what. the. duck.

blogging is a motherducking waste of time.

pakikilakbay ng alamat

ako si pauee at wala na akong magagawa dun. ako ang spoiled brat sa mundo ng blogesperyo. walang kapararakan lahat ng pinagsasabi ko pero pipilitin kitang magbasa. isa akong living irony. pauee by day and pauee by night dahil hindi naman ako nagpapalit ng pangalan.

masakit sa bangs

ano ang mga sintomas ng masakit na bangs? unang una, dapat mahapdi ito at hindi mo mahawak-hawakan. pangalawa dapat ito'y namumula. pangatlo, namamaga at mukhang matamlay. so sa iyong pagsisiyasat, masakit ba ang bangs mo?

Para sa taong pinakanamimiss ko sa lahat..

Prologue:

Kamakailan ay sumakabilang buhay ang pinsan ni docmnel na si Kuya Jori. Kahit sinong dumadalaw sa bahay nila ay magiging close ni Kuya, dahil sa kanyang loveable character and fun personality. May you rest in peace Kuya Jori. You will be missed.


Dahil sa post ni docmnel, nainspire akong isulat ang blog entry na ito. Ito ay entry tungkol sa pinsan kong sumakabilang buhay early this year, at naramdaman ko noon ang nararamdaman ni docmnel ngayon, tungkol sa kung gaano kabilis ang pangyayari.

And after half a year, it still remains.

-------------------------------------------

Introduction:

All Souls' Day. Holiday sa pinas. Ako? ito nasa trabaho dito sa bansang banyaga. AIDS (As If Doing Something) victim sa trabaho dahil walang tasks. Nakakaramdam tuloy ako ng pagka-emo. Iniisip ko kung anong ginagawa natin kung nasa pinas tayo ngayon.

Naniniwala ako sa life after death. Kaya sa ngayon, iniisip ko na masaya ka na sa kinalalagyan mo. Pero di ko pa din lubusang mapaniwalaan na wala ka na talaga. Ganun lang yun kadali. Namatay ka na. Poof, wala ka na, hindi ka na namin makakasama.

Matagal ka ng may sakit. Noon pa man sinasabihan na kami ng mga doktor na tanggapin na namin na hindi ka na tatagal. Unti-unting kinakain ng sakit mo ang functions ng internal organs mo. Buhay ka at naglalakad na kulang kulang ang proseso sa katawan. Pero ni hindi sumagi sa isip ko na ganun ka-aga mo kami iiwan. Lagi kong sinasabi, matibay ka. Madami ka pang kelangan gawin at patunayan. Aalagaan mo pa ang inaanak ko. Palalakihin siya ng maayos. Pupunta ka pa ng US para makasama ang kapatid mo. Ang dami pa, ang dami pa.

Hindi pa din ako makapaniwala kung paano umayon sa tadhana ang mga pangyayari. Hindi naproseso ang papeles ko sa bansang ito kaya kailangan kong umuwi sa pinas ng sandali. Hindi ko malaman noon bakit nangyayari sa akin yun, kung anong nagawa kong mali. Pero tinanggap ko na lang at nagpakasaya na uuwi ako at makakasama ko ang pamilya ko kahit sandali. Sinabi sayo ng nanay ko na uuwi ako. Ang nasabi mo noon, hindi mo alam kung makakatulog ka pa hanggang sa araw na umuwi ako sa pagkaexcited.

May pinangako ako sayo bago ako umalis. Once na magkaroon ako ng trabaho, padadalhan kita ng pampagamot buwan buwan. Masayang masaya ka nun na nakakausap mo ako sa webcam. Sabi ko pa sayo na maganda ang itsura mo sa araw na yun, mukhang walang sakit. Na kung lagi kang ganun ng ganun e gagaling ka sa sakit mo at magiging masaya tayong lahat.

The Story:

Nung araw na umuwi ako sinalubong mo ako sa bahay. Di mo sinasabi sakin na masama ang pakiramdam mo noon. Sinabi ko pa na huwag kang lumabas dahil mainit, masama sayo ang maarawan. Pinagluto mo pa ako ng chicharong bituka, dahil alam mo na wala noon sa bansang pinanggalingan ko. Masaya ka na kasama ako kahit pa wala akong mashadong pasalubong.

Ilang araw lang ang nakalipas ng mabalitaan ko na sumusuka ka daw ng dugo. Hindi kita malalapitan. Hindi ko kayang nakikita kang ganyan. Makita ko lang na nahihirapan ka iiyak na ako. Sinugod ka nila sa ospital. Mixed feelings, di ko alam anong iisipin ko. Anong dapat maramdaman.

Sabi nila, hindi ka na daw gumigising. Pinagdadasal ko, wag muna. Papadalhan pa kita ng pampagamot. Padadalhan pa kita ng mga damit, mga gamit. Pangako ko sayo yun. Di mo man lang ba aantayin yung time na yun? Hindi man lang ba ako magkakaroon ng chance na mas matulungan ka pa?

Sobrang ayaw ko sa hospital. Last time ako nagpunta, comatose ang lola ko. Ilang araw lang, namatay na siya. Pinapapunta nila ako, comatose ka na din. Ayokong isipin na ilang araw lang iiwan mo na kami.

Pero hindi ko alam kung bakit unang yaya pa lang sakin ng pinsan ko e napa-oo na ako.

Pagdating namin sa ospital, hindi kami pwedeng umakyat sa kwarto mo lahat. Kelangan padalawa-dalawa lang. Pina-una ko na sila. Hindi ko alam kung bakit, pero mabigat talaga ang loob ko. Na parang hindi ko magugustuhan ang makikita ko.

Pag akyat ko sa kwarto mo, nakapikit ka, may tumutulong sa paghinga mo na nakapasok sa bibig. Sabi ko noon, lumaban ka. Eto ako. Eto mga pinsan natin. At ang kapatid mo uuwi galing US. Kaya mo yan, kaya mo yan.

Sa di malamang kadahilanan, nagkayayaan kami lahat na bumalik sa kwarto. Pinayagan kami ng guwardiya. Nasa tabi mo kaming lahat. Napansin namin na mabagal na ang paghinga mo. At napansin ng kapatid mo na hindi na ikaw kundi ang equipment na lang ang nagpapahinga sayo. Tinawag ang doktor. Naguluhan ako sa pangyayari, hindi ko malaman kung anong iisipin ko kaya bumaba na lang ako ng ospital.

