what. the. duck.

blogging is a motherducking waste of time.

pakikilakbay ng alamat

ako si pauee at wala na akong magagawa dun. ako ang spoiled brat sa mundo ng blogesperyo. walang kapararakan lahat ng pinagsasabi ko pero pipilitin kitang magbasa. isa akong living irony. pauee by day and pauee by night dahil hindi naman ako nagpapalit ng pangalan.

masakit sa bangs

ano ang mga sintomas ng masakit na bangs? unang una, dapat mahapdi ito at hindi mo mahawak-hawakan. pangalawa dapat ito'y namumula. pangatlo, namamaga at mukhang matamlay. so sa iyong pagsisiyasat, masakit ba ang bangs mo?

Shetters

Tama, ang basa diyan ay shet-ters. Noun yan na ang ibig sabihin ay mga taong kapag nakita mo or narinig o kahit ano pang presence niya ay naramdaman mo ay mababanggit mo ang katagang "Shet". Hindi "Shit" kasi sosyal yun. Downright jologs na "shet" ang mababanggit mo.

Sa araw araw kong pagbyahe papuntang maynila at pabalik sa bahay ay madaming pagkakataon na talagang di ko mapigilang sabihin yang katagang yan. Siyempre madalas sinasabi ko lang siya sa isipan ko dahil sa mag-isa lang akong bumabyahe. Dahil kung sabihin ko yun ng kahit mahina lang ay magmumukha naman akong tanga na nagsasalita mag-isa.

Ayun nga napakaraming pagkakataon na talagang mapapa "Shet" ka na lang. Ito na din marahil yung mangilang ngilang dahilan kumbakit hindi umaasenso ang Pinas. Masakit sa ulo isipin pero ito ay ilang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay kabilang pa din tayo sa third world countries.

Shempre mukhang seryoso itong entry na ito. Pero ang dahilan lang talaga nito ay pagkabanas ko sa mga Shetters. Isipin mo napakadaming salitang pwedeng magdescribe sa kanila. Pwede madaya, manloloko, mandurugas, madugas, maduga, panget, gago, bwiset sa buhay at kung ano ano pang salitang naimbento para lang ilarawan ang mga Shetters.

Kamakailan lang e na-late nanaman ako sa trabaho. Tama, na-late ako kahit na 10 am pa ang pasok ko. Kung iisipin ay parang napakatamad ko naman bumangon at na-late pa ako sa ganyang oras. Maaga akong gumising nuon. Nakasakay na ako ng van ng bago mag alas-otso. Hanggang sa mahuli ang van na sinasakyan ko ng mga Shetters na mga parak.

Alam ko namang mali pa din dahil colorum ang sinakyan ko. Ayos na sana dahil tanggap ko naman na nasa mali kami, yun nga lang e napakatagal na diskusyon. Palibhasa ay ayaw maglagay ng driver namin. Dinala pa ang driver namin sa nalalapit na "Bulalohan" sa lugar na yun. Dun kinausap ng Shetters ang driver namin. Hanggang sa matapos na kumain ang mga parak at shempre pa binayaran ito ng driver namin. Mga isang oras din ata kaming nagstay sa lugar na yun. Ubos ang oras, ubos ang pera ng driver namin at ubos ang laman ng bulalo. Wala na akong ibang nasabi kundi "Shet."

Parang sa mga napakahabang pilang nararanasan ko sa pagpasok ng mrt. Hindi sa pagbili ng ticket ha. Sa pagpasok lang sa loob ng mrt. Dun sa paginspect ng mga guwardiya. Pagkahaba haba ng pinila mo tapos bigla na lang may patay malisya na sisingit sa harapan mo. Shet na lang talaga. Dahil kung makikipagaway ka lang e masasayang lang ang brain cells mo. Kaya yun, binangga ko na lang. Serves a Shetter right.

Naalala ko din yung isang jeep na sinakyan ko na talaga namang tumitigil sa gitna ng kalye. As in literally sa gitna ng kalye. Over OA sa kagitnaan. Aba naman manong, iyo ba ang kalye? Grabe yun. Pero dahil ako lang ang sakay sa jeep nung mga panahong iyon di na lang ako nagsalita. Napasambit na lang ako ng mahiwagang kataga sa isip ko.

Speaking of jeepney drivers, nakakaShet lang din yung driver ng jeep kanina. 7.50 ang pamasahe, 8 pesos ang binigay ko. Sa harap ako sumakay ha. Yung driver wala pang kabalak balak ako suklian. Nung malapit na ako sa bababaan ko, sinabi ko na sukli ko. Aba sabi sakin, baket magkano ba ang binigay mo, sabi ko otso. Sabi niya otso daw pamasahe. Napasabi tuloy ako ng "Kelan pa po?" Sabi ni Shetter, "San ka ba nanggaling?", "Sa Camella lang po." at ang pinakapanalong sinabi ng driver "O eto singkwenta, para lang diyan nagagalit ka pa." Aba naman manong. Sana sinabi mo na lang na isa kang napakalaking Shetter. Hay sayang sa brain cells! Lakas kasing mandaya e.

