what. the. duck.

blogging is a motherducking waste of time.

pakikilakbay ng alamat

ako si pauee at wala na akong magagawa dun. ako ang spoiled brat sa mundo ng blogesperyo. walang kapararakan lahat ng pinagsasabi ko pero pipilitin kitang magbasa. isa akong living irony. pauee by day and pauee by night dahil hindi naman ako nagpapalit ng pangalan.

masakit sa bangs

ano ang mga sintomas ng masakit na bangs? unang una, dapat mahapdi ito at hindi mo mahawak-hawakan. pangalawa dapat ito'y namumula. pangatlo, namamaga at mukhang matamlay. so sa iyong pagsisiyasat, masakit ba ang bangs mo?

rubeeeeks

madami na akong kakilalang nakakasolve nito. pero iilan lang ang kakilala ko na mabilis.

so, in fascination, im posting his video. hehe. panis pa nga ito. dati naalala ko inorasan ko sha at mas mabilis pa siya dito. malamang ay na-video conscious haha. siya ata ang champion ng rubiks challenge ng engg week for 2 consecutive years na sumali sha.



yun lamang. magbigay pugay!

at ako naman si the flash.

yes. eto ay in relation sa kaibigan kong si batman at sa kanyang mga post. dahil bubuo kami ng justice league. emo na justice league. mga super hero na nagda-drama. mga superhero na mahilig mag-blog. mga superhero na hindi makahanap ng kakuntentuhan sa buhay.

ako si the flash. mabilis akong kumilos, mabilis akong magdecision , mabilis akong umaksyon sa mga bagay bagay, mabilis ako sa lahat ng bagay.

super cool ko no. kayang kaya kong gumawa ng decision ng madalian. iharap mo sakin yan ngayon, mamayang konti zoom zoom zoom may decision na ako! super bilis. super the flash.

kung sa gimik nga, mabilis din ako mayaya. ngayon umaga papasok ako sa trabaho, i-text mo lang ako na may gimik mamaya, siguradong siguradong isang mabilis na "oo sige punta ako" ang isasagot ko. hindi ka pa siguro nakakahinga ng malalim nakasagot na ako. hindi mo pa siguro naiicocompose yung instructions ng party ay nagtext na ako ulit ng "teka, san ba yan?"

hindi ko alam kung madali or mahirap akong makaaway. kasi kung nakaramdam ako ng galit, sasabihin ko agad yun sayo. mararamdaman mo ng lubusan. pero recently, ang duration ng galit ko, pinakamatagal na siguro ang 5 minutes. madalas kong sinasabing hayaan mo muna ako, after 2 minutes okay na ako. madali kong magetover ang isang galit. lalo pa at alam ko naman na may kababawan.

hindi ko din alam kung madali o mahirap akong maging kaibigan. magulo kasi ang utak ko, mabilis at madaling magbago. dahil dala na nga ng pagiging mabilis ko e ang pagka-impulsive. kaakibat na din yung super powers ko.

mabilis at handa din akong tumulong sa kahit sino. lalo na yung nanganganib ang buhay. para saan pa at naging super hero ako.

pero sabi nga ni batman, super hero lang ako, hindi ako diyos. mabilis man mawala ang lahat sa pisikal, hindi ko din sigurado kung mabilis din nakaka-react ang nasa sa loob. mabilis man magdesisyon para sa mga bagay bagay, hindi ko alam kung nakaka-keep up ba ang buong pagkatao ko.

at kung matulungan man kitang mapabilis ang mga bagay bagay, hindi ko pa din kaya na bilisan ang nararamdaman at nasa saloobin ng ibang tao, o kahit ako.

ako si the flash. at miyembro ako ng justice league. justice league na handang tumulong sa lahat. justice league na ang headquarters ay starbucks.

trivia: ako si the flash sa gabi, at si koko krunch sa umaga. ^__^

mas masarap ang cellfone kung isasawsaw sa suka

Ingredients:

1 Cellular Phone*, preferably an iPhone
1 cup vinegar, preferably silverswan

Procedure:

1. Dip cell phone in vinegar.
2. Consume.

*If cellular phones are not available, you can also use your PDA, laptop or your new Rolex.

Tannix, sana ma-i-post mo ang larawan ng putaheng ito. ^_^

Kaninang umaga pagkagising ko gutom na gutom ako. Initial thing pa naman na ginagawa ko pagka-gising ay mag-internet. So paglingon ko sa laptop ko nagutom ako lalo at gusto ko na sana kainin ang mouse ko.

Ang problema, wala nga pala akong mouse. Crap.

Tsk tsk. Pagkakataon nga naman.

