what. the. duck.

blogging is a motherducking waste of time.

pakikilakbay ng alamat

ako si pauee at wala na akong magagawa dun. ako ang spoiled brat sa mundo ng blogesperyo. walang kapararakan lahat ng pinagsasabi ko pero pipilitin kitang magbasa. isa akong living irony. pauee by day and pauee by night dahil hindi naman ako nagpapalit ng pangalan.

masakit sa bangs

ano ang mga sintomas ng masakit na bangs? unang una, dapat mahapdi ito at hindi mo mahawak-hawakan. pangalawa dapat ito'y namumula. pangatlo, namamaga at mukhang matamlay. so sa iyong pagsisiyasat, masakit ba ang bangs mo?

Shetters

Tama, ang basa diyan ay shet-ters. Noun yan na ang ibig sabihin ay mga taong kapag nakita mo or narinig o kahit ano pang presence niya ay naramdaman mo ay mababanggit mo ang katagang "Shet". Hindi "Shit" kasi sosyal yun. Downright jologs na "shet" ang mababanggit mo.

Sa araw araw kong pagbyahe papuntang maynila at pabalik sa bahay ay madaming pagkakataon na talagang di ko mapigilang sabihin yang katagang yan. Siyempre madalas sinasabi ko lang siya sa isipan ko dahil sa mag-isa lang akong bumabyahe. Dahil kung sabihin ko yun ng kahit mahina lang ay magmumukha naman akong tanga na nagsasalita mag-isa.

Ayun nga napakaraming pagkakataon na talagang mapapa "Shet" ka na lang. Ito na din marahil yung mangilang ngilang dahilan kumbakit hindi umaasenso ang Pinas. Masakit sa ulo isipin pero ito ay ilang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay kabilang pa din tayo sa third world countries.

Shempre mukhang seryoso itong entry na ito. Pero ang dahilan lang talaga nito ay pagkabanas ko sa mga Shetters. Isipin mo napakadaming salitang pwedeng magdescribe sa kanila. Pwede madaya, manloloko, mandurugas, madugas, maduga, panget, gago, bwiset sa buhay at kung ano ano pang salitang naimbento para lang ilarawan ang mga Shetters.

Kamakailan lang e na-late nanaman ako sa trabaho. Tama, na-late ako kahit na 10 am pa ang pasok ko. Kung iisipin ay parang napakatamad ko naman bumangon at na-late pa ako sa ganyang oras. Maaga akong gumising nuon. Nakasakay na ako ng van ng bago mag alas-otso. Hanggang sa mahuli ang van na sinasakyan ko ng mga Shetters na mga parak.

Alam ko namang mali pa din dahil colorum ang sinakyan ko. Ayos na sana dahil tanggap ko naman na nasa mali kami, yun nga lang e napakatagal na diskusyon. Palibhasa ay ayaw maglagay ng driver namin. Dinala pa ang driver namin sa nalalapit na "Bulalohan" sa lugar na yun. Dun kinausap ng Shetters ang driver namin. Hanggang sa matapos na kumain ang mga parak at shempre pa binayaran ito ng driver namin. Mga isang oras din ata kaming nagstay sa lugar na yun. Ubos ang oras, ubos ang pera ng driver namin at ubos ang laman ng bulalo. Wala na akong ibang nasabi kundi "Shet."

Parang sa mga napakahabang pilang nararanasan ko sa pagpasok ng mrt. Hindi sa pagbili ng ticket ha. Sa pagpasok lang sa loob ng mrt. Dun sa paginspect ng mga guwardiya. Pagkahaba haba ng pinila mo tapos bigla na lang may patay malisya na sisingit sa harapan mo. Shet na lang talaga. Dahil kung makikipagaway ka lang e masasayang lang ang brain cells mo. Kaya yun, binangga ko na lang. Serves a Shetter right.

Naalala ko din yung isang jeep na sinakyan ko na talaga namang tumitigil sa gitna ng kalye. As in literally sa gitna ng kalye. Over OA sa kagitnaan. Aba naman manong, iyo ba ang kalye? Grabe yun. Pero dahil ako lang ang sakay sa jeep nung mga panahong iyon di na lang ako nagsalita. Napasambit na lang ako ng mahiwagang kataga sa isip ko.

Speaking of jeepney drivers, nakakaShet lang din yung driver ng jeep kanina. 7.50 ang pamasahe, 8 pesos ang binigay ko. Sa harap ako sumakay ha. Yung driver wala pang kabalak balak ako suklian. Nung malapit na ako sa bababaan ko, sinabi ko na sukli ko. Aba sabi sakin, baket magkano ba ang binigay mo, sabi ko otso. Sabi niya otso daw pamasahe. Napasabi tuloy ako ng "Kelan pa po?" Sabi ni Shetter, "San ka ba nanggaling?", "Sa Camella lang po." at ang pinakapanalong sinabi ng driver "O eto singkwenta, para lang diyan nagagalit ka pa." Aba naman manong. Sana sinabi mo na lang na isa kang napakalaking Shetter. Hay sayang sa brain cells! Lakas kasing mandaya e.

Hay naku kung ipagpapatuloy ko pa tong mga Shetters stories na to e baka mag-init lang ulo ko. Titigalan ko na bago ko pa itapon ang laptop ko.

Message to all Shetters, Go shit your face off somewhere else!

4 ang naki-usyoso:

  1. Anonymous said...
     

    What the shetters naman amputangina! Andami-daming pagkakataong ganyan!

    Salamat sa pagpapaunlak ng bagong salita.

    Panalo yung shetter driver, so kapal, parang suwelas lang ng Doc Martens, tsk tsk tsk.

    Di ko na pinapansin ang mga ganyan sa MRT, lagi namang may ganun. Minsan nga ako pa ganun, pero may runner naman ako na nakapila na bago pa ako bumili ng ticket.

    Anak ng katuray na nga SHETTERS! SHET YOUR LIVES IN SOME SHET ELSE! Shet.

  2. Anonymous said...
     

    Grabe talaga yang mga shetters na yan... Dapat talaga eh mailagay na yang salita na yan sa mahiwagang kodigo ni hamurabi para magtino ang pilipino.

    Try ko nga magcostume ng mumbaki sa mrt para mauna ako pumila. Magiging shetters din ako for a change. hahaah

    Q pau - si doc minel ba yung weird na mahaba ang buhok na katabi mo sa pix?

  3. Anonymous said...
     

    ahehe hindi yan si doc mnel. yang weird na mahabang buhok na katabi ko sa pix ay ang weird kong boyfriend :p

    shocked?? barkada nun si mariano e. hehe :D

  4. Anonymous said...
     

    aba, si manong dyipni drayber ... nakuha pang magtaray sa halagang sakwenta sentimos?!! e sya tong balak makadugas. hay, shetter nga!

Post a Comment