Di katagalan, sinabi na ng pinsan ko na wala ka na. Iniwan mo na kami.

Conclusion:

Naalala ko ang birthdays mo simula ng magkasakit ka. Lagi kitang sinusurprise ng celebration, lagi ka din umiiyak. Ang wish ko para sayo, lagi ko sinasabi out loud. Sinasabi ko, more birthdays to come. As in.

Ganun lang kadali ang lahat. Wala ka na. Di na kita makakasama. Ni hindi ka nagparamdam sakin, maliban sa mga panaginip. Sa panaginip ko, buhay na buhay ka. Kasama kita, masaya tayo. Minsan hinihiling ko na sana ikaw ulit mapanaginipan ko kasi dun na lang kita makakasama ulit.

Alam mo ba, namimiss na kita. Sa pasko, uuwi ako. Makakasama ko pamilya natin. Pero kulang, wala ka dun. Last year, hindi man lang kita naregaluhan. Ngayon sa bawat regalong binibili ko para sa mga pinsan natin, iniisip ko na kung ano dapat ang ireregalo ko sayo. Sabi ko babawi ako sayo this year, kaso di na ako nagkachance. Sabi ko sayo bago ako umalis, na isipin mo na lang na mas magiging special ang time na uuwi ako kasi makakasama niyo ako ulit. Pero this time, wala ka na.

Kelan ko kaya matatanggap ito? Next year? 10 years from now? Hindi ko alam.

Hayaan mo Ate Net, aalagaan namin si KC.

Namimiss ko na makasama ka sa kasayahan.










Ingat ka diyan, mahal na mahal ka namin.

Hi Atos! Embak!

Testing. Mic testing 1 2 3. 1 2 3. Test mic. Mic test.

Ahem. ahem. *feeedbaaaaaaaaaack*

Ahem. Ayan ayos na.

Hi datkom. Welcome back to me. tinetesting ko lang kung marunong pa ba ako magblog. Sobrang tagal na hiatus di ko na alam kung para saan itong white space na malaki sa gitna.

And so here I am. Pretending to back. Pinipilit magsulat ng may katuturan. Pinipilit ang sarili na "blogger ako! blogger ako!" pero sa totoo lang ang nasa isip lang e "sayang ang datkom!".

Sa totoo lang, hindi ko din mapaliwanag kung bakit ako nagmahabang hiatus. Hindi naman ako nashutdown sa online life. Lagi naman akong nagchecheck ng peysbuk, email at plurk. Pero hindi ako nagkakaroon ng urge na bisitahin ang blager. Heck hindi din nga ako nagbabasa ng blogs ng ibang tao. Bakit? Hindi ko alam. Paksiyet is me? Yeah, like i know right?

Ang isang posible dahilan na naiisip ko ay ang kaboringan ng buhay. Mashado nang naging stagnant. Naging monotonous ang mga pangyayari. Not that hindi ako masaya. Masaya naman ako. Hindi lang ako nagkakaroon ng inspirasyon to write something. Walang nangyayaring eventful or whatever churvalush.

E ngayon meron na ba? Wala pa din! Ipamukha ba? Gedemet.

Pero sa ayaw man ng lahat o sa gusto (kompyusing eh?) e eto na ang opisyal na pagbabalik ko sa mundo ng blogosperyo.

Drum roll...

I am back and I am here to keel all you bitses who dunat appreciate!

E so ano bang bago sakin ngayon?

1. Pumayat. (feeling ko lang. pero iba sabi ng weighing scale)
2. Humaba na ulit ang buhok.
3. Nagmove forward ang career.
4. Officially an OFW.
5. Nanilaw na ang white parts ng netbook ko.
6. Hindi na ako madalas magluto.

Mga hindi nagbago:

1. Height ko.
2. Ugali ko. Maldita pa din.
3. Bank account ko. Wala pa din laman.
4. Credit bill ko. Nadadagdagan at nadadagdagan pa din.
5. Masayahin pa din akong tao.
6. I still love you all. Kiss!!

O siya siya, busy na ako mag-isip ng susunod kong ibablog. Oh yeah, i am! I am excited sa bagong bago kong blogging life. Amoy pintura pa. Group hug!

Dambana

Noong bata ako weird ang pananaw ko sa kasal. Weird siya in the sense na hindi makatotohanan. Ikaw ba naman lumaki sa tahanan na nagmamahalan ang mga magulang mo, na para bang araw-araw e bagong kasal pa lang sila. Iisipin mo din na ganoon ang mangyayari sa lahat ng ikinakasal.

Sa totoo lang sa huwes pa lang ikinasal ang parents ko bago ako ipanganak. Bata na ako nung ikinasal sila sa simbahan. Parang formality na lang kumbaga. Pero sa huwes man o sa simbahan walang ipinagbago. Masayang nagsasama ang mga magulang ko. Bilang isang batang mapagpangarap, iniisip ko din na ganoon ang mangyayari sa akin in the future.

Nung mga panahong naglalaro pa ako ng barbie, dahil lubos ang kalandian ko, iniimagine ko ang magiging kasal ko. Sa hilig kong manuod ng mga movies, medyo ipinapattern ko sa kanila ang mangyayari. Sa isang malaking simbahan, maganda ang dekorasayon, madaming taong nag-aabang, kasama ko ang dad ko naglalakad papunta sa altar. Nag-aabang doon ang lalaking tinatangi ko.

Op kors nung mga panahong iyon ang naiimagine ko na mapapang-asawa ko e yung taong kras na kras ko na ngayon e nakakakilabot na isipin. E ganun lang talaga medyo may kagagahan tayo at kabulagan noong kabataan.

Dumaan ako sa aking kompyusd (read: genderless) teenage years. Nung panahon na iyon naging desidido ako na hindi ako magpapakasal kailanman. Maaaring magkaroon ako ng anak, pero ayoko ng may asawa.

