what. the. duck.

blogging is a motherducking waste of time.

pakikilakbay ng alamat

ako si pauee at wala na akong magagawa dun. ako ang spoiled brat sa mundo ng blogesperyo. walang kapararakan lahat ng pinagsasabi ko pero pipilitin kitang magbasa. isa akong living irony. pauee by day and pauee by night dahil hindi naman ako nagpapalit ng pangalan.

masakit sa bangs

ano ang mga sintomas ng masakit na bangs? unang una, dapat mahapdi ito at hindi mo mahawak-hawakan. pangalawa dapat ito'y namumula. pangatlo, namamaga at mukhang matamlay. so sa iyong pagsisiyasat, masakit ba ang bangs mo?

Bakit lagi akong nasa wrong side ng van?

Kung saan ako uupo, dun sisikat ang matindi-tinding araw. At kung iiwas man ako, liliko ang nakaririmarim na van para mapunta na ulit sa pwesto ko ang sikat ng araw.

Malas ba ako o talagang napaglalaruan lang ako ng pagkakataon?

Malamang di lang kasi ako nagtatanda. Haha

Loser

Ang loser ko. Literal na loser. As in nakawala. Nawalan ako ng pera. Tsk tsk. E kasi di ko naman sadya. huhuhu di na ako love ng atm machine.

Kelangan ko kasing magwithdraw ng pera, e naisip ko withdraw na ako ng malaki-laki para di na paulit ulit magwithdraw. E di yun na antay antay, lumabas na card ko, waiting for cash. And poof "Machine Unavailable."

Naghysterical ako. Joke lang. Lumipat ako ng machine. Buti na lang nagkahunch ako so balance inquiry muna. Ayun nawala ang malaki-laking amount na supposedly nakuha ko kanina.

Naghysterical ako. Joke lang ulit. Kinausap ko yung guard. Yung guard yung naghysterical. Haha bakit nga ba sha nagkaganoon. Ewan.

Naglog sa logbook. Tapos nagpunta kami sa bangko. Nagfile ng report. Ayun 5 banking days daw kasi icocontact pa nila ang bangko ko. How sad is that.

Di naman ako loser. Temporarily loser lang. 5 working days loser. Haha kinalahati ko pa naman yung bank savings ko. No fun in that. So sabi ni bank manager e sa iBank na lang daw ako magwithdraw kung magwiwithdraw ako ulit. For the meantime. Naisip ko for the forevertime ko na yun gagawin.

Wag tularan ang LOSER na tulad ko.

prabins thing

Sa mga hindi nakakaalam, oo sa prabins ako nakatira. kumbaga e araw araw ako lumuluwas ng maynila para magtrabaho, pagkatapos ay uuwi ako ulit sa probinsya.

kaya nga naman problema namin laging magkakaibigan kung san o pano ako uuwi sa tuwing gigimik kami. lagi tuloy akong "iskwater" sa kung saan saang kabahayan.

"O hi tita! Okay naman po ako sa trabaho, haha ganun pa din po. Opo okay po salamat po. Hehe okay na po ako dito. Thanks po."

Lagi ko yang linya sa mga tito't tita ko kung tawaging mga magulang ng mga kaibigan ko. Mahirap maging skwater, madalas kailangan mong maging magaling umarte lalo na sa panahong nagsinungaling ang kaibigan mo. o kaya naman ay kailangang magkunwaring okay ako at normal kahit sa totoo lang e umangat na sa esophagus ko yung tatlong grandeng ininom ko ng straight.

Naging mainstay na din ako sa apartment nang isa kong kaibigan. kumbaga e given na na kapag may gimik e dun ako uuwi. Kama ko ang sofabed, at kwarto ko ang sala.

Lagi tuloy akong kelangang isipin kapag nagpaplano ng gimik. Kelangan overnayt sha kundi nako di ako pwede. O kaya naman e magdamag dapat tayong tatambay dun. nakakahiya naman kasi kung magiiskwater nanaman ako. ngayon pa naman madalas kasama ko sa gimik panay lalaki.

