what. the. duck.

blogging is a motherducking waste of time.

pakikilakbay ng alamat

ako si pauee at wala na akong magagawa dun. ako ang spoiled brat sa mundo ng blogesperyo. walang kapararakan lahat ng pinagsasabi ko pero pipilitin kitang magbasa. isa akong living irony. pauee by day and pauee by night dahil hindi naman ako nagpapalit ng pangalan.

masakit sa bangs

ano ang mga sintomas ng masakit na bangs? unang una, dapat mahapdi ito at hindi mo mahawak-hawakan. pangalawa dapat ito'y namumula. pangatlo, namamaga at mukhang matamlay. so sa iyong pagsisiyasat, masakit ba ang bangs mo?

Parang may mali

I think there is something wrong with the flu shot I took last June.

Oo. Hindi ako nagkatrangkaso. Hindi tumaas ang temperature ko more than 37 degrees. Kahit anong thermometer pa ang gamitin ko sa kilikili man o sa kung sang part pwede isuksok yan wala di talaga. Wala akong lagnat or sinat or binat or kung anumat. (pun intended)

Pero takteng yan, kasama ng pakiramdam ko no! Mahapdi ang feeling kapag hinahawakan ako ng kung sino (kahit yung di malaswang way. uuuy utak!) Nung naliligo ako ang sakit ng dampi nung tubig sa balat ko. At ayoko ng hanging galing sa iliktrikpan. It harts!

Malakas ang katawan ko at pwede ako makipagkulitan. Pero ang init ng pakiramdam ko sa loob. Kapag napahiga ako ramdam na ramdam ko ang sama ng pakiramdam. Pero wala e, wala akong lagnat.

Parang mas gusto ko pang may trangkaso na lang ako kesa ganito no. Internal sickness. Ni hindi ka papakitaan ng pag-aaruga kasi wala ka naman sakit (but since over OA akong tao, shempre umubra pa din ang drama ko para alagaan ako hihi). Mas okay pa yung trangkaso at least alam kong may virus ako kung bakit nagkakaganito. Takte this is madness!

Uminom na lang ako sa biogesic. Kahit walang laman ang tiyan safe yun. So pano? Ingat! (ala Sir Armando)

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Speaking of sakit, masakit man sa loob ko pero minsan may mga bagay kang kelangan tanggihan.

Minsan iniisip ko kung mali nga ba yung ginawa ko. Yung sumubok ako. Pero sa simula pa lang alam ko naman na di ko tatanggapin. Meron na akong mga plano simula pa lang pero sinubukan ko pa rin. Para lang din makita kung ano nga bang maibibigay nila. At kung kaya ko ba ang mga hamon na ibibigay nila sakin. Feeling participantes kumbaga.

Sa totoo lang mahirap talaga ang mga challenges nila. Malakas lang talaga ang apog ko at confident. La rasa Valiente!

Pero di ko naman akalain ganun pala kahirap tumanggi kapag nagbigay na sila sakin. Akala ko sapat na ang isang liham ng pagtanggi pero hinabol habol pa ako ng mga tawag at text. Ang hirap naman sabihin sa mga mukha nila na di na talaga ako matitibag sa desisyon ko kasi shempre di ba may respeto din naman ako sa kanila.

Nanghihinayang na ako kung sa nanghihinayang dahil maganda naman talaga ang maaari nilang ibigay sakin at sigurado. Pero kung di ako magririsk ngayon, kelan ko pa yun gagawin? Kapag wala na talaga akong pag-asa?

Saka sana maintindihan nila na hindi lang naman pera ang nagdedesisyon sa buhay. Andiyan din ang tinatawag na cheque, este Pag-ibig. Naks. haha shet.

Pag nalaman kaya nilang sinusulat ko to sa Multiply (at blogger photocopy) magagalit sila sakin lalo? Hahaha. Ooops.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Huling linggo.

