what. the. duck.

blogging is a motherducking waste of time.

pakikilakbay ng alamat

ako si pauee at wala na akong magagawa dun. ako ang spoiled brat sa mundo ng blogesperyo. walang kapararakan lahat ng pinagsasabi ko pero pipilitin kitang magbasa. isa akong living irony. pauee by day and pauee by night dahil hindi naman ako nagpapalit ng pangalan.

masakit sa bangs

ano ang mga sintomas ng masakit na bangs? unang una, dapat mahapdi ito at hindi mo mahawak-hawakan. pangalawa dapat ito'y namumula. pangatlo, namamaga at mukhang matamlay. so sa iyong pagsisiyasat, masakit ba ang bangs mo?

rationalization

kaya daw nilagay yung utak ng tao above the heart ay para mapagisipan muna ng tao yung actions niya bago pa man niya paandarin o pairalin yung emotions niya.

ang human beings daw ay rational beings. kumbaga we are born thinkers. kaya nga ba sobrang big deal na lahat ng actions mo pagisipan mo muna. para di ka masabihan ng "hindi gumagamit ng utak" or "hindi pinaiiral ang kokote" (kahit pa hindi ko talaga alam kung anong ibig sabihin ng salitang "kokote" e inaassociate ko na lang siya sa salitang "utak" hehe)


nevertheless, madami pa din tao ang umaaction ng hindi pinagiisipan. impulsiveness ika nga. kumbaga spur of the moment na lang, o kaya to the limits come what may. kung anong maisipang gawin yun na lang yung gagawin.


may mga times na nakakatulong din tong ganito. yung hindi mo masyadong pinagiisipan yung actions mo. o kaya yung plano mo. lalabas din na natural kasi hindi scripted yung galaw mo. more than that nalelessen yung expectations leading to less disappointments. kapag natural din, mawawala yung pagkaranoid mo about things not turning out exactly as planned. and in the long run, wala mashadong pagsisisi.


pero kung you think about it deeply. sisisihin mo din sarili mo sa ganitong sitwasyon. sasabihin mo you shouldve planned it then maybe hindi pumalpak ang lahat. kahit naman kasi anong sitwasyon sisisihin at sisisihin mo pa din sarili mo. its all part of being human daw.


di ko alam kung parte din ba ng pagiging tao mo yung super dali mapersuade. kumbaga andali magbago ng mga desisyon, plano and outlook mo sa buhay. naisip ko kasi na hindi yun parte ng pagiging tao kundi part ng pagiging weak ko. kung magbago kasi ako ng decisions daig ko pa si darna with matching umuusok na costume change. panis din sakin si superman na kelangan pa ng phone booth para magpalit ng tights niya.


hindi ko alam kung maaaccount ko yun sa hindi pag-iisip about things, or im just downright impulsive. madalas kasi akong may plano na throughout the course of the day. pero aminado akong everything is subject to change. kumbaga depende pa yun sa kung anong environment meron ako.


may isang libro akong nabasa na choose your own adventure. yun bang ikaw pipili kung anong gagawin mo next tapos turn to page ganto. madalas i turned up dead sa mga napipili kong adventure. parang dito din sa game na to na choose your own adventure din e madalas i end up being eaten alive by the manticore. (haha kung alam mo yung game parang gago lang yung comment kong to.)


so i suck at making impulsive choices. ang madalas lang naman kasi, dun ako kung san ako masaya. and then after that no regrets whatsoever. hindi ko alam kung ayos bang pagrarationalize yun. pero masasabi ko talagang pag gumawa ako ng desisyon hindi ko yun pagsisisihan. wala kasing point e. di mo naman na maibabalik ang panahon.


stick to your choice and make most out of it.


hehe sabi ng isang tao dito sa paligid na nakikibasa sa likod ko, it seems like i am trying to convince myself. pwedeng ganun nga. hehehe.


pero basta, life is too short to be spent wallowing on mistakes done. dito nga naimbento yung katagang "move on!"

oras na ba?

disclaimer: eto ay re-post.

napapanahon na ba para sagutin ko ang samu't saring katanungan ng mga tao sa paligid ko?


napapansin ko kasing lumalawak ang scope ng aking fans. di na lang sha nacocontain sa group of friends ko, kundi lumalayo na. simula nung gawin kong for everyone ang blog-worthy thoughts e napakadami nang bumibisita at bumabasa sa posts ko. gusto ko mang isipin na kaya nagkakaganon ay dahil nagiging famous lang ako. pero di ko pa din maipagkakaila na napakadami sa mga bumibisita dito ay mga tsismoso't tsismosa na nag-aantay ng kasagutan sa tanong na malamang nahagilap nila kung saan saan. malamang nadidisappoint na din kayo dahil kung anu ano lang sinusulat ko dito. kaya eto na siguro ang panahon para pagbigyan ko naman kayo.


