Glutton's Guide No. 3: Ice Kachang
Hindi ako gaanong mahilig sa halo-halo. Mas gusto ko ang *insert prutas here* con hielo. Pero minsan sa mainit-init na panahon, hindi mo din maiiwasan na hanap hanapin ang sarap ng pinaghalo-halong sangkap ng halo-halo (wow so paulit-ulit lang). Ube, leche flan, pinipig, kaong to name a few of my favorite sangkaps. Pero isa din sa mga paborito ko ay ang lasa ng yelo na may gatas.
Dito sa bansang banyaga, may bersyon sila ng popular na halo-halo ng pinas. Ito ay tinatawag na Ice Kachang. Sa halagang 2.40 SGD, mapapauee na ang iyong uhaw sa tag-init. Hindi siya exactly tulad ng halu-halo. May iba't ibang klase siya. Ito ang isa sa kanila:
Strawberry-flavored ang ice cream at ang syrup na red na iyong nakikita. Kaya ito ay Strawberry Kachang. Sa may bowl part ay iba't ibang sangkap na mala-halo halo tulad ng kaong, gulaman, beans, etc. Ang nakakatuwa dito ay ang presentation ng product. Nakaka-aliw at mukhang katakam-takam. Ito pa ang isa:
Ito naman ang Mango Kacham. At dahil peborit prut ko ang mango e ito na siguro ang favorite flavor ko. Masarap at malinamnam. At national fruit pa ng bansa kong sinilangan!
Iyan naman ang Rainbow Kachang. May candy sprinkles na nilalagay sa gilid instead of syrup. Endless ang types of Kachang dito. Pero sa totoo lang may kamahalan ang presyo nila. Hehe. Pero oks na, isang ganyan share share na kaming tatlo. Di na rin masama.
Nako, mukhang tataba talaga ako dito a. Nag-eenjoy ako sa pagkain e. Konting diet na siguro :p
0 ang naki-usyoso:
Post a Comment