what. the. duck.

blogging is a motherducking waste of time.

pakikilakbay ng alamat

ako si pauee at wala na akong magagawa dun. ako ang spoiled brat sa mundo ng blogesperyo. walang kapararakan lahat ng pinagsasabi ko pero pipilitin kitang magbasa. isa akong living irony. pauee by day and pauee by night dahil hindi naman ako nagpapalit ng pangalan.

masakit sa bangs

ano ang mga sintomas ng masakit na bangs? unang una, dapat mahapdi ito at hindi mo mahawak-hawakan. pangalawa dapat ito'y namumula. pangatlo, namamaga at mukhang matamlay. so sa iyong pagsisiyasat, masakit ba ang bangs mo?

Bakit lagi akong nasa wrong side ng van?

Kung saan ako uupo, dun sisikat ang matindi-tinding araw. At kung iiwas man ako, liliko ang nakaririmarim na van para mapunta na ulit sa pwesto ko ang sikat ng araw.

Malas ba ako o talagang napaglalaruan lang ako ng pagkakataon?

Malamang di lang kasi ako nagtatanda. Haha

Loser

Ang loser ko. Literal na loser. As in nakawala. Nawalan ako ng pera. Tsk tsk. E kasi di ko naman sadya. huhuhu di na ako love ng atm machine.

Kelangan ko kasing magwithdraw ng pera, e naisip ko withdraw na ako ng malaki-laki para di na paulit ulit magwithdraw. E di yun na antay antay, lumabas na card ko, waiting for cash. And poof "Machine Unavailable."

Naghysterical ako. Joke lang. Lumipat ako ng machine. Buti na lang nagkahunch ako so balance inquiry muna. Ayun nawala ang malaki-laking amount na supposedly nakuha ko kanina.

Naghysterical ako. Joke lang ulit. Kinausap ko yung guard. Yung guard yung naghysterical. Haha bakit nga ba sha nagkaganoon. Ewan.

Naglog sa logbook. Tapos nagpunta kami sa bangko. Nagfile ng report. Ayun 5 banking days daw kasi icocontact pa nila ang bangko ko. How sad is that.

Di naman ako loser. Temporarily loser lang. 5 working days loser. Haha kinalahati ko pa naman yung bank savings ko. No fun in that. So sabi ni bank manager e sa iBank na lang daw ako magwithdraw kung magwiwithdraw ako ulit. For the meantime. Naisip ko for the forevertime ko na yun gagawin.

Wag tularan ang LOSER na tulad ko.

prabins thing

Sa mga hindi nakakaalam, oo sa prabins ako nakatira. kumbaga e araw araw ako lumuluwas ng maynila para magtrabaho, pagkatapos ay uuwi ako ulit sa probinsya.

kaya nga naman problema namin laging magkakaibigan kung san o pano ako uuwi sa tuwing gigimik kami. lagi tuloy akong "iskwater" sa kung saan saang kabahayan.

"O hi tita! Okay naman po ako sa trabaho, haha ganun pa din po. Opo okay po salamat po. Hehe okay na po ako dito. Thanks po."

Lagi ko yang linya sa mga tito't tita ko kung tawaging mga magulang ng mga kaibigan ko. Mahirap maging skwater, madalas kailangan mong maging magaling umarte lalo na sa panahong nagsinungaling ang kaibigan mo. o kaya naman ay kailangang magkunwaring okay ako at normal kahit sa totoo lang e umangat na sa esophagus ko yung tatlong grandeng ininom ko ng straight.

Naging mainstay na din ako sa apartment nang isa kong kaibigan. kumbaga e given na na kapag may gimik e dun ako uuwi. Kama ko ang sofabed, at kwarto ko ang sala.

Lagi tuloy akong kelangang isipin kapag nagpaplano ng gimik. Kelangan overnayt sha kundi nako di ako pwede. O kaya naman e magdamag dapat tayong tatambay dun. nakakahiya naman kasi kung magiiskwater nanaman ako. ngayon pa naman madalas kasama ko sa gimik panay lalaki.

"Ma, si Pauee po, friend ko. Dito po muna sha matulog. Wala na po kasi shang masasakyan pauwi."

Ilang beses ko na narinig yan sa mga kaibigan ko. Pano naman hindi magiisip ng masama ang mga magulang ng mga kaibigan kong lalaki kung linggo linggo na lang e sinasabi nila yan sa parents nila. Damn those malicious minds! Haha.