napagmuni-munihan ko na ang pagiging malaya ng isang tao ay relatibo. hindi to kayang bigyang definition ninuman. at kung ako ang tatanungin niyo, hindi lamang ang pagiging malaya sa kung anong kinikilos at ginagalaw mo ang scope ng freedom, kasama na din dito ang pagiging malaya mong isipin kung anong ikaliligaya mo. meron kang sapat na oras at panahon para sa sarili mo. at hindi umiikot ang buhay mo sa buhay ng ibang tao.


nabasa ko sa blog ng kaibigan kong si arcie, mayroon daw shang kaibigan na nagtanong sa isang couple kung paano ba maikeekeep ang isang long relationship, at eto ang sinagot ng couple:


We are just lucky that we don't fall out of love at the same time.


sabi nila, kailangan mo daw ng mangsasalba sa relasyon. kapag pareho kayong ayaw na, wala na talagang magagawa. pero habang yung isa ay di pa nagfafall out of love, magagawa pa ding maisalba ang relasyon.


ganun ba yun talaga? kelangan talagang may argabriyado sa sitwasyon? kung ikaw yung taong sasalo di ba parang ginagawa mong gago ang sarili mo sa pagpilit sa taong ayaw na. at kung ikaw yung sinasalo, hindi ba nakakasakal na pipilitin mo ang sarili mo sa bagay na ayaw ng puso mo?


sa natutunan ko sa dalawang taon, kapag may bagay kang ipinilit hindi din maganda ang kalalabasan. sasakit lang ulo mo sa kakaisip, at lalo pa, hindi mo malilimutan na ginawa lang yung bagay na yun dahil pinilit. hindi bukal sa loob. hindi sincere.


sabi ni bruce sa pbb, love is not an emotion but a choice. kung ganoon, bat niya mas pinili na mainlove kay wendy lalo pa't alam nila na pareho silang committed outside? dahil nadala siya sa emotions sa loob ng bahay. love may be a choice, but it is a choice coupled with emotions. syempre mas pipiliin mo yung bagay na mas ikakasaya mo. happiness is an emotion. no one could doubt that.


bakit hindi na lang piliin ng tao yung bagay na less complicated? dahil, yun ang essence ng pagiging malaya. sa pagiging malaya mo, maraming kaakibat na kumplikasyon. mga taong patuloy na kekwestiyunin ka sa desisiyon mo. pero sa dulo, ang masasabi mo na lang sa kanila, hindi sila ang nasa sitwasyon. hindi nila alam kung anung nararamdaman mo.


mahirap pumili ng isang bagay na alam mong may masasaktan. pero sabi nga ng isa kong co-teacher, gawin mo ang mga bagay para sa sarili mo at hindi para sa iba. kung sa buong panahon ay ginagawa mo na lang ang bagay para sa isang tao, hindi malayong dumating ang punto na mapagod ka at magsawa. sa panahong ito, mas pinili kong kumilos ayon sa anong gusto ko, sa kung anong maidudulot ng desisyon para sa akin. mas pinili kong gumalaw para sa sarili ko.


its an act of selfishness, yes. pero in the long run i know, na everything will be for the better. people may not see it now, but things will be more ugly if i had not made this decision. things will be more difficult, will be harder for most people.


i may be impulsive but i have thought about this action for a long long time.


of course, pwedeng hindi pa tapos ang lahat. pero sa panahon ngayon, hayaan niyo muna akong gumalaw mag-isa. gusto ko muna magkaroon ng independence. gusto ko muna kumilos ayon sa kung anong tama para sa akin.


sana nasagot ko yung mga tanong niyo or kahit papaano nakapagbigay ako ng konting paglilinaw. kung gumulo man lalo, sorry naman. i tried my best.


metaphor

sa totoo lang di ko alam kung paano ko haharapin ang mga bagay bagay..


pag ang isang bagay kinasanayan na ng sistema mo, para bang buong mundo mo ay hindi makapaniwala na may pagbabagong mangyayari.. kumbaga pag nagpalit ka ng shampoo ay magkakadandruff ka sa simula.. kahit pa its all for the better.. na soon in life e ikagaganda na ng buhok mo yung pagpapalit ng shampoong yun.. pero inevitable na magkadandruff ka sa sa simula..