"Ma, si Pauee po, friend ko. Dito po muna sha matulog. Wala na po kasi shang masasakyan pauwi."

Ilang beses ko na narinig yan sa mga kaibigan ko. Pano naman hindi magiisip ng masama ang mga magulang ng mga kaibigan kong lalaki kung linggo linggo na lang e sinasabi nila yan sa parents nila. Damn those malicious minds! Haha.

Lugi nga ako kung magdadala ako ng sasakyan sa tuwing papasok ako o gigimik. Isipin mo ang gasolina, ang toll gate, at kung mamalas malasin pa ako, ang lagay pa sa mga gahamang pulis, luging lugi talaga ako.

At kung sa pamasahe naman, nakow mahina ang 200 pesos saking pamasahe sa isang araw. Kaya nga halos 1/4 ng sweldo ko ay napupunta lang sa pamasahe. Nakatabi na yun e, yung perang napupunta sa drivers ng jeeps, mrt tickets at colorum na vans na parang lumilipad lang kapag dumadating na ang sweldo ko. Nagbabayad ako ng pamasahe para makapagtrabaho, para may ipang bayad ako ng pamasahe. You see the irony in this? Putek yan.

Pero sige di na ako magrereklamo sa layo ng inuuwian ko sa araw araw. Given na yun e. Mas malayo pa nga ang kaleyj ko. (swerte ko lang at dormer ako nun).

Ang pinakamalaking problema ko sa ngayon ay ang bwiset na bwiset na late na pagdating ng bills.

Shempre kelangan kong makishare sa gastusin sa bahay. Dakila ako e, kalahati ng sweldo ko binibigay ko sa nanay ko (oo martyr ako. dapat nga barilin ako sa dapitan. o sige na mali nanaman history ko putek yan. at oo 1/4 na lang ang natitira na panggimik ko. tsk tsk)

Kelan lang e dumating ang bills ng smart bro-ken. Tatlong buwan. Sabay sabay.

Kasama ang disconnection notice.

Yep. Bye-bye internet for now. T_T

So... anyone out there na gustong bilhin tong xbox ko?

It is a lot of faaaaaahnnn

Matagal tagal din akong nawala dito sa mundo ng blogerya. Mahirap kasi talaga kapag tamad. Sa lahat ng sakit yun na din siguro yung hindi na kailanman madidiscover ang lunas. Kahit yung mga matatalinong scientists, mathematicians, doctors, psychologists, promil children at si saver the wonder dog ay magjoin forces para lang pag-aralan at hanapin ang lunas ng sakit na to, sa tingin ko di pa din nila mahahanap yun. Aabutin na lang sila ng katamaran. Which is kinda ironic no?

Ang saya sana nun. Kapag tinatamad ako, iinom lang ako ng tableta at sisipagin na. Yung mga estudyanteng kelangan mag-aral at tinatamad, itatago na lang ng parents yung tablets sa saging o kaya naman ay dudurugin at ihahalo sa juice ng mga anak nila yung tablet na yun para sa sure na pagpasa sa exam. Yung mga taong nadedemonyo ng mga kaibigan nila na huwag na lang pumasok, magmamadali lang inumin ang tableta at makakatanggi na sa mga masasamang impluwensya at papasok na lang sa trabaho. Talaga nga namang kahit sinong tao ay uunlad at madadamay na din ang bansa nila dahil lang sa wonder tablet na ito. At yayaman at talagang sisikat ang makakaimbento ng gamot na yan. Malamang kasi kung bumili ang mga tao niyan ay banig banig at talagang mag-iistak na sila for the future since hindi mo alam kung kelan ka talaga aatakihin ng katamaran.

O sige para sa mga mapanuring mga mata diyan, oo nasa tao lang talaga ang lunas sa katamaran. E kaso nga, mashado akong tinatamad para subukang labanan yung katamaran ko. Pano na yan its like a vicious cycle.

