Dambana
Noong bata ako weird ang pananaw ko sa kasal. Weird siya in the sense na hindi makatotohanan. Ikaw ba naman lumaki sa tahanan na nagmamahalan ang mga magulang mo, na para bang araw-araw e bagong kasal pa lang sila. Iisipin mo din na ganoon ang mangyayari sa lahat ng ikinakasal.
Sa totoo lang sa huwes pa lang ikinasal ang parents ko bago ako ipanganak. Bata na ako nung ikinasal sila sa simbahan. Parang formality na lang kumbaga. Pero sa huwes man o sa simbahan walang ipinagbago. Masayang nagsasama ang mga magulang ko. Bilang isang batang mapagpangarap, iniisip ko din na ganoon ang mangyayari sa akin in the future.
Nung mga panahong naglalaro pa ako ng barbie, dahil lubos ang kalandian ko, iniimagine ko ang magiging kasal ko. Sa hilig kong manuod ng mga movies, medyo ipinapattern ko sa kanila ang mangyayari. Sa isang malaking simbahan, maganda ang dekorasayon, madaming taong nag-aabang, kasama ko ang dad ko naglalakad papunta sa altar. Nag-aabang doon ang lalaking tinatangi ko.
Op kors nung mga panahong iyon ang naiimagine ko na mapapang-asawa ko e yung taong kras na kras ko na ngayon e nakakakilabot na isipin. E ganun lang talaga medyo may kagagahan tayo at kabulagan noong kabataan.
Dumaan ako sa aking kompyusd (read: genderless) teenage years. Nung panahon na iyon naging desidido ako na hindi ako magpapakasal kailanman. Maaaring magkaroon ako ng anak, pero ayoko ng may asawa.
Nagimprove ang pananaw kong iyan, gusto ko na may asawa. Pero ayoko pa din ikasal. Kumbaga ay lib-in. Sa isip isip ko pareho lang naman yun. Bakit ko kelangan ikompormiso ang sarili ko sa isang lalaki? Ang dami pang hassle. Higit sa lahat magpapalit ako ng apelido! Nakakainis magpakasal. And after all it's just paper.
Pagkalampas ko ng kompyusd years naisip ko na ang benepisyo ng pagpapakasal. It's for the legalities. Dahil magiging conjugal na ang mga bagay bagay. At dahil mas tanggap ng mundo ang pagsasamang legal. Mas maraming benefits kumbaga kesa cons.
Shempre hindi din nalalayo sa isip ko yung konsepto ng pagiging engaged. Noong panahong mahilig pa akong magmunimuni at magdaydream, iniimagine ko ang pinakasweet na pwede gawing proposal sakin ng taong mahal ko para magpakasal. Andiyan yung luluhod siya sa harapan ko, kaso lang baka matawa ako. Pwede din yung iaannounce niya sa isang PA system kahit nakakahiya ng lubusan. Naisip ko pa nga yung kakain ako at pagkagat ko e merong singsing na buti na lang hindi ko nalunok.
Ayokong ianticipate yung mga bagay bagay kasi baka madisappoint ako pag hindi ganoon kabongga ang pagpopropose. Madali pa naman ako madisappoint lalo na kung nageexpect ako.
Nakakatawa lang na kahapon sa MRT bigla niya na lang itong sinabi sakin:
Mahal na mahal kita e alam mo yun? Pakasal na kaya tayo, will you marry me?
Inisip ko ng mga panahong yan na joke lang ang pagsabi niya. Pero sa totoo lang tumatak yang sinabi niyang yan sa utak ko. Hindi siya kasing fancy ng iniisip ko nung landi days ko. Hindi din siya makatotohanang approach. Pero lubos na galak ang dinulot sa sistema ko. Alam kong kung magpapakasal kami ay sa Registry of Marriages lang kami at walang kabonggahang magaganap. Pero alam mo yung kung darating ang pagkakataong tototohanin na ito, alam kong hindi ako makakatanggi.
Alam ko na, love ang factor. LOVE.

makiUsyoso po!! ganyang2 aq...kaso sa tagal namin eh parang kasal na kami,xempre iba parin ang legal,kahit sobrang kapal na ng muka kong makisawsaw sa pamilya nyo, eh hindi parin ako belong...Hahahahaha!!yun nga lang ayoko pa pakasal...hehehehehe...