at ang tanong na bakit.. bakit nga ba ang hirap sagutin.. alam mo ang sagot pero di mo masabi.. parang pag nagreview ka sa exam at naaalala mo kung saang pwesto sa notebook mo nakasulat yung salitang yun pero di mo pa din maalala kung ano yung salita.. uubusin mo na ang oras sa kakafigure out kung ano yung salitang yun.. dalawang bagay lang pwedeng mangyari, maalala mo ang salita o maubusan ka na ng oras..


kung mahulog ka ba sa bangin, valid ba ang excuse na natanga ka lang? or may hihingin pa silang ibang dahilan.. ah kasi hinahabol ka ng kung sino at di mo namalayan na may bangin pala.. o kaya naman e sinadya mo on your own na mahulog.. pero yung "wala lang, nahulog lang ako" tatanggapin ba yun na rason ng mga tao? lalo na yung mga taong nakakita.. hindi ba talaga pwedeng wala lang nahulog ka lang talaga?


kapag sinara mo yung pintuan at napalakas ang sara mo iisipin ng mga tao na galit ka.. kahit pa pwede namang sabihin na malakas lang ang hangin, o kaya naman ay may mali dun sa pintuan, basta ikaw ang nagsara at napalakas ay nagdabog ka.. masakit nga naman sa tenga yun ng mga taong malapit sa pinto.. pero paano kung nagmamadali ka ng lumabas at nalimot mo na na may masasaktan kung sasarhan mo ng malakas ang pintuan.. di mo sinasadya pero nakasakit ka..


masama bang akuin lahat ng kasalanan kung alam mo namang totoo? kailangan ba talagang two way ang lahat? e kung sadyang gago ka lang talaga at sayo ang mali, aminado ka naman, di ba yun pwede.. kung ang stack ng uno stacko ay biglang malaglag dahil sa mali mong pagkakahila di ba kasalanan mo naman yun talaga.. o kung mabasag yung mga platong ikaw naman yung may hawak di ba sayo dapat lahat ng sinisisi.. di na dapat isipin ng mga tao kung pangit ba yung pagkakakapatong patong nung uno stacko.. o kung madulas yung pinggan.. ang bottom line ikaw pa din ang may kasalanan ng lahat..


at kung sa kakakamot ko sa ulo kong may dandruff dala ng bagong shampoo ay malimutan ko ang salitang nireview ko, at sa pagalala ko ay nahulog ako sa bangin matapos kong ibagsak ang pintuan dahil natumba ko ang stack ng uno stacko katabi ng mga nabasag ko nang mga plato, pwede bang ako na lang ang may kasalanan ng lahat?


wag na kayong magtanong pa sa iba. kasi ako. nasa akin ang mali.

marunong pala akong magsulat




biruin mo nga naman. ^_^

Sa Panahon ng Crisis, Bawal Ang Magalit. *_*

"We can't end up hating each other."

"Hate doesn't even begin to describe what I feel for you."

"I'm taking my son with me."

"God forbid, baka mapatay kita."

Script yan from Madrasta. Yung famous movie ni Sharon Cuneta. The one with the line "I was never your partner, I was just your wife." It was a scene with Christopher de Leon and Zsa Zsa Padilla where Zsa Zsa was his ex-wife.

Damang-dama ko yung galit ni Christopher nung binitawan niya yang words na yan. May intensity yung galit at sobrang may lalim na pinaghuhugutan. Meron pang patayan na involved. Sana hindi naman ito sign dahil andun si Rico Yan sa film. Eep.

Minsan magtataka ka, paano umaabot sa lubos na pagkamuhi ang galit ng isang tao. May level of galit ba na madedefine ang isang tao? May basis ba ito? Pwede mo bang sabihin na si person A ay 3 stars lang ang galit mo, at kay person B ay 2 stars lang? At paano kaya aabot sa punto na baka mapatay mo na ang isang tao?

Gawa tayo ng scenario.

Kunwari nagkukwento ka ng buong buhay mo kay person A. Sobrang trusted mo na yung taong ito kaya naman halos lahat ng sikreto at masamang incidents sa buhay mo ay na-share mo na sa kanya. Until one day, nag-inuman sila person A, kasama sina person B to E. Si person B ay may matinding grudge sayo sa kadahilanang binasted mo siya. Naikwento ni person B ito kina person A to E. Dala ng kalasingan, naishare na din ni person A ang mga naikwento mo. Kasama buong buhay mo.

Kanino ka sobrang magagalit sa incident na ito? Kay person A? or kay person B dahil di pa din sha makaget over?

E kung kinabukasan, magsorry si person B?

Hindi mo tuloy maisip kung maswerte ka ba o hindi na ikinwento sayo ni person E ang lahat dala ng loyalty niya sayo. Mas gugustuhin mo bang hindi na lang malaman ang lahat?