Nagimprove ang pananaw kong iyan, gusto ko na may asawa. Pero ayoko pa din ikasal. Kumbaga ay lib-in. Sa isip isip ko pareho lang naman yun. Bakit ko kelangan ikompormiso ang sarili ko sa isang lalaki? Ang dami pang hassle. Higit sa lahat magpapalit ako ng apelido! Nakakainis magpakasal. And after all it's just paper.

Pagkalampas ko ng kompyusd years naisip ko na ang benepisyo ng pagpapakasal. It's for the legalities. Dahil magiging conjugal na ang mga bagay bagay. At dahil mas tanggap ng mundo ang pagsasamang legal. Mas maraming benefits kumbaga kesa cons.

Shempre hindi din nalalayo sa isip ko yung konsepto ng pagiging engaged. Noong panahong mahilig pa akong magmunimuni at magdaydream, iniimagine ko ang pinakasweet na pwede gawing proposal sakin ng taong mahal ko para magpakasal. Andiyan yung luluhod siya sa harapan ko, kaso lang baka matawa ako. Pwede din yung iaannounce niya sa isang PA system kahit nakakahiya ng lubusan. Naisip ko pa nga yung kakain ako at pagkagat ko e merong singsing na buti na lang hindi ko nalunok.

Ayokong ianticipate yung mga bagay bagay kasi baka madisappoint ako pag hindi ganoon kabongga ang pagpopropose. Madali pa naman ako madisappoint lalo na kung nageexpect ako.

Nakakatawa lang na kahapon sa MRT bigla niya na lang itong sinabi sakin:

Mahal na mahal kita e alam mo yun? Pakasal na kaya tayo, will you marry me?

Inisip ko ng mga panahong yan na joke lang ang pagsabi niya. Pero sa totoo lang tumatak yang sinabi niyang yan sa utak ko. Hindi siya kasing fancy ng iniisip ko nung landi days ko. Hindi din siya makatotohanang approach. Pero lubos na galak ang dinulot sa sistema ko. Alam kong kung magpapakasal kami ay sa Registry of Marriages lang kami at walang kabonggahang magaganap. Pero alam mo yung kung darating ang pagkakataong tototohanin na ito, alam kong hindi ako makakatanggi.

Alam ko na, love ang factor. LOVE.

Ti-Eyts

Oh hai there! I am back.

Oh yes. Syempre madugo-dugong hiatus ang naganap. Bigla ko na lang nasabi sa sarili ko na teka, may datkom nga pala ako. Matagal tagal na panahon ko na ding hindi nasisilayan itong si blager dasbord at ang compose tab. Naluha ako bigla sa kaliwang mata ng isang patak lang nung naisip kong sayang ang ibinayad para sa isang taong pagmamay-ari ko ng domeyn na ito. Pero narealize ko din na hindi nga pala ako ang nagbayad. Pero! Shempre naman may malasakit ako dun sa nagbigay kaya eto na nga o nagbablog na. Ayan na o. *grin*

Ang sakin lang naman, ayokong pinipilit ang sarili kong magsulat kung wala naman akong drive magsulat. Parang pagjebs lang yan e, ayoko naman magka-almuranas ang utak ko sa pag-iisip kung ano nga ba ang pwede kong idada dito kung wala naman akong urge na dumada. Kahit naman kasi sa pagbablog e merong pagpapakatotoo.

Naalala ko tuloy yung isang selebrasyon na dinaluhan ko kasama ng mga prenliprends ko. Sa crowd, hindi lang lahat kaibigan ko, although kilala ko naman sila, hindi pa rin enough na tawagan sila as my friends. Kumbaga pwede sigurong tawaging acquaintances kung tama ba naman yang spelling na yan. Magkakakilala kami pero not necessarily prens.

Itong isang nilalang na ito, mahigit limang taon ko na siguro siya kakilala, pero hindi kami ever magclick, I mean sa aking pananaw. Para sakin kasi, pilit siyang being.

Yep, pilit.

Kumbaga trying hard. TH siya na mag-fit in sa crowd na kinabibilangan namin. And yeah, this is the bitch in me talking.

E kasi naman, sa mahigit limang taon na kilala ko siya, hindi ko lubos maisip bakit hanggang ngayon ganun pa din siya ka-OA. Gumagawa siya ng mga bagay na hindi bagay sa kanya. He tries so hard to fit in kahit na awkward naman. Naging tampulan tuloy siya ng pangmo-mock sa mundo. Madalas siyang ginagaya, with all the awkwardness, behind is back. And it just baffles me bakit hindi niya yun narerealize.

Naisip ko nga, kung yung mga "friends" ba niya kung meron man ang tingin sa ginagawa niya ay cool o tulad namin e naweiweirduhan sila pero nasanay na lang ba. Gusto ko nga siya sabihan e, kaso hindi naman kasi kami friends.

At dahil hindi ako matahimik nung gabing yun, sinabi ko siya sa ilan sa mga kaibigan ko, and tulad ng inaakala ko pareho lang kami ng nafeefeel. Ang sabi pa ng isa baka daw kasi kami yung may mali, kasi masyado kaming nasanay na kasama yung mga totoong tao. Yung walang pretentions. Yung hindi nagpipilit.

Siguro nga tama. Kasi last time I checked, nung may TH to fit in sa grupo namin, ayun syinota niya yung isa. Ang nangyari tuloy, pareho silang outside the kulambo ng group. Ekis kumbaga yung ganung pag-uugali. I can never deal with people like that.

Hindi ko kayang makipagfriends sa mga taong pilit. Dahil ako never, as in never ko ipagpipilitan ang sarili ko sa mga taong ayaw sakin. At never pa naman ako nasabihan na pilit ako.

Okay, maybe not to my face. ^___^

Ang buhay parang gulong, minsan nasusunog -- booba

***now entering EMO mode***

Naalala ko yung isang tagline ng ginebra ATA dati.

"Bilog ang mundo."

Smart alecky (or Alex-y :p) me would comment:

"Actually, the earth is oblate spheroid, which is not exactly the same as a circle."

Well the tagline's point is.. hmm.. ewan ko nga ba. Hindi ko na maalala kung pano nila nairelate sa alak yung tagline na yan. Basta ang alam ko kaya sinasabing bilog ang mundo ay pwede itong gumulong gulong.