Mabuti na lang mabait ang nanay ko. Ipinagluto niya ako ng sopas. Masarap ang sopas lalo na at gutom na gutom ka. Lalo na sa linggo ng umaga. Kasama ko pang kumain ang buo kong pamilya. Very nice Sunday family bondingan.

Kung hindi ako naipagluto malamang e nasimulan ko nang ngasabin ang celpown ko. Mukha kasi sha talagang masarap. And the tiny parts look crunchy.

Sabi nga ate ko kanina, "Anu ba tong cellfone ko andami nang gasgas."

Naisip kong emo na sagot "Buti ka panga cellfone lang, ako buhay."

Pero shempre di ko sinabi yun. Baka batukan pa ako nun at gumulong sha sa kakatawa. Kahit nga ako natatawa ako sa statement na yun. Imagine paano magkakagasgas ang buhay? E wala naman yun solid surface. Hahaha so funnyyyy.

In line with that tuloy nakaisip ako ng few lines na may konek sa cellfone at buhay. Kaso ayoko na ilista dito. Parang andalas ko na kasing naglilista ng bagay bagay.

Pero parang nakakabitin, kaya sige maglilista na din ako ng iilan.

1. Ang buhay parang nokia N series. Maganda, madaming features, pero komplikado. At kung masira, ang hirap ayusin. Kung maayos man, sobrang laki ng cost. Pero kung maayos na ulit, everything is worth it.

2. Ang buhay minsan parang cellfone. Minsan malolowbat ka, minsan pa nga maeempty bat. Pero at least pag naicharge na from empty bat, mas matagal ka nang maglalast. Matagal man ang charging time, alam mong magiging okay lang din ang lahat in the end.

3. Ang buhay parang cellfone, mag-aalert kapag may bagong message na parating. Pero yung owner yung may discretion kung babasahin ba niya yung message or idedelete agad. At kung binasa man niya, choice pa din niya kung rereplyan or iignore.

4. Ang buhay parang cellfone, pwedeng palitan ang housing. Pero it's still the same phone underneath.

Necessity na ang cellfone ngayon no? Nakakatawa kasi dati naman hindi naman kelangan ng cellfone. Kahit kapag magkikita, definite yung plans. Ngayon parang lagi na lang "text text" na lang.

Kelan lang nagkaroon kami ng dilemma ng taong madalas kong kinikita. Pano tinopak ang globe. Hindi namin malaman san ba kami magmeemeet. Kasi parang lagi na lang kaming nagtetext ng "San ka na?" kapag andun na. Buti na lang at naisipan namin magantayan sa same place. Ayun nagkita kame.

Pero nakakalungkot yung dependence sa cellfone. Parang ang bawat lakad ngayon isa nang malaking kalabuan. Hindi na definite ang lahat ng plans. Dahil nga pwedeng magtextan na lang.

Minsan old fashioned ako, kaya pag ako ang nagplano, gusto ko clear. May eksaktong lugar at oras ng pagkikitaan. At ayoko ng late. Dapat definite ang lahat.

Pero ako naman pasaway kapag iba ang nagplan. Madalas pa nagugulat na lang sila at andun ako. Kasi hindi naman ako nagconfirm. Ewan malabo talaga ako.

Isa akong taong hindi mahilig magtext. Or sa ngayon ganun ako. Mas gusto ko kasi yung sa personal. At masakit lagi ang hinlalaki ko.

Buti na lang may sopas pa. Ipapa-init ko na lang. Nakakaramdam nanaman ako ng gutom. Ayokong ngasabin yung cellfone ko, madumi sha today.


fashion statement

Nosebleed

Sobrang bigat talaga ng librong pinahiram mo sakin.

Hindi ko alam bakit ako nagpapa-uto sayo. Sabi mo maganda ang istorya nito. Ako naman sige hiniram ko. Kahit pa alam kong mapipilitan lang akong magbasa. Kung interesado ka, malamang nga may saysay ang kwento.

Pinilit kong basahin ang unang pahina. Lipat sa susunod. Teka hindi ko naintindihan. Inulit ko nanaman ang unang pahina. Masyado talagang malalim ang ingles nito. Alam mo namang hindi ako mahilig magbasa lalo na kung sa ibang wika.

Bukas ko na ulit ito susubukan basahin. Medyo malalim na ang gabi.

Naalala ko yung mukha mo nung kinukumbinsi mo ako na basahin tong libro. Sobrang liwanag ng mukha mo noon. Tuwang tuwa ka na ikinukwento sakin na hindi mo mapigilan ang sarili mong tapusin ang libro kahit antok na antok ka na. Hindi ka pa nga gaanong makahinga noon, sa sobrang excited ka na ikwento sakin. Sobrang ganda ng pagkakalapat ng pangyayari. At lalo na ang ending.

