what. the. duck.

blogging is a motherducking waste of time.

pakikilakbay ng alamat

ako si pauee at wala na akong magagawa dun. ako ang spoiled brat sa mundo ng blogesperyo. walang kapararakan lahat ng pinagsasabi ko pero pipilitin kitang magbasa. isa akong living irony. pauee by day and pauee by night dahil hindi naman ako nagpapalit ng pangalan.

masakit sa bangs

ano ang mga sintomas ng masakit na bangs? unang una, dapat mahapdi ito at hindi mo mahawak-hawakan. pangalawa dapat ito'y namumula. pangatlo, namamaga at mukhang matamlay. so sa iyong pagsisiyasat, masakit ba ang bangs mo?

Glutton's Guide No. 1: Ice cream-wafer sandwich

Intro muna ng seryeng ito. Talaga nga namang napakasarap kumain. Ito ang pangalawang gusto kong ginagawa sa buhay ko. Una na syempre ang *toot*. Shempre hindi bastos yan, alam niyo naman adik ako matulog. Yung pangatlong gusto ko ay tumae, pero di naman kasi yun ang point ng seryeng ito so ayun. Sa ibang time na lang yun kung gusto niyo haha.

Anyhow, dahil sa ako ay nagmamatakaw sa kadalasan, naisipan kong medyo i-share na din tong aking mga "karanasan" sa larangan ng pag-lafang dito sa banyagang bansa. At ito ang unang entry.

Tsa-ran! Isang makapal na hiwa ng ice cream na ipapalaman sa manipis na wafer. Sa halagang 1 SGD lamang o tumataginting na 30 PhP (ayon sa current market exchange rate). Masarap at malinamnam. Akin yung gitna. Mango-flavor. Oh yeah national fruit. Kung gusto mo malaman ang kakapalan ng ice cream eto ang isa pang kuha:


Pinag-masdan ko si Manong ice cream-wafer sandwich vendor. Kumuha siya ng isang bloke ng parihabang ice cream. Saka niya ito hiniwa na parang keso. Nilagay niya sa gitna ng manipis na wafer saka binalatan (dahil kasama ang karton sa pag-hiwa siya). Masarap at malinamnam na proseso.

Alam ko na meron nito sa dairy queen. Pero iba ang level nito kasi parang dirty ice cream style. May manong na naglalako. At sa tabi sha ng eskwelahan. Sana sa susunod maabutan ko muli si manong. I love him. Hehe.







Sarap no? Kakagutom. Hehe.






.

The more you sleep, the more you get sleepy.


<11:15 am> mariano : Oo, tama kailangan na ng trabaho.
<11:15 am> pauee : Kailangan na ng bagong buhay.
<11:16 am> mariano : New year, new life. oh yeah.
<4:15 pm> pauee : Ayun, nakatulog ako.
<4:15 am>mariano : Haha. What's so new about that?

Normal na ang ganyang usapan sa amin dalawa ng kaibigan kong si Mariano. Masinsinang usapan. Mamaya konti makakatulog ako.

Hindi lang naman ako ang ganyan. Madalas ay ganyan din siya. Malupit lupit ang usapan at mamaya maya magiging idle siya. Ayos. Tulog na si mariano. Matutulog na din ako hehe, kanina ko pa gusto magpaalam para matulog e.

At dahil diyan naka-imbento kami ng salita at ito ang salitang ANTUKERO at ANTUKERA. Oo, sa amin nagsimula yang salitang yan at naipalaganap lang. Mahilig kasi ako maglagay ng -ero at -era sa mga common na salita to pertain to a person having the quality. Feelingera ako na nagpapauso ng mga words e.

Pero sa katunayan, hindi kasi akma ang salitang antukin para idescribe ako. Kasi I'm more than that. Hindi lang ako antukin, mahilig pa akong antukin.

Masarap matulog, lalo na kung kagigising mo lang. Mas nakakaantok ang ganito. Kung kanina ka pa gising hindi na gaano masarap matulog. Mas masaya na gumawa ng ibang bagay. Pero kung tuloy tuloy ang tulog, ayun panalo.

Sabi pa nila, matulog ka sa tanghali para hindi ka antukin sa gabi pag may lakad ka. But nooooooooo. Pag nagsiesta ako, mas maaga ako nakakatulog sa gabi. Mas hinahanap ng ulirat ko na mawala sa sarili. Sleeping is heaven.

Kaya nga ba pag sinasabi ko na inaantok na ako, kung talagang magkaibigan tayo, maniniwala ka. Dahil ugali ko naman ang antukin. At ika nga ni Mariano, what's so new about that. Same same.

Hindi ko nga alam kung dapat kong ayusin itong pag-uugali na to. Pag nasa trabaho naman ako mainam naman akong nakakawork. Pero pag ginusto ko matulog, tulog talaga ako with matching malupit lupit na panaginip. Himbing ng over oa ang tulog ko pag ginusto ko. Kung baga Sleeping is my talent.

Nagawa ko na matulog sa MRT ng rush hour. Oo, nakatayo ako. At tulog. E puyat naman kasi. Nakakapit naman po ako sa handle bar. May malaki pa akong bag noon kasi pauwi ako sa province. Di naman siguro nila pagnanasaan itakbo yung malaking bag na yun kaya nagdesisyon na akong matulog. Q-ave. Taft na ako nagising. Sakto.

Ang di lang kaaya aya, ayokong matulog sa klase. Medyo takaw pansin kasi ako sa teacher. Kaya pansin kung natutulog ako. Hindi mainam. Ang naaalala kong ginagawa ko ay lumalabas ako ng room at uupo sa sulok saka iidlip. Malas ko na nga lang kung mag-cr ang teacher ko at makita akong natutulog sa sulok. Nangyari na yun e, nagkatinginan pa kami. Teehee.

Kaya kung madalas man akong online sa instant messenger, pasensya na po kung di ako nakakareply sa madalas na panahon, tulog po kasi ako e. Half siguro ng araw ko tulog ako lalo na ngayong job hunting mode. Hindi mainam, pero masaya. Haha. Try niyo. ^___^

Nagawa ko na din matulog sa laptop ko. Pag gising ko ayun box-box ang mukha ko. Go figure. :p

O siya. goodnight!


Bang.

"How are we going to spend new year?"

"Hmm. We probably could go to this place and watch the fireworks display. I hear there will also be bands. A lot of people will be there. I think it would be fun."

He said that enthusiastically. Deep inside I know he also doubts if it would really be fun, as much as I do.

The two of us both enjoy every year ending with our family since the day we were born.

As we enjoy the the food we bought in a food court near the celebration, I can't keep on wondering what my family prepared that day. They probably have spaghetti, my sister love those. And my dad may have grilled another pig's head.

What I am eating isn't bad at all. It lacks a little flavor, but I guess I am already used to that. Here, spices are my best friend.

I heard a familiar sound. It's a band I know playing. I hummed to their music. It feels relaxing to hear something familiar.

He's right. A lot of people are there. A lot including people I could understand. That as well is relaxing.

It's almost time for the fireworks. I wonder what my dad bought for this year. It usually is a light fountain. Sinturon ni Judas. And maybe roman candle for my sister. My nephews and nieces are all ready with their trumpets. I wonder if my youngest nephew already knows how to blow through them.

The fireworks are beautiful. Probably costs a lot. I screamed with the crowd, almost at the top of my lungs.

I hope the fountain my dad bought worked well. There were years when they are faulty.

The fireworks display here is coupled with music. There were parts where the music is slow and the fireworks are in sync. It was wonderful.

I guess my nephews and nieces are jumping now. They may still believe that that will help them grow taller. I say cherifer.

That is when I looked at the person I love. He leaned closer to me and kissed me.

"Are you happy baby?"

"Yes I am, I am with you."

Senseless Beginning.

Grabe. Im like so baduy naman.

Di ako nakagawa ng year-ender blog entry.

E uso yun.

So sad. Isa na akong baduy na nene.

At dahil diyan, ireredeem ko ang sarili ko at eto ako ngayon gumagawa ng...

drum roll..

Year-Starter Entry.

Oh yeah. I know hindi din ako original nito kaso wala na ako magagawa e. Tapos na ang 2008 kaya no choice. 2009 entry na dapat ito. Sorry na lang po talaga. Siyet.

Anyway, naalala ko lang bakit ang representation ng New Year ay isang BABY? Tipong si 2009 isang baby, si 2008 isang gurangers. Grabe di ko matanggap. Parang masyadong discrimination sa mga matatanda. Parang "they are so last year".

Hmm, pero ngayon wala na akong nakikitang ganung representation. Meron pa ba? sa mga tv shows or whatever shet there is. So siguro so last year na din yung ganung symbolism.

At ang polkadots. Oo nagsuot ako ng polka dots na pantulog. Ayos di ba. Ano nga ba ang sinisymbolize nun? Pera nga ba? Siyet sana nakagain ako ng pera while sleeping.

Alam ko iniisip mo, kahit anong talon pa ang gawin ko wala na akong itatangkad. Di na nga ako tumalon e. Nakaka-disappoint lang yang maderpaking superstutu na yan. Bata pa ako tumatalon na ako. Wala naman nangyayari. Same same pa din ang height ko. At nadepress lang ako.

Lalo din ako nadepress dun sa mga superstutu na makalat. Tipong magkalat ng bigas. Magpasabog ng bilog na prutas sa sahig, etc etc. Di namin ginawa yan. Nakikitira lang kami e. Saka ano bang karapatan kong magsayang ng bigas. Buti sana kung di ako namumulubi dito.

Naaalala ko din na laging nabubulok yung bilog kuno na mga prutas na iniipon ng parents ko. 12 na bilog na prutas ba yun? E kasi naman basta makaipon lang. Kahit di namin kilala yung prutas.

Kadami lang tradisyon e. Pero yun sa totoo lang wala naman silang sense lahat. Pero ayun ang masasabi ko lang masaya pa din ang bagong taong sa pinas at walang tatalo. Actually kung kasama ang family mo masaya. Pero sige baka sa pinas lang yun hehe. So kahit walang kwenta yung mga tradisyon na yan nakakamiss pa din silang gawin.

Happy Nunir everyone. Sana maging mas matino tong 2009. Babye 2008. Sumama ka na sa paputok ha? Ingat!

Ilang-ilang

Since isa akong taong natural na epal sa mundo, hindi ko madalas mafeel yung na-out of place or naiilang. Kahit madalas hindi ko alam or wala ako sa pinaguusapan, kaya kong magspace out na lang basta basta at naturally hindi na ako magiging OP.

So medyo bago ako sa pakiramdam na ito. Sobrang nakaka-ilang.

Naalala ko yung mga estudyante ko dating Koreans. Merong time na dalawa ang students ko in a session. Yung isa marunong magtagalog. Kapag nag-uusap silang dalawa ng Korean e bigla na lang ako magsasalita ng tagalog. Maiintindihan nung isa at sisimulan na ako kausapin. Para kasing nagmamalaki sha na marunong sha mag-filipino kaya mag-aangas sha at kakausapin ako. Instant in place na ako agad.

Ibang iba yung feeling na nakikiramdam ka kung naiintindihan ka ng kausap mo. Kahit pa common language kayo, dahil mag-kaiba kayo ng accent ang hirap magkaintindihan. Mapapakamot ka na lang sa ulo (or kung saan mo man gusto) pero di pa din kayo magkaintindihan.

Kasalanan ito ni Babel e. Tama ba yun ba yun, tao ba si Babel? Or tower? Haha. Basta kung di dahil dun hindi magiging instant iba iba ang language ng mga tao. Shet. haha.

Oh well life's like that. Eventually makakasanayan rin.

Buri naalis ko yung Korean-English accent na na-adapt ko sa trabaho dati. Kung nagkataon, mas lalong mahirap harhar.

O siya lunch time.

froggy christmas

Dahil nga sa maulan ngayon, habang naglalakad ako kanina ay nagmukhang obstacle relay ang daanan ko. Iniiwasan ko ang mga putik, baha at ang sandamakmak na palaka. Ang matindi-tindi pa doon ay napaka-unstable ng pwesto ng mga palaka. Dahil sila ay nabubuhay ay may tendency silang gumalaw. At worse, tumalon. At worst, tumalon papunta sayo.

Putek yan takot pa naman ako sa palaka. Buti sana kung ito ay mga palaka lang. Kaso mga PALAKA sila. Gigantic slimey jumping things. Iwas mode man ako kanina, sadyang ginusto ng pagkakataon na malundagan ako ng palaka. At magtitili ako sa gitna ng kadiliman.

Sana man lang, yung mga palakang yun andun kapag umaga. Tuwing umaga kasi may grupo ng kabataan dun na aalis na ako at babatiin ako ng "Hi Ate, ingat po kayo." Nung mga unang pagkakataon hindi ko pa sila pinapansin. Pero nung mga ika-32nd time na e natatawa na ako. Sa ngayon ay nagha-hi na ako pabalik. Kung andun ang mga palaka sa mga pagkakataong yun, malamang sa malamang magagamit ko naman ang mga batang yun para tabuyin ang mga palaka sa daraanan ko, bayad man lang sa araw araw na pagHi ko sa kanila. Haha ayos ba.

Kung hindi lang kadiri yang mga frog na yan, marerealize ko din sana na medyo may pagka-cute sila. Isipin mo kulay green sila, slimey, malaki ang eyes, malaki ang mouth, weird ang feet, mahaba ang tongue. Eeew, kadiri talaga sila. Hindi talaga cute.

Pero sige they do jump high. Super cool. Parang super powers nila yun. Dala na din shempre ng physical structure nila kaya sila nakakatalon ng mataas. Nakakainggit yung taas ng pagtalon nila. Parang sobrang saya nila kaya nakakatalon sila ng ganun kataas.

Pero naman kasi e!! Bakit kasi kelangan sila maglapitan at maglabasan sa mga panahon na nakahigh heels ako! Por juice po santos, ang hirap kaya magtatakbo. With matching ingat pa kasi like i might apak my deadly heels sa head nila and their juicy blood may like make talsik to my feet! haha kunwari concerned ako sa kanila no pero sa totoo lang nakakadiri lang talaga.

Bakit kasi ang slimey nila e. Nung natalunan ako minsan ay nagiwan ng nakakadiring texture ng fluid sa damit ko yung creature. My golly! Kulang na lang e umiyak ako dun. Pero shempre exag yun. Di yun totoo. Stir ko lang. Namemeke lang ako. Gets the points?

E yun lang naman. Sana kasi di na lang sila nagbabarge ng privacy ng tao. May karapatan naman akong maglakad dun no! Kalsada naman yun at di damuhan kaya wag nila sabihing nangeepal ako sa lugar nila. Ako ang tama dito, at kung madamage man nila ako dapat silang magbayad.

Ano nga ba ang currency ng mga palaka? Sabagay nasa pinas sila malamang peso lang din.

So ayun lang. I so love kermit but not his relatives. Shet ang arte ko pakshet kala mo may pera.

Merry Christmas frogs!! (paki-translate na lang sa frog talk)

Parang may mali

I think there is something wrong with the flu shot I took last June.

Oo. Hindi ako nagkatrangkaso. Hindi tumaas ang temperature ko more than 37 degrees. Kahit anong thermometer pa ang gamitin ko sa kilikili man o sa kung sang part pwede isuksok yan wala di talaga. Wala akong lagnat or sinat or binat or kung anumat. (pun intended)

Pero takteng yan, kasama ng pakiramdam ko no! Mahapdi ang feeling kapag hinahawakan ako ng kung sino (kahit yung di malaswang way. uuuy utak!) Nung naliligo ako ang sakit ng dampi nung tubig sa balat ko. At ayoko ng hanging galing sa iliktrikpan. It harts!