Gulong ng palad.

Isa pang variation nung tagline ni booba is "Ang buhay parang gulong, minsan nasa vulcanizing shop."

Kahapon sinabi ko kay Tannix Kwebas na ang buhay ay parang gulong. Ang nasabi lang niya "kaya dapat pa-atras ang lakad natin para lagi tayong nasa itaas."

Nakakalungkot isipin na kung gulong man ang buhay, madalas hindi ito vulcanized fairly. May mga times na medyo flat ito, kaya may mga taong nagtatagal sa ibaba ng gulong dun sa flat side. In return may mga mas nageenjoy dun sa taas ng matagal. More people are flat on the ground however.

Tinanong ko din si Tannix kung kelan ba magkakaroon ng meaning ang buhay. Eto lang ang naisagot niya:

Tannix Kwebas: ahahahahahahahaha
Tannix Kwebas: shet
Tannix Kwebas: WAG AKO ANG TANUNGIN MO!!!!
pauee: ahahaha
pauee: sabagay
Tannix Kwebas: si alex na lang
Tannix Kwebas: :D
pauee: ahahaha bakit kapag si alex masasagot niya?
Tannix Kwebas: baka may mabanggit siyang significant
Tannix Kwebas: at least makakatulong
Tannix Kwebas: eh ako? 

(Oo alex, higit kay tannix ay medyo may pagkabida ka din sa blog entry na ito. ewan ko ba.)

Routine makes the world go round. Sa araw araw, may ginagawa kang malamang ay gagawin mo rin kinabukasan. Gising sa umaga, kain ng breakfast, pasok sa school o sa work, kain ng lunch, uwi sa bahay, kain ng dinner, tulog. Yun ang composition ng araw mo, at yun ang nagpapagalaw sa mundo mo.

Pero rountine is BORING. Kung yung araw araw mo na ginagawa ang nagpapaikot sa mundo at solely iyon lang, isa kang zombie. The undead. And you are freakin' scary. Lumayo ka sa akin.

Matabang ang buhay na ganun kung meron man lasa kahit papano. Hindi mo pwedeng iulam or papakin man lang. Talagang maghahanap at maghahanap ka ng asin or patis or toyo or kahit anong pwedeng magdagdag ng spice sa walang kaflavor-flavor na buhay. Pag ganun ka, masasabi mo ang buhay mo ay gulong ng matchbox, mabilis ang ikot. At lasang gulong pa. (yep, lasang goma.)

Siguro ang pwedeng gawin, kung flat ang buhay mo, gumawa ng paraan para madala siya sa vulcanizing shop at maayos. Kung mahaba ang pila ng mga buhay dun, antay antay lang. Tiyaga tiyaga. Kung walang tiyaga hindi makakagawa ng pressure cooker yung inventor nito. Thus, walang mabilis na nilaga or bulalo.

Yehey malapit na yan. Don't give up on us baby! Ayan na nasisilip ko malapit na si manong vulcanizer, ihanda mo na ang limampiso mong pang-tip sa libreng hangin!

***emo mode off***

Paano ko ba matatanggal ang lansa ng salmon sa pagkatao ko?

Kanina nagluluto ako ng salmon. Tanghalian namin ni eve. Papano nga ba magluto ng salmon?

How to cook Salmon the Pauee way:

-2. Pahiran ng kalamansi ang salmon.
-1. Lagyan din ng paminta.
0. Set aside. Maghanda na para sa pagluluto (make-up make-up ng konti para bongga)
1. Buksan ang kalan sa katamtamang ka-apoyan.
2. Lagyan ng sapat na olib oil ang kawali at ilagay sa ibabaw ng kalan (na may apoy shempre)
3. Do the wooden chorva test. Ilagay ang wooden chorva sa mantika, kapag ito ay bumubula-bula, mainit na ang mantika.
4. Ilagay ang salmon.
5. Matapos ang isang minuto ilayo ang kawali sa apoy para palamigin.
6. Kapag malamig na, ibaliktad ang salmon.
7. Lutuin muli ng isang minuto.
8. Serve hot.

Tsa-raan. Ayan na ang simpleng proseso ng pagluluto ng salmon. Simpleng proseso pero may kaakibat na matinding kalasanhaang di maalis-alis sa akin katawan. Isa akong walking salmon.

Nakaka-lungkot lang isipin na higit sa sarap na naidudulot ng salmon sa aking panlasa, may kapalit naman shang matinding kumakapit na amoy sa buo kong pagkatao. Kung iisipin, worth it nga ba ang lahat? Enough na ba ang sarap ng salmon para makoberan ang lansa?

Madalas gumawa ng desisyon ang mga tao kahit na siguradong may kapalit na hindi kaaya-aya, dahil sa dulo ng lahat may matatamasang katiwasayan. Matinding battle muna ang pagdadaraanan sa decision-making, bago mapagisipang worth it ang lahat. Pero in the long run, sapat na nga ba?

Hmm. Teka anong ka-emohan to. Makaligo na nga.

Bakit ba tuwang-tuwa kayo dun e laman lang naman yun?

Seriously though, ano bang nakakatuwa sa mammary glands ng mga babae at may effect yun sa inyo?

Dahil ba natatago? So kung ilalabas na lang siya all the time hindi na magiging ganun ang effect sa inyo?

I would NEVER understand.

*****

Isa sa mga naging pastaym namin ni cygnum dito sa banyagang bansa ay ang magswimming. Meron kasing malapit na resort dito. 1 S$ lang. roughly 30 pesos. And pwede ka na magswimming the whole day. Yung pool ay nasa taas ng isang building ala-rooftop. At 50 meters siya. So pwede ka maglaps as exercise.

Meron din siyang parang glass windows ala-aquarium na makikita ng mga nasa mall. Eto picture para mas maimagine mo.


May isang pagkakataon though, nagswiswim ako at viniview ko sa salamin na yan ang mga tao sa ibaba. Nagtataka ako kung bakit nagkaroon ng grupo ng mga lalaki na nakatingin sa akin/amin paitaas. Nakangiti sila at sigurado ako na sa akin nakatingin. Medyo dumarami na sila nung narealize kong ang form ko ay sumisisid pailalim at ako'y naka-two piece.

*****

Kapag ba niyayakap ng babae ang lalaki damang dama ang mahiwagang glands? Napagsabihan kasi ako kelan lang na wag daw ako basta basta mangyayakap ng guys. Di ko naman kasi pansin na yun pala ay napapansin ng niyayakap ko. Kahit papano naniniwala ako na hindi lahat yun ang nararamdaman. Pero sige titigil na ako sa kakayakap.

Magkaroon pa kaya ako ng kasagutan sa tanong ko? 

Chills me to the bones: Post-Birthday

"Bahala kayo. Magsama kayong dalawa. Mag-isa kayo!"

Waaah. Confusing.

Naisip ko, parang mas gugustuhin ko pang sabihin sakin na "Manigas kayo." At least hindi ako madudumbfound kung ano ba ang ibig niyang sabihin sa statement na iyan.

Then maybe it's a little R-18. Sus yan. R-18 din pala yung mas preferred kong statement.

Erase erase.

Nung mga panahong highschool pa lang ako, di ako marunong mag-isa. De-skulbus ako. At kung magcocommute ako e kagi akong may kasabay (ang aking labs na labs na si verns). New student ako sa pagpasok ng persyir, pero instant friends agad sa persday. Di ko kayang kumain mag-isa. Di na lang ako kakain kung ganun. At lalong di ako marunong magcommute alone.

Instant aloneness naman ang nangyari pagtungtong ko ng kolehiyo. Naghiwa-hiwalay kaming magbabarkada ng skuls. At nagmalayo ako ng eskwelahan. By choice. Humiwalay din ako sa pamilya ko habang skul days, I lived by the campus. Nangangapa sa bagong lugar. At oh no, di pa ganun ka-solid ang pagiging block section. 1 or 2 subjects lang kami classmates.

Pero ika nga no man is an island cove. Nagdrift ako from being alone to being an org member. Barkada extraordinaire. Nabawasan ang pagiging loner. Pero sa pagcommute papunta at pauwi, madami pa ding times na mag-isa na ako.

Ganun din sa work. Mabilis din ako nagkaroon ng click. Pero I treasure the moments na mag-isa ako kapag papasok at pauwi. Time with myself. Nagfeefeeling emo kahit pilit.

Sabi ng mga nakakakilala sakin, di daw bagay sakin maging mag-isa. I'm a social being. I tend to be the person na bumubuo ng group rather than magsettle mag-isa. Di ako lone shark. I swim with the school. Mumunting isda. Kahit natuto na ako kumain mag-isa ngayon, or lumakad at magshopping alone, I'd still prefer it with company. Ganun lang ata ako talaga.

Tama na siguro yung 1 hour na mag-isa. Enough na yun to be alone and think on my own. I want to be with other people.

Ayoko ng alone. Lalo na yung kanta, ginagawa akong latang pinupunit. Akala mo mataas na yung part na "Till now.." but no! Mas mataas pa yung part na "How do I get you alone..." at lalo na yung sumunod na "Alone..." Putek yan, pamatay lang e.

At dahil di ako mag-isa sa mundo, gusto kong magpasalamat sa lahat ng bumati, nagtext, nag-pm, nag-post sa cbox, nag-email, nag-plurk at sa lahat ng nakakaalala kahit di nagparamdam sakin sa aking kaarawan. Overflowing messages kaya overflowing thanks din sa lahat ng nilalang ng nilikha ng Diyos para maging part ng buhay ko at pasayahin ako sa araw ng kapanganakan ko.

Hulaan niyo age ko, sa itsura. Sabi ni chris di na ako papasang 12 years old ngayon e. Bad trip kailangan ko tuloy magmature! Required ata. Pero ang cute cute kasi nitong patatas na nakita ko sa araw ng birthday ko:

Higit sa mga bumati, gusto kong bigyan ng special na pasasalamat ang mga kaibigan ko sa dati kong opisina. Alam niyo na kung sino kayo. Sobrang thanks po sa card na pinadala pa via DHL. Thanks, nagulat ako sobra. Ang cute cute niyo sa mga pics niyo. Naiyak ako talaga ng hagulgol. Pramis.

Salamat sa family ko na nakausap ko sa phone sounding very excited. Miss ko na kayo sobra.

At pinakathanks sa tatlong taong kasama ko sa araw na yon. Lyka, Eve at lalong lalo na sa pinakamamahal kong si Chris, salamat for making the day special. One of my most memorable birthdays ever. Mwah!



More birthdays to come for me! Yehey balita ko di naman required magmature e.



-



Glutton's Guide No. 3: Ice Kachang

Hindi ako gaanong mahilig sa halo-halo. Mas gusto ko ang *insert prutas here* con hielo. Pero minsan sa mainit-init na panahon, hindi mo din maiiwasan na hanap hanapin ang sarap ng pinaghalo-halong sangkap ng halo-halo (wow so paulit-ulit lang). Ube, leche flan, pinipig, kaong to name a few of my favorite sangkaps. Pero isa din sa mga paborito ko ay ang lasa ng yelo na may gatas.

Dito sa bansang banyaga, may bersyon sila ng popular na halo-halo ng pinas. Ito ay tinatawag na Ice Kachang. Sa halagang 2.40 SGD, mapapauee na ang iyong uhaw sa tag-init. Hindi siya exactly tulad ng halu-halo. May iba't ibang klase siya. Ito ang isa sa kanila:



Strawberry-flavored ang ice cream at ang syrup na red na iyong nakikita. Kaya ito ay Strawberry Kachang. Sa may bowl part ay iba't ibang sangkap na mala-halo halo tulad ng kaong, gulaman, beans, etc. Ang nakakatuwa dito ay ang presentation ng product. Nakaka-aliw at mukhang katakam-takam. Ito pa ang isa:





Ito naman ang Mango Kacham. At dahil peborit prut ko ang mango e ito na siguro ang favorite flavor ko. Masarap at malinamnam. At national fruit pa ng bansa kong sinilangan!







Iyan naman ang Rainbow Kachang. May candy sprinkles na nilalagay sa gilid instead of syrup. Endless ang types of Kachang dito. Pero sa totoo lang may kamahalan ang presyo nila. Hehe. Pero oks na, isang ganyan share share na kaming tatlo. Di na rin masama.