Sinabi ko naman na sayo na hindi ako mahilig magbasa. Pero sige, sinabayan ko na lang yung saya mo. Pinakita ko na excited din akong malaman ang kwento. Pero gusto mo na basahin ko muna ang libro. Para kung pag-uusapan natin, alam natin pareho ang nangyari, at ang buong istorya.

Crap.

Kaya ito ako ngayon. Alam mo yung pakiramdam na obligado ako. Pero gusto ko naman tong basahin. Ayaw lang ng utak ko. Nireresist niyia ang impormasyong nababasa niya sa libro mo. Hindi niya kinakaya. At nagbabadya siya ng nalalapit na pagtirik.

Naiisip ko kasi ang itsura mo pag sinabi ko sayo na tapos ko na ito basahin. Malamang sasaya ka sobra. Makikita ko yun sa mga mata mo. Bibilis ang pagsasalita mo at alam kong paguusapan natin ng istorya. Mararamdaman mong sa wakas, meron ng taong makakaintindi sa mga pinagsasabi mo.

Kung meron lang sana akong mahahanap na summary ng kwento sa librong ito. Kaso wala. Sinubukan ko nang maghanap sa internet. Wala talaga. Sabi mo sikat ito, pero bakit wala akong mahanap na review. Talagang pinahihirapan ako ng librong ito. Nakakalungkot, mukhang kailangan ko talagang basahin.

Bakit ba hindi ko maamin sayo na hindi tayo pareho ng gusto? Nahihirapan akong sabihin sayo na ibang iba ang taste natin. Hindi ko kayang sabihin na nababaduyan ako sa trip mo. At hindi ko din kayang isipin mo na sobrang pinaplastik lang kita simula simula.

Habang mas tumatagal ang pagkakaibigan natin, mas nalalaman ko na hindi talaga tayo bagay. Hindi tayo magkatugma. Madami kang gusto na kinamumuhian ko. At marami akong gusto na pakiramdam mo ay para lang sa masasamang tao.

Bukas isosoli ko na sayo itong librong to. Aaminin ko na na hindi ko talaga kaya. Madami na akong librong nabasa para sayo. Sabi mo magaganda ang istorya, pero hindi ko naman nagustuhan. Ngayon hindi ko na kaya. Kailangan ko na tapusin ang pagpapanggap. Hindi tayo pareho. Hindi tayo akma para sa isa't isa.

Hmm.

Sige susubukan ko ulit basahin to. Kaya ko pa naman. Mukhang maganda naman nga ang istorya.

manukan blues

Yehey! Fried chicken nanaman ang ulam.

Noong bata ako gustong gusto ko ng fried chicken. Anu ba, e fried chicken yun e. Its the ultimate ulam para sa mga bata. Ang paboritong parte ko pa e yung legs. Lalagyan ng mommy ko ng tissue yung parang "hawakan" nung leg, tapos kakagatin ko ng mukhang sarap na sarap ako yung malaman na part. Madalas e sinasawsaw ko pa sa ketchup yung manok. Nagkakaroon pa ako ng ketchup stains sa side ng mouth. Sobrang ganado talaga akong kumain kapag fried chicken ang ulam.

Ngayon hindi na leg ang favorite part ko. Nagpalit na ako, gusto ko na thigh part. Eto yung kinakapitan ng legs sa bandang ibaba ng manok. Mas masarap na ang laman nito para sakin. At mas gusto ko na din ang gravy kesa ketchup. Kinukuchara ko na din ang manok at wala nang silbi ang tissue.

Hindi na din ganun ka-exciting para sakin ang ulam na fried chicken. Sa totoo lang ang dry na niya para sakin. Usually kapag pritong manok ang ulam namin, inaasahan ko na na may sopas, o kahit anong side soup. Kumbaga e boring na para sakin ngayon kung fried chicken lang ang ulam. Kailangan may kapartner sha, para naman maging exciting.

Nagkaroon na din ako ng alagang manok. Ang pangalan niya ay Kiok. Hindi sha simpleng manok lang kasi malaki sha. Hanggang tuhod ko sha. Kapag nakikipagtropahan sha sa mga ibang manok sa paligid ligid e nakikita kong talagang bully sha. At para pa shang manok na aso. Kapag may dumaan basta basta sa harapan niya, malamang e tutukain niya yung paa. Masakit sa bangs ang manok na ito. Lalo na susko madaling araw pa lang ang lakas na tumilaok!

Pero di rin nagtagal si Kiok. Nung may katandaan na sha e wala akong nagawa, kelangan na shang gawing adobong Kiok. Ayun, hindi ko din natikman. Hindi kinaya ng powers ko. Baka maiyak ako e. Isipin pa ng daddy ko di masarap luto niya.