At dahil sa panahon ngayon ay hindi pa naiimbento yang gamot na yan, may mga ilan ilang pagsubok ang mga tao para tulungan ang ibang tao na lunasan ang napakatinding sakit na ito.

1. Self- help books.

Ito yung mga librong tuturuan ka pano labanan yung katamaran mo. Madami niyan sa nasyunal or kaya naman ay sa gudwil. Pero madalas mo ito talagang makikita sa mga buk sale. Kasi binebenta na lang talaga to ng mga tao dahil wala naman gamit.

Kasi naman, kahit anong self help book pa ang iregalo sakin na panlaban sa katamaran, katatamaran ko lang din na basahin yun. Maiistak lang din yun dito sa ilalim ng kama ko. Siguro ay makakapagtanim na ako ng kamote sa kapal ng alikabok na mamumuo sa mga librong yun bago ko pa maisipang basahin. Kaso lang pag nakita kong makapal na ang alikabok e tatamarin na akong linisin. Hindi ko na babasahin all together. Sad no?

Madalas lang din kasi, itong mga self-help books na to ay nangungunsensya lang. "Kapag di ka nagsipag, hindi ka magkakaroon ng kinabukasan." "Tamarin ka ngayon, tamad din ang lahat ng tao sa paligid mo." Hindi nila alam na ang mga taong tamad ay tinatamad na din makunsensya. Kaya nga hindi kami gumagamit ng safeguard.

Ang rating ko sa self-help books as a cure to katamaran: negative 8 stars. Dagdag lang yan sa source of katamaran. Not helping at all.

2. Energy drinks.

Eto yung mga the likes of extra joss, red bull at lipovitan. Pwede mo na din isama dito ang kape at kung anu ano pang inuming nakakagising kuno. At kung sosyal ka e number one na siguro sa listahan mo ang istarbaks.

Dati sinubukan kong uminom ng extra joss. Aba, hindi nga ako inantok. Dilat lang ako magdamag. Dilat na tulala. Di ako makagalaw, ang sakit ng katawan ko. Tinamad na akong subukan pang mag-aral. Baka kasi lalo lang akong masaktan. Nakakatamad pa naman indahin yung sakit.

Hindi ko rin kayang inumin yung red bull o kaya lipovitan. E kasi naman ang baho baho nila. O sige, kaya ko silang inumin tatakpan ko lang ilong ko. Pero all n ight long ay maaamoy ko pa din yun galing sa hininga ko. Magiging masyado akong conscious. Mauubos ang energy ko sa pagtutbras at tatamarin na din akong gawin ang kelangan kong gawin. Energy drink nga sha. Magkakaroon ka ng energy para maging conscious sa hininga mo.

At nakakatamad gumastos. Sayang kasi pera kung magistarbaks ka pa para labanan ang katamaran. Yag istarbaks e para tustusan ang katamaran ko. Pag tinatamad akong gumawa ng anything worthy, yayayain ko friends ko para tumambay diyan sa istarbaks. At ito ang mga friends kong tinatamad ding magsasayaw at magvideoke at manuod ng sine at kung ano ano pang pwedeng ibang gawin. Kaya nga naman tatambay na lang at gagastos, este magkakape.

At oo, tiring din na magkanaw pa ng kape. Kahit pa neskape 3-in-1 pa yan na ihahalo mo na lang sa mainit na tubig. Sakin kasi ay medyo baliktad din ang epekto ng kape. Oo magiging dilat ako sa loob ng isang oras, pero tatamarin din ako bigla bigla at gugustihin matulog di kalaunan.

Ang rating ko sa energy drinks? Negative 2 stars for gastos. Hindi naman nakakatulong. Nakakacontribute pa sa katamaran.

3. Other People.

Have other people help you. Maging mga friends mo man or loved one or family or... ahh, yun lang.