Nako, mukhang tataba talaga ako dito a. Nag-eenjoy ako sa pagkain e. Konting diet na siguro :p

Siyertz Engine

Bilang isang adik na blogera ng site kong http://iampauee.com (oh yeah shameless plug), natural lamang na gumamit ako ng kung anu-anong tracking sites para malaman kung sinu-sino, anu-ano at papaano napupunta sa website ko ang mga eklavush kong dear readers (kayo yun, wow! thanks!). Isa na siguro sa pinaka-okay na site na nakita ko ay ang Google Analytics. Isa-isa kong iniiscrutinize kung anu-ano ang ibig sabihin ng bawat report na nakukuha ko sa site meter na ito. Ito nga at meron pa silang naipapakitang pie graph:

Mapapansing merong namumulang bahagi ng pizza pie. Ito ang mumunting parte na mga napupunta sa site ko sa pamamagitan ng pagsearch ng kung anu-anong term mula sa mga search engines tulad ng Yahoo at Google. Sa lahat sa report ng analytics, dito ako pinaka-natutuwa. Kailan lang ako nagsimulang gumamit ng meter na ito, at totoong aliw na aliw ako sa mga search terms na ginagamit para mag-appear ang site ko. Ito ang ilan sa mga nalikap kong search terms:

mahirap maging tamad nakakatamad kasi - Aba nga naman talaga namang napakahirap nitong adhikain na ito. At para maisip mo na ilagay ito sa search box ng isang engine, sadyang kataka-taka. Ano nga kaya ang impormasyong gustong malaman ng taong naghahanap ng mga websites gamit ang search keys na ito. Marahil nag-iisip siyang mabuti kung may eksplanasyon ang sadya niyang pagiging tamad. I pity the person in this situation at dahil din i feel for him/her. At para lumabas bilang pangalawang website sa Google ang site ko gamit ang terms na ito, it is a blessing for a tamad person such as me.

"shake shampoo" zsa zsa - Malamang ang hinahagilap ng taong ito ay ang larong shake shake shampoo. Marahil ang rules ng game na ito, pati na rin siguro ang pinagmulan. Ang nakakapagtaka lang ang ang association ng salita o pangalang "zsa zsa" sa larong ito. Di kaya siya ang nagpasimula nito? O kaya naman paboritong laro ito ni zsa zsa? At bilang "I am lucky" site ng search terms na ito, talagang nakakapagtaka.

alamat ng halo halo - Sa palagay ko ang nagsearch nito ay sadyang taong adik sa halo-halo. Sa sobrang in love siya sa pagkaing ito, ninais niyang malaman ang pinagmulan. Di ko siya masisisi. Aba nung isang araw nga nagsearch ako sa alamat ng ice cream-wafer sandwich. Pero shempre joke lang yun para lang may masabi. Pwede din na may assignment na get a very unique alamat. At ito ang naisip ng bata.

ano ang kahulugan ng matayog? / ano ang matayog - Maaaring confused talaga itong taong ito. Baka hindi niya talaga alam kung ano ang ibig sabihin ng salitang yun. O kaya naman ay nagbabasa siya ng El Fili tapos part ng vocabulary questions yung salitang matayog tapos imbis na magcontext clues deciphering siya e naggoogle na lang siya. Para nga naman mas mabilis no? Pero ang ibig sabihin nga ba ng matayog ay mataas? Salamat naman at pang-limang site ako gamit ang search terms na ito.

ano ang sintomas pag lagi masakit ang tiyan - Sa totoo lang hindi ko din alam ang sagot dito. Parang mali kasi ang tanong niya. Una, pag masakit ang tiyan mo, yun ang sintomas ng iba pang sakit. At wala nang ibang sintomas para malaman mong masakit ang tiyan mo. Hindi ka naman nagmumuta sa umaga pag masakit ang tiyan mo. O kaya naman e sumasakit ang leeg. Pag masakit ang tiyan mo yun na yun. Sana sa pagsearch ng taong ito, nalaman na din niya ang kasagutan sa tanong niya. Ang kasagutan na walang kasagutan. Parang yung tanong ko lang sa main site ko na Ano ang sintomas ng masakit na bangs? Maling mali. Third site pa ako sa search. Wow.

anong ginagawa ng palaka tuwing umaga - Gusto ko din malaman ang sagot sa tanong na ito. Ano nga bang ginagawa nila? Nagtataka na din tuloy ako. Pero malamang they are still jumping around, eating insects, doing frog things. Di din natin alam kung sa frog world malamang pwede ding nagshoshopping sila, nanonood ng tv, nagbablog or nagseasearch sa engines kung ano ang ginagawa ng mga tao tuwing umaga. 4th site.

idsa 2 - Hindi ko nga alam na may salita palang idsa. Ginamit ko lang itong title ng isa kong entry para mockery sa sikat na kalsada. Malamang-lamang na sa ibang lugar ito ay acronym ng kung anong association. Talagang patawa na napunta sa blog entry ko ang nagsearch ng salitang ito kung ganon. Sorry naman po.

iskit na nakakatawa - Sa tingin ko nagkawriter's block tong taong nagsearch nito. Hindi na siya siguro makaisip ng kung anong skit ang magagawa niya. O kaya naman taong walang magawa pwede din. Gusto lang niya ng pampalipas oras kaya naman naghanap siya ng nakakatawang skit. At para gamiting ang salitang "iskit" imbis na "skit", ayun nakakatawa na din siya. Sana naaliw naman siya sa nabasa niya sa site ko na 9th site na maididisplay.

klase ng sabaw - Palagay ko gutom tong taong ito. O kaya naman curious lang. Sa dinadami-dami nga naman ng sabaw na nakain o nahigop na niya, wala ba silang classifications? I am one with him/her with this question. Bakit ang mga halaman, hayop, gamit, cellphone, computer may mga classifications at ang sabaw wala? How unfair could that be really baffles me.

mga kabataan daw ang pag-asa ng bayan / kabataan ngayon - Kaisa niya ako din talagang maglalagay ng salitang "daw" sa phrase na ito. At dahil seryosong topic ito, ayoko na magdwell. Naidiscuss ko na din ata ito sa dating entry.