Malakas ang katawan ko at pwede ako makipagkulitan. Pero ang init ng pakiramdam ko sa loob. Kapag napahiga ako ramdam na ramdam ko ang sama ng pakiramdam. Pero wala e, wala akong lagnat.

Parang mas gusto ko pang may trangkaso na lang ako kesa ganito no. Internal sickness. Ni hindi ka papakitaan ng pag-aaruga kasi wala ka naman sakit (but since over OA akong tao, shempre umubra pa din ang drama ko para alagaan ako hihi). Mas okay pa yung trangkaso at least alam kong may virus ako kung bakit nagkakaganito. Takte this is madness!

Uminom na lang ako sa biogesic. Kahit walang laman ang tiyan safe yun. So pano? Ingat! (ala Sir Armando)

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Speaking of sakit, masakit man sa loob ko pero minsan may mga bagay kang kelangan tanggihan.

Minsan iniisip ko kung mali nga ba yung ginawa ko. Yung sumubok ako. Pero sa simula pa lang alam ko naman na di ko tatanggapin. Meron na akong mga plano simula pa lang pero sinubukan ko pa rin. Para lang din makita kung ano nga bang maibibigay nila. At kung kaya ko ba ang mga hamon na ibibigay nila sakin. Feeling participantes kumbaga.

Sa totoo lang mahirap talaga ang mga challenges nila. Malakas lang talaga ang apog ko at confident. La rasa Valiente!

Pero di ko naman akalain ganun pala kahirap tumanggi kapag nagbigay na sila sakin. Akala ko sapat na ang isang liham ng pagtanggi pero hinabol habol pa ako ng mga tawag at text. Ang hirap naman sabihin sa mga mukha nila na di na talaga ako matitibag sa desisyon ko kasi shempre di ba may respeto din naman ako sa kanila.

Nanghihinayang na ako kung sa nanghihinayang dahil maganda naman talaga ang maaari nilang ibigay sakin at sigurado. Pero kung di ako magririsk ngayon, kelan ko pa yun gagawin? Kapag wala na talaga akong pag-asa?

Saka sana maintindihan nila na hindi lang naman pera ang nagdedesisyon sa buhay. Andiyan din ang tinatawag na cheque, este Pag-ibig. Naks. haha shet.

Pag nalaman kaya nilang sinusulat ko to sa Multiply (at blogger photocopy) magagalit sila sakin lalo? Hahaha. Ooops.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Huling linggo.

Pwedeng huling linggo ko na to na manirahan dito sa bansang sinilangan. Pero shempre di pa din natin alam kung babalik ako o hindi. Sabi nga ng kanta..

Kay tagal mo mang mawala, babalik ka rin..
Babalik..
At babalik ka riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiin..

Alam mo yung nakakainis? Faulty yung timbangan ko. Di ko tuloy alam kung mageexceed na ako sa limit. Or kung pumayat ba ako talaga or pinapaasa lang ako ng weighing scale.

Ang hirap magempakshet, di ko malamang kung ano ba yung mga dadalhin ko sa hindi. At dahil nga sa limit, sad to say di ko pwedeng i-detach ang aparador ko, lagyan ng gulong at dalhin sa eroplano.

Dapat kasi winiweigh yung passengers. Tapos kung di mo nameet yung limit ng person weight, pwede mo idagdag sa bagahe mo. So sorry yung mga obese, excess baggage sila lagi. (No offense sa mga manas diyan hahaha)

Ang mahal pala maospital sa chorva. So dapat dito pa lang magaling na ako. Damn you sickness get away from me!

Mwah! Mamimiss ko kayong lahat. Shempre online pa din ako lagi. hehehe ^_____^