Pwedeng huling linggo ko na to na manirahan dito sa bansang sinilangan. Pero shempre di pa din natin alam kung babalik ako o hindi. Sabi nga ng kanta..

Kay tagal mo mang mawala, babalik ka rin..
Babalik..
At babalik ka riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiin..

Alam mo yung nakakainis? Faulty yung timbangan ko. Di ko tuloy alam kung mageexceed na ako sa limit. Or kung pumayat ba ako talaga or pinapaasa lang ako ng weighing scale.

Ang hirap magempakshet, di ko malamang kung ano ba yung mga dadalhin ko sa hindi. At dahil nga sa limit, sad to say di ko pwedeng i-detach ang aparador ko, lagyan ng gulong at dalhin sa eroplano.

Dapat kasi winiweigh yung passengers. Tapos kung di mo nameet yung limit ng person weight, pwede mo idagdag sa bagahe mo. So sorry yung mga obese, excess baggage sila lagi. (No offense sa mga manas diyan hahaha)

Ang mahal pala maospital sa chorva. So dapat dito pa lang magaling na ako. Damn you sickness get away from me!

Mwah! Mamimiss ko kayong lahat. Shempre online pa din ako lagi. hehehe ^_____^


Comatose

Minsan gumagawa ka ng plano. Sa isip mo maganda pakinggan lalo na kung na-achieve mo na ang plan na ito. Pwedeng parte ng planong ito ang isang hindi masayang pangyayari. Kumbaga sakripisyo. Mas mapapabuti kung magaganap ang hindi magandang pangyayari iyon para maachieve ang end goal. Pero okay lang, kasi alam mo naman after ng lahat ng sakripisyo, pasasaan pa at darating ka din sa dulo ng plano mo.

Pero kumbaga sa ampalaya, ramdam na ramdam mo pa din ang pait higit sa sustansyang dala ng bwakanang inang gulay na yon. Kahit pa alam mong pwede siyang maging lunas ng sakit mong diabetes (read: dyabetes), sa bawat kagat nalalasap mo ang sumusuot sa dilang kapaitan ng gulay. Mahirap kainin pero kailangan. Mapait.

Pag sa iba nangyayari ang daling magbigay ng advice.

Naalaala ko ang isang trongoloid kong kaibigan na nagpunta ang muntik niya na maging gelpren sa davao. Sa bawat sambit niya ng mga salitang:

"Me sad."

Sabay ang pagtulo ng luha at pasulpot sulpot na pagsuka dala ng taksil na mga alak. Sabay hagod sa likod niya at sinasabi kong okay lang yun at sundan na lang niya. Tutal nasa Pilipinas lang din naman at madaling macontact.

Wow so galing naman me magadvise.

Pakeng shet ang hirap pala.

2 months maikli lang yun sasabihin ng mga tao. Pero sa unang mga oras pa lang gusto ko na maging beat at maghibernate. Sad lang malamang bawal ang bear sa eroplano.

Over OA talaga ang reaction ko. Ayokong isipin pero sumusuot sa kokote kong mumunti.

Buti pa laptop ko kayang maghibernate.

Mas malapit pa ang Singapore kaysa Davao.

Sarap ngumata ng sandamakmak na Ampalaya.


Hmm, ngayon lang ako hihiling Sayo ng matindi tindi. Please please alagaan Niyo siya.


Short Iskit: Emancipation of Maui

Sa Starbucks..

Ako: Isang tall, light Mocha Frappe with mint, no whipped cream.

Barista: Ano pong name niyo?

Ako: Pauee

Barista: Maui?

Ako: Hehe. Pauee with the P.

(naisip kong baka mali ang spelling pero sige okay na din.)

Barista: Ahhh, Paui.

Pagdating ng kape ko, ang nakasulat na name "Maui."

>_<

lights.. camera.. eksyon

argh kailangan pigain ang utak! kailangan pigain. kailangang magkaroon ng bagong entry. *piga*

Tuuuuuunay nga naman na ako'y isang masugid na tagasubaybay ng morning rush with chico and delamar, monster radio rx 93.1, proud member of the kbp. at dahil diyan ipaplug ko ang blog ni chico ang chicogarciadotwordpressdotcom.