Lugi nga ako kung magdadala ako ng sasakyan sa tuwing papasok ako o gigimik. Isipin mo ang gasolina, ang toll gate, at kung mamalas malasin pa ako, ang lagay pa sa mga gahamang pulis, luging lugi talaga ako.

At kung sa pamasahe naman, nakow mahina ang 200 pesos saking pamasahe sa isang araw. Kaya nga halos 1/4 ng sweldo ko ay napupunta lang sa pamasahe. Nakatabi na yun e, yung perang napupunta sa drivers ng jeeps, mrt tickets at colorum na vans na parang lumilipad lang kapag dumadating na ang sweldo ko. Nagbabayad ako ng pamasahe para makapagtrabaho, para may ipang bayad ako ng pamasahe. You see the irony in this? Putek yan.

Pero sige di na ako magrereklamo sa layo ng inuuwian ko sa araw araw. Given na yun e. Mas malayo pa nga ang kaleyj ko. (swerte ko lang at dormer ako nun).

Ang pinakamalaking problema ko sa ngayon ay ang bwiset na bwiset na late na pagdating ng bills.

Shempre kelangan kong makishare sa gastusin sa bahay. Dakila ako e, kalahati ng sweldo ko binibigay ko sa nanay ko (oo martyr ako. dapat nga barilin ako sa dapitan. o sige na mali nanaman history ko putek yan. at oo 1/4 na lang ang natitira na panggimik ko. tsk tsk)

Kelan lang e dumating ang bills ng smart bro-ken. Tatlong buwan. Sabay sabay.

Kasama ang disconnection notice.

Yep. Bye-bye internet for now. T_T

So... anyone out there na gustong bilhin tong xbox ko?

It is a lot of faaaaaahnnn

Matagal tagal din akong nawala dito sa mundo ng blogerya. Mahirap kasi talaga kapag tamad. Sa lahat ng sakit yun na din siguro yung hindi na kailanman madidiscover ang lunas. Kahit yung mga matatalinong scientists, mathematicians, doctors, psychologists, promil children at si saver the wonder dog ay magjoin forces para lang pag-aralan at hanapin ang lunas ng sakit na to, sa tingin ko di pa din nila mahahanap yun. Aabutin na lang sila ng katamaran. Which is kinda ironic no?

Ang saya sana nun. Kapag tinatamad ako, iinom lang ako ng tableta at sisipagin na. Yung mga estudyanteng kelangan mag-aral at tinatamad, itatago na lang ng parents yung tablets sa saging o kaya naman ay dudurugin at ihahalo sa juice ng mga anak nila yung tablet na yun para sa sure na pagpasa sa exam. Yung mga taong nadedemonyo ng mga kaibigan nila na huwag na lang pumasok, magmamadali lang inumin ang tableta at makakatanggi na sa mga masasamang impluwensya at papasok na lang sa trabaho. Talaga nga namang kahit sinong tao ay uunlad at madadamay na din ang bansa nila dahil lang sa wonder tablet na ito. At yayaman at talagang sisikat ang makakaimbento ng gamot na yan. Malamang kasi kung bumili ang mga tao niyan ay banig banig at talagang mag-iistak na sila for the future since hindi mo alam kung kelan ka talaga aatakihin ng katamaran.

O sige para sa mga mapanuring mga mata diyan, oo nasa tao lang talaga ang lunas sa katamaran. E kaso nga, mashado akong tinatamad para subukang labanan yung katamaran ko. Pano na yan its like a vicious cycle.

At dahil sa panahon ngayon ay hindi pa naiimbento yang gamot na yan, may mga ilan ilang pagsubok ang mga tao para tulungan ang ibang tao na lunasan ang napakatinding sakit na ito.

1. Self- help books.

Ito yung mga librong tuturuan ka pano labanan yung katamaran mo. Madami niyan sa nasyunal or kaya naman ay sa gudwil. Pero madalas mo ito talagang makikita sa mga buk sale. Kasi binebenta na lang talaga to ng mga tao dahil wala naman gamit.

Kasi naman, kahit anong self help book pa ang iregalo sakin na panlaban sa katamaran, katatamaran ko lang din na basahin yun. Maiistak lang din yun dito sa ilalim ng kama ko. Siguro ay makakapagtanim na ako ng kamote sa kapal ng alikabok na mamumuo sa mga librong yun bago ko pa maisipang basahin. Kaso lang pag nakita kong makapal na ang alikabok e tatamarin na akong linisin. Hindi ko na babasahin all together. Sad no?

