Bilang isang adik na blogera ng site kong
http://iampauee.com (oh yeah shameless plug), natural lamang na gumamit ako ng kung anu-anong tracking sites para malaman kung sinu-sino, anu-ano at papaano napupunta sa website ko ang mga eklavush kong dear readers (kayo yun, wow! thanks!). Isa na siguro sa pinaka-okay na site na nakita ko ay ang
Google Analytics. Isa-isa kong iniiscrutinize kung anu-ano ang ibig sabihin ng bawat report na nakukuha ko sa site meter na ito. Ito nga at meron pa silang naipapakitang pie graph:
Mapapansing merong namumulang bahagi ng pizza pie. Ito ang mumunting parte na mga napupunta sa site ko sa pamamagitan ng pagsearch ng kung anu-anong term mula sa mga search engines tulad ng Yahoo at Google. Sa lahat sa report ng analytics, dito ako pinaka-natutuwa. Kailan lang ako nagsimulang gumamit ng meter na ito, at totoong aliw na aliw ako sa mga search terms na ginagamit para mag-appear ang site ko. Ito ang ilan sa mga nalikap kong search terms:
mahirap maging tamad nakakatamad kasi - Aba nga naman talaga namang napakahirap nitong adhikain na ito. At para maisip mo na ilagay ito sa search box ng isang engine, sadyang kataka-taka. Ano nga kaya ang impormasyong gustong malaman ng taong naghahanap ng mga websites gamit ang search keys na ito. Marahil nag-iisip siyang mabuti kung may eksplanasyon ang sadya niyang pagiging tamad. I pity the person in this situation at dahil din i feel for him/her. At para lumabas bilang pangalawang website sa Google ang site ko gamit ang terms na ito, it is a blessing for a tamad person such as me.
"shake shampoo" zsa zsa - Malamang ang hinahagilap ng taong ito ay ang larong shake shake shampoo. Marahil ang rules ng game na ito, pati na rin siguro ang pinagmulan. Ang nakakapagtaka lang ang ang association ng salita o pangalang "zsa zsa" sa larong ito. Di kaya siya ang nagpasimula nito? O kaya naman paboritong laro ito ni zsa zsa? At bilang "I am lucky" site ng search terms na ito, talagang nakakapagtaka.
alamat ng halo halo - Sa palagay ko ang nagsearch nito ay sadyang taong adik sa halo-halo. Sa sobrang in love siya sa pagkaing ito, ninais niyang malaman ang pinagmulan. Di ko siya masisisi. Aba nung isang araw nga nagsearch ako sa alamat ng ice cream-wafer sandwich. Pero shempre joke lang yun para lang may masabi. Pwede din na may assignment na get a very unique alamat. At ito ang naisip ng bata.
ano ang kahulugan ng matayog? / ano ang matayog - Maaaring confused talaga itong taong ito. Baka hindi niya talaga alam kung ano ang ibig sabihin ng salitang yun. O kaya naman ay nagbabasa siya ng El Fili tapos part ng vocabulary questions yung salitang matayog tapos imbis na magcontext clues deciphering siya e naggoogle na lang siya. Para nga naman mas mabilis no? Pero ang ibig sabihin nga ba ng matayog ay mataas? Salamat naman at pang-limang site ako gamit ang search terms na ito.
ano ang sintomas pag lagi masakit ang tiyan - Sa totoo lang hindi ko din alam ang sagot dito. Parang mali kasi ang tanong niya. Una, pag masakit ang tiyan mo, yun ang sintomas ng iba pang sakit. At wala nang ibang sintomas para malaman mong masakit ang tiyan mo. Hindi ka naman nagmumuta sa umaga pag masakit ang tiyan mo. O kaya naman e sumasakit ang leeg. Pag masakit ang tiyan mo yun na yun. Sana sa pagsearch ng taong ito, nalaman na din niya ang kasagutan sa tanong niya. Ang kasagutan na walang kasagutan. Parang yung tanong ko lang sa main site ko na Ano ang sintomas ng masakit na bangs? Maling mali. Third site pa ako sa search. Wow.
anong ginagawa ng palaka tuwing umaga - Gusto ko din malaman ang sagot sa tanong na ito. Ano nga bang ginagawa nila? Nagtataka na din tuloy ako. Pero malamang they are still jumping around, eating insects, doing frog things. Di din natin alam kung sa frog world malamang pwede ding nagshoshopping sila, nanonood ng tv, nagbablog or nagseasearch sa engines kung ano ang ginagawa ng mga tao tuwing umaga. 4th site.
idsa 2 - Hindi ko nga alam na may salita palang idsa. Ginamit ko lang itong title ng isa kong entry para mockery sa sikat na kalsada. Malamang-lamang na sa ibang lugar ito ay acronym ng kung anong association. Talagang patawa na napunta sa blog entry ko ang nagsearch ng salitang ito kung ganon. Sorry naman po.
iskit na nakakatawa - Sa tingin ko nagkawriter's block tong taong nagsearch nito. Hindi na siya siguro makaisip ng kung anong skit ang magagawa niya. O kaya naman taong walang magawa pwede din. Gusto lang niya ng pampalipas oras kaya naman naghanap siya ng nakakatawang skit. At para gamiting ang salitang "iskit" imbis na "skit", ayun nakakatawa na din siya. Sana naaliw naman siya sa nabasa niya sa site ko na 9th site na maididisplay.
klase ng sabaw - Palagay ko gutom tong taong ito. O kaya naman curious lang. Sa dinadami-dami nga naman ng sabaw na nakain o nahigop na niya, wala ba silang classifications? I am one with him/her with this question. Bakit ang mga halaman, hayop, gamit, cellphone, computer may mga classifications at ang sabaw wala? How unfair could that be really baffles me.
mga kabataan daw ang pag-asa ng bayan / kabataan ngayon - Kaisa niya ako din talagang maglalagay ng salitang "daw" sa phrase na ito. At dahil seryosong topic ito, ayoko na magdwell. Naidiscuss ko na din ata ito sa dating entry.
Nakaka-awa din ang mga taong nagsearch ng terms na ito at maglaland sa site ko. Malay ba natin kung seryoso sila, curious or part ng school assignment kung bakit nila ito hinahanap at bigla na lang sila mapupunta sa isang site na panay patawa, kuro-kuro at paglalakbay utak. Sa lahat ng nabarbero ng blog ko, pasensya na po. Pero sana kahit papano kung busy ang araw niyo, stressed sa trabaho, problemado sa buhay, sa konting korning patawa ko e napagaan ko ang araw niyo. After all, yun lang naman ang gusto ko. *Sniff* ^_____^