oras na ba?
napapanahon na ba para sagutin ko ang samu't saring katanungan ng mga tao sa paligid ko?
napapansin ko kasing lumalawak ang scope ng aking fans. di na lang sha nacocontain sa group of friends ko, kundi lumalayo na. simula nung gawin kong for everyone ang blog-worthy thoughts e napakadami nang bumibisita at bumabasa sa posts ko. gusto ko mang isipin na kaya nagkakaganon ay dahil nagiging famous lang ako. pero di ko pa din maipagkakaila na napakadami sa mga bumibisita dito ay mga tsismoso't tsismosa na nag-aantay ng kasagutan sa tanong na malamang nahagilap nila kung saan saan. malamang nadidisappoint na din kayo dahil kung anu ano lang sinusulat ko dito. kaya eto na siguro ang panahon para pagbigyan ko naman kayo.
napagmuni-munihan ko na ang pagiging malaya ng isang tao ay relatibo. hindi to kayang bigyang definition ninuman. at kung ako ang tatanungin niyo, hindi lamang ang pagiging malaya sa kung anong kinikilos at ginagalaw mo ang scope ng freedom, kasama na din dito ang pagiging malaya mong isipin kung anong ikaliligaya mo. meron kang sapat na oras at panahon para sa sarili mo. at hindi umiikot ang buhay mo sa buhay ng ibang tao.
nabasa ko sa blog ng kaibigan kong si arcie, mayroon daw shang kaibigan na nagtanong sa isang couple kung paano ba maikeekeep ang isang long relationship, at eto ang sinagot ng couple:
We are just lucky that we don't fall out of love at the same time.
sabi nila, kailangan mo daw ng mangsasalba sa relasyon. kapag pareho kayong ayaw na, wala na talagang magagawa. pero habang yung isa ay di pa nagfafall out of love, magagawa pa ding maisalba ang relasyon.
ganun ba yun talaga? kelangan talagang may argabriyado sa sitwasyon? kung ikaw yung taong sasalo di ba parang ginagawa mong gago ang sarili mo sa pagpilit sa taong ayaw na. at kung ikaw yung sinasalo, hindi ba nakakasakal na pipilitin mo ang sarili mo sa bagay na ayaw ng puso mo?
sa natutunan ko sa dalawang taon, kapag may bagay kang ipinilit hindi din maganda ang kalalabasan. sasakit lang ulo mo sa kakaisip, at lalo pa, hindi mo malilimutan na ginawa lang yung bagay na yun dahil pinilit. hindi bukal sa loob. hindi sincere.
sabi ni bruce sa pbb, love is not an emotion but a choice. kung ganoon, bat niya mas pinili na mainlove kay wendy lalo pa't alam nila na pareho silang committed outside? dahil nadala siya sa emotions sa loob ng bahay. love may be a choice, but it is a choice coupled with emotions. syempre mas pipiliin mo yung bagay na mas ikakasaya mo. happiness is an emotion. no one could doubt that.
bakit hindi na lang piliin ng tao yung bagay na less complicated? dahil, yun ang essence ng pagiging malaya. sa pagiging malaya mo, maraming kaakibat na kumplikasyon. mga taong patuloy na kekwestiyunin ka sa desisiyon mo. pero sa dulo, ang masasabi mo na lang sa kanila, hindi sila ang nasa sitwasyon. hindi nila alam kung anung nararamdaman mo.
mahirap pumili ng isang bagay na alam mong may masasaktan. pero sabi nga ng isa kong co-teacher, gawin mo ang mga bagay para sa sarili mo at hindi para sa iba. kung sa buong panahon ay ginagawa mo na lang ang bagay para sa isang tao, hindi malayong dumating ang punto na mapagod ka at magsawa. sa panahong ito, mas pinili kong kumilos ayon sa anong gusto ko, sa kung anong maidudulot ng desisyon para sa akin. mas pinili kong gumalaw para sa sarili ko.
its an act of selfishness, yes. pero in the long run i know, na everything will be for the better. people may not see it now, but things will be more ugly if i had not made this decision. things will be more difficult, will be harder for most people.
i may be impulsive but i have thought about this action for a long long time.
of course, pwedeng hindi pa tapos ang lahat. pero sa panahon ngayon, hayaan niyo muna akong gumalaw mag-isa. gusto ko muna magkaroon ng independence. gusto ko muna kumilos ayon sa kung anong tama para sa akin.
sana nasagot ko yung mga tanong niyo or kahit papaano nakapagbigay ako ng konting paglilinaw. kung gumulo man lalo, sorry naman. i tried my best.