Madalas lang din kasi, itong mga self-help books na to ay nangungunsensya lang. "Kapag di ka nagsipag, hindi ka magkakaroon ng kinabukasan." "Tamarin ka ngayon, tamad din ang lahat ng tao sa paligid mo." Hindi nila alam na ang mga taong tamad ay tinatamad na din makunsensya. Kaya nga hindi kami gumagamit ng safeguard.

Ang rating ko sa self-help books as a cure to katamaran: negative 8 stars. Dagdag lang yan sa source of katamaran. Not helping at all.

2. Energy drinks.

Eto yung mga the likes of extra joss, red bull at lipovitan. Pwede mo na din isama dito ang kape at kung anu ano pang inuming nakakagising kuno. At kung sosyal ka e number one na siguro sa listahan mo ang istarbaks.

Dati sinubukan kong uminom ng extra joss. Aba, hindi nga ako inantok. Dilat lang ako magdamag. Dilat na tulala. Di ako makagalaw, ang sakit ng katawan ko. Tinamad na akong subukan pang mag-aral. Baka kasi lalo lang akong masaktan. Nakakatamad pa naman indahin yung sakit.

Hindi ko rin kayang inumin yung red bull o kaya lipovitan. E kasi naman ang baho baho nila. O sige, kaya ko silang inumin tatakpan ko lang ilong ko. Pero all n ight long ay maaamoy ko pa din yun galing sa hininga ko. Magiging masyado akong conscious. Mauubos ang energy ko sa pagtutbras at tatamarin na din akong gawin ang kelangan kong gawin. Energy drink nga sha. Magkakaroon ka ng energy para maging conscious sa hininga mo.

At nakakatamad gumastos. Sayang kasi pera kung magistarbaks ka pa para labanan ang katamaran. Yag istarbaks e para tustusan ang katamaran ko. Pag tinatamad akong gumawa ng anything worthy, yayayain ko friends ko para tumambay diyan sa istarbaks. At ito ang mga friends kong tinatamad ding magsasayaw at magvideoke at manuod ng sine at kung ano ano pang pwedeng ibang gawin. Kaya nga naman tatambay na lang at gagastos, este magkakape.

At oo, tiring din na magkanaw pa ng kape. Kahit pa neskape 3-in-1 pa yan na ihahalo mo na lang sa mainit na tubig. Sakin kasi ay medyo baliktad din ang epekto ng kape. Oo magiging dilat ako sa loob ng isang oras, pero tatamarin din ako bigla bigla at gugustihin matulog di kalaunan.

Ang rating ko sa energy drinks? Negative 2 stars for gastos. Hindi naman nakakatulong. Nakakacontribute pa sa katamaran.

3. Other People.

Have other people help you. Maging mga friends mo man or loved one or family or... ahh, yun lang.

Kaso, contagious ang katamaran pramis. Maging ang boyfriend ko ay madalas dinadamayan lang ako sa aking slum trip. Minsan tinatamad kaming magdate. Kaya sa bahay na lang nakasalampak sa sofa at manunuod na lang ng dvd. Minsan nga ay tinatamad na kaming manuod ng dvd kaya TV na lang. Yan ay kung andiyan lang yung remote sa tabi-tabi.

At sabi nga nila birds of the same feather flocks together. Kaya nga naman friends ko ay mga tamad din, tulad nila mariano at docmnel . oh yeah tamad people stick together. We do nothing together. Doing nothing is a lot of faaaahhn you know.

Wala. Wala na talagang lunas ang katamaran. Idol ko nga si Juan Tamad e. At least sa story niya e nagawan ng paraan ang katamaran niya. Tama ba? Tinatamad na akong alamin pa kung tama yun e.

Kaya pasensya na sa nag-aabang at nagbabasa sa blog na to at nag-aantay ng bagong entry. Ginagawa ko naman ang best ko. Kanina tinignan ko yung self help books. Sinulyapan ko din yung kape sa kusina. At tinry kong makipag-chat sa fellow bloggers para sipagin, kaso wala e, walang pag-asa. Di ko malunasan ang sakit kong ito.

Nawa'y masundan ko pa ang entry na to.