Bakit nga ba kapag madali lang ang isang bagay, sinasabi ng mga tao "Chicken lang yan." Napagnilay nilayan ko na maaaring dahil ito sa madali lang maging isang manok. Isang kahig isang tuka ka nga lang di ba. Pero ewan ko naguguluhan pa din ako. Isipin mo, ang hirap kaya ng buhay din ng manok. Meron shang pakpak pero di sha nakakalipad. At kung makalipad man sobrang minimal lang. Parang pinapaasa lang ang mga manok na "Ayan, may wings ka, go fly!" Pero di naman niya makayanan yung tulad ng lipad ng ibang ibon. Mediocre Bird sha kung ganun. Pero bakit ang "Chicken" ay alternative expression for madali? Napakasama para sa part ng mga manok!

Madalas pa ngang gamitin ang mga manok sa mga talinhaga patungkol sa mga relasyon. Madaming interpretasyon sa mga kasabihan yan. Pero ang sa totoo, kung pagiisipan mo, madalas laging argabyado ang manok.

1. Palay na ang lumalapit sa manok.

Ang scary ng idea. Pero bakit nga ba lalapit yung palay? Gusto nga ba niyang makain? Or talagang nang-aakit lang sha na parang "Uyyy kakainin niya ako." Kung nakakalapit yung palay, malamang sa malamang kayang kaya niyang tumakbo palayo. Kapag yung manok naakit na at tutukain na yung palay, eto naman si malditang palay tatakbo at magpapahabol pa. Takot yung palay sa commitments e. Tsk tsk, bakit nga ba ganun ang buhay.

2. Kapag ang manok, nakatali, madaling hulihin.

Unang-una, bakit ba nakatali yung manok? Sobrang possessive naman ng amo niya. At ang masaklap pa dun, malamang iniiwan niya lang sa tabi tabi na nakatali yung manok. Napapakain niya ba madalas? Binibigyan ba niya ng sapat na inumin? O kapag umuulan ba, isinisilong ba niya ang manok? E etong si mamang mangnanakaw ng manok, papainan niya ng pagkain yung manok. Kung chicken ka at gutom na gutom ka na, tapos aakitin ka ng bigas at pag-aaruga ng magnanakaw, hindi ka ba lalapit? Kawawang manok, malamang yung magnanakaw, itatali din sha after e.

3. Pero mas madaling hulihin ang manok na sugatan.

Eto na malamang ang pinakamalungkot sa lahat. Hindi na nakuntento na itali yung manok, inilaban pa sa sabong. At nung sugatan na yung chicken, tapos sumama sa nagoffer sa kanya ng mas magandang buhay, kasama na ang paggamot sa mga sugat niya, masisisi mo ba yung manok kung willing shang sumama? Kawawang chicken, sana hindi na sha ilaban sa sabong ng susunod na amo niya.

Kung ang lahat ng manok na lang sana tulad ni Chickee (manok sa jollibee), na laging nakangiti, mas mainam sana.

Pero masarap pa din ang roasted chicken, lalo na at may garlic sauce. Yummy.


Matayog ang Lipad

Sabi ng mga kaibigan ko tama na daw ang emo na entries.

At dahil masunuring tao ako in general, paminsan-minsan, mga every other day, kapag bilog ang buwan, pagbibigyan ko sila.

^________^

Ang dami kong nakikitang bata sa daan ngayon na nagpapalipad ng saranggola. Naalala ko tuloy yung bugtong:

Buto't Balat,
Lumilipad.

Short but precise. Kapag narinig mo, di mo man maisip na saranggola ang tamang sagot, kapag nalaman mo na, mapapasambit ka ng "Ahh. oo nga."

Ganun ka-iksi, pero eksakto. Kung sino man nakaisip ng bugtong na yun ay talagang tatawagin kong henyo. Eto na siguro ang pinakamalupit na bugtong na narinig ko. At kung papakinggan mo, nagrhyrhyme pa. Ito na siguro ang ultimate bugtong of all time.

Hindi mo ito maikukumpara sa:

Isang prinsesa,
Nakaupo sa tasa.

Kung malaman mo na Kasoy ang sagot sa bugtong na yan, masasambit mo ba na "Ay oo nga?" Sobrang talinhaga ng bugtong na yan at hindi na malapit sa katotohanan. Naoverpower nito ang pagiging rhyming ng bugtong, wala ito sa kalingkingan ng galing ng bugtong ng saranggola.

Madaling magsabi ng kung anu-anong salita. Pero ang importante, yung kahulugan. Totoo bang naihahayag mo sa mga salita mo ang gusto mong ipahiwatig. At kahit pahabain mo pa ang statement mo, hindi ka pa din sigurado na masasabi mo ang gusto mong sabihin.

