what. the. duck.

blogging is a motherducking waste of time.

pakikilakbay ng alamat

ako si pauee at wala na akong magagawa dun. ako ang spoiled brat sa mundo ng blogesperyo. walang kapararakan lahat ng pinagsasabi ko pero pipilitin kitang magbasa. isa akong living irony. pauee by day and pauee by night dahil hindi naman ako nagpapalit ng pangalan.

masakit sa bangs

ano ang mga sintomas ng masakit na bangs? unang una, dapat mahapdi ito at hindi mo mahawak-hawakan. pangalawa dapat ito'y namumula. pangatlo, namamaga at mukhang matamlay. so sa iyong pagsisiyasat, masakit ba ang bangs mo?

It is a lot of faaaaaahnnn

Matagal tagal din akong nawala dito sa mundo ng blogerya. Mahirap kasi talaga kapag tamad. Sa lahat ng sakit yun na din siguro yung hindi na kailanman madidiscover ang lunas. Kahit yung mga matatalinong scientists, mathematicians, doctors, psychologists, promil children at si saver the wonder dog ay magjoin forces para lang pag-aralan at hanapin ang lunas ng sakit na to, sa tingin ko di pa din nila mahahanap yun. Aabutin na lang sila ng katamaran. Which is kinda ironic no?

Ang saya sana nun. Kapag tinatamad ako, iinom lang ako ng tableta at sisipagin na. Yung mga estudyanteng kelangan mag-aral at tinatamad, itatago na lang ng parents yung tablets sa saging o kaya naman ay dudurugin at ihahalo sa juice ng mga anak nila yung tablet na yun para sa sure na pagpasa sa exam. Yung mga taong nadedemonyo ng mga kaibigan nila na huwag na lang pumasok, magmamadali lang inumin ang tableta at makakatanggi na sa mga masasamang impluwensya at papasok na lang sa trabaho. Talaga nga namang kahit sinong tao ay uunlad at madadamay na din ang bansa nila dahil lang sa wonder tablet na ito. At yayaman at talagang sisikat ang makakaimbento ng gamot na yan. Malamang kasi kung bumili ang mga tao niyan ay banig banig at talagang mag-iistak na sila for the future since hindi mo alam kung kelan ka talaga aatakihin ng katamaran.

O sige para sa mga mapanuring mga mata diyan, oo nasa tao lang talaga ang lunas sa katamaran. E kaso nga, mashado akong tinatamad para subukang labanan yung katamaran ko. Pano na yan its like a vicious cycle.

At dahil sa panahon ngayon ay hindi pa naiimbento yang gamot na yan, may mga ilan ilang pagsubok ang mga tao para tulungan ang ibang tao na lunasan ang napakatinding sakit na ito.

1. Self- help books.

Ito yung mga librong tuturuan ka pano labanan yung katamaran mo. Madami niyan sa nasyunal or kaya naman ay sa gudwil. Pero madalas mo ito talagang makikita sa mga buk sale. Kasi binebenta na lang talaga to ng mga tao dahil wala naman gamit.

Kasi naman, kahit anong self help book pa ang iregalo sakin na panlaban sa katamaran, katatamaran ko lang din na basahin yun. Maiistak lang din yun dito sa ilalim ng kama ko. Siguro ay makakapagtanim na ako ng kamote sa kapal ng alikabok na mamumuo sa mga librong yun bago ko pa maisipang basahin. Kaso lang pag nakita kong makapal na ang alikabok e tatamarin na akong linisin. Hindi ko na babasahin all together. Sad no?

Madalas lang din kasi, itong mga self-help books na to ay nangungunsensya lang. "Kapag di ka nagsipag, hindi ka magkakaroon ng kinabukasan." "Tamarin ka ngayon, tamad din ang lahat ng tao sa paligid mo." Hindi nila alam na ang mga taong tamad ay tinatamad na din makunsensya. Kaya nga hindi kami gumagamit ng safeguard.

Ang rating ko sa self-help books as a cure to katamaran: negative 8 stars. Dagdag lang yan sa source of katamaran. Not helping at all.

2. Energy drinks.

Eto yung mga the likes of extra joss, red bull at lipovitan. Pwede mo na din isama dito ang kape at kung anu ano pang inuming nakakagising kuno. At kung sosyal ka e number one na siguro sa listahan mo ang istarbaks.

Dati sinubukan kong uminom ng extra joss. Aba, hindi nga ako inantok. Dilat lang ako magdamag. Dilat na tulala. Di ako makagalaw, ang sakit ng katawan ko. Tinamad na akong subukan pang mag-aral. Baka kasi lalo lang akong masaktan. Nakakatamad pa naman indahin yung sakit.

