what. the. duck.

blogging is a motherducking waste of time.

pakikilakbay ng alamat

ako si pauee at wala na akong magagawa dun. ako ang spoiled brat sa mundo ng blogesperyo. walang kapararakan lahat ng pinagsasabi ko pero pipilitin kitang magbasa. isa akong living irony. pauee by day and pauee by night dahil hindi naman ako nagpapalit ng pangalan.

masakit sa bangs

ano ang mga sintomas ng masakit na bangs? unang una, dapat mahapdi ito at hindi mo mahawak-hawakan. pangalawa dapat ito'y namumula. pangatlo, namamaga at mukhang matamlay. so sa iyong pagsisiyasat, masakit ba ang bangs mo?

metaphor

sa totoo lang di ko alam kung paano ko haharapin ang mga bagay bagay..


pag ang isang bagay kinasanayan na ng sistema mo, para bang buong mundo mo ay hindi makapaniwala na may pagbabagong mangyayari.. kumbaga pag nagpalit ka ng shampoo ay magkakadandruff ka sa simula.. kahit pa its all for the better.. na soon in life e ikagaganda na ng buhok mo yung pagpapalit ng shampoong yun.. pero inevitable na magkadandruff ka sa sa simula..


at ang tanong na bakit.. bakit nga ba ang hirap sagutin.. alam mo ang sagot pero di mo masabi.. parang pag nagreview ka sa exam at naaalala mo kung saang pwesto sa notebook mo nakasulat yung salitang yun pero di mo pa din maalala kung ano yung salita.. uubusin mo na ang oras sa kakafigure out kung ano yung salitang yun.. dalawang bagay lang pwedeng mangyari, maalala mo ang salita o maubusan ka na ng oras..


kung mahulog ka ba sa bangin, valid ba ang excuse na natanga ka lang? or may hihingin pa silang ibang dahilan.. ah kasi hinahabol ka ng kung sino at di mo namalayan na may bangin pala.. o kaya naman e sinadya mo on your own na mahulog.. pero yung "wala lang, nahulog lang ako" tatanggapin ba yun na rason ng mga tao? lalo na yung mga taong nakakita.. hindi ba talaga pwedeng wala lang nahulog ka lang talaga?


kapag sinara mo yung pintuan at napalakas ang sara mo iisipin ng mga tao na galit ka.. kahit pa pwede namang sabihin na malakas lang ang hangin, o kaya naman ay may mali dun sa pintuan, basta ikaw ang nagsara at napalakas ay nagdabog ka.. masakit nga naman sa tenga yun ng mga taong malapit sa pinto.. pero paano kung nagmamadali ka ng lumabas at nalimot mo na na may masasaktan kung sasarhan mo ng malakas ang pintuan.. di mo sinasadya pero nakasakit ka..


masama bang akuin lahat ng kasalanan kung alam mo namang totoo? kailangan ba talagang two way ang lahat? e kung sadyang gago ka lang talaga at sayo ang mali, aminado ka naman, di ba yun pwede.. kung ang stack ng uno stacko ay biglang malaglag dahil sa mali mong pagkakahila di ba kasalanan mo naman yun talaga.. o kung mabasag yung mga platong ikaw naman yung may hawak di ba sayo dapat lahat ng sinisisi.. di na dapat isipin ng mga tao kung pangit ba yung pagkakakapatong patong nung uno stacko.. o kung madulas yung pinggan.. ang bottom line ikaw pa din ang may kasalanan ng lahat..


at kung sa kakakamot ko sa ulo kong may dandruff dala ng bagong shampoo ay malimutan ko ang salitang nireview ko, at sa pagalala ko ay nahulog ako sa bangin matapos kong ibagsak ang pintuan dahil natumba ko ang stack ng uno stacko katabi ng mga nabasag ko nang mga plato, pwede bang ako na lang ang may kasalanan ng lahat?


wag na kayong magtanong pa sa iba. kasi ako. nasa akin ang mali.

0 ang naki-usyoso:

Post a Comment