ang mundo, malamang sa malamang para sa iba e mundo ng langgam lang ang pasan ko. pero ako ang nakakaexperience ng pag-pasan na yun e, at ang pakiramdam ko e pasan ko ang mundo ng dinosaurs. mababaw man para sa iba, malamang sa taong nagdadala e kasing lalim na yun ng pacific ocean and atlantic sea combined.

pero pero, lagi naman may brighter side ang things e. di ba nga sabi nila nasa nagdadala lang yan. di ka ba nagtataka na yung iba e kering keri lang nila yung problems nila, kahit pa ga-universe na ang pasan nila. isipin mo na lang na kung universe yung buhat mo, super cool malamang nasa outer space ka na.

ang punto ko lang naman, lahat ng tao may problems. and no man is an island. andito tayo para sa isa't isa. plus the fact na pwede tayong mag-inuman, yey!

pero seriously, joke lang di ko kayang magserious. so slightly seriously, so far madami pa tayong tao sa mundo. and andito tayo para magdamayan di ba? I mean di pa naman umabot sa point na silya o kaya lamesa na ang kadamay mo.

sabi nga ng meralco di ba, may liwanag ang buhay. bukas makalawa, sa isang araw, sa akinse, sa katapusan, sa isang buwan, sa isang taon or kahit kelan pa, pasasaan pa at masosolve din ang problemang yan. shempre may darating pa din na bagong problem, pero the heck, bring it! kayang kaya sus. yun lang pala e.

ngiti ngiti ngiti. kahit magmukhang autistic ka pa.

and don't worry, malamig pa yung tubig sa baso. ^______^


marcha marcha

This is It
by Pauee

mahigit limang taon din nagtiis
dumanak ang dugo at tumagas ang pawis
ilang buwang di natulog at ilang araw umiyak
pinagod ang katawan, puso at utak

oo, eto na, eto na sa wakas
it's over na, matatapos na ang palabas
panahon na nga para umakyat sa entablado
its the ultimate time para ngumiti ng todong todo

kahit nobyembre pa lang tapos na ang lahat
kelangan pa ding tuldukan ang ugat
kelangan magmarcha at magsuot ng sablay
para magpapicture na din with tatay at nanay

magmamarcha na ako, oo totoo ito
kahit pa halos 5 buwan na nagtatrabaho
babalik ako sa eskwalahan para ayusin
mga papeles sa pagmarcha talagang tatapusin

tanung ng iba excited ka pa ba?
sa tagal nang tapos, baka wala ng kwenta
sa isip isip ko oo excited pa ako
kahit papano'y, pangarap tong totoo

naku kailangan ko pa pala ng damit
upang tamang ayos ay aking makamit
shempre kelangan sa picture ako'y maganda
para naman maayos din ang sa aking alaala

oh yes eto na, talagang this is it
end of the road akin ng makakamit
masasabi ko na talagang ako'y isang graduate
exciting talaga, this is so great.

congrats fellow graduates :D