Nakaka-awa din ang mga taong nagsearch ng terms na ito at maglaland sa site ko. Malay ba natin kung seryoso sila, curious or part ng school assignment kung bakit nila ito hinahanap at bigla na lang sila mapupunta sa isang site na panay patawa, kuro-kuro at paglalakbay utak. Sa lahat ng nabarbero ng blog ko, pasensya na po. Pero sana kahit papano kung busy ang araw niyo, stressed sa trabaho, problemado sa buhay, sa konting korning patawa ko e napagaan ko ang araw niyo. After all, yun lang naman ang gusto ko. *Sniff* ^_____^

Glutton's Guide No. 2: Beancurd

Oh I miss home. Kahit pa dalawang linggo pa lang ako dito sa banyagang bansa. At isa sa mga namimiss ko sa bansang sinilangan ay ang mga naglalako ng kung anu-ano sa kalye with matching pasigaw ng product effect. Oh yeah that's what I call ADVERTISING.

Anu-ano ang maiiisip mong ganitong mga products? Andiyan ang Balut, Penoy. Ang Binatog na di ko malaman laman kung ano nga ba ang lasa. Hopia, Mani, Popcorn. Meron din mga non-food thingies tulad ng Repair Payong Sapatos (pronounced: Ripeeeeeer Payung Sapatuuus).

Pero isa sa mga paborito kong lako-ed products ay ang Taho. Sa tuwi-tuwina naiibsan ni Manong magtataho ang aking gutom sa umaga through his paglalako. Ayoko nung sago na dinadagdag kaya sinasabi ko kay Manong kung pwedeng minus sago and plus soya na lang ang drama. Sa kadalasan naman ay pumapayag si manong. Eto rin nga palang taho ay ginamit ni Lingling na pang-flirt sakin sa pamamagitan ng pagdala sakin nito every morning sa office. Haha kinikilig naman daw ako.

Anyhow, mabuti na lamang meron din Taho dito sa banyagang bansa. Ang kasosyalang pangalan nito ay Beancurd at mabibili lang ito sa halagang nagrerange sa 1 - 1.60 SGD, depende sa kung saan ka bumili.


Hindi kulay brown ang arnibal na nilalagay nila. Pero same same. Although di ganoon katamis kaya I kinda like it better. Mas dekalidad din ang Soya na ginagamit kaya mas hindi nakaka-soya. Waw patawa haha.





Commercialized na din ang taho dito. Wala nga lang ang shouting product endorsement effect. Pero may mga stores na na yun ang specialty tulad ng Mr. Bean at Jollibean (na hindi daw associated sa Jollibee, pero same font, green nga lang. Click the names to see the product websites.)






O siya. Kain na. ^__^






-

Glutton's Guide No. 1: Ice cream-wafer sandwich

Intro muna ng seryeng ito. Talaga nga namang napakasarap kumain. Ito ang pangalawang gusto kong ginagawa sa buhay ko. Una na syempre ang *toot*. Shempre hindi bastos yan, alam niyo naman adik ako matulog. Yung pangatlong gusto ko ay tumae, pero di naman kasi yun ang point ng seryeng ito so ayun. Sa ibang time na lang yun kung gusto niyo haha.

Anyhow, dahil sa ako ay nagmamatakaw sa kadalasan, naisipan kong medyo i-share na din tong aking mga "karanasan" sa larangan ng pag-lafang dito sa banyagang bansa. At ito ang unang entry.

Tsa-ran! Isang makapal na hiwa ng ice cream na ipapalaman sa manipis na wafer. Sa halagang 1 SGD lamang o tumataginting na 30 PhP (ayon sa current market exchange rate). Masarap at malinamnam. Akin yung gitna. Mango-flavor. Oh yeah national fruit. Kung gusto mo malaman ang kakapalan ng ice cream eto ang isa pang kuha:


Pinag-masdan ko si Manong ice cream-wafer sandwich vendor. Kumuha siya ng isang bloke ng parihabang ice cream. Saka niya ito hiniwa na parang keso. Nilagay niya sa gitna ng manipis na wafer saka binalatan (dahil kasama ang karton sa pag-hiwa siya). Masarap at malinamnam na proseso.

Alam ko na meron nito sa dairy queen. Pero iba ang level nito kasi parang dirty ice cream style. May manong na naglalako. At sa tabi sha ng eskwelahan. Sana sa susunod maabutan ko muli si manong. I love him. Hehe.







Sarap no? Kakagutom. Hehe.






.

The more you sleep, the more you get sleepy.


<11:15 am> mariano : Oo, tama kailangan na ng trabaho.
<11:15 am> pauee : Kailangan na ng bagong buhay.
<11:16 am> mariano : New year, new life. oh yeah.
<4:15 pm> pauee : Ayun, nakatulog ako.
<4:15 am>mariano : Haha. What's so new about that?

Normal na ang ganyang usapan sa amin dalawa ng kaibigan kong si Mariano. Masinsinang usapan. Mamaya konti makakatulog ako.

Hindi lang naman ako ang ganyan. Madalas ay ganyan din siya. Malupit lupit ang usapan at mamaya maya magiging idle siya. Ayos. Tulog na si mariano. Matutulog na din ako hehe, kanina ko pa gusto magpaalam para matulog e.

At dahil diyan naka-imbento kami ng salita at ito ang salitang ANTUKERO at ANTUKERA. Oo, sa amin nagsimula yang salitang yan at naipalaganap lang. Mahilig kasi ako maglagay ng -ero at -era sa mga common na salita to pertain to a person having the quality. Feelingera ako na nagpapauso ng mga words e.

Pero sa katunayan, hindi kasi akma ang salitang antukin para idescribe ako. Kasi I'm more than that. Hindi lang ako antukin, mahilig pa akong antukin.

Masarap matulog, lalo na kung kagigising mo lang. Mas nakakaantok ang ganito. Kung kanina ka pa gising hindi na gaano masarap matulog. Mas masaya na gumawa ng ibang bagay. Pero kung tuloy tuloy ang tulog, ayun panalo.

