what. the. duck.

blogging is a motherducking waste of time.

pakikilakbay ng alamat

ako si pauee at wala na akong magagawa dun. ako ang spoiled brat sa mundo ng blogesperyo. walang kapararakan lahat ng pinagsasabi ko pero pipilitin kitang magbasa. isa akong living irony. pauee by day and pauee by night dahil hindi naman ako nagpapalit ng pangalan.

masakit sa bangs

ano ang mga sintomas ng masakit na bangs? unang una, dapat mahapdi ito at hindi mo mahawak-hawakan. pangalawa dapat ito'y namumula. pangatlo, namamaga at mukhang matamlay. so sa iyong pagsisiyasat, masakit ba ang bangs mo?

rationalization

kaya daw nilagay yung utak ng tao above the heart ay para mapagisipan muna ng tao yung actions niya bago pa man niya paandarin o pairalin yung emotions niya.

ang human beings daw ay rational beings. kumbaga we are born thinkers. kaya nga ba sobrang big deal na lahat ng actions mo pagisipan mo muna. para di ka masabihan ng "hindi gumagamit ng utak" or "hindi pinaiiral ang kokote" (kahit pa hindi ko talaga alam kung anong ibig sabihin ng salitang "kokote" e inaassociate ko na lang siya sa salitang "utak" hehe)


nevertheless, madami pa din tao ang umaaction ng hindi pinagiisipan. impulsiveness ika nga. kumbaga spur of the moment na lang, o kaya to the limits come what may. kung anong maisipang gawin yun na lang yung gagawin.


may mga times na nakakatulong din tong ganito. yung hindi mo masyadong pinagiisipan yung actions mo. o kaya yung plano mo. lalabas din na natural kasi hindi scripted yung galaw mo. more than that nalelessen yung expectations leading to less disappointments. kapag natural din, mawawala yung pagkaranoid mo about things not turning out exactly as planned. and in the long run, wala mashadong pagsisisi.


pero kung you think about it deeply. sisisihin mo din sarili mo sa ganitong sitwasyon. sasabihin mo you shouldve planned it then maybe hindi pumalpak ang lahat. kahit naman kasi anong sitwasyon sisisihin at sisisihin mo pa din sarili mo. its all part of being human daw.


di ko alam kung parte din ba ng pagiging tao mo yung super dali mapersuade. kumbaga andali magbago ng mga desisyon, plano and outlook mo sa buhay. naisip ko kasi na hindi yun parte ng pagiging tao kundi part ng pagiging weak ko. kung magbago kasi ako ng decisions daig ko pa si darna with matching umuusok na costume change. panis din sakin si superman na kelangan pa ng phone booth para magpalit ng tights niya.


hindi ko alam kung maaaccount ko yun sa hindi pag-iisip about things, or im just downright impulsive. madalas kasi akong may plano na throughout the course of the day. pero aminado akong everything is subject to change. kumbaga depende pa yun sa kung anong environment meron ako.


may isang libro akong nabasa na choose your own adventure. yun bang ikaw pipili kung anong gagawin mo next tapos turn to page ganto. madalas i turned up dead sa mga napipili kong adventure. parang dito din sa game na to na choose your own adventure din e madalas i end up being eaten alive by the manticore. (haha kung alam mo yung game parang gago lang yung comment kong to.)


so i suck at making impulsive choices. ang madalas lang naman kasi, dun ako kung san ako masaya. and then after that no regrets whatsoever. hindi ko alam kung ayos bang pagrarationalize yun. pero masasabi ko talagang pag gumawa ako ng desisyon hindi ko yun pagsisisihan. wala kasing point e. di mo naman na maibabalik ang panahon.


stick to your choice and make most out of it.


hehe sabi ng isang tao dito sa paligid na nakikibasa sa likod ko, it seems like i am trying to convince myself. pwedeng ganun nga. hehehe.


pero basta, life is too short to be spent wallowing on mistakes done. dito nga naimbento yung katagang "move on!"