Ang komplikado magalit no. Mas mabuti pa nung bata pa ako na nagagalit ako sa mga pinsan ko kasi di nila ako ginising at hindi ko tuloy napanuod ang Princess Sarah. Tapos susuhulan lang nila ako ng Ice Candy okay na ako. Pero magpapakwento ako kung ano ang nangyari.

Naaalala ko din ang galit na nararamdaman ko noon kapag hindi pwedeng lagyan ng Milo yung Oatmeal na meryenda ko. Bawal daw kasi may ubo ako. Nakakainis kaya, wala kayang lasa yung Oatmeal. Nakasimangot ako noon buong araw, hanggang sa buksan ko yung tv tapos Xmen na pala. Masarap na din ang Oatmeal basta kakainin habang nanunuod ng Xmen.

Sa ngayon ang galit ko naglalast ng 2-3 minutes. Actually once magsorry yung tao, wala na okay na ako agad. Kumaba e ambilis kong magpatawad. Siguro kasi para sa akin mababaw na lang kasi ang lahat. Mas madaming bagay na mas worth it.

Isang beses pa lang ako nagalit ng sobra sa buong buhay ko. Yun yung naramdaman ko na niloko ako ng lubusan. At wala pang kabalak balak magsorry ang taong yun. At siya pa ang galit. Pero sa ngayon tinatawanan ko na lang yun lahat. At pag nakikita ko siya tinatawanan ko din siya. Bwahaha. Sorry naman nakakatawa siya kasi e.

Sabi nga ng kanta:

Cool ka lang, relax ka lang. Simple lang ang buhay ngumiti ka na lang. Blah blah blah..

Kaya't kaibigan, konting pasensya lang. ^_____^

Halika, dito ka muna sa tabi ko.

Pare ko, hindi ganyan kadali ang buhay.

Hindi ka gigising sa umaga na laging may nakahain ng almusal sa lamesa. Hindi ka aabutan ng tuwalya't sabon kapag maliligo ka na. Hindi laging plantsado ang damit na nasa aparador. Hindi ganon yon pare.

Pare ko, hindi ganyan kadali magdesisyon.

Hindi lahat ng pagpipiliian ay itim at puti. Hindi lahat ng desisyon ay pwede mo ilagay sa timbangan. At hindi kailanman magpapapansin sa harapan mo ang tama at nararapat. Seryoso pare, hindi yun ganon.

Pare ko, hindi ganyan kadali makalimot.

Hindi nadadaan sa pagtulog ang mga bagay. Hindi mawawala sa isip mo kung palagi mong iisipin. Hindi nadadaan sa pagtawa at sa paggawa ng kalokohan para matabunan ang inaayawang alaala. Hindi yun kusang magpupumiglas paalis sa isip mo. Pagbali-baliktarin mo man ang mundo, pare, hindi yun ganon.

Pare ko, hindi ganyan kadali tumakbo palayo.

HIndi ka maitatago ng layo ng lugar na pinuntahan mo. Hindi pwedeng hindi ka masundan kung ang sarili mo naman ang nagbibigay ng direksyon papunta sayo. Hindi madadaan sa bilis ng takbo. Nakakalungkot man pare, pero hindi yun ganon.

Tigil muna pare. Pahinga ka muna.

Wag kang tutulala. Wag mong pag-isipan.

Hinga ka muna ng malalim.

Flashback

"And a rikitikitik and a blue black sheep,
That is true, yes or no?"
-- OST Monkey-Monkey Anabelle Larong Kalye

Sa tingin ko napapanahon upang pag-usapan ang mga thing of the past. Nainspire ako dahil sa PBB Teen Edition, sobra sobrang mga bata ang pinasok ni kuya sa loob. Batang ugali at asal. Ganung ganun ugali ko nung mga grade 2 ako.

Pwede mong sabihing mas swerte ang kabataan noong panahon ko. Umuusbong na ang makabagong teknolohiya, pero maliban sa Family Computer na 1999 in 1 at sa iba't ibang variations ng larong brick game, masasabi kong marami pa rin sa amin ang naadik sa mga larong kalye. Marami kaming larong hindi kinakailangan magbayad ng 10 piso kada oras at hindi nakakasira ng mata.