Sana lahat parang yung bugtong na lang nang saranggola. Madali sabihin, madali intindihin. Walang talinhaga, walang kalaliman.

Teka, parang nag-eemote nanaman ako a. Anu ba Pauee, ang sakit mo sa Bangs!

Ano-ano nga ba ang maaaring signs na hindi ka na naiintindihan at gustong pakinggan ng kausap mo?

1. Habang kausap mo sha e nagkukutkot sha ng kuko. Malamang sa malamang ay wala na shang naiintindihan sa mga sinasabi mo, naguguluhan na sha. Mas malinaw pa para sa kanya na kelangan niya tanggalin yung dumi sa ilalim ng kuko niya. Kahit yung hard to reach places itatry niya yung best niyang abutin. At least fulfilling, kesa naman makinig sa yo.

Ganti sa taong to: I wish na magkaroon sha ng ingrown. Sa hinliliit ng kamay.

2. Dalawang words na lang ang sinasagot niya sayo, Talaga at Bakit. Kapag ang tono mo ay tonong nagpapahiwatig na kelangan ng affirmation, isasagot niya sayo ang tanong na "Talaga?", at kapag sumagot ka, susundan niya ng "Bakit?" Pakiramdam mo ay enthusiastic sha sa kinukwento mo. Pero sa totoo lang, ikaw na daw ang pinakaboring na kausap sa balat ng earth. Para kang kumakausap sa isang robot na buggy ang program.

Ganti sa taong to: Kamustahin ang recent break up niya. At tumawa.

3. Bigla niyang iniba ang usapan. Okay lang sana kung yung segway niya ay malapit lapit naman ng kaunti sa kwento mo. Pero kung nagkwekwento ka ng tungkol sa Syota mo at bigla shang humirit tungkol sa nakita niyang babaeng naka-4 inch heels na natalisod sa kanto ng Lanuza, siguro naman ay mahahalata mo na na wala siyang ganang makinig sayo.

Ganti sa taong to: Talisudin.

4. Nagteteks habang kausap ka. Sabihin man niya na multi-tasking sha, isa pa din napakabastos at kawalang manners ang biglang magteteks habang may kausap. Malamang e nagteteks pa sha ng ibang tao habang sinasabi na wala kang kakwenta kwentang kausap. O di ba naishare niya pa.

Ganti sa taong to: Isumbong sa syota niya na merong kateks na iba.

Madami pang ibang klase ng pang-eewan ng mga taong obvious na ayaw ka na kausapin at intindihin. Kaya mas mabuti pa talagang iklian mo na lang ang kwento mo. Baka naman kasi ala telenovela nag stories mo, may chapters pa at commercials. Mas nagkakaintindihan ang mga tao kung short but precise ang usapan. Direct to the point. Straightforward.

Pwede ko kayang isabay yung saranggola sa remote control helicopter? Tapos ipagyayabang ko sa mga bata dun sa park. Yung sakin wireless/sinulidless.

Ang hirap naman hindi mag-emote! ^_____^

yupomismo

Sa pangatlong bote ng San Mig Light na isinasalin ko sa baso kong may yelo, unti-unti ko nang nararamdaman ang epekto ng alak na dumadaloy ngayon sa sistema ko. Nawawala na ako sa ulirat, nahihilo na ako at umiikot na ang paligid. Unti-unti ko na din nadarama na paakyat na ang daloy ng beer sa lalamunan ko. Alam ko na, eto na at malalasing nanaman ako.

May mga luhang namumuo sa mata ko. Pero pinigilan kong tumulo. Sa hindi malamang kadahilanan ay naiiyak ako. Hindi ko alam kung dulot ito ng napipinto kong pagsusuka. O talaga nga naman may panahon pa akong magsenti sa gitna ng kasiyahan.

Pinagmasdan ko ang mga tao sa paligid. Bagamat mga bago ko pa lang silang kilala, di ko maitatanggi na sa mga taong ito, nakakaramdam ako ng kasiyahan. Sa tuwing may taong hahalakhak, at sa tuwing may sasayaw saliw sa kantang "Boom shakalak", talagang di ko maitatanggi na sa mga panahong yun, hindi ko kailangan indahin ang lahat ng problema ko sa buhay.

Sa pagmamasid, mukha din namang masaya ang mga kasama ko. May mga munti akong alam sa buhay nila, alam kong may mga problema din silang dinadala, pero sa panahong yun, alam kong hindi sila malungkot. Sa pagsasama-sama namin, alam kong kahit panandalian, napapasaya namin ang isa't isa.