Kaso, contagious ang katamaran pramis. Maging ang boyfriend ko ay madalas dinadamayan lang ako sa aking slum trip. Minsan tinatamad kaming magdate. Kaya sa bahay na lang nakasalampak sa sofa at manunuod na lang ng dvd. Minsan nga ay tinatamad na kaming manuod ng dvd kaya TV na lang. Yan ay kung andiyan lang yung remote sa tabi-tabi.

At sabi nga nila birds of the same feather flocks together. Kaya nga naman friends ko ay mga tamad din, tulad nila mariano at docmnel . oh yeah tamad people stick together. We do nothing together. Doing nothing is a lot of faaaahhn you know.

Wala. Wala na talagang lunas ang katamaran. Idol ko nga si Juan Tamad e. At least sa story niya e nagawan ng paraan ang katamaran niya. Tama ba? Tinatamad na akong alamin pa kung tama yun e.

Kaya pasensya na sa nag-aabang at nagbabasa sa blog na to at nag-aantay ng bagong entry. Ginagawa ko naman ang best ko. Kanina tinignan ko yung self help books. Sinulyapan ko din yung kape sa kusina. At tinry kong makipag-chat sa fellow bloggers para sipagin, kaso wala e, walang pag-asa. Di ko malunasan ang sakit kong ito.

Nawa'y masundan ko pa ang entry na to.

bayan + kabataan = pag-asa

Nung maliit pa lang ako (teka hanggang ngayon naman a), feel na feel ko yang kasabihang yan. Kumbaga feel na feel ko na mag-aaral ako ng mabuti as in super duper to the max at tutulong ako sa pag-papaangat ng bayan natin. Dumaan ang elementary medyo nabawasan yang ideals na yan. Highschool medyo may konti pa namang natira.

Pag dating ng college, *poof* gone. Alam ko na at tanggap ko na sa sarili ko na di kailanman ako makakacontribute sa ikauunlad ng bansang to.

Isipin mo naman, pinag-aaral ako ng taxes, pero nuknukan ako ng tamad. Naubos na yung gana sakin non. At walang amount ng centrum complete, enervon at united american tiki-tiki ang nakatulong sakin para ganahan muling maging potential "pag-asa" ng bansang to.

So ngayon nagkasya na lang ako sa paniniwala na malay mo yung susunod na kabataan, sila na yung talagang maging pag-asa ng bayan na ito.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Kamakailan ay nakikinig ako sa diskusyon sa paglalaro ng mga pamangkin ko. Bilang isang nilalang na nabibilang sa napakalaking angkan, madami din akong pamangkin. Sapat para makapaglaro sila ng iskul-iskulan with matching blackboard.

Tapos na ata sila dun sa quiz-quizan nila. Sabi nung pamangkin kong gumaganap na titser, "Okay class, pass your papers."

Ngayon itong isa ko pang pamangkin na 5 years old, di pa ata siya tapos sa ginagawa nila, kaya naman nung inabot niya ang papel niya sinabi niya, "O ayan, isak-sak mo yan sa baga mo."

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Normal naman na tanungin mo ang isang bata kung anung gusto niyang maging sa pag-laki niya. Kaya isa siguro to sa normal na conversation namin ng mga pamangkin ko.

Maliban sa isa.

Tinanong ko ang isa kong pamangkin ko nitong adhikain na ito. Nag-lalaro siya ng mga panahong iyon at malamang e naiirita na sha sakin. Ganito lumabas ang kumberseysiyon:

Ako: Anung gusto mong maging pag-laki mo?

Pamangkin: Pulis.

Ako: Pulis? Bakit naman?

Pamangkin: Para barilin kita. Ang gulo mo kita mong naglalaro ako dito.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Nasa mall kami ng isa ko pang pamangkin at niyaya niya akong picturan ko daw sha sa kung saan saan. Nagugulat na lang ako sa mga poses niya. Eto ang isa:


Sa hindi malamang kadahilanan yan talaga ang una niyang piniling ma-pose-an. At talagang nakatingin pa sha sa beer. Ganyan na ang kabataan ngayon, alam nila kung ano ang beer at ang sarap na maidudulot nito. Oh yeah.

