what. the. duck.

blogging is a motherducking waste of time.

pakikilakbay ng alamat

ako si pauee at wala na akