what. the. duck.

blogging is a motherducking waste of time.

pakikilakbay ng alamat

ako si pauee at wala na akong magagawa dun. ako ang spoiled brat sa mundo ng blogesperyo. walang kapararakan lahat ng pinagsasabi ko pero pipilitin kitang magbasa. isa akong living irony. pauee by day and pauee by night dahil hindi naman ako nagpapalit ng pangalan.

masakit sa bangs

ano ang mga sintomas ng masakit na bangs? unang una, dapat mahapdi ito at hindi mo mahawak-hawakan. pangalawa dapat ito'y namumula. pangatlo, namamaga at mukhang matamlay. so sa iyong pagsisiyasat, masakit ba ang bangs mo?

kuntento

"You know what is so good about
hitting your head with a hammer?
It feels so good when you stop."
- Jimmy Goco of Beerkada

This entry is dedicated to one of my cousins and to one of my closest friends in college.

"Ikaw nga ang dapat nakakaalam. Babae ka e. Kaya nga kita sinama-- aray!!"

Nabatukan nanaman tuloy kita. Ang hilig mo kasing ipamukha sakin na ginagamit mo lang talaga ako. Hindi ko naman kasi talaga alam kung ano na ang gusto ng kabataan ngayon. Malay ko ba kung ano ang magpapasaya sa isang 18 years old. Bakit kasi kailangan mo pang bilhan ng regalo yung debutanteng kabarkada ng girlfriend mo.

"O sige, yun na nga lang shower set. Yung color purple. Ang alam ko pag ganung age nagugustuhan yung color na yun. Tama ba? Bakit kasi di mo man lang alam ang favorite color niya?"

"E hindi ko nga kasi ka-close yun. Pero tama sige, malamang purple nga. Ang galing mo talaga you're the best. Di ko talaga alam kung anong gagawin ko kung wala ka."

Actually hindi ko din talaga alam kung anong gagawin mo kung wala ako.

Naalala ko nung nag-Hongkong tayo last year, sa sobrang kakulitan mo na gusto mong magpicture tayo sa 7-11 dun, nawala tayo sa tour. Nakakatawa pa nga ang mukha mo nun kasi nagpapanic ka. Gulat na gulat ka na marunong ako ng kaunting Mandarin kaya nakapagtanong tanong ako. Kung nakikinig ka lang kasi sa alternative class natin nun, e di sana marunong ka din kahit konti.

"So pano, sunduin na lang kita mamaya?"

"Bakit ba kasi kailangan ko pa sumama dun. Si Jana lang kilala ko dun at hindi pa sha yung debutante."

"Basta invited ka sabi ni Jana. Saka hahayaan mo bang ako lang mag-isa habang nagtsitsikahan sila ng barkada nila?"

"Nakakahiya kasi parang ang tanda tanda na natin dun."

"Leche ang arte mo. Basta magdodoorbell na lang ako sa inyo mga 7 o'clock."

Naiisip ko minsan kulang na lang ako ang maglaba ng underwear mo. Ganyan ka kadependent sakin. Hindi kasi ata napabuti na magkatapat tayo ng bahay, classmates since highschool at pareho pa ng work.

Dati naglolokohan kami ni Jana nung nililigawan mo pa lang siya. Sabi niya hindi naman daw ata girlfriend ang kailangan mo kundi alalay. Naikwento ko pa nga sa kanya kung paano nagsimula na ako ang may hawak lagi ng wallet mo.

Nagpapa-gas ka noon, tapos imbis na credit card, yung timezone card ang naiabot mo sa gas boy. Namumutla na ang gas boy nun kasi inaway mo na imposibleng magka-problema yung card mo. Buti na lang nakita ko sa wallet mo na andun yung Visa mo at timezone card ang hawak ni kuya.

Hindi mo man lang sinabi sakin na may theme pala yung party. Buti na lang tinext ako ni Jana. Pero grabe wala akong yellow na dress. Siguro pwede na itong brown.

Sana tinext ka din ni Jana. Baka kasi mag-red ka nanaman. Naalala ko yung isang beses na tinawagan mo ako kung pwede kitang bilhan ng green na polo dahil yun pala ang theme at late ka na. Red din yung suot mo nun. Tawang tawa pa ako kasi paskong pasko ang dating mo kung nagkataon.

"Putek, naka-tube ka nanaman? Wala ka na bang ibang klase ng damit? Lahat ng lakad natin naka-tube ka!"

"Ano bang pakielam mo? E sa wala na akong ibang masuot e. Saka alam ko namang bagay sakin ang tube."

