what. the. duck.

blogging is a motherducking waste of time.

pakikilakbay ng alamat

ako si pauee at wala na akong magagawa dun. ako ang spoiled brat sa mundo ng blogesperyo. walang kapararakan lahat ng pinagsasabi ko pero pipilitin kitang magbasa. isa akong living irony. pauee by day and pauee by night dahil hindi naman ako nagpapalit ng pangalan.

masakit sa bangs

ano ang mga sintomas ng masakit na bangs? unang una, dapat mahapdi ito at hindi mo mahawak-hawakan. pangalawa dapat ito'y namumula. pangatlo, namamaga at mukhang matamlay. so sa iyong pagsisiyasat, masakit ba ang bangs mo?

bayan + kabataan = pag-asa

Nung maliit pa lang ako (teka hanggang ngayon naman a), feel na feel ko yang kasabihang yan. Kumbaga feel na feel ko na mag-aaral ako ng mabuti as in super duper to the max at tutulong ako sa pag-papaangat ng bayan natin. Dumaan ang elementary medyo nabawasan yang ideals na yan. Highschool medyo may konti pa namang natira.

Pag dating ng college, *poof* gone. Alam ko na at tanggap ko na sa sarili ko na di kailanman ako makakacontribute sa ikauunlad ng bansang to.

Isipin mo naman, pinag-aaral ako ng taxes, pero nuknukan ako ng tamad. Naubos na yung gana sakin non. At walang amount ng centrum complete, enervon at united american tiki-tiki ang nakatulong sakin para ganahan muling maging potential "pag-asa" ng bansang to.

So ngayon nagkasya na lang ako sa paniniwala na malay mo yung susunod na kabataan, sila na yung talagang maging pag-asa ng bayan na ito.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Kamakailan ay nakikinig ako sa diskusyon sa paglalaro ng mga pamangkin ko. Bilang isang nilalang na nabibilang sa napakalaking angkan, madami din akong pamangkin. Sapat para makapaglaro sila ng iskul-iskulan with matching blackboard.

Tapos na ata sila dun sa quiz-quizan nila. Sabi nung pamangkin kong gumaganap na titser, "Okay class, pass your papers."

Ngayon itong isa ko pang pamangkin na 5 years old, di pa ata siya tapos sa ginagawa nila, kaya naman nung inabot niya ang papel niya sinabi niya, "O ayan, isak-sak mo yan sa baga mo."

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Normal naman na tanungin mo ang isang bata kung anung gusto niyang maging sa pag-laki niya. Kaya isa siguro to sa normal na conversation namin ng mga pamangkin ko.

Maliban sa isa.

Tinanong ko ang isa kong pamangkin ko nitong adhikain na ito. Nag-lalaro siya ng mga panahong iyon at malamang e naiirita na sha sakin. Ganito lumabas ang kumberseysiyon:

Ako: Anung gusto mong maging pag-laki mo?

Pamangkin: Pulis.

Ako: Pulis? Bakit naman?

Pamangkin: Para barilin kita. Ang gulo mo kita mong naglalaro ako dito.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Nasa mall kami ng isa ko pang pamangkin at niyaya niya akong picturan ko daw sha sa kung saan saan. Nagugulat na lang ako sa mga poses niya. Eto ang isa:


Sa hindi malamang kadahilanan yan talaga ang una niyang piniling ma-pose-an. At talagang nakatingin pa sha sa beer. Ganyan na ang kabataan ngayon, alam nila kung ano ang beer at ang sarap na maidudulot nito. Oh yeah.

Pero hindi pa siya nakuntento. Eto pa ang isa niyang pose.


Masdan mabuti ang kamay niya. At ang mukha niya. Alam niya ang ginagawa niyang kalokohan. Alam na ng kabataan ngayon ang ilan sa mga issues ng sensualidad. At magaling pumili itong pamangkin ko. Yung kay Angel Locsin pa talaga.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Nang pa-uwi ako minsan, dahil sa pagod na ako, pinili namin ng ka-opisina ko na magelevator sa mrt station. Nabigla ako ng may isang bata dun pagpasok namin. Nung sumara ang elevator bigla shang nagsalita:

Kuya, Ate maawa na po kayo. Pahingi naman pong tatlong piso. Nasunugan po kasi kami. Maawa na po kayo.

Sinabi niya yan ng may ikatlong ulit. Kaya namemorya ko. Tumingin ako sa wallet, wala akong tatlong piso. Dos lang. Saka limampiso. Kaya nga naman hinulog ko na lang yung limang piso ko dun sa lalagyan niyang tila lalagyan ng cellfone (asan ang cellfone? di ko alam.). Baka kasi magalit siya pag dos lang binigay ko. Tatlong piso nga naman ang hinihingi niya.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Siguro pwede pa akong maging potential "pag-asa". Konting sikap lang siguro. At kaunting pagsasakripisyo para sa bayan. Nawalan kasi ako ng pag-asa sa mga maaaring maging pag-asa ng bayan.

Hay. Asa.



4 ang naki-usyoso:

  1. Anonymous said...
     

    "*poof* gone" ... hahaha.

    sabi nga mga matatanda, ang kabataan daw ang pag-asa ng bayan.

    pero karamihang mga kabataan ngayon ay umaasa pa rin sa kanilang magulang at pabigat pa sa lipunan.

    kaya *poop*, yun nga ang nangyari, nagkaka-asahan na lang.

    --------------------
    tsk.tsk. iba talaga ang boobs ni darna ...malaki... ang naging epekto pati sa mga murang edad. mapapa kagat-labi talaga! daig pa ang puting panty ni annie sa shaider.

    hayayay. free porn for kids ba ito?

    buti naman at tapos na rin ang zaidong-bakat na kinagigiliwan pati ng mga batang lalake na ahit na ang kilay.

  2. Anonymous said...
     

    napansin ko din na dumadami ang kabataang lalaking ahit ang kilay.

    ah kaya pala ang zaido ay hango sa shaider. may freebies din pala sa palabas na yun para din sa modernong kabataan.

  3. Dakilang Tambay said...
     

    grabe na ang mga kabataan ngayon, mas mapupusok na sila..

    gaya nga ng sabi ni HK, umaasa na lang ang mga kabataan sa magulang nila.. kya siguro hindi na umaasenso ang bayan natin

    at magaling ngang mamili ang iyong pamangkin.. si darna pa.. malaki ang boobs nyan.. tsk tsk

  4. Anonymous said...
     

    maligayang pagtambay dakilang tambay!! ^_^

Post a Comment