Hay naku kung ipagpapatuloy ko pa tong mga Shetters stories na to e baka mag-init lang ulo ko. Titigalan ko na bago ko pa itapon ang laptop ko.

Message to all Shetters, Go shit your face off somewhere else!

Interview with the Legend

Interviewer: Ikinagagalak ko po na pinaunlakan niyo akong mainterview ka Ms. Pauee. Ito ay isang napakahalagang pagkakataon para sa akin.

Pauee: . . .

Interviewer: Err.. Magandang Gabi nga pala miss Pauee? Yun nga ba ang gusto niyong itawag ko sa inyo?

Pauee: Pauee ang tawag sakin ng mga officemates ko, mga kaibigan, mga kakilala sa school. Pongz ang tawag sakin ng College Barkada ko. Ms. Ocampo sa mga propesors. Paula naman ang tawag sakin sa bahay. Eula sa mga tito at tita ko at Herby ang tawag sakin ng boyfriend ko.

Interviewer: So ano ang itatawag ko sa iyo?

Pauee: Tawagin mo na lang akong Alamat.

Interviewer: . . .

Interviewer: So Alamat, kamusta ka na? Anong pinagkakaabalahan mo sa ngayon?

Alamat: Sa ngayon ay nagtatrabaho ako sa isang HK-Based na IT Company sa Ortigas. Zombie mode. Gising sa umaga, pasok sa opisina, trabaho, uwi sa gabi, tulog. Madaming "kain" in between diyan. Minsan din ay mayroong "kain" sa mga "while" diyan. Mahirap iwasang tumaba sa ganung buhay.

Interviewer: Kaya pala.

Alamat: Kaya ano?

Interviewer: Wala.

Alamat: Pak yu.

Interviewer: Err.. Kamusta naman ang social life mo?

Alamat: Ayun. Sosyal pa din. haha. Laging nauubos ang sweldo ko sa pagkain.

Interviewer: Pagkain pa din?

Alamat: Shut up. Lagi din kaming nanonood ng sine. Inuubos ko din ang oras ko sa gimik at kung anu ano pang pagkakagastusan. Minsan din nauubos oras ko sa mga interview na tulad nito.

Interviewer: So..... E ang lovelife mo kamusta?

Alamat: Blooming. Inggit ka no?

Interviewer: Gago.

Alamat: Haha pikon. Belats.

Interviewer: Anyways, buti may panahon ka pa din para sa family mo.

Alamat: Well, di tulad ng ibang tao diyan, e talagang pinahahalagaan ko ang bawat moment na masspend ko with my family. Madalas din sabay sabay pa din kami magbreakfast at dinner dahil yun na lang din ang possible. Tuwing sunday naman ay nagsisimba kami. Malapit na din kaming tumanda ng lubusan kaya nilulubos na namin to.

Interviewer: Haha gurang. hehe.

Alamat: Sose.

Interviewer: Alamat, ano nga palang height mo?

Alamat: mga 5 flat.

Interviewer: Kasing tangkad mo pala si Mickey Mouse.

Alamat: . . .

Interviewer: Meron bang bisyo ang alamat?

Alamat: Compulsive eating at endless window shopping.

Interviewer: Nakamamatay yan a. Anyway, nabalitaan kong mahilig ka daw sa pagong, bakit naman?

Alamat: Paki mo. Wala gusto ko lang. Cute e. Saka nakakatuwa sila.

Interviewer: Ahh. Di ko gets. Anyway, sige hanggang dito na lang yung interview ko sa iyo Alamat. Maraming salamat.

Alamat. Walang kakwenta-kwenta.

Smart Bro-ken

Narinig ko ang katagang yan galing sa kaibigan kong nagngangalang Poor. Nasabi niya ata ang katagang yan sa kadahilanang ang gelpren niya nung panahong yun (at hangggang sa ngayon naman ata haha) ay lagi na lang niyang di makausap through internet dahil sira ang smart bro nila. Thus the term "Smart Bro-ken."

Nung unang panahon panahon pa ng hapon wala pang smart bro. Wala tong connect sa sasabihin ko. Erase erase.

Nung simula pa lamang kaming mayroong smart bro okay naman at wala akong reklamo. Maliban na lang siguro sa mga panahong malakas lakas ang ulan. Dahil talaga nga namang makakainterfere yun sa perpormans ng smart bro. Maayos at mabilis ang smart bro dito samin noon at walang dahilan para magreklamo. Nakakadownload pa ako ng samu't saring mga pelikula, series at albums. At kung paminsan minsan ay porn (pero shempre hindi totoo to at bahala ka na kung maniniwala ka. haha)

Pero madami akong reklamong naririnig sa mga kaibigan ko ukol sa smart bro at isa na nga itong kaibigang nabanggit ko kanina.

Nakakaengganyo nga naman kasi ang smart bro. Wireless broadband, sarap pakinggan. Madali pa itong ikabit sa router para wi-fi ready ang bahay mo so high end. Pero ngayon ko na nga lamang napapansin na sakit sa ulo at perwisyo nga ito.

Ilang beses na akong nawawalan ng internet while in the middle of a heated conversation. Alam mo yung grabe to the max na chismax na ang malalaman mo tas biglang bubulagta sa yo ang napakasaklap na DC. Ang sakit nun sa puso dahil mabilis ang pacing ng heart mo ng panahong yun at bigla kang mabibitin.

May panahon ding pinaghirapan ko ng sobra ang blog na isinusulat ko, at nung nasa proseso na ng pagsa-save ay bigla bigla nang mawawala at bubulagta sayo si "Problem loading page" at kapag nag-back ka ay wala na ang blog mo. Sayang naman. Kaya nga ba natuto na ako na magblog muna sa notepad. Tulad nito.

Nariyan din ang matatapos na ang pagdodownload mo na hindi sa torrent. Kaunting kaunti na lang at mapapanood mo na ang pinaka-aabangan mong palabas. Pero biglang mapuputol. Smart-brokenized.

Pero mas malala ang nangyari sa kaibigan kong si verna . Nasira ang bubong niya ng dahil sa tumusok ang smart bro dito. Dinala kasi ng bagong si milenyo. Pero di niya sinisisi ang bagyo. Si smart-bro lang ang sinisisi niya.

Malamang ay maidemanda ako ng Smart sa ginagawa kong ito. Pero nais ko lamang ihayag ang kalungkutang naidudulot sakin sa tuwing mai-Smart-brokenized ako. Nakakalungkot at nakakabagot. Nakakawalang-gana.

Sana naman ay pagbutihin pa nila ang serbisyo nila. Or pwede ding sana abutin na kami ng Globe Broadband o PLDT MyDsl dito sa lugar namin.

Ikaw, na-smart brokenized ka na ba?

Shift+Delete

"Haha. Gago ka talaga"

Shift+Delete.

Nakita ko nanaman ang pictures niya sa My Pictures. Alam ko naman kung bakit hindi ko pa to agad binura noon pa e. Kahit anong tanggi't deny ko, talagang umaasa pa din akong babalik sha.

Napaka-camwhore niya talaga. Haha. Siya pa din ang susunod na picture. Kitang kita dito yung noo niya, haha ang kintab. Siya pa ang kumuha nito. Mahilig shang kumuha ng picture niya gamit ang camera ko.

Shift+Delete.

Ang sakit sa ulo isipin na sa dami ng litratong ito, hindi pa din pala ito sapat para sa kanya. Sa dami ng alaala na kasama ng mga kuhang to, kayang kaya pa din niya pala kaming ipagpalit.

Itong isang folder, lahat galing sa isang summer namin sa beach. Naaalala ko pa kung pano niya pinaramdam sakin na ipagtatanggol niya ako sa kahit sino. Sinabihan niya pa ang isa kong kasama na wag na wag na ako ulit sasaktan at alam niya kung sinong makakalaban niya.

Naaalala ko pa din yung gabing yun. Malinaw na malinaw pa din sa isipan ko kung panong gumagalaw ang kumot habang katabi niya siya. Naaalala ko pa din kung pano ako sinabihan ng katabi ko na pumikit ako at nananaginip lang ako.

Kahit alam kong totoo ang lahat ng nakita ko.

Paulit-ulit ko siyang tinanong kung sila na ba. Para niya na din akong sinaksak sa sinagot niya sakin noon.
"Bakit ba lahat gusto mo malaman?"

Hindi pa pala sapat yung mga alaala namin. Yung mga panahong magkasama kami. Yung mga panahon na pinararamdam namin sa kanya na siya ang pinakaimportanteng lalake para sa amin.

Select sysdate from dual.

ctrl+enter.

Aba nalalapit na pala ang araw ng kaarawan niya. Naalala pa kaya niya yung mga sorpresa na ginawa namin para sa kanya. E yung kaarawan niyang pinagluto namin sha, pinag-linis, pinag-ayos at pinagsilbihan? Naaalala pa kaya niya yun? O lahat ng yun wala na sa alalala niya.

May kuha pa pala sila dito. Haha. Lahat ng mga alalaala namin ay nabura sa kanya dahil lang sa tawag ng laman. Dahil lang sa tawag ng laman para sa lalaking ito. Nakakatawa siya. Kakaiba talaga siya.

Di ko pa din malilimutan ang mga salitang binitawan niya noon.

"Gusto ko kayong paiyakin. Gusto ko kayong saktan. Gusto ko kayong mawala na sa buhay ko."

Hinayaan niya kaming mawala. At ngayon wala na ang lahat. Tapos na.

Shift+click folder.

Shift+Delete.

Desktop => Recycle Bin.

Empty.