"Sabagay."

"Naks, siguro walang kotseng naiwan sa inyo no? At ako ang pagdadalahin mo?"

"Alam mo ang galing mong bumasa ng utak."

"Gunggong. Tara na nga."

Naisip ko bigla, parang wala ka nanamang balak ihatid si Jana sa kanila. O ipapakiusap mo nanaman na ihatid natin si Jana. Kahit kailan talaga wala kang kwentang boyfriend.

Kung makikita lang ng girlfriend mo yung listahan ng favorites niya na ginawa ko. Ibang klase ka kasi ambilis mo malimutan kahit kakasabi pa lang niya. Kaya naman nasa wallet mo na ang listahan para wala ka nang dahilan para makalimot.

"Jana, sorry talaga mapilit itong si Martin. Sabi ko nga huwag na akong isama.."

"Ano ka ba, lagi ka niyang nakekwento kahit kay Debbie. Gusto ka din ma-meet nun. Saka nung iba pa naming ka-barkada."

"Sabi ko naman sayo, nag-iinarte ka pa kasi."

"Teka, asan si Debbie? Martin bigay mo na yung gift mo."

"Ay oo nga pala."

Alam kong malilimutan mo din yun kung hindi ko pinaalala. Muntikan mo na ngang malimutan na magboboracay kayo ni Jana last week. Buti na lang ipinang-empake na kita. Naiwan mo pa nga ang cellfone mo sa sala namin kaya kay Jana ka nakikitext nun.

"Lorrie? Ikaw ba yan? Friend mo din pala si Debbie!"

"Oi hi kamusta? Yeah sort of."

"And is this your boyfriend?"

"Ah hinde, bestfriend ko."

rubeeeeks

madami na akong kakilalang nakakasolve nito. pero iilan lang ang kakilala ko na mabilis.

so, in fascination, im posting his video. hehe. panis pa nga ito. dati naalala ko inorasan ko sha at mas mabilis pa siya dito. malamang ay na-video conscious haha. siya ata ang champion ng rubiks challenge ng engg week for 2 consecutive years na sumali sha.



yun lamang. magbigay pugay!

at ako naman si the flash.

yes. eto ay in relation sa kaibigan kong si batman at sa kanyang mga post. dahil bubuo kami ng justice league. emo na justice league. mga super hero na nagda-drama. mga superhero na mahilig mag-blog. mga superhero na hindi makahanap ng kakuntentuhan sa buhay.

ako si the flash. mabilis akong kumilos, mabilis akong magdecision , mabilis akong umaksyon sa mga bagay bagay, mabilis ako sa lahat ng bagay.

super cool ko no. kayang kaya kong gumawa ng decision ng madalian. iharap mo sakin yan ngayon, mamayang konti zoom zoom zoom may decision na ako! super bilis. super the flash.

kung sa gimik nga, mabilis din ako mayaya. ngayon umaga papasok ako sa trabaho, i-text mo lang ako na may gimik mamaya, siguradong siguradong isang mabilis na "oo sige punta ako" ang isasagot ko. hindi ka pa siguro nakakahinga ng malalim nakasagot na ako. hindi mo pa siguro naiicocompose yung instructions ng party ay nagtext na ako ulit ng "teka, san ba yan?"

hindi ko alam kung madali or mahirap akong makaaway. kasi kung nakaramdam ako ng galit, sasabihin ko agad yun sayo. mararamdaman mo ng lubusan. pero recently, ang duration ng galit ko, pinakamatagal na siguro ang 5 minutes. madalas kong sinasabing hayaan mo muna ako, after 2 minutes okay na ako. madali kong magetover ang isang galit. lalo pa at alam ko naman na may kababawan.

hindi ko din alam kung madali o mahirap akong maging kaibigan. magulo kasi ang utak ko, mabilis at madaling magbago. dahil dala na nga ng pagiging mabilis ko e ang pagka-impulsive. kaakibat na din yung super powers ko.

mabilis at handa din akong tumulong sa kahit sino. lalo na yung nanganganib ang buhay. para saan pa at naging super hero ako.

pero sabi nga ni batman, super hero lang ako, hindi ako diyos. mabilis man mawala ang lahat sa pisikal, hindi ko din sigurado kung mabilis din nakaka-react ang nasa sa loob. mabilis man magdesisyon para sa mga bagay bagay, hindi ko alam kung nakaka-keep up ba ang buong pagkatao ko.

at kung matulungan man kitang mapabilis ang mga bagay bagay, hindi ko pa din kaya na bilisan ang nararamdaman at nasa saloobin ng ibang tao, o kahit ako.

ako si the flash. at miyembro ako ng justice league. justice league na handang tumulong sa lahat. justice league na ang headquarters ay starbucks.

trivia: ako si the flash sa gabi, at si koko krunch sa umaga. ^__^

mas masarap ang cellfone kung isasawsaw sa suka

Ingredients:

1 Cellular Phone*, preferably an iPhone
1 cup vinegar, preferably silverswan

Procedure:

1. Dip cell phone in vinegar.
2. Consume.

*If cellular phones are not available, you can also use your PDA, laptop or your new Rolex.