Sabi pa nila, matulog ka sa tanghali para hindi ka antukin sa gabi pag may lakad ka. But nooooooooo. Pag nagsiesta ako, mas maaga ako nakakatulog sa gabi. Mas hinahanap ng ulirat ko na mawala sa sarili. Sleeping is heaven.

Kaya nga ba pag sinasabi ko na inaantok na ako, kung talagang magkaibigan tayo, maniniwala ka. Dahil ugali ko naman ang antukin. At ika nga ni Mariano, what's so new about that. Same same.

Hindi ko nga alam kung dapat kong ayusin itong pag-uugali na to. Pag nasa trabaho naman ako mainam naman akong nakakawork. Pero pag ginusto ko matulog, tulog talaga ako with matching malupit lupit na panaginip. Himbing ng over oa ang tulog ko pag ginusto ko. Kung baga Sleeping is my talent.

Nagawa ko na matulog sa MRT ng rush hour. Oo, nakatayo ako. At tulog. E puyat naman kasi. Nakakapit naman po ako sa handle bar. May malaki pa akong bag noon kasi pauwi ako sa province. Di naman siguro nila pagnanasaan itakbo yung malaking bag na yun kaya nagdesisyon na akong matulog. Q-ave. Taft na ako nagising. Sakto.

Ang di lang kaaya aya, ayokong matulog sa klase. Medyo takaw pansin kasi ako sa teacher. Kaya pansin kung natutulog ako. Hindi mainam. Ang naaalala kong ginagawa ko ay lumalabas ako ng room at uupo sa sulok saka iidlip. Malas ko na nga lang kung mag-cr ang teacher ko at makita akong natutulog sa sulok. Nangyari na yun e, nagkatinginan pa kami. Teehee.

Kaya kung madalas man akong online sa instant messenger, pasensya na po kung di ako nakakareply sa madalas na panahon, tulog po kasi ako e. Half siguro ng araw ko tulog ako lalo na ngayong job hunting mode. Hindi mainam, pero masaya. Haha. Try niyo. ^___^

Nagawa ko na din matulog sa laptop ko. Pag gising ko ayun box-box ang mukha ko. Go figure. :p

O siya. goodnight!


Bang.

"How are we going to spend new year?"

"Hmm. We probably could go to this place and watch the fireworks display. I hear there will also be bands. A lot of people will be there. I think it would be fun."

He said that enthusiastically. Deep inside I know he also doubts if it would really be fun, as much as I do.

The two of us both enjoy every year ending with our family since the day we were born.

As we enjoy the the food we bought in a food court near the celebration, I can't keep on wondering what my family prepared that day. They probably have spaghetti, my sister love those. And my dad may have grilled another pig's head.

What I am eating isn't bad at all. It lacks a little flavor, but I guess I am already used to that. Here, spices are my best friend.

I heard a familiar sound. It's a band I know playing. I hummed to their music. It feels relaxing to hear something familiar.

He's right. A lot of people are there. A lot including people I could understand. That as well is relaxing.

It's almost time for the fireworks. I wonder what my dad bought for this year. It usually is a light fountain. Sinturon ni Judas. And maybe roman candle for my sister. My nephews and nieces are all ready with their trumpets. I wonder if my youngest nephew already knows how to blow through them.

The fireworks are beautiful. Probably costs a lot. I screamed with the crowd, almost at the top of my lungs.

I hope the fountain my dad bought worked well. There were years when they are faulty.

The fireworks display here is coupled with music. There were parts where the music is slow and the fireworks are in sync. It was wonderful.

I guess my nephews and nieces are jumping now. They may still believe that that will help them grow taller. I say cherifer.

That is when I looked at the person I love. He leaned closer to me and kissed me.

"Are you happy baby?"

"Yes I am, I am with you."

Senseless Beginning.

Grabe. Im like so baduy naman.

Di ako nakagawa ng year-ender blog entry.

E uso yun.

So sad. Isa na akong baduy na nene.

At dahil diyan, ireredeem ko ang sarili ko at eto ako ngayon gumagawa ng...

drum roll..

Year-Starter Entry.

Oh yeah. I know hindi din ako original nito kaso wala na ako magagawa e. Tapos na ang 2008 kaya no choice. 2009 entry na dapat ito. Sorry na lang po talaga. Siyet.

Anyway, naalala ko lang bakit ang representation ng New Year ay isang BABY? Tipong si 2009 isang baby, si 2008 isang gurangers. Grabe di ko matanggap. Parang masyadong discrimination sa mga matatanda. Parang "they are so last year".

Hmm, pero ngayon wala na akong nakikitang ganung representation. Meron pa ba? sa mga tv shows or whatever shet there is. So siguro so last year na din yung ganung symbolism.

At ang polkadots. Oo nagsuot ako ng polka dots na pantulog. Ayos di ba. Ano nga ba ang sinisymbolize nun? Pera nga ba? Siyet sana nakagain ako ng pera while sleeping.

Alam ko iniisip mo, kahit anong talon pa ang gawin ko wala na akong itatangkad. Di na nga ako tumalon e. Nakaka-disappoint lang yang maderpaking superstutu na yan. Bata pa ako tumatalon na ako. Wala naman nangyayari. Same same pa din ang height ko. At nadepress lang ako.

Lalo din ako nadepress dun sa mga superstutu na makalat. Tipong magkalat ng bigas. Magpasabog ng bilog na prutas sa sahig, etc etc. Di namin ginawa yan. Nakikitira lang kami e. Saka ano bang karapatan kong magsayang ng bigas. Buti sana kung di ako namumulubi dito.

Naaalala ko din na laging nabubulok yung bilog kuno na mga prutas na iniipon ng parents ko. 12 na bilog na prutas ba yun? E kasi naman basta makaipon lang. Kahit di namin kilala yung prutas.

Kadami lang tradisyon e. Pero yun sa totoo lang wala naman silang sense lahat. Pero ayun ang masasabi ko lang masaya pa din ang bagong taong sa pinas at walang tatalo. Actually kung kasama ang family mo masaya. Pero sige baka sa pinas lang yun hehe. So kahit walang kwenta yung mga tradisyon na yan nakakamiss pa din silang gawin.

Happy Nunir everyone. Sana maging mas matino tong 2009. Babye 2008. Sumama ka na sa paputok ha? Ingat!