Ang buhay parang gulong, minsan nasusunog -- booba
***now entering EMO mode***
Naalala ko yung isang tagline ng ginebra ATA dati.
"Bilog ang mundo."
Smart alecky (or Alex-y :p) me would comment:
"Actually, the earth is oblate spheroid, which is not exactly the same as a circle."
Well the tagline's point is.. hmm.. ewan ko nga ba. Hindi ko na maalala kung pano nila nairelate sa alak yung tagline na yan. Basta ang alam ko kaya sinasabing bilog ang mundo ay pwede itong gumulong gulong.
Gulong ng palad.
Isa pang variation nung tagline ni booba is "Ang buhay parang gulong, minsan nasa vulcanizing shop."
Kahapon sinabi ko kay Tannix Kwebas na ang buhay ay parang gulong. Ang nasabi lang niya "kaya dapat pa-atras ang lakad natin para lagi tayong nasa itaas."
Nakakalungkot isipin na kung gulong man ang buhay, madalas hindi ito vulcanized fairly. May mga times na medyo flat ito, kaya may mga taong nagtatagal sa ibaba ng gulong dun sa flat side. In return may mga mas nageenjoy dun sa taas ng matagal. More people are flat on the ground however.
Tinanong ko din si Tannix kung kelan ba magkakaroon ng meaning ang buhay. Eto lang ang naisagot niya:
Tannix Kwebas: ahahahahahahahaha
Tannix Kwebas: shet
Tannix Kwebas: WAG AKO ANG TANUNGIN MO!!!!
pauee: ahahaha
pauee: sabagay
Tannix Kwebas: si alex na lang
Tannix Kwebas: :D
pauee: ahahaha bakit kapag si alex masasagot niya?
Tannix Kwebas: baka may mabanggit siyang significant
Tannix Kwebas: at least makakatulong
Tannix Kwebas: eh ako?
(Oo alex, higit kay tannix ay medyo may pagkabida ka din sa blog entry na ito. ewan ko ba.)
Routine makes the world go round. Sa araw araw, may ginagawa kang malamang ay gagawin mo rin kinabukasan. Gising sa umaga, kain ng breakfast, pasok sa school o sa work, kain ng lunch, uwi sa bahay, kain ng dinner, tulog. Yun ang composition ng araw mo, at yun ang nagpapagalaw sa mundo mo.
Pero rountine is BORING. Kung yung araw araw mo na ginagawa ang nagpapaikot sa mundo at solely iyon lang, isa kang zombie. The undead. And you are freakin' scary. Lumayo ka sa akin.
Matabang ang buhay na ganun kung meron man lasa kahit papano. Hindi mo pwedeng iulam or papakin man lang. Talagang maghahanap at maghahanap ka ng asin or patis or toyo or kahit anong pwedeng magdagdag ng spice sa walang kaflavor-flavor na buhay. Pag ganun ka, masasabi mo ang buhay mo ay gulong ng matchbox, mabilis ang ikot. At lasang gulong pa. (yep, lasang goma.)
Siguro ang pwedeng gawin, kung flat ang buhay mo, gumawa ng paraan para madala siya sa vulcanizing shop at maayos. Kung mahaba ang pila ng mga buhay dun, antay antay lang. Tiyaga tiyaga. Kung walang tiyaga hindi makakagawa ng pressure cooker yung inventor nito. Thus, walang mabilis na nilaga or bulalo.
Yehey malapit na yan. Don't give up on us baby! Ayan na nasisilip ko malapit na si manong vulcanizer, ihanda mo na ang limampiso mong pang-tip sa libreng hangin!
***emo mode off***
About the Ginebra TVC, kaya blog ang mundo ang tagline kasi bilog din ata ang tawag sa gin bottle.
Hey Edmond, I doubt it???