what. the. duck.

blogging is a motherducking waste of time.

pakikilakbay ng alamat

ako si pauee at wala na akong magagawa dun. ako ang spoiled brat sa mundo ng blogesperyo. walang kapararakan lahat ng pinagsasabi ko pero pipilitin kitang magbasa. isa akong living irony. pauee by day and pauee by night dahil hindi naman ako nagpapalit ng pangalan.

masakit sa bangs

ano ang mga sintomas ng masakit na bangs? unang una, dapat mahapdi ito at hindi mo mahawak-hawakan. pangalawa dapat ito'y namumula. pangatlo, namamaga at mukhang matamlay. so sa iyong pagsisiyasat, masakit ba ang bangs mo?

Ti-Eyts

Oh hai there! I am back.

Oh yes. Syempre madugo-dugong hiatus ang naganap. Bigla ko na lang nasabi sa sarili ko na teka, may datkom nga pala ako. Matagal tagal na panahon ko na ding hindi nasisilayan itong si blager dasbord at ang compose tab. Naluha ako bigla sa kaliwang mata ng isang patak lang nung naisip kong sayang ang ibinayad para sa isang taong pagmamay-ari ko ng domeyn na ito. Pero narealize ko din na hindi nga pala ako ang nagbayad. Pero! Shempre naman may malasakit ako dun sa nagbigay kaya eto na nga o nagbablog na. Ayan na o. *grin*

Ang sakin lang naman, ayokong pinipilit ang sarili kong magsulat kung wala naman akong drive magsulat. Parang pagjebs lang yan e, ayoko naman magka-almuranas ang utak ko sa pag-iisip kung ano nga ba ang pwede kong idada dito kung wala naman akong urge na dumada. Kahit naman kasi sa pagbablog e merong pagpapakatotoo.

Naalala ko tuloy yung isang selebrasyon na dinaluhan ko kasama ng mga prenliprends ko. Sa crowd, hindi lang lahat kaibigan ko, although kilala ko naman sila, hindi pa rin enough na tawagan sila as my friends. Kumbaga pwede sigurong tawaging acquaintances kung tama ba naman yang spelling na yan. Magkakakilala kami pero not necessarily prens.

Itong isang nilalang na ito, mahigit limang taon ko na siguro siya kakilala, pero hindi kami ever magclick, I mean sa aking pananaw. Para sakin kasi, pilit siyang being.

Yep, pilit.

Kumbaga trying hard. TH siya na mag-fit in sa crowd na kinabibilangan namin. And yeah, this is the bitch in me talking.

E kasi naman, sa mahigit limang taon na kilala ko siya, hindi ko lubos maisip bakit hanggang ngayon ganun pa din siya ka-OA. Gumagawa siya ng mga bagay na hindi bagay sa kanya. He tries so hard to fit in kahit na awkward naman. Naging tampulan tuloy siya ng pangmo-mock sa mundo. Madalas siyang ginagaya, with all the awkwardness, behind is back. And it just baffles me bakit hindi niya yun narerealize.

Naisip ko nga, kung yung mga "friends" ba niya kung meron man ang tingin sa ginagawa niya ay cool o tulad namin e naweiweirduhan sila pero nasanay na lang ba. Gusto ko nga siya sabihan e, kaso hindi naman kasi kami friends.

At dahil hindi ako matahimik nung gabing yun, sinabi ko siya sa ilan sa mga kaibigan ko, and tulad ng inaakala ko pareho lang kami ng nafeefeel. Ang sabi pa ng isa baka daw kasi kami yung may mali, kasi masyado kaming nasanay na kasama yung mga totoong tao. Yung walang pretentions. Yung hindi nagpipilit.

Siguro nga tama. Kasi last time I checked, nung may TH to fit in sa grupo namin, ayun syinota niya yung isa. Ang nangyari tuloy, pareho silang outside the kulambo ng group. Ekis kumbaga yung ganung pag-uugali. I can never deal with people like that.

Hindi ko kayang makipagfriends sa mga taong pilit. Dahil ako never, as in never ko ipagpipilitan ang sarili ko sa mga taong ayaw sakin. At never pa naman ako nasabihan na pilit ako.

Okay, maybe not to my face. ^___^

4 ang naki-usyoso:

  1. tipzstamatic said...
     

    korek! huwag ng ipilit ang nagpipilit! enough is enough. hahaha.

    Goodluck there pauee! We miss you! hehehe

  2. Unknown said...
     

    Okay lang yan, Pau. Hehehe. Tingnan mo na lang yung mga pictures para lalo kang mainis:

    http://jestoniz65.multiply.com/photos/album/59/Allans_birthday_blowout

    Thanks for coming sa celeb ko! Ang galing, na-swak! :D

  3. Anonymous said...
     

    pauee, naintriga ako sa post mo kaya tinignan ko. hehe

  4. Anonymous said...
     

    naintriga ako sa post kaya nakiusi sa multiply ng iba. haha. as if makakarelate ako. haha. miss you kambal

Post a Comment