Sa aking pakikinig ay isang topic ang tunay na pumukaw sa aking pansin. noong bata pa kasi ako ay nangangarap akong maging isang direktor at scriptwriter. habang nanonood ako ng mga pelikula ay nakakaisip ako ng alternative na mga pangyayari or mga ending na mas mapapaganda pa sana ang daloy ng istorya. di ko alam kung sadyang epal lang ang utak ko, pero madalas mangyari yan sa aking panonood mapa-hollywood man or local.

Kaya nga ba ang kursong kinuha ko sa kolehiyo ay engineering. dahil sa alam kong wala akong sapat na pera para maging direktor o sapat na kakayahan para maging scriptwriter. pero habang nasa kolehiyo naman ako ay pinipilit kong magdirek at magsulat ng mga skit at play na ginagawa ng aming organisasyon. maipilit lang ba ang pangarap ko kumbaga.

Pero pagkagraduate ko sabi ko tutuparin ko na ang pangarap ko. wala nang makakapigil sakin. kaya ngayon ay nasa IT company ako bilang isang software developer. syempre wala pa ring connect. pero at least may chance akong yumaman. yun naman talaga ang pangarap ko. sino bang hindi?

Mabalik ako sa topic na nagustuhan ko bago pa ako maiyak sa pag-iisip tungkol sa aking mga pangarap. ang topic na pumukaw ng lubusan sa aking pansin ay ang top 10 sexy titles for a sexy film.

Eto ang mangilang-ngilang entries na nagstick sa aking utak at ang mga naisip kong plot para sa mga ito:

Luha, sa Dulo ng Batuta


Setting: isang baranggay na may police station.
Suggested actors: Yul Servo, LA Lopez.
Theme Song: Yakap (by LA Lopez)

Isang kilalang binata si Rolito (to be played by LA Lopez) sa kanilang baranggay. Higit sa isa siyang napakatalinong bata sa kanilang baranggay, napakabait pa at matipuno kaya nga naman gusto siya ng halos lahat ng kababaihan sa kanilang lugar. Pero meron siyang isang madilim na sikreto.

Hindi pa nagkakagirlfriend si Rolito kailanman kahit na napakaraming babaeng naghahabol sa kanya. Sa araw araw ay nagmamasid si Rolito sa police station sa tapat ng kanilang bahay. Inaantay niya ang paglabas ng pulis na si Junatan. Hindi kailanman malilimutan ni Rolito ang gabing kasama niya si Junatan sa isang madilim na lugar. Sinamahan ni Junatan si Rolito sa kanyang pag-iyak. Dito na pinakita ni Junatan kay Rolito ang kanyang batuta.

Ano ang kahahatungan ng pagtitinginang ito? Matatanggap kaya ng baranggay ang tunay na pagkatao ni Rolito? Gaano kahaba ang batuta ni Junatan?


Mahjong: Magsalatan tayo sa Magdamag

Setting: Isang pasugalan
Suggested Actors: Snooky Serna, Chuck Perez
Theme Song: Tagalog version ng Low ni Flo Rida

Dahil salat sa buhay at sawa na sa kahirapan si Lorinda (Snooky), kailangan niyang gamitin ang kanyang naipon upang magtayo ng isang pasugalan. Kahit pa ilegal ay ito na lamang ang naiisip niyang paraan para makaahon sa kahirapan.

Napansin ni Lorinda na madalas sa kanyang pasugalan si Pepe (Chuck). Di din alintana na parang napakaswerte ng taong ito. Kaya nga naman minabutin niyang kilalanin si Pepe. Nalaman niyang ang paboritong sugal ni Pepe ay mahjong. Napakagaling nitong sumalat. At dito na sila nagsimulang magkamabutihan.