Tannix, sana ma-i-post mo ang larawan ng putaheng ito. ^_^

Kaninang umaga pagkagising ko gutom na gutom ako. Initial thing pa naman na ginagawa ko pagka-gising ay mag-internet. So paglingon ko sa laptop ko nagutom ako lalo at gusto ko na sana kainin ang mouse ko.

Ang problema, wala nga pala akong mouse. Crap.

Tsk tsk. Pagkakataon nga naman.

Mabuti na lang mabait ang nanay ko. Ipinagluto niya ako ng sopas. Masarap ang sopas lalo na at gutom na gutom ka. Lalo na sa linggo ng umaga. Kasama ko pang kumain ang buo kong pamilya. Very nice Sunday family bondingan.

Kung hindi ako naipagluto malamang e nasimulan ko nang ngasabin ang celpown ko. Mukha kasi sha talagang masarap. And the tiny parts look crunchy.

Sabi nga ate ko kanina, "Anu ba tong cellfone ko andami nang gasgas."

Naisip kong emo na sagot "Buti ka panga cellfone lang, ako buhay."

Pero shempre di ko sinabi yun. Baka batukan pa ako nun at gumulong sha sa kakatawa. Kahit nga ako natatawa ako sa statement na yun. Imagine paano magkakagasgas ang buhay? E wala naman yun solid surface. Hahaha so funnyyyy.

In line with that tuloy nakaisip ako ng few lines na may konek sa cellfone at buhay. Kaso ayoko na ilista dito. Parang andalas ko na kasing naglilista ng bagay bagay.

Pero parang nakakabitin, kaya sige maglilista na din ako ng iilan.

1. Ang buhay parang nokia N series. Maganda, madaming features, pero komplikado. At kung masira, ang hirap ayusin. Kung maayos man, sobrang laki ng cost. Pero kung maayos na ulit, everything is worth it.

2. Ang buhay minsan parang cellfone. Minsan malolowbat ka, minsan pa nga maeempty bat. Pero at least pag naicharge na from empty bat, mas matagal ka nang maglalast. Matagal man ang charging time, alam mong magiging okay lang din ang lahat in the end.

3. Ang buhay parang cellfone, mag-aalert kapag may bagong message na parating. Pero yung owner yung may discretion kung babasahin ba niya yung message or idedelete agad. At kung binasa man niya, choice pa din niya kung rereplyan or iignore.

4. Ang buhay parang cellfone, pwedeng palitan ang housing. Pero it's still the same phone underneath.

Necessity na ang cellfone ngayon no? Nakakatawa kasi dati naman hindi naman kelangan ng cellfone. Kahit kapag magkikita, definite yung plans. Ngayon parang lagi na lang "text text" na lang.

Kelan lang nagkaroon kami ng dilemma ng taong madalas kong kinikita. Pano tinopak ang globe. Hindi namin malaman san ba kami magmeemeet. Kasi parang lagi na lang kaming nagtetext ng "San ka na?" kapag andun na. Buti na lang at naisipan namin magantayan sa same place. Ayun nagkita kame.

Pero nakakalungkot yung dependence sa cellfone. Parang ang bawat lakad ngayon isa nang malaking kalabuan. Hindi na definite ang lahat ng plans. Dahil nga pwedeng magtextan na lang.

Minsan old fashioned ako, kaya pag ako ang nagplano, gusto ko clear. May eksaktong lugar at oras ng pagkikitaan. At ayoko ng late. Dapat definite ang lahat.

Pero ako naman pasaway kapag iba ang nagplan. Madalas pa nagugulat na lang sila at andun ako. Kasi hindi naman ako nagconfirm. Ewan malabo talaga ako.

Isa akong taong hindi mahilig magtext. Or sa ngayon ganun ako. Mas gusto ko kasi yung sa personal. At masakit lagi ang hinlalaki ko.