Pero hindi pa siya nakuntento. Eto pa ang isa niyang pose.


Masdan mabuti ang kamay niya. At ang mukha niya. Alam niya ang ginagawa niyang kalokohan. Alam na ng kabataan ngayon ang ilan sa mga issues ng sensualidad. At magaling pumili itong pamangkin ko. Yung kay Angel Locsin pa talaga.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Nang pa-uwi ako minsan, dahil sa pagod na ako, pinili namin ng ka-opisina ko na magelevator sa mrt station. Nabigla ako ng may isang bata dun pagpasok namin. Nung sumara ang elevator bigla shang nagsalita:

Kuya, Ate maawa na po kayo. Pahingi naman pong tatlong piso. Nasunugan po kasi kami. Maawa na po kayo.

Sinabi niya yan ng may ikatlong ulit. Kaya namemorya ko. Tumingin ako sa wallet, wala akong tatlong piso. Dos lang. Saka limampiso. Kaya nga naman hinulog ko na lang yung limang piso ko dun sa lalagyan niyang tila lalagyan ng cellfone (asan ang cellfone? di ko alam.). Baka kasi magalit siya pag dos lang binigay ko. Tatlong piso nga naman ang hinihingi niya.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Siguro pwede pa akong maging potential "pag-asa". Konting sikap lang siguro. At kaunting pagsasakripisyo para sa bayan. Nawalan kasi ako ng pag-asa sa mga maaaring maging pag-asa ng bayan.

Hay. Asa.



IDSA

Napakaimportante ng araw na ito. Kailangan natin magbigay pugay para sa araw na ito. Kelangang itigil natin ang lahat ng ginagawa natin sa trabaho, manatili sa bahay at taimtim na maupo.

Dahil ang araw na ito, ay walang pasok.

----------------------------------------------------------------------------------------------------

Di ko alam kung meron pa ba sa ating mga normal na tao ang nakakaalam ng kahalagahan talaga ng araw na ito. Ako, bagamat alamat ako, hindi ko talaga alam ang pangyayari sa araw na iyon. Isang taon at isang buwan pa lang ako noon (at ni-reveal ko pa talaga ang edad ko) at walang kamuwang muwang. Sabi ng ama ko, halos pinturahan na daw ng lolo ko ng dilaw ang bahay namin. Nung nagkamalay na ako, naabutan ko pa din ata yung mga residue ng yellow stickers and L-signs na nagkalat dito sa pamamahay. Ang hirap kaya tanggalin nung sticker na yun sa mirror ng kwarto ko. Bakit naman kasi sila nagdidikit ng sticker sa mirror. Walang manners!!

Aktibista daw ang tito ko kasi. Adik suporter ni Ninoy. Kaya nga ba nuon daw e laging kinakabahan si lolo dahil di nila malaman kung saan nang lupalop nagtungo ang tito ko. Asan ang tito ko ngayon? Ayun, misyonaryo. Hanlabo niya no. Syempre, may pagmamanahan ang alamat.

Buti na lang at fashionable ang color yellow.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Sa palagay ko maging yung iba sa mga nagrarally ay di alam kung anong ipinaglalaban nila. May nasaksihan akong interbyu kamakailan:

Reporter: Ano ho ang ipinaglalaban niyo dito?

Taong Nag-rarally: Hindi ho sinabi basta pinapunta na lang kame.

Syento kada tao. Pamatid gutom din yun sa mga taong sinasamantala ang kahirapan ng mga makapangyarihan para maisakatuparan ang kanilang masamang pag-nanasa sa kaban ng bayan.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Huwag kayong matakot sa alamat, hindi talaga ako ganyan mag-salita. Pero bilang gradweyt ng isang unibersidad kung saan sa araw araw na ginawa ng Diyos ay may mga taong nagrereklamo (i.e. Nag-rarally) talaga nga namang na-adapt ko na ang language na ginagamit nila. Eto example:

Nararapat lamang na bigyang tugon ng mga nasa pwesto ang hinaing ng taong bayan para sa mas makabuluhan, mas makatotohanan at mas demokratikong bansa kung saan ang mga mahihirap ay hindi lalong mag hirap at ang mayayaman ay hindi lalong magpayaman.

Hindi ko naman kinokondena yung paniniwala ng mga rallyistang ito. Ang totoo nga e marami akong pinaniniwalaan sa mga sinasabi nila. Naniniwala lang ako na lahat ng sobra, kaparehas ng kulang, ay masama.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Bakit nga ba kapag nagtitipon tipon ang maraming rallyista tinatawag nilang EDSA 1++. Bakit di nila gamitin ang iba pang kalsada, tulad ng C5, Marcos Avenue, Exchange Road at Visayas.

Halika, magtipon-tipon tayo. Isagawa natin ang Wak-wak Street Revolution!

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Kanina pa ako palipat-lipat ng channel. Wala akong mahanap na news tungkol sa rally sa EDSA. May nasagap ako kanina sa newsbreak tungkol sa 500 magsasaka na nagrally sa Baclaran. Galing daw silang Bacoor, Cavite. Nagpanic ako. Syet. San kami kukuha ng bigas niyan??

Pero 500 lang pala sila. Baka nga di pa e. Siguro mga 499 lang yun. Ni-round off na. May lima pa naman sigurong natirang mag-sasaka dito sa Bacoor. Whew, buti na lang.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Hindi kasi ako apathetic na tao e. Alamat nga e. I care. Mahilig akong magbasa ng diyaryo at manuod ng news.

Kaya naman alam kong walang nangyayari. Makapangyarihan yung unanong yun. Andami nang sumubok pero wala pa din nananaig.

Alam mo kung anong meron siya? High-end kasi siya. Yung mga taong Class A to Class C ang supporters niya. Hindi tulad nung huli ay Class D at E ang suporters. Bagama't mas madami yung nasa D at E, mas makapangyarihan naman ang nasa classes above. Kaya kahit anong gawin nung mga oposition ay di nila mabuwag yung munting pader na yun.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Anu bang posisyon ng alamat? Sa ngayon hindi ko talaga alam. Dahil galing ako sa unibersidad na laban sa kanya, at ngayon ay nabibilang sa society na pro-her, feeling neutral ako. Mas naniniwala kasi ako na mas mapapabuti kung sundan na lang yung proseso. May hearing na nga di ba. For once sana bigyan naman natin ng pagkakataon yung justice system natin. Pero yun laman ay sa opiniyon ko. Wala din naman pumipigil na magbigay ka ng sa iyo.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Sheesh wala pa ding worthwhile news. Wala pa din bagong explosion ang probinsayong intsik. Di pa din tumitindi ang amount ng rallyists. Sa ngayon ipagbubunyi ko na lang na may gantong okasyon tayong sineselebra.

Ayos, walang pasok.

Bago pa ako batuhin ng mga makitid ang utak diyan, sasabihin ko na ito:

Wag na kayong magalit. Bukas nga may pasok na e. Sad. T_T

Mainit na Sabaw

Minsan pakiramdam ko tumutulo na utak ko palabas ng tenga ko. Hindi ko mawari kung ano ano na ba ang pinapaandar ng utak kong minsan sa tingin ko ay may sarili ding utak. Mas matindi pa sa pagkalabnaw ng sinigang, nilaga, sopas at pinakuluang medyas.

Akala ko naman dati naubos na lahat ng utak ko sa kolehiyo, aba ay may mas ilalala pa pala. Minsan nga ay nag-iingat na ako sa pagsinga pag may sipon ako at baka may sumamang utak. Umaariba ang pagka-ti-ey-en-dyi-ey.
----------------------------------------------------------------------------------------------------

Dahil medyo napaaga ako ng labas ng opisina ay naisip kong mag-bus na lang muna papuntang Ayala. Alas-otso pa kami magkikita pero alas-siyete pa lang. Matagal tagal ang aantayin ko kung magtetren ako kasi kinse minutos lang yun.

Pagpara ko ng bus tinanong ko ang mama kung dadaan ba yun ng ayala. Sabi niya ang sakyan ko daw ay yung may karatulang "Ayala Leveriza". Kaya naman nag-abang ako.

Sumakay ako ng bus. Medyo matagal tagal na ang naibyahe at nasa Boni na. Nung siningil ako ng kundoktor ay nabanggit kong sa Ayala ako bababa. Sabi ng konduktor di daw yun dadaan ng Ayala dahil Ayala Ilalim yung nasa karatula nila.

Ilalim. Leveriza. Parang ang layo naman ata ng pagkakabasa ko.

Binababa na lang ako ng kundoktor free of charge sa Boni.

Sinigurado ko na Ayala Leveriza na ang sasakyan kong sunod. Nang malapit na sa Ayala ay saka pa lang ako siningil ng kundoktor. Sa katangahang palad ang nasabi kong bababaan ko ay "Boni." Nag-alala ang kundoktor dahil lagpas na daw at binaba na ako. Free of charge.

Gusto kong sabihin na sinadya ko ang mga pangyayari para makalibre ako. At gusto ko din sana na yun ang isipin niyo. Pero hindi. Dala lang lahat yan ng lubos na katangahan at kawala sa sarili. Pero kung iisipin mo ay swerte na din ako sa panahong yung dahil tanga ako.

------------------------------------------------------------------------------------------------

Anong gagawin mo kung dalawa lang kayong tao sa loob ng isang room at ang kasama mo ay umiiyak?

Nataranta ako. Kami lang ng boss ko ang nasa loob ng room at tahimik kami sa pagtatrabaho (naks parang totoo.) Bigla na lang shang tumayo at tumalikod sakin. Hindi ko alam kung umiiyak sha pero naririnig ko ang pagka-asar niya. Nagpanic ako at di ko malaman ang gagawin.

Wala ang ginawa. Kinuha ko na lang ang baon ko at lumabas. Lunch na. Tinawag ko na ang mga kasama ko. Iniwan ko ang boss ko na mag-isa.

Close naman kami ng boss ko. Pero wala akong ginawa. Sabaw na sabaw.

------------------------------------------------------------------------------------------------

Tatlong araw na akong nagcocommute papuntang trabaho. Dahil yung usual na van na sinasakyan ko ay lagi na lang akong naiiwan. Imbis na isang van lang ang sakay ko ay nagiging van + bus + mrt + fx ang ruta ko. Lagi na lang kasi akong late nagigising. Este late na gumigising. Wala akong kadala dala.

------------------------------------------------------------------------------------------------

Kanina, nag-add ako. Di ako gumamit ng calculator.

Kuha ka ng 1000. Dagdagan mo ng 40. Add mo ang isa pang 1000. Tapos dagdag mo 30. Add another 1000. Tapos 20 naman dagdag mo. Tapos isa pa ulit 1000. Lastly, add mo 10.

Aba ang sagot ko ay 5000. Isipin mo. Siyet. Alam ko mali. Kaya paulit ulit kong pinag-isipan. Ang tagal bago ko nakuha ang sagot. putek. 4100 nga lang naman. Grabe sumakit talaga ulo ko dun.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Eto pa isa:

Mary's father have five daughters. One of them is Nana, the 2nd was Nene. The 3rd was Nini and the 4th was Nono.

What's the name of the 5th daughter?

Aba ang sagot ko Nunu. Dahil nga naman sa vowels. Aba si Mary nga pala ang ikalimang anak! Binasa ko ulit yung tanong at sobrang natangahan lang ako ng sobra sa sarili ko.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Sa sobrang sabaw ko ay di ko na maisip yung iba pang ka-sabawan ko. Pero sa alam ko napakadami nun.

Iwasang maging sabaw. Pero minsan ayos lang din pala. Lalo na sa pagkakataon tulad ng una kong naikwento.