Hindi ko rin kayang inumin yung red bull o kaya lipovitan. E kasi naman ang baho baho nila. O sige, kaya ko silang inumin tatakpan ko lang ilong ko. Pero all n ight long ay maaamoy ko pa din yun galing sa hininga ko. Magiging masyado akong conscious. Mauubos ang energy ko sa pagtutbras at tatamarin na din akong gawin ang kelangan kong gawin. Energy drink nga sha. Magkakaroon ka ng energy para maging conscious sa hininga mo.

At nakakatamad gumastos. Sayang kasi pera kung magistarbaks ka pa para labanan ang katamaran. Yag istarbaks e para tustusan ang katamaran ko. Pag tinatamad akong gumawa ng anything worthy, yayayain ko friends ko para tumambay diyan sa istarbaks. At ito ang mga friends kong tinatamad ding magsasayaw at magvideoke at manuod ng sine at kung ano ano pang pwedeng ibang gawin. Kaya nga naman tatambay na lang at gagastos, este magkakape.

At oo, tiring din na magkanaw pa ng kape. Kahit pa neskape 3-in-1 pa yan na ihahalo mo na lang sa mainit na tubig. Sakin kasi ay medyo baliktad din ang epekto ng kape. Oo magiging dilat ako sa loob ng isang oras, pero tatamarin din ako bigla bigla at gugustihin matulog di kalaunan.

Ang rating ko sa energy drinks? Negative 2 stars for gastos. Hindi naman nakakatulong. Nakakacontribute pa sa katamaran.

3. Other People.

Have other people help you. Maging mga friends mo man or loved one or family or... ahh, yun lang.

Kaso, contagious ang katamaran pramis. Maging ang boyfriend ko ay madalas dinadamayan lang ako sa aking slum trip. Minsan tinatamad kaming magdate. Kaya sa bahay na lang nakasalampak sa sofa at manunuod na lang ng dvd. Minsan nga ay tinatamad na kaming manuod ng dvd kaya TV na lang. Yan ay kung andiyan lang yung remote sa tabi-tabi.

At sabi nga nila birds of the same feather flocks together. Kaya nga naman friends ko ay mga tamad din, tulad nila mariano at docmnel . oh yeah tamad people stick together. We do nothing together. Doing nothing is a lot of faaaahhn you know.

Wala. Wala na talagang lunas ang katamaran. Idol ko nga si Juan Tamad e. At least sa story niya e nagawan ng paraan ang katamaran niya. Tama ba? Tinatamad na akong alamin pa kung tama yun e.

Kaya pasensya na sa nag-aabang at nagbabasa sa blog na to at nag-aantay ng bagong entry. Ginagawa ko naman ang best ko. Kanina tinignan ko yung self help books. Sinulyapan ko din yung kape sa kusina. At tinry kong makipag-chat sa fellow bloggers para sipagin, kaso wala e, walang pag-asa. Di ko malunasan ang sakit kong ito.

Nawa'y masundan ko pa ang entry na to.

5 ang naki-usyoso:

  1. nwalma said...
     

    "Yung mga estudyanteng kelangan mag-aral at tinatamad, itatago na lang ng parents yung tablets sa saging"

    Ha?! tatago yung tablet sa saging?! anu un, babalatan at isusuksuk ung tableta tapos i-scotch tape na lang yung balat para hindi halata, hehe. Ü

  2. Anonymous said...
     

    oo. medyo ganun.

    pero pwede din naman yung balatan tapos isuksok sa saging tapos sabihin "O anak kagat ng saging"

    mas less effort yun. hahaha

  3. Anonymous said...
     

    ano kaya kung ipagbawal na rin ang katamaran? di ba yung pagkakasakit, bawal din daw?

    meron ka bang alam na self-help books para sa mga tamad magbasa ng libro?

    pero sige na nga. wag mo ng sagutin ang tanong ko, baka tinatamad ka na rin.

  4. Mariano said...
     

    Tsk tsk tsk, hindi ko alam kung dapat ko bang habaan ang komento ko dito kasi kapag hinabaan ko, sasabihin mo naman eh masipag ako which defeats the purpose of this entry.

    Pero kapag inigsian ko naman eh syempre iisipin mong nakikisama ako kaya naman heto at nagkomento ako para sabihin na TINATAMAD AKONG MAGKOMENTO.

    tsk tsk. Industrious Pills ata ang tawag dun. Anti-procrastination.

  5. Anonymous said...
     

    HK, malamang meron akong ganung libro kaso lang tinatamad akong icheck kung meron. ironic na book nga pala yun. but life is ironic, arent we? haha

    Mariano, salamat sa pakikisama sa katamaran. Dapat ipagtanggol natin ang karapatan nating mga tamad. Magwelga tayo sa kalye. O kaya sa sari-sariling bahay na lang habang nakahiga sa kama at nanunuod ng tv.

Post a Comment