Makakaahon nga ba sa kahirapan si Lorinda? Malalamang ba ng gobyerno ang ilegal na pasugalan? Kaya bang salatin ni Pepe ang flores ni Lorinda? O mas kayang salatin ni Lorinda ang stick?

Ang Kikiluhin mo, Titimbangin ko

Setting: Palengke
Suggested Actors: Anna Larucea, Chuby del Rosario
Theme Song: Otso otso

Si Cristy(Anna) ay isang tindera sa palengke. Sa patuloy na pagtaas ng presyo ng kanyang paninda, madalas ang pagrereklamo ng mga mamimili. Madalas siyang sigawan at mura-murahin ng mga ito. At tanging naisip ni Cristy na paghihiganti ay ang pandadaya sa kanyang timbangan. Laging kulang ang timbang ng kanyang binibigay sa kanyang mga customer.

Nakarating sa mga inspektor ang bagay na ito. Kaya nga naman ang chief inspector na si Brando (Chuby) ay nagsadya para timbangin ang lahat ng kinikilo ni Cristy. Ngunit pagdating ni Brando sa palengke ay nabighani siya sa ganda ni Cristy. Dito na nagsimula ang kanilang pagtitinginan.

Mahuli kaya ni Brando ang ginagawang pandaraya ni Cristy? Mangyari kaya na ang kikiluhin ni Cristy ay sakto lang sa titimbangin ni Brando?

Paltos na nang Matapos

Setting: Department Store
Suggested Actors: Sheila Ysrael, Mon Confiado
Theme Song: Annie Batungbakal

Si Diana(Sheila) ay isang saleslady sa isang kilalang Department Store. Umaga man o gabi ay nakatayo siya sa kanyang trabaho. Madalas siyang magdouble shift para matustusan ang mga gastusin sa bahay. At dahil may dress code sa department store, madalas sumakit ang paa ni Diana sa suot niyang high-heeled shoes.

Si Ramon (Mon) ay isang mayamang bumibili ng sapatos sa pinagtatrabahuhan ni Diana para lamang makita siya. Namamasid ni Ramon ang paghihirap ni Diana sa kanyang trabaho, kaya sinabi niya sa kanyang sarili, gagawan niya ng paraan para maiahon si Diana sa kahirapang ito.

Maaagapan kaya ni Ramon ang paglala ng paltos ni Diana? Papayag kaya si Diana sa mga balak ni Ramon?

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ikaw, may maisusuggest ka bang Pelikula?

Pahabol:

Q. Whats the difference of "Oooooooh" from "Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah"?
A. Three inches.


ang mga iboboto ko sa Project Lafftrip Laffapalooza

Matagal tagal din akong na-wala sa mundo ng blogsphere, aba at pagdating ko, ano tong kaguluhang ito na tinatawag na Project Lafftrip Laffapalooza, na matatagpuan mo sa http://kwentongbarbero.com ?


Aba at hindi ako pwedeng magpahuli sa botohang ito. Bilang aktibong blogera DATI, marami-rami din akong nabisitang blog na maituturing kong nagpapaligaya sa akin lalo pa sa panahon na ang laptop ko lang ang kaibigan ko. Eto ang mga laman ng aking balota:

Rank 1: Ang kaibigan kong si Mariano (Loser's Realm: [hachipatuchi.blogspot.com])

Hindi matatawaran itong karakter na ito. Mula sa pag-guhit ng mensahe sa tiyan niya sa pamamagitan ng kutsilyo o blade sa panahon ng kalasingan (at nawitness ko talaga itong pangyayaring ito) hanggang sa kung anu-anong ka-ewanang kanyang ginagawa sa kanyang loser na buhay. Kapag wala akong magawa (at kahit na madalang pa na mangyari iyon) talagang ginagawa kong bisitahin ang blog na ito para makapagdulot ng ngiti sa aking mga labi. Talaga namang masasabi kong ito ang pinakapanalong Loser's blog sa buhay ko.