Isa siguro sa mga bagay na sobrang kina-adikan ko noon ay ang bisikleta. Ito yung mga panahong masasabi kong sobrang presko pa ng hangin. Sa kabaduyang palad, nagbuo pa nga kami ng grupong tinawag naming Biker Gang, kung saan lahat kami ay magkikita sa headquarters (sa basketball court) at magsisimula kaming magronda-ronda sa buong neyborhud. Kasama na dito ang pag-iwas sa mga horror streets (matataas ang talahib) at sa mga monster streets (madaming nanghahabol na aso). Nagsisimula ang routine ng bandang alas-kwatro ng hapon kung saan hindi na mashadong ma-araw at matatapos sa bandang alas-sais kung saan padilim na. Nagmamadali na kaming umuwi noon dahil tiyak lagot nanaman kami kay nanay, lalo na yung mga naka-tokang magsaing ng panghapunan.

Pero noong panahong hindi pa ako allowed maggala-gala sa neyborhud, nakikipaglaro na lang ako sa mga kapitbahay ko sa tapat ng bahay. Dito na ako na-expose sa kung ano anong laro na sa hindi ko malamang kadahilanan, sa halos lahat ng sulok ng Pilipinas ay pare-pareho lang. May kaunting pagbabago lang sa mga version, pero para pa ding Mafia ang pagkakapareho ng mga laro. Scary, but true.

May mga larong parang pareho lang ang tema, pero iba ang title, at ang OST (theme song sa simula) tulad ng Shake Shake Shampoo, Monkey Monkey Anabelle at Matayang Taya (which is a hindi-pinag-isipan-ang-title game). Sa Shake shake shampoo, merong sense of kabadingan dahil kailangan mo pang kumembot kapag nataya ka at nasabihan ng Shake!, at titigil ka lang kung may isang hindi taya ang hinawakan ka at sinabihang Shampoo. Nakapagtataka na walang banlaw at sabon na involved. Pareho din ito ng tema ng Monkey Monkey Anabelle, pero iba lang ang sinasabing salita at walang pakembot kembot. At kung lahat ay mataya, sa parehong laro, kailangan ay mag-unahan pa kayo na magsabi ng Viva!. Sa Matayang Taya (ang pangit talaga ng title) ay simple lang, kung sino ang mahawakan ng taya ay siya na ang taya (no wonder ganun din kawalang kwenta ang title).

Isa sa larong napakadaming title sa iba't ibang sulok ng pinas ay ang larong Sikyo Base\ Morong-morong\ Bente uno\ Agawang Base\ Black 123 at kung anu-ano pa. Isa lang ang ibig sabihin nito, may dalawang base, kelangan ma-agaw (matouch.) Sobrang simple lang ng theme, pero madaming strategies na involved. Pwede kang umikot, maging pain (bait), sumugod at marami pang iba. Malas mo lang kung ikaw na lang ang naiwan sa base mo.

Speaking of malas, ang pinakamalas na maging taya sa isang game ay sa larong tumbang preso. Sobrang sakit sa bangs maging taya dito kasi sobrang mafeefeel mo na pagtutulungan ka ng mga kalaro mo. Biruin mo binabato bato ka na ng tsinelas (well basically yung lata yung binabato pero ganun na din yun), kailangan mo pang itayo yung lata, at gumawa ng strategy para habulin sila. Mahirap maging taya sa tumbang preso. Nakakaiyak lalo na kung pikon ka.

Meron ding mga laro na sa panahon ngayon ay hindi ko maisip ang trip ng taong nagimbento. Isa na dito ang Doctor Quack Quack. Masakit na laro ito. Para lang mahirapan yung taya, pahihirapan niyo din ang sarili niyo. Kung medyo sadista pa ang taya ay maaari ka pang mabalian. Ang isa pang laro ay ang Sasara ang Bulaklak, Bubuka ang Bulaklak, dadaan ang Reyna pakembot kembot pa. I mean, ano bang point ng larong ito? Napaghahalatang gusto lang maglumandi ng Reyna para kumembot kembot sa gitna ng mga kalaro niya.

Ang ultimate larong kalye talaga na pwede mo nang maconsider na sport ay ang larong Patintero. Sa larong ito nagpopromote ng team effort at strategy. Hindi pwedeng basta-basta na lang bara-bara pumasok at tumakbo pa-home base. Kailangan mag-ingat baka andiyan na bigla ang Patotot. I wonder bakit wala pa ito sa Olympics. Ito nga dapat ang pambansang laro ng Pilipinas e.

Imbis siguro sa mga landi-landian love teams ang ipakita sa mga youth(or kids) oriented shows, pwede siguro ipromote na lang ang mga larong kalye. Para naman yung kabataang nanunuod, iconsider na maglaro ng mga ito, imbis na nakaupo magdamag sa tapat ng PC at nakikipagsigawan sa mga ka-network.

Para sa lahat ng kabataang adik sa network games: "Saksak puso, tulo ang dugo. Patay, buhay, umalis ka na diyan sa pwesto mo."