what. the. duck.

blogging is a motherducking waste of time.

pakikilakbay ng alamat

ako si pauee at wala na akong magagawa dun. ako ang spoiled brat sa mundo ng blogesperyo. walang kapararakan lahat ng pinagsasabi ko pero pipilitin kitang magbasa. isa akong living irony. pauee by day and pauee by night dahil hindi naman ako nagpapalit ng pangalan.

masakit sa bangs

ano ang mga sintomas ng masakit na bangs? unang una, dapat mahapdi ito at hindi mo mahawak-hawakan. pangalawa dapat ito'y namumula. pangatlo, namamaga at mukhang matamlay. so sa iyong pagsisiyasat, masakit ba ang bangs mo?

ang mga iboboto ko sa Project Lafftrip Laffapalooza

Matagal tagal din akong na-wala sa mundo ng blogsphere, aba at pagdating ko, ano tong kaguluhang ito na tinatawag na Project Lafftrip Laffapalooza, na matatagpuan mo sa http://kwentongbarbero.com ?


Aba at hindi ako pwedeng magpahuli sa botohang ito. Bilang aktibong blogera DATI, marami-rami din akong nabisitang blog na maituturing kong nagpapaligaya sa akin lalo pa sa panahon na ang laptop ko lang ang kaibigan ko. Eto ang mga laman ng aking balota:

Rank 1: Ang kaibigan kong si Mariano (Loser's Realm: [hachipatuchi.blogspot.com])

Hindi matatawaran itong karakter na ito. Mula sa pag-guhit ng mensahe sa tiyan niya sa pamamagitan ng kutsilyo o blade sa panahon ng kalasingan (at nawitness ko talaga itong pangyayaring ito) hanggang sa kung anu-anong ka-ewanang kanyang ginagawa sa kanyang loser na buhay. Kapag wala akong magawa (at kahit na madalang pa na mangyari iyon) talagang ginagawa kong bisitahin ang blog na ito para makapagdulot ng ngiti sa aking mga labi. Talaga namang masasabi kong ito ang pinakapanalong Loser's blog sa buhay ko.

Rank 2: Ang kasosyalan ni Inday [blogniinday.com]

Talo pa ako ni Inday sa ka-taasan ng kanyang sosyal status! Talagang laftrip ito.

Rank 3: Kaberdehan [greenpinoy.com]

Maituturing kong kasiyahan sa mundo ng blogesperyo. Enjoy talaga.

---------------

Kung nalulungkot kayo ng lubusan, subukan niyong bisitahin ang blogs na nabanggit ko at talaga namang, kung hindi kayo mabubwiset e matatanggal ang lumbay niyo. ^___^

diabetic



nope. wala akong sakit.

ang punto ng blog entry na ito ay ang konsepto ng katamisan.

sabi ng mga kaibigan ko at mahal sa buhay, ako daw ay lubos na matamis, in english, sweet. ito ay sa kadahilanang nagtetake ako ng extra effort into making people i love happy. kumbaga mahilig ako mag-epal at magmadrama para lang maipakita sa mga taong mahal ko na they are well appreciated.

for example, mahilig ako mag-organize ng surprise birthday parties kuno para sa mga kaibigan ko. sabi nga ng mga officemates ko adik ako dito. masaya naman kasi e, at konting effort lang mapapasaya na yung taong may birthday. maglealeave na ng indelible mark sa puso ng tao ang kakaunting effort na yun na kayang kaya ko naman ibigay.

mahilig din akong magorganize ng mga get together, etc. ang sakin lang, kung hindi ko yun gagawin, hindi yun mangyayari. magtake na ako ng initiative para naman sa ikakasaya naming lahat. para sa akin napakaliit na sakripisyo ng konting effort na yun kapalit ng sayang madudulot ng get together. hindi na dapat iniinda yung disappointments sa mga lakad na hindi natuloy, or sa mga taong hindi nagpupunta.

madalas din akong tinatanungan ng mga kaibigan kong lalaki kung anong tactics ang maari nilang gawin sa gelpren nila. minsan based from experience ang shineshare ko, pero kadalasan imbento ko lang din. ang kabayaran lang dito is makita yung satisfaction and happiness sa mukha nung inadvisan ko kapag kinukwento na nila how everything turned out.

magbigay ka ng tamis sa mundo at ito rin ang madalas niyang ibabalik sayo. oh yeah positive thinking.

ano nga ba ang katamisang binalik sa akin ng mundo sa ngayon? higit sa appreciation ng mga taong napapasaya, maswerte din ako at may nagsusukli dinn sa akin ng lubos na katamisan. hindi ko nga malaman kung ano na ba ang pinakasweet na ginawa sakin ng taong ito.

ito ba yung pagtawag niya sakin sa office landline in the middle of the day para lang kamustahin ako? yun bang ipepersonal message ako ng receptionist dahil may ifoforward na tawag for me sa teleponong malapit sa aking workstation?

ito ba yung pagdalaw niya sakin nung panahong SL ako, na may dalang mga prutas kong paborito? may kasama pa itong konting pagsisinungaling sa kung anong ginagawa niya sa mga oras na iyon, para masurprise ako at bigla na lang siyang andiyan?

pwede din bang ito yung habang nag-uusap kami kasama ng mga kaibigan ko e kumuha siya ng ballpen, isinulat sa kamay niya ang "1 mo"? nagulat na lang ako kasi alas dose na pala at ito pala ang unang monthsary namin?

o ito ba yung nagalit ako sa sinabi niya pero kailangan niya na umuwi, kinabukasan nagising ako sa tunog ng gitara sa bintana ng kwarto ko, bigla akong ginising dahil andiyan siya sa labas ng bahay, kinakanta ang theme song ng lumang palabas na pinanonood at iniyakan namin the day before, may dalang paborito kong pagkain, umiiyak at bakas sa mata ang paghingi ng sorry? at matapos mo siyang yakapin may binigay pang card expressing how much he loves you and how he is sorry?

ito ba yung kapag nakaka-alala ka ng masamang pangyayari sasabihin niya sayo na wag kang mag-alala dahil tatabunan niyo ang bawat isang malungkot na ala-ala ng isang milyong masayang memories?

ito ba yung matapos ang isang buong araw na may suot kang high heels, pahihigain ka at mamasahiin ang paa mo nang hindi mo hinihingi?

walang katapusan, napapagod na ako sa pagenumerate. ang alam ko lang sa panahon ngayon wag na wag akong kukurutin at baka magising ako.

sabi nga ng paborito kong DJ's: even if sometimes it doesn't seem so, the world is beautiful.

saka masarap din yung hershey's kisses with hazel nuts. ^___^