what. the. duck.

blogging is a motherducking waste of time.

pakikilakbay ng alamat

ako si pauee at wala na akong magagawa dun. ako ang spoiled brat sa mundo ng blogesperyo. walang kapararakan lahat ng pinagsasabi ko pero pipilitin kitang magbasa. isa akong living irony. pauee by day and pauee by night dahil hindi naman ako nagpapalit ng pangalan.

masakit sa bangs

ano ang mga sintomas ng masakit na bangs? unang una, dapat mahapdi ito at hindi mo mahawak-hawakan. pangalawa dapat ito'y namumula. pangatlo, namamaga at mukhang matamlay. so sa iyong pagsisiyasat, masakit ba ang bangs mo?

bayan + kabataan = pag-asa

Nung maliit pa lang ako (teka hanggang ngayon naman a), feel na feel ko yang kasabihang yan. Kumbaga feel na feel ko na mag-aaral ako ng mabuti as in super duper to the max at tutulong ako sa pag-papaangat ng bayan natin. Dumaan ang elementary medyo nabawasan yang ideals na yan. Highschool medyo may konti pa namang natira.

Pag dating ng college, *poof* gone. Alam ko na at tanggap ko na sa sarili ko na di kailanman ako makakacontribute sa ikauunlad ng bansang to.

Isipin mo naman, pinag-aaral ako ng taxes, pero nuknukan ako ng tamad. Naubos na yung gana sakin non. At walang amount ng centrum complete, enervon at united american tiki-tiki ang nakatulong sakin para ganahan muling maging potential "pag-asa" ng bansang to.

So ngayon nagkasya na lang ako sa paniniwala na malay mo yung susunod na kabataan, sila na yung talagang maging pag-asa ng bayan na ito.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Kamakailan ay nakikinig ako sa diskusyon sa paglalaro ng mga pamangkin ko. Bilang isang nilalang na nabibilang sa napakalaking angkan, madami din akong pamangkin. Sapat para makapaglaro sila ng iskul-iskulan with matching blackboard.

Tapos na ata sila dun sa quiz-quizan nila. Sabi nung pamangkin kong gumaganap na titser, "Okay class, pass your papers."

Ngayon itong isa ko pang pamangkin na 5 years old, di pa ata siya tapos sa ginagawa nila, kaya naman nung inabot niya ang papel niya sinabi niya, "O ayan, isak-sak mo yan sa baga mo."

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Normal naman na tanungin mo ang isang bata kung anung gusto niyang maging sa pag-laki niya. Kaya isa siguro to sa normal na conversation namin ng mga pamangkin ko.

Maliban sa isa.

Tinanong ko ang isa kong pamangkin ko nitong adhikain na ito. Nag-lalaro siya ng mga panahong iyon at malamang e naiirita na sha sakin. Ganito lumabas ang kumberseysiyon:

Ako: Anung gusto mong maging pag-laki mo?

Pamangkin: Pulis.

Ako: Pulis? Bakit naman?

Pamangkin: Para barilin kita. Ang gulo mo kita mong naglalaro ako dito.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Nasa mall kami ng isa ko pang pamangkin at niyaya niya akong picturan ko daw sha sa kung saan saan. Nagugulat na lang ako sa mga poses niya. Eto ang isa:


Sa hindi malamang kadahilanan yan talaga ang una niyang piniling ma-pose-an. At talagang nakatingin pa sha sa beer. Ganyan na ang kabataan ngayon, alam nila kung ano ang beer at ang sarap na maidudulot nito. Oh yeah.

Pero hindi pa siya nakuntento. Eto pa ang isa niyang pose.


Masdan mabuti ang kamay niya. At ang mukha niya. Alam niya ang ginagawa niyang kalokohan. Alam na ng kabataan ngayon ang ilan sa mga issues ng sensualidad. At magaling pumili itong pamangkin ko. Yung kay Angel Locsin pa talaga.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Nang pa-uwi ako minsan, dahil sa pagod na ako, pinili namin ng ka-opisina ko na magelevator sa mrt station. Nabigla ako ng may isang bata dun pagpasok namin. Nung sumara ang elevator bigla shang nagsalita:

Kuya, Ate maawa na po kayo. Pahingi naman pong tatlong piso. Nasunugan po kasi kami. Maawa na po kayo.

Sinabi niya yan ng may ikatlong ulit. Kaya namemorya ko. Tumingin ako sa wallet, wala akong tatlong piso. Dos lang. Saka limampiso. Kaya nga naman hinulog ko na lang yung limang piso ko dun sa lalagyan niyang tila lalagyan ng cellfone (asan ang cellfone? di ko alam.). Baka kasi magalit siya pag dos lang binigay ko. Tatlong piso nga naman ang hinihingi niya.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Siguro pwede pa akong maging potential "pag-asa". Konting sikap lang siguro. At kaunting pagsasakripisyo para sa bayan. Nawalan kasi ako ng pag-asa sa mga maaaring maging pag-asa ng bayan.

Hay. Asa.



IDSA

Napakaimportante ng araw na ito. Kailangan natin magbigay pugay para sa araw na ito. Kelangang itigil natin ang lahat ng ginagawa natin sa trabaho, manatili sa bahay at taimtim na maupo.

Dahil ang araw na ito, ay walang pasok.

----------------------------------------------------------------------------------------------------

Di ko alam kung meron pa ba sa ating mga normal na tao ang nakakaalam ng kahalagahan talaga ng araw na ito. Ako, bagamat alamat ako, hindi ko talaga alam ang pangyayari sa araw na iyon. Isang taon at isang buwan pa lang ako noon (at ni-reveal ko pa talaga ang edad ko) at walang kamuwang muwang. Sabi ng ama ko, halos pinturahan na daw ng lolo ko ng dilaw ang bahay namin. Nung nagkamalay na ako, naabutan ko pa din ata yung mga residue ng yellow stickers and L-signs na nagkalat dito sa pamamahay. Ang hirap kaya tanggalin nung sticker na yun sa mirror ng kwarto ko. Bakit naman kasi sila nagdidikit ng sticker sa mirror. Walang manners!!

Aktibista daw ang tito ko kasi. Adik suporter ni Ninoy. Kaya nga ba nuon daw e laging kinakabahan si lolo dahil di nila malaman kung saan nang lupalop nagtungo ang tito ko. Asan ang tito ko ngayon? Ayun, misyonaryo. Hanlabo niya no. Syempre, may pagmamanahan ang alamat.

Buti na lang at fashionable ang color yellow.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Sa palagay ko maging yung iba sa mga nagrarally ay di alam kung anong ipinaglalaban nila. May nasaksihan akong interbyu kamakailan:

Reporter: Ano ho ang ipinaglalaban niyo dito?

Taong Nag-rarally: Hindi ho sinabi basta pinapunta na lang kame.

Syento kada tao. Pamatid gutom din yun sa mga taong sinasamantala ang kahirapan ng mga makapangyarihan para maisakatuparan ang kanilang masamang pag-nanasa sa kaban ng bayan.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Huwag kayong matakot sa alamat, hindi talaga ako ganyan mag-salita. Pero bilang gradweyt ng isang unibersidad kung saan sa araw araw na ginawa ng Diyos ay may mga taong nagrereklamo (i.e. Nag-rarally) talaga nga namang na-adapt ko na ang language na ginagamit nila. Eto example:

Nararapat lamang na bigyang tugon ng mga nasa pwesto ang hinaing ng taong bayan para sa mas makabuluhan, mas makatotohanan at mas demokratikong bansa kung saan ang mga mahihirap ay hindi lalong mag hirap at ang mayayaman ay hindi lalong magpayaman.

Hindi ko naman kinokondena yung paniniwala ng mga rallyistang ito. Ang totoo nga e marami akong pinaniniwalaan sa mga sinasabi nila. Naniniwala lang ako na lahat ng sobra, kaparehas ng kulang, ay masama.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Bakit nga ba kapag nagtitipon tipon ang maraming rallyista tinatawag nilang EDSA 1++. Bakit di nila gamitin ang iba pang kalsada, tulad ng C5, Marcos Avenue, Exchange Road at Visayas.

Halika, magtipon-tipon tayo. Isagawa natin ang Wak-wak Street Revolution!

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Kanina pa ako palipat-lipat ng channel. Wala akong mahanap na news tungkol sa rally sa EDSA. May nasagap ako kanina sa newsbreak tungkol sa 500 magsasaka na nagrally sa Baclaran. Galing daw silang Bacoor, Cavite. Nagpanic ako. Syet. San kami kukuha ng bigas niyan??

Pero 500 lang pala sila. Baka nga di pa e. Siguro mga 499 lang yun. Ni-round off na. May lima pa naman sigurong natirang mag-sasaka dito sa Bacoor. Whew, buti na lang.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Hindi kasi ako apathetic na tao e. Alamat nga e. I care. Mahilig akong magbasa ng diyaryo at manuod ng news.

Kaya naman alam kong walang nangyayari. Makapangyarihan yung unanong yun. Andami nang sumubok pero wala pa din nananaig.

Alam mo kung anong meron siya? High-end kasi siya. Yung mga taong Class A to Class C ang supporters niya. Hindi tulad nung huli ay Class D at E ang suporters. Bagama't mas madami yung nasa D at E, mas makapangyarihan naman ang nasa classes above. Kaya kahit anong gawin nung mga oposition ay di nila mabuwag yung munting pader na yun.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Anu bang posisyon ng alamat? Sa ngayon hindi ko talaga alam. Dahil galing ako sa unibersidad na laban sa kanya, at ngayon ay nabibilang sa society na pro-her, feeling neutral ako. Mas naniniwala kasi ako na mas mapapabuti kung sundan na lang yung proseso. May hearing na nga di ba. For once sana bigyan naman natin ng pagkakataon yung justice system natin. Pero yun laman ay sa opiniyon ko. Wala din naman pumipigil na magbigay ka ng sa iyo.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Sheesh wala pa ding worthwhile news. Wala pa din bagong explosion ang probinsayong intsik. Di pa din tumitindi ang amount ng rallyists. Sa ngayon ipagbubunyi ko na lang na may gantong okasyon tayong sineselebra.

Ayos, walang pasok.

Bago pa ako batuhin ng mga makitid ang utak diyan, sasabihin ko na ito:

Wag na kayong magalit. Bukas nga may pasok na e. Sad. T_T

Mainit na Sabaw

Minsan pakiramdam ko tumutulo na utak ko palabas ng tenga ko. Hindi ko mawari kung ano ano na ba ang pinapaandar ng utak kong minsan sa tingin ko ay may sarili ding utak. Mas matindi pa sa pagkalabnaw ng sinigang, nilaga, sopas at pinakuluang medyas.

Akala ko naman dati naubos na lahat ng utak ko sa kolehiyo, aba ay may mas ilalala pa pala. Minsan nga ay nag-iingat na ako sa pagsinga pag may sipon ako at baka may sumamang utak. Umaariba ang pagka-ti-ey-en-dyi-ey.
----------------------------------------------------------------------------------------------------

Dahil medyo napaaga ako ng labas ng opisina ay naisip kong mag-bus na lang muna papuntang Ayala. Alas-otso pa kami magkikita pero alas-siyete pa lang. Matagal tagal ang aantayin ko kung magtetren ako kasi kinse minutos lang yun.

Pagpara ko ng bus tinanong ko ang mama kung dadaan ba yun ng ayala. Sabi niya ang sakyan ko daw ay yung may karatulang "Ayala Leveriza". Kaya naman nag-abang ako.

Sumakay ako ng bus. Medyo matagal tagal na ang naibyahe at nasa Boni na. Nung siningil ako ng kundoktor ay nabanggit kong sa Ayala ako bababa. Sabi ng konduktor di daw yun dadaan ng Ayala dahil Ayala Ilalim yung nasa karatula nila.

Ilalim. Leveriza. Parang ang layo naman ata ng pagkakabasa ko.

Binababa na lang ako ng kundoktor free of charge sa Boni.

Sinigurado ko na Ayala Leveriza na ang sasakyan kong sunod. Nang malapit na sa Ayala ay saka pa lang ako siningil ng kundoktor. Sa katangahang palad ang nasabi kong bababaan ko ay "Boni." Nag-alala ang kundoktor dahil lagpas na daw at binaba na ako. Free of charge.

Gusto kong sabihin na sinadya ko ang mga pangyayari para makalibre ako. At gusto ko din sana na yun ang isipin niyo. Pero hindi. Dala lang lahat yan ng lubos na katangahan at kawala sa sarili. Pero kung iisipin mo ay swerte na din ako sa panahong yung dahil tanga ako.

------------------------------------------------------------------------------------------------

Anong gagawin mo kung dalawa lang kayong tao sa loob ng isang room at ang kasama mo ay umiiyak?

Nataranta ako. Kami lang ng boss ko ang nasa loob ng room at tahimik kami sa pagtatrabaho (naks parang totoo.) Bigla na lang shang tumayo at tumalikod sakin. Hindi ko alam kung umiiyak sha pero naririnig ko ang pagka-asar niya. Nagpanic ako at di ko malaman ang gagawin.

Wala ang ginawa. Kinuha ko na lang ang baon ko at lumabas. Lunch na. Tinawag ko na ang mga kasama ko. Iniwan ko ang boss ko na mag-isa.

Close naman kami ng boss ko. Pero wala akong ginawa. Sabaw na sabaw.

------------------------------------------------------------------------------------------------

Tatlong araw na akong nagcocommute papuntang trabaho. Dahil yung usual na van na sinasakyan ko ay lagi na lang akong naiiwan. Imbis na isang van lang ang sakay ko ay nagiging van + bus + mrt + fx ang ruta ko. Lagi na lang kasi akong late nagigising. Este late na gumigising. Wala akong kadala dala.

------------------------------------------------------------------------------------------------

Kanina, nag-add ako. Di ako gumamit ng calculator.

Kuha ka ng 1000. Dagdagan mo ng 40. Add mo ang isa pang 1000. Tapos dagdag mo 30. Add another 1000. Tapos 20 naman dagdag mo. Tapos isa pa ulit 1000. Lastly, add mo 10.

Aba ang sagot ko ay 5000. Isipin mo. Siyet. Alam ko mali. Kaya paulit ulit kong pinag-isipan. Ang tagal bago ko nakuha ang sagot. putek. 4100 nga lang naman. Grabe sumakit talaga ulo ko dun.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Eto pa isa:

Mary's father have five daughters. One of them is Nana, the 2nd was Nene. The 3rd was Nini and the 4th was Nono.

What's the name of the 5th daughter?

Aba ang sagot ko Nunu. Dahil nga naman sa vowels. Aba si Mary nga pala ang ikalimang anak! Binasa ko ulit yung tanong at sobrang natangahan lang ako ng sobra sa sarili ko.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Sa sobrang sabaw ko ay di ko na maisip yung iba pang ka-sabawan ko. Pero sa alam ko napakadami nun.

Iwasang maging sabaw. Pero minsan ayos lang din pala. Lalo na sa pagkakataon tulad ng una kong naikwento.

h2big

Nitong mga nakaraang araw ay marami akong nararamdamang kung anek-anek sa katawan ko na tila hindi kagandahan. Masakit ang likod, chest, balikat at kung ano ano pa lalo na pag humihinga ng malalim, tumatawa at umuubo. Di ko na nakayanan kaya nagpacheck up na ako kahapon.

Hindi ako makapaniwala sa sinabi sakin ng doctor. Ayon sa findings ay mayroon daw ang sakit. Ayaw ko pa talaga maniwala kaya sa tingin ko ay hihingi ako ng second opinion.

Biruin mo, sabi sakin ng doktor, "Meron kang ubo." Napakalala di ba.

At ang reseta sa akin, "Uminom ka ng tubig. Mga dalawang litro kada araw."

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Masarap naman ang tubig e. Medyo hindi na lang kasi ako sanay na tubig lang ang panulak ko sa tuwing kakain ako. Sa opisina libre ang kape, juice, iced tea at chocolate drink. May dispenser sa bawat kanto ng opisina pero pinipili ko pa din kanawan. At sa tanghalian ay may libreng sopdrinks pa sa pantry. Kumbaga ay wala ka na talagang pagkakataon para uminom pa ng plain tubig.

Kung bumabyahe ka naman ay mas nakakamura pa kapag C2 o iced tea ang iinumin mo. Napakamahal ng tubig na nilalako nila. At lasa pa tong buko juice. Susko. Kung iinum ako ng buko juice e gusto ko na e yung tunay. Medyo matabang kasi ang buko juice na ang tatak ay "Viva" o "Summit."

Sa bahay naman ay punong puno ng sopdrinks ang ref at cooler dahil nga sa munting negosyo namin ng aking ina. Sino pa ang may panahon para uminom ng tubig.

Tsk tsk. Kelangan ko ng dalawang litro.

-------------------------------------------------------------------------------------------------
Isang buwan na atang di napapalitan ang tubig sa swimming pool namin.

Oo dun sa tinayong kiddie pool (na pang adult ang lalim) dun sa likod bahay namin ay matagal tagal nang nakaistak ang tubig. At sa umaga ay lagi naman itong finifilter ng mga tao. Napakahirap naman kasi ata na palitan yun ng tubig. Malaki nanaman ang metro ng tubig namin kung magkagayon. Mabuti pang maligo muna sila sa matagal tagal na recycled tubig na sa araw araw na ginawa ng diyos ay may naliligo.

Isang beses pa lang ata ako nakaligo dun mula nung itinayo yun. Wala din kasing panahon. Pero sa ngayon ay ayaw ko munang maligo dun hanggat di napapalitan ang tubig.

Sabihin niyo ano ang diperensha ng pool na ito sa swimming pool sa kung saan man. Nilalagyan din naman ito ng chlorine. Pero sa dami ng taong nagswiswimming dito sa 15 feet wide pool na ito ay sa tingin ko iba to. Saka na talaga ako magswiswimming.

Ayoko kasi sila agawan ng lugar. Asus at nagpalusot pa ako sa kaartehan ko.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Mahal na talaga ang tubig ngayon. At magkano ba ang nagagastos ng pamilya ko sa pagbili ng tubig na yan sa inaraw araw. At pati na din sa tubig na lumalabas sa gripo at shower. Pero di pa din natin narerealize ang importance nito.

Paano ko nga ba magagawang uminom ng dalawang litrong tubig sa araw araw? Ito ang ilan sa mga payong aking natanggap:

1. Isipin mo na napakalayo ng pantry. Maglalakad ka pa ng mga 1 metro para lang makakuha ng ikakanaw jan sa tubig mo. Samantalang ang dispenser ng tubig ay 0.9 metro lang ang layo.

2. Mahirap maghugas ng baso kapag hindi tubig. Didikit ito sa baso mo. Lalanggamin kung di gaano nahugasan. At hindi mo pwedeng ipagpabukas ang paghuhugas. At nakakatamad kasi malayo ang hugasan, see item number 1.

3. May peligro ng diabetes ang sopdrinks at juice. Sa sobrang katamisan din nito ay nagdudulot ito ng antok sa iyo sa kalaunan at makakatulog ka lang ng walang nagagawa.

4. Mahirap labhan pag natapon ang sopdrinks at iba pa sa damit mo. Maawa ka sa naglalaba. Lalo na kung nanay mo ito.

5. Masyado nang mayaman si Gokongway, Lucio Tan at iba pang business tycoons sa inuming binibili mo. Hayaan mo namang ang mga may-ari ng water stations ang yumaman.

6. Masarap ang tubig, masarap ang tubig, masarap ang tubig, masarap ang tubig..

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Nag "No soft drinks" diet na pala ako simula pa nong nakaraang dalawang linggo.

How i wish na makayanan ko din ang 2-liters of Water diet ko.