Rank 2: Ang kasosyalan ni Inday [blogniinday.com]

Talo pa ako ni Inday sa ka-taasan ng kanyang sosyal status! Talagang laftrip ito.

Rank 3: Kaberdehan [greenpinoy.com]

Maituturing kong kasiyahan sa mundo ng blogesperyo. Enjoy talaga.

---------------

Kung nalulungkot kayo ng lubusan, subukan niyong bisitahin ang blogs na nabanggit ko at talaga namang, kung hindi kayo mabubwiset e matatanggal ang lumbay niyo. ^___^

diabetic



nope. wala akong sakit.

ang punto ng blog entry na ito ay ang konsepto ng katamisan.

sabi ng mga kaibigan ko at mahal sa buhay, ako daw ay lubos na matamis, in english, sweet. ito ay sa kadahilanang nagtetake ako ng extra effort into making people i love happy. kumbaga mahilig ako mag-epal at magmadrama para lang maipakita sa mga taong mahal ko na they are well appreciated.

for example, mahilig ako mag-organize ng surprise birthday parties kuno para sa mga kaibigan ko. sabi nga ng mga officemates ko adik ako dito. masaya naman kasi e, at konting effort lang mapapasaya na yung taong may birthday. maglealeave na ng indelible mark sa puso ng tao ang kakaunting effort na yun na kayang kaya ko naman ibigay.

mahilig din akong magorganize ng mga get together, etc. ang sakin lang, kung hindi ko yun gagawin, hindi yun mangyayari. magtake na ako ng initiative para naman sa ikakasaya naming lahat. para sa akin napakaliit na sakripisyo ng konting effort na yun kapalit ng sayang madudulot ng get together. hindi na dapat iniinda yung disappointments sa mga lakad na hindi natuloy, or sa mga taong hindi nagpupunta.

madalas din akong tinatanungan ng mga kaibigan kong lalaki kung anong tactics ang maari nilang gawin sa gelpren nila. minsan based from experience ang shineshare ko, pero kadalasan imbento ko lang din. ang kabayaran lang dito is makita yung satisfaction and happiness sa mukha nung inadvisan ko kapag kinukwento na nila how everything turned out.

magbigay ka ng tamis sa mundo at ito rin ang madalas niyang ibabalik sayo. oh yeah positive thinking.

ano nga ba ang katamisang binalik sa akin ng mundo sa ngayon? higit sa appreciation ng mga taong napapasaya, maswerte din ako at may nagsusukli dinn sa akin ng lubos na katamisan. hindi ko nga malaman kung ano na ba ang pinakasweet na ginawa sakin ng taong ito.

ito ba yung pagtawag niya sakin sa office landline in the middle of the day para lang kamustahin ako? yun bang ipepersonal message ako ng receptionist dahil may ifoforward na tawag for me sa teleponong malapit sa aking workstation?

ito ba yung pagdalaw niya sakin nung panahong SL ako, na may dalang mga prutas kong paborito? may kasama pa itong konting pagsisinungaling sa kung anong ginagawa niya sa mga oras na iyon, para masurprise ako at bigla na lang siyang andiyan?

pwede din bang ito yung habang nag-uusap kami kasama ng mga kaibigan ko e kumuha siya ng ballpen, isinulat sa kamay niya ang "1 mo"? nagulat na lang ako kasi alas dose na pala at ito pala ang unang monthsary namin?

o ito ba yung nagalit ako sa sinabi niya pero kailangan niya na umuwi, kinabukasan nagising ako sa tunog ng gitara sa bintana ng kwarto ko, bigla akong ginising dahil andiyan siya sa labas ng bahay, kinakanta ang theme song ng lumang palabas na pinanonood at iniyakan namin the day before, may dalang paborito kong pagkain, umiiyak at bakas sa mata ang paghingi ng sorry? at matapos mo siyang yakapin may binigay pang card expressing how much he loves you and how he is sorry?

