what. the. duck.

blogging is a motherducking waste of time.

pakikilakbay ng alamat

ako si pauee at wala na akong magagawa dun. ako ang spoiled brat sa mundo ng blogesperyo. walang kapararakan lahat ng pinagsasabi ko pero pipilitin kitang magbasa. isa akong living irony. pauee by day and pauee by night dahil hindi naman ako nagpapalit ng pangalan.

masakit sa bangs

ano ang mga sintomas ng masakit na bangs? unang una, dapat mahapdi ito at hindi mo mahawak-hawakan. pangalawa dapat ito'y namumula. pangatlo, namamaga at mukhang matamlay. so sa iyong pagsisiyasat, masakit ba ang bangs mo?

IDSA

Napakaimportante ng araw na ito. Kailangan natin magbigay pugay para sa araw na ito. Kelangang itigil natin ang lahat ng ginagawa natin sa trabaho, manatili sa bahay at taimtim na maupo.

Dahil ang araw na ito, ay walang pasok.

----------------------------------------------------------------------------------------------------

Di ko alam kung meron pa ba sa ating mga normal na tao ang nakakaalam ng kahalagahan talaga ng araw na ito. Ako, bagamat alamat ako, hindi ko talaga alam ang pangyayari sa araw na iyon. Isang taon at isang buwan pa lang ako noon (at ni-reveal ko pa talaga ang edad ko) at walang kamuwang muwang. Sabi ng ama ko, halos pinturahan na daw ng lolo ko ng dilaw ang bahay namin. Nung nagkamalay na ako, naabutan ko pa din ata yung mga residue ng yellow stickers and L-signs na nagkalat dito sa pamamahay. Ang hirap kaya tanggalin nung sticker na yun sa mirror ng kwarto ko. Bakit naman kasi sila nagdidikit ng sticker sa mirror. Walang manners!!

Aktibista daw ang tito ko kasi. Adik suporter ni Ninoy. Kaya nga ba nuon daw e laging kinakabahan si lolo dahil di nila malaman kung saan nang lupalop nagtungo ang tito ko. Asan ang tito ko ngayon? Ayun, misyonaryo. Hanlabo niya no. Syempre, may pagmamanahan ang alamat.

Buti na lang at fashionable ang color yellow.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Sa palagay ko maging yung iba sa mga nagrarally ay di alam kung anong ipinaglalaban nila. May nasaksihan akong interbyu kamakailan:

Reporter: Ano ho ang ipinaglalaban niyo dito?

Taong Nag-rarally: Hindi ho sinabi basta pinapunta na lang kame.

Syento kada tao. Pamatid gutom din yun sa mga taong sinasamantala ang kahirapan ng mga makapangyarihan para maisakatuparan ang kanilang masamang pag-nanasa sa kaban ng bayan.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Huwag kayong matakot sa alamat, hindi talaga ako ganyan mag-salita. Pero bilang gradweyt ng isang unibersidad kung saan sa araw araw na ginawa ng Diyos ay may mga taong nagrereklamo (i.e. Nag-rarally) talaga nga namang na-adapt ko na ang language na ginagamit nila. Eto example:

Nararapat lamang na bigyang tugon ng mga nasa pwesto ang hinaing ng taong bayan para sa mas makabuluhan, mas makatotohanan at mas demokratikong bansa kung saan ang mga mahihirap ay hindi lalong mag hirap at ang mayayaman ay hindi lalong magpayaman.

Hindi ko naman kinokondena yung paniniwala ng mga rallyistang ito. Ang totoo nga e marami akong pinaniniwalaan sa mga sinasabi nila. Naniniwala lang ako na lahat ng sobra, kaparehas ng kulang, ay masama.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Bakit nga ba kapag nagtitipon tipon ang maraming rallyista tinatawag nilang EDSA 1++. Bakit di nila gamitin ang iba pang kalsada, tulad ng C5, Marcos Avenue, Exchange Road at Visayas.

Halika, magtipon-tipon tayo. Isagawa natin ang Wak-wak Street Revolution!

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Kanina pa ako palipat-lipat ng channel. Wala akong mahanap na news tungkol sa rally sa EDSA. May nasagap ako kanina sa newsbreak tungkol sa 500 magsasaka na nagrally sa Baclaran. Galing daw silang Bacoor, Cavite. Nagpanic ako. Syet. San kami kukuha ng bigas niyan??

Pero 500 lang pala sila. Baka nga di pa e. Siguro mga 499 lang yun. Ni-round off na. May lima pa naman sigurong natirang mag-sasaka dito sa Bacoor. Whew, buti na lang.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Hindi kasi ako apathetic na tao e. Alamat nga e. I care. Mahilig akong magbasa ng diyaryo at manuod ng news.

Kaya naman alam kong walang nangyayari. Makapangyarihan yung unanong yun. Andami nang sumubok pero wala pa din nananaig.

Alam mo kung anong meron siya? High-end kasi siya. Yung mga taong Class A to Class C ang supporters niya. Hindi tulad nung huli ay Class D at E ang suporters. Bagama't mas madami yung nasa D at E, mas makapangyarihan naman ang nasa classes above. Kaya kahit anong gawin nung mga oposition ay di nila mabuwag yung munting pader na yun.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Anu bang posisyon ng alamat? Sa ngayon hindi ko talaga alam. Dahil galing ako sa unibersidad na laban sa kanya, at ngayon ay nabibilang sa society na pro-her, feeling neutral ako. Mas naniniwala kasi ako na mas mapapabuti kung sundan na lang yung proseso. May hearing na nga di ba. For once sana bigyan naman natin ng pagkakataon yung justice system natin. Pero yun laman ay sa opiniyon ko. Wala din naman pumipigil na magbigay ka ng sa iyo.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Sheesh wala pa ding worthwhile news. Wala pa din bagong explosion ang probinsayong intsik. Di pa din tumitindi ang amount ng rallyists. Sa ngayon ipagbubunyi ko na lang na may gantong okasyon tayong sineselebra.

Ayos, walang pasok.

Bago pa ako batuhin ng mga makitid ang utak diyan, sasabihin ko na ito:

Wag na kayong magalit. Bukas nga may pasok na e. Sad. T_T

3 ang naki-usyoso:

  1. nwalma said...
     

    unang pagbasa ko sa pamagat mo ISDA, IDSA pala. sose...

  2. Anonymous said...
     

    Dapat pala parehas tayo ng job para hindi sumisimangot si alamat..

    Maging Bum ka na kasi...

  3. Anonymous said...
     

    nakakapagod maging bum e. ahaha pareho lang pag nagtatrabaho pero at least may kita ahahaha

Post a Comment