Nosebleed
Sobrang bigat talaga ng librong pinahiram mo sakin.
Hindi ko alam bakit ako nagpapa-uto sayo. Sabi mo maganda ang istorya nito. Ako naman sige hiniram ko. Kahit pa alam kong mapipilitan lang akong magbasa. Kung interesado ka, malamang nga may saysay ang kwento.
Pinilit kong basahin ang unang pahina. Lipat sa susunod. Teka hindi ko naintindihan. Inulit ko nanaman ang unang pahina. Masyado talagang malalim ang ingles nito. Alam mo namang hindi ako mahilig magbasa lalo na kung sa ibang wika.
Bukas ko na ulit ito susubukan basahin. Medyo malalim na ang gabi.
Naalala ko yung mukha mo nung kinukumbinsi mo ako na basahin tong libro. Sobrang liwanag ng mukha mo noon. Tuwang tuwa ka na ikinukwento sakin na hindi mo mapigilan ang sarili mong tapusin ang libro kahit antok na antok ka na. Hindi ka pa nga gaanong makahinga noon, sa sobrang excited ka na ikwento sakin. Sobrang ganda ng pagkakalapat ng pangyayari. At lalo na ang ending.
Sinabi ko naman na sayo na hindi ako mahilig magbasa. Pero sige, sinabayan ko na lang yung saya mo. Pinakita ko na excited din akong malaman ang kwento. Pero gusto mo na basahin ko muna ang libro. Para kung pag-uusapan natin, alam natin pareho ang nangyari, at ang buong istorya.
Crap.
Kaya ito ako ngayon. Alam mo yung pakiramdam na obligado ako. Pero gusto ko naman tong basahin. Ayaw lang ng utak ko. Nireresist niyia ang impormasyong nababasa niya sa libro mo. Hindi niya kinakaya. At nagbabadya siya ng nalalapit na pagtirik.
Naiisip ko kasi ang itsura mo pag sinabi ko sayo na tapos ko na ito basahin. Malamang sasaya ka sobra. Makikita ko yun sa mga mata mo. Bibilis ang pagsasalita mo at alam kong paguusapan natin ng istorya. Mararamdaman mong sa wakas, meron ng taong makakaintindi sa mga pinagsasabi mo.
Kung meron lang sana akong mahahanap na summary ng kwento sa librong ito. Kaso wala. Sinubukan ko nang maghanap sa internet. Wala talaga. Sabi mo sikat ito, pero bakit wala akong mahanap na review. Talagang pinahihirapan ako ng librong ito. Nakakalungkot, mukhang kailangan ko talagang basahin.
Bakit ba hindi ko maamin sayo na hindi tayo pareho ng gusto? Nahihirapan akong sabihin sayo na ibang iba ang taste natin. Hindi ko kayang sabihin na nababaduyan ako sa trip mo. At hindi ko din kayang isipin mo na sobrang pinaplastik lang kita simula simula.
Habang mas tumatagal ang pagkakaibigan natin, mas nalalaman ko na hindi talaga tayo bagay. Hindi tayo magkatugma. Madami kang gusto na kinamumuhian ko. At marami akong gusto na pakiramdam mo ay para lang sa masasamang tao.
Bukas isosoli ko na sayo itong librong to. Aaminin ko na na hindi ko talaga kaya. Madami na akong librong nabasa para sayo. Sabi mo magaganda ang istorya, pero hindi ko naman nagustuhan. Ngayon hindi ko na kaya. Kailangan ko na tapusin ang pagpapanggap. Hindi tayo pareho. Hindi tayo akma para sa isa't isa.
Hmm.
Sige susubukan ko ulit basahin to. Kaya ko pa naman. Mukhang maganda naman nga ang istorya.

0 ang naki-usyoso:
Post a Comment