ito ba yung kapag nakaka-alala ka ng masamang pangyayari sasabihin niya sayo na wag kang mag-alala dahil tatabunan niyo ang bawat isang malungkot na ala-ala ng isang milyong masayang memories?

ito ba yung matapos ang isang buong araw na may suot kang high heels, pahihigain ka at mamasahiin ang paa mo nang hindi mo hinihingi?

walang katapusan, napapagod na ako sa pagenumerate. ang alam ko lang sa panahon ngayon wag na wag akong kukurutin at baka magising ako.

sabi nga ng paborito kong DJ's: even if sometimes it doesn't seem so, the world is beautiful.

saka masarap din yung hershey's kisses with hazel nuts. ^___^

rationalization

kaya daw nilagay yung utak ng tao above the heart ay para mapagisipan muna ng tao yung actions niya bago pa man niya paandarin o pairalin yung emotions niya.

ang human beings daw ay rational beings. kumbaga we are born thinkers. kaya nga ba sobrang big deal na lahat ng actions mo pagisipan mo muna. para di ka masabihan ng "hindi gumagamit ng utak" or "hindi pinaiiral ang kokote" (kahit pa hindi ko talaga alam kung anong ibig sabihin ng salitang "kokote" e inaassociate ko na lang siya sa salitang "utak" hehe)


nevertheless, madami pa din tao ang umaaction ng hindi pinagiisipan. impulsiveness ika nga. kumbaga spur of the moment na lang, o kaya to the limits come what may. kung anong maisipang gawin yun na lang yung gagawin.


may mga times na nakakatulong din tong ganito. yung hindi mo masyadong pinagiisipan yung actions mo. o kaya yung plano mo. lalabas din na natural kasi hindi scripted yung galaw mo. more than that nalelessen yung expectations leading to less disappointments. kapag natural din, mawawala yung pagkaranoid mo about things not turning out exactly as planned. and in the long run, wala mashadong pagsisisi.


pero kung you think about it deeply. sisisihin mo din sarili mo sa ganitong sitwasyon. sasabihin mo you shouldve planned it then maybe hindi pumalpak ang lahat. kahit naman kasi anong sitwasyon sisisihin at sisisihin mo pa din sarili mo. its all part of being human daw.


di ko alam kung parte din ba ng pagiging tao mo yung super dali mapersuade. kumbaga andali magbago ng mga desisyon, plano and outlook mo sa buhay. naisip ko kasi na hindi yun parte ng pagiging tao kundi part ng pagiging weak ko. kung magbago kasi ako ng decisions daig ko pa si darna with matching umuusok na costume change. panis din sakin si superman na kelangan pa ng phone booth para magpalit ng tights niya.


hindi ko alam kung maaaccount ko yun sa hindi pag-iisip about things, or im just downright impulsive. madalas kasi akong may plano na throughout the course of the day. pero aminado akong everything is subject to change. kumbaga depende pa yun sa kung anong environment meron ako.


may isang libro akong nabasa na choose your own adventure. yun bang ikaw pipili kung anong gagawin mo next tapos turn to page ganto. madalas i turned up dead sa mga napipili kong adventure. parang dito din sa game na to na choose your own adventure din e madalas i end up being eaten alive by the manticore. (haha kung alam mo yung game parang gago lang yung comment kong to.)


so i suck at making impulsive choices. ang madalas lang naman kasi, dun ako kung san ako masaya. and then after that no regrets whatsoever. hindi ko alam kung ayos bang pagrarationalize yun. pero masasabi ko talagang pag gumawa ako ng desisyon hindi ko yun pagsisisihan. wala kasing point e. di mo naman na maibabalik ang panahon.


stick to your choice and make most out of it.


hehe sabi ng isang tao dito sa paligid na nakikibasa sa likod ko, it seems like i am trying to convince myself. pwedeng ganun nga. hehehe.


pero basta, life is too short to be spent wallowing on mistakes done. dito nga naimbento yung katagang "move on!"