Ininom ko na ang naisalin ko sa baso. Nakadagdag nanaman ito sa lahat ng nararamdaman ko. Mas naging nakakahilo ang paligid. At mas umangat ang beer sa lalamunan. Pero hindi ko pa ito isusuka. Kayang kaya ko pa ito kontrolin.

Panahon ko na para kumanta. Inabot nila sakin ang mikropono. Sa pagbirit ko sa isang kantang walang kuneksiyon sa mga nangyayari sa buhay ko, sinasabayan ako ng mga kasama ko. Ibinibigay namin ang isang daan porsiyento ng aming kakayahan para mas lalo pang mapasaya ang atmospera ng inuman. Ang totoo ay sa mga panahong ito, wala na akong ibang iniisip kundi ang magsaya.

Patapos na din ang inuman, at mauubos ko na ang ikaapat na bote ng beer. Nalimutan ko na na nahihilo ako. Pakiramdam ko normal na ang ganitong paningin. Paliko liko na ako maglakad. Pero ganun din naman ang lahat ng kasama ko. Panahon na para umuwi. At tapos na ang kasiyahan.

Pagsakay ko ng taxi, alam kong sa biyahe pauwi ay babalik nanaman ang lahat ng gumugulo sa isip ko. Sa bawat pagpatak ng metro, bumabalik na naman ako sa ulirat. Lumilipas na ang epekto ng alak at babalik na naman ang mga problema.

Sa paghiga ko sa kama, pilit kong inaalala ang sayang naramdaman ko kanina habang nagkakantahan. Pilit kong inaalala ang tono ng "Boom Shakalak". Pero sa halip, nalaman ko na ang dahilan ng muntikang pagtulo ng luha ko kanina. At ang di ko mapigilan na pag-agos ng luha ko ngayon. Alam ko na na hindi ito dulot ng alak. Luminaw na sa utak ko ang tunay na dahilan.

Isinantabi ko muli ang pag-iyak, inisip ko muna kung ayos na ba ang mga kasama ko sa kanilang sari-sariling mga bahay. Malamang ay mga tulog na sila. Ipinikit ko ang mga mata ko. Alam kong kahit papano ay mapipigil nito ang pagdaloy ng luha. Kailangan ko na ulit magsimulang magbilang.

Umabot na ako sa isanlibo ng makaramdam ako ng antok. Matatapos na ang araw ko, at mamayang kaunti ay papasok na ako ulit sa opisina.

Hindi ako umiyak kagabe, kulang lang ako sa tulog.

eskapo


Napanood ko kelan lang sa HBO yung pelikulang Alcatraz. Nakakatakot yung theme ng pelikulang yun. Isipin mo na nakakulong ka sa isang bilanggong nasa isang isla. Makatakas ka man alam mong dagat din ang paligid nun. Sabi nila dun daw nilalagay yung nuknukan na ng bigat na kasalanan na mga kriminal.

Pero sa pelikula, nakatakas sila. Hindi na nakita ang mga katawan nung mga nakatakas kahit nag search na sila sa buong dagat, sa buong paligid. After a while, shinut down ang Alcatraz. Nice waste of money.

True to life nga daw yun e. Pero hindi natin alam kung nabuhay pa yung mga nakatakas. Kahit anu pa man nakatakas pa din sila, sa pagkakabilanggo, at kung namatay man sila, sa buhay na ito.

Minsan parang ang sarap sarap magtago na lang sa kung anong nangyayari sayo. Parang ang sarap tumakbo ng tumakbo ng tumakbo palayo sa lahat ng komplikasyon na meron ka sa buhay. Pero sa realidad, alam mo namang kay tagal mo mang mawala, babalik ka rin. Para ka lang tumakbo ng tumakbo sa isang treadmill. Nakakapagod, nakakahina, pero di ka umuusad. Pero at least nakakapayat.

Sabi nila laughter is the best medicine. Pero kung iisipin, healthy rin minsan na magmukmok ka lang sa isang tabi. Ika nga e maging emo. Para bang nakikipagtaguan ka pero magpunta ka sa pwesto mo na hindi ka na talaga makikita, at di ka na dun lalabas hangga't di natatapos yung laro. Sawa ka na maging taya, sawa ka na din makipag-unahan parang mag-save sa base.

Ang saya nga minsan magsuot ng hood. Ika nga ng kaibigan kong si EJ, para tong proteksyon from something not physical. Kumbaga naitatago ka niya sa kung ano mang gulo na andiyan lang sa tabi tabi at readyng ready na pumasok sa utak mo. Well, screw them, you got the hoodie. Parang may special powers yung hood na kahit anong metaphysical element ay magbobounce palayo. Tagong-tago ka sa realidad.