Buti na lang may sopas pa. Ipapa-init ko na lang. Nakakaramdam nanaman ako ng gutom. Ayokong ngasabin yung cellfone ko, madumi sha today.


fashion statement

Nosebleed

Sobrang bigat talaga ng librong pinahiram mo sakin.

Hindi ko alam bakit ako nagpapa-uto sayo. Sabi mo maganda ang istorya nito. Ako naman sige hiniram ko. Kahit pa alam kong mapipilitan lang akong magbasa. Kung interesado ka, malamang nga may saysay ang kwento.

Pinilit kong basahin ang unang pahina. Lipat sa susunod. Teka hindi ko naintindihan. Inulit ko nanaman ang unang pahina. Masyado talagang malalim ang ingles nito. Alam mo namang hindi ako mahilig magbasa lalo na kung sa ibang wika.

Bukas ko na ulit ito susubukan basahin. Medyo malalim na ang gabi.

Naalala ko yung mukha mo nung kinukumbinsi mo ako na basahin tong libro. Sobrang liwanag ng mukha mo noon. Tuwang tuwa ka na ikinukwento sakin na hindi mo mapigilan ang sarili mong tapusin ang libro kahit antok na antok ka na. Hindi ka pa nga gaanong makahinga noon, sa sobrang excited ka na ikwento sakin. Sobrang ganda ng pagkakalapat ng pangyayari. At lalo na ang ending.

Sinabi ko naman na sayo na hindi ako mahilig magbasa. Pero sige, sinabayan ko na lang yung saya mo. Pinakita ko na excited din akong malaman ang kwento. Pero gusto mo na basahin ko muna ang libro. Para kung pag-uusapan natin, alam natin pareho ang nangyari, at ang buong istorya.

Crap.

Kaya ito ako ngayon. Alam mo yung pakiramdam na obligado ako. Pero gusto ko naman tong basahin. Ayaw lang ng utak ko. Nireresist niyia ang impormasyong nababasa niya sa libro mo. Hindi niya kinakaya. At nagbabadya siya ng nalalapit na pagtirik.

Naiisip ko kasi ang itsura mo pag sinabi ko sayo na tapos ko na ito basahin. Malamang sasaya ka sobra. Makikita ko yun sa mga mata mo. Bibilis ang pagsasalita mo at alam kong paguusapan natin ng istorya. Mararamdaman mong sa wakas, meron ng taong makakaintindi sa mga pinagsasabi mo.

Kung meron lang sana akong mahahanap na summary ng kwento sa librong ito. Kaso wala. Sinubukan ko nang maghanap sa internet. Wala talaga. Sabi mo sikat ito, pero bakit wala akong mahanap na review. Talagang pinahihirapan ako ng librong ito. Nakakalungkot, mukhang kailangan ko talagang basahin.

Bakit ba hindi ko maamin sayo na hindi tayo pareho ng gusto? Nahihirapan akong sabihin sayo na ibang iba ang taste natin. Hindi ko kayang sabihin na nababaduyan ako sa trip mo. At hindi ko din kayang isipin mo na sobrang pinaplastik lang kita simula simula.

Habang mas tumatagal ang pagkakaibigan natin, mas nalalaman ko na hindi talaga tayo bagay. Hindi tayo magkatugma. Madami kang gusto na kinamumuhian ko. At marami akong gusto na pakiramdam mo ay para lang sa masasamang tao.

Bukas isosoli ko na sayo itong librong to. Aaminin ko na na hindi ko talaga kaya. Madami na akong librong nabasa para sayo. Sabi mo magaganda ang istorya, pero hindi ko naman nagustuhan. Ngayon hindi ko na kaya. Kailangan ko na tapusin ang pagpapanggap. Hindi tayo pareho. Hindi tayo akma para sa isa't isa.

Hmm.

Sige susubukan ko ulit basahin to. Kaya ko pa naman. Mukhang maganda naman nga ang istorya.

manukan blues

Yehey! Fried chicken nanaman ang ulam.

Noong bata ako gustong gusto ko ng fried chicken. Anu ba, e fried chicken yun e. Its the ultimate ulam para sa mga bata. Ang paboritong parte ko pa e yung legs. Lalagyan ng mommy ko ng tissue yung parang "hawakan" nung leg, tapos kakagatin ko ng mukhang sarap na sarap ako yung malaman na part. Madalas e sinasawsaw ko pa sa ketchup yung manok. Nagkakaroon pa ako ng ketchup stains sa side ng mouth. Sobrang ganado talaga akong kumain kapag fried chicken ang ulam.

Ngayon hindi na leg ang favorite part ko. Nagpalit na ako, gusto ko na thigh part. Eto yung kinakapitan ng legs sa bandang ibaba ng manok. Mas masarap na ang laman nito para sakin. At mas gusto ko na din ang gravy kesa ketchup. Kinukuchara ko na din ang manok at wala nang silbi ang tissue.

Hindi na din ganun ka-exciting para sakin ang ulam na fried chicken. Sa totoo lang ang dry na niya para sakin. Usually kapag pritong manok ang ulam namin, inaasahan ko na na may sopas, o kahit anong side soup. Kumbaga e boring na para sakin ngayon kung fried chicken lang ang ulam. Kailangan may kapartner sha, para naman maging exciting.

Nagkaroon na din ako ng alagang manok. Ang pangalan niya ay Kiok. Hindi sha simpleng manok lang kasi malaki sha. Hanggang tuhod ko sha. Kapag nakikipagtropahan sha sa mga ibang manok sa paligid ligid e nakikita kong talagang bully sha. At para pa shang manok na aso. Kapag may dumaan basta basta sa harapan niya, malamang e tutukain niya yung paa. Masakit sa bangs ang manok na ito. Lalo na susko madaling araw pa lang ang lakas na tumilaok!

Pero di rin nagtagal si Kiok. Nung may katandaan na sha e wala akong nagawa, kelangan na shang gawing adobong Kiok. Ayun, hindi ko din natikman. Hindi kinaya ng powers ko. Baka maiyak ako e. Isipin pa ng daddy ko di masarap luto niya.

Bakit nga ba kapag madali lang ang isang bagay, sinasabi ng mga tao "Chicken lang yan." Napagnilay nilayan ko na maaaring dahil ito sa madali lang maging isang manok. Isang kahig isang tuka ka nga lang di ba. Pero ewan ko naguguluhan pa din ako. Isipin mo, ang hirap kaya ng buhay din ng manok. Meron shang pakpak pero di sha nakakalipad. At kung makalipad man sobrang minimal lang. Parang pinapaasa lang ang mga manok na "Ayan, may wings ka, go fly!" Pero di naman niya makayanan yung tulad ng lipad ng ibang ibon. Mediocre Bird sha kung ganun. Pero bakit ang "Chicken" ay alternative expression for madali? Napakasama para sa part ng mga manok!

Madalas pa ngang gamitin ang mga manok sa mga talinhaga patungkol sa mga relasyon. Madaming interpretasyon sa mga kasabihan yan. Pero ang sa totoo, kung pagiisipan mo, madalas laging argabyado ang manok.

1. Palay na ang lumalapit sa manok.

Ang scary ng idea. Pero bakit nga ba lalapit yung palay? Gusto nga ba niyang makain? Or talagang nang-aakit lang sha na parang "Uyyy kakainin niya ako." Kung nakakalapit yung palay, malamang sa malamang kayang kaya niyang tumakbo palayo. Kapag yung manok naakit na at tutukain na yung palay, eto naman si malditang palay tatakbo at magpapahabol pa. Takot yung palay sa commitments e. Tsk tsk, bakit nga ba ganun ang buhay.

2. Kapag ang manok, nakatali, madaling hulihin.

Unang-una, bakit ba nakatali yung manok? Sobrang possessive naman ng amo niya. At ang masaklap pa dun, malamang iniiwan niya lang sa tabi tabi na nakatali yung manok. Napapakain niya ba madalas? Binibigyan ba niya ng sapat na inumin? O kapag umuulan ba, isinisilong ba niya ang manok? E etong si mamang mangnanakaw ng manok, papainan niya ng pagkain yung manok. Kung chicken ka at gutom na gutom ka na, tapos aakitin ka ng bigas at pag-aaruga ng magnanakaw, hindi ka ba lalapit? Kawawang manok, malamang yung magnanakaw, itatali din sha after e.

3. Pero mas madaling hulihin ang manok na sugatan.

Eto na malamang ang pinakamalungkot sa lahat. Hindi na nakuntento na itali yung manok, inilaban pa sa sabong. At nung sugatan na yung chicken, tapos sumama sa nagoffer sa kanya ng mas magandang buhay, kasama na ang paggamot sa mga sugat niya, masisisi mo ba yung manok kung willing shang sumama? Kawawang chicken, sana hindi na sha ilaban sa sabong ng susunod na amo niya.

Kung ang lahat ng manok na lang sana tulad ni Chickee (manok sa jollibee), na laging nakangiti, mas mainam sana.

Pero masarap pa din ang roasted chicken, lalo na at may garlic sauce. Yummy.