Advise din sakin ng kaibigan kong si Chris, kung iiyak daw ako dun ako sa fire exit. Napakasymbolic nga naman ng lugar na yun. Isipin mo na nakakatakas ka gamit ang exit na yun sa kung anu mang problema meron ka. Ibuhos mo lahat ng luha mo sa exit, at pag pasok mo sa buhay mo dapat di na sila kasama. Kung sa bahay siguro, pwede ka na umiyak habang ibinabalik mo sa kalikasan ang nasasaloob mo sa loob ng banyo. Dapat pagka-flush, naiflush mo na din lahat ng problema mo.


Kung magpapakamatay ka naman, isipin mo na lang na pahihirapan mo pa yung mga kamag-anak mo sa pagpapalibing sayo. Hanggang sa kabilang buhay mag-eemote ka. Dahil isa kang malaking pabigat. Iiyak pa sila ng matindi-tindi sayo. Hanggang sa kabilang buhay may problema ka. E ganun din pala, bakit ka pa pupunta dun. Mahal ang pamasahe.

O sige na, tayo na ang hindi makapag-eskapo. Tayo na ang hindi makapagtago. Kahit naman ata anung gawin kailangan pa din harapin lahat ng komplikasyon, lahat ng gulo sa buhay. Kaya siguro mas mabuti pang matulog na lang. Beauty sleep. Bukas haharapin mo na problema mo. Pero at least maganda ka di ba. ^_^


minsan

yan yung password ng isa sa mga servers sa project ko.

ewan sino nag-set niyan. pero sa tuwing tinatype ko yan kapag binubuksan ko yung server, nawei-weirduhan ako. anu bang trip nung gumawa ng password na yan? emo ba sha nung mga panahong iyon? or naisip niya na minsan lang naman niya bubuksan yung server.

ano nga bang ibig sabihin talaga ng word na "minsan"?

ika nga ng isang pelikula/kanta/teleserye: gaano kadalas ang minsan?

na sa tingin ko sinagot pa ng isang kanta: dahil ang minsan ay magpakailanman.

confusing!

sa pagkaaalam ko, ang salitang minsan -> sa english "sometimes." not all the time. not everytime. but sometimes. not just sometimes. or only sometimes. rather, plain sometimes.

so kung sometimes ang ibig sabihin ng minsan, pano mo naman maitatranslate yung
"oi pare di ba minsan nagkita tayo kumain pa tayo sa labas."

hey dude, isn't it right that sometimes we saw each other then we ate outside?

so freaking wrong.

wala atang direct translation yung salitang minsan. so left tayo with the confusion sa tunay na ibig sabihin ng salitang yan.

minsan magulo talaga ang buhay no. minsan masaya. minsan malungkot. minsan walang kwenta. minsan masaya. at minsan nageemote ako. minsan dapat hindi sinisingitan ng hirit ang emote na salaysay. pero minsan hindi ko talaga mapigilian.

sa totoo lang ang dali dali gamitin ng salitang yan. imagine kapag tinanong ka "Crush mo ba sha?" safe na isagot mo ang "Minsan." magmumukhang hindi ka hayok at deads na deads dun sa tao. kahit naman sa totoo lang ang ibig sabihin ng minsan mo e "minsan lage."

minsan nga lang ako ma-leyt sa trabaho e. mga every monday. minsan na yun para sakin e. or tuwing kelan ako nanunuod ng sine? minsan lang, every other day. at minsan lang din ako kumain, kapag wala lang akong magawa.

minsan lang ako gumimik, every weekend lang. at minsan lang din ako magsusulat ng gantong kahabang post para sa isang salita.

di ko kasi maalis yung pagka-weird ko sa salitang yan lalo na madalas ko na iniinput as password. minsan makakalimutan ko pa e. kasi naman e. bakit kasi minsan pa ang ginamit na salita. nalilito na ako. minsan lang ako malito at eto na yun.

---


for sale: ice-cold halo-halo

O kay sarap ng halo-halo. lalo na ngayong panahon ng tag-araw. talagang nakakalaban sha sa init ng panahon. super refreshing. kaya nga naman kahit san ka tumitingin sa ngayon ay may nagtitinda ng halo-halo. every where i go, every smile i see, all nang-aanyaya na bumili ng halo halong tinda nila. Halo-halo: Buy me, buy me, buy me..

pero hindi ata refreshing yung sign na nakita ko kanina. actually imbis na maka-refresh sha sakin e lalo lang nag-init ulo ko. at sobrang naconfuse ako. sakit talaga sa ulo pramis.

For Sale: Ice-Cold Halo-halo.

Ayan na nga yung title.

Naguluhan kasi ako. Meron na bang tindang halo halo ngayon na hindi ice-cold? May halo-halo na bang walang yelo? Gulong-gulo na ako!! Kelan pa to nang-yari? Paano nag-simula? Sino ang pioneer? At sino ang patrons nito? Saan? Naku, sobrang naguluhan talaga ako. Ibang klase confusion ang inabot ko.

Hindi natin alam baka sa susunod e meron na ding squid balls na square. O kaya naman hot ice cream. Or pandesal na walang flour. Or sopas na dry. Nakakatakot kung iisipin.

Mawawalan na ng individuality ang mga pagkaing ito kung magkaganon. Kumbaga sa tao e nawawalan ng personality. Para mo na ding sinabing "Mamatay ka na food-being!!"

Ouch ang sakit sa part ng pagkain. Wala talagang pakundangan minsan yang mga tindera na yan. Di na nila hinayaan yung mga mamimili na magsabi, ng tipong "Pabili nga ng iced tea, no ice ha!" Talagang pinangunahan na nila. Sobrang awang awa ako sa part ng halo-halo.

Di bale, I love you Halo-halo. Kahit kelan di ko hahayaang alisin nila ang ice sayo. ^_^

look, the glass is half full

cinomment ko yang title to two of my closest friends lately who have their own fair share of problems. yes, for me it is a fair share.

lahat naman sa mundo may problema. hindi mo nga masasabi na mas malalim ang problema mo kesa sa iba. kasi darating at darating ka sa punto na marerealize mo na putek para mong sinabing ingrown lang ang problema mo kumpara sa amputation ng iba. there's always someone else out there na masasabi mong di mo kakayanin i-fit yung shoes nila, that is kung meron silang shoes in the first place.

you get my drift. sabi ni einstein everything is relative. kung sa akin e feeling ko pasan ko na ang mundo, malamang sa malamang para sa iba e mundo ng langgam lang ang pasan ko. pero ako ang nakakaexperience ng pag-pasan na yun e, at ang pakiramdam ko e pasan ko ang mundo ng dinosaurs. mababaw man para sa iba, malamang sa taong nagdadala e kasing lalim na yun ng pacific ocean and atlantic sea combined.

pero pero, lagi naman may brighter side ang things e. di ba nga sabi nila nasa nagdadala lang yan. di ka ba nagtataka na yung iba e kering keri lang nila yung problems nila, kahit pa ga-universe na ang pasan nila. isipin mo na lang na kung universe yung buhat mo, super cool malamang nasa outer space ka na.

ang punto ko lang naman, lahat ng tao may problems. and no man is an island. andito tayo para sa isa't isa. plus the fact na pwede tayong mag-inuman, yey!

pero seriously, joke lang di ko kayang magserious. so slightly seriously, so far madami pa tayong tao sa mundo. and andito tayo para magdamayan di ba? I mean di pa naman umabot sa point na silya o kaya lamesa na ang kadamay mo.

sabi nga ng meralco di ba, may liwanag ang buhay. bukas makalawa, sa isang araw, sa akinse, sa katapusan, sa isang buwan, sa isang taon or kahit kelan pa, pasasaan pa at masosolve din ang problemang yan. shempre may darating pa din na bagong problem, pero the heck, bring it! kayang kaya sus. yun lang pala e.

ngiti ngiti ngiti. kahit magmukhang autistic ka pa.

and don't worry, malamig pa yung tubig sa baso. ^______^


marcha marcha

This is It
by Pauee

mahigit limang taon din nagtiis
dumanak ang dugo at tumagas ang pawis
ilang buwang di natulog at ilang araw umiyak
pinagod ang katawan, puso at utak

oo, eto na, eto na sa wakas
it's over na, matatapos na ang palabas
panahon na nga para umakyat sa entablado
its the ultimate time para ngumiti ng todong todo

kahit nobyembre pa lang tapos na ang lahat
kelangan pa ding tuldukan ang ugat
kelangan magmarcha at magsuot ng sablay
para magpapicture na din with tatay at nanay

magmamarcha na ako, oo totoo ito
kahit pa halos 5 buwan na nagtatrabaho
babalik ako sa eskwalahan para ayusin
mga papeles sa pagmarcha talagang tatapusin

tanung ng iba excited ka pa ba?
sa tagal nang tapos, baka wala ng kwenta
sa isip isip ko oo excited pa ako
kahit papano'y, pangarap tong totoo

naku kailangan ko pa pala ng damit
upang tamang ayos ay aking makamit
shempre kelangan sa picture ako'y maganda
para naman maayos din ang sa aking alaala

oh yes eto na, talagang this is it
end of the road akin ng makakamit
masasabi ko na talagang ako'y isang graduate
exciting talaga, this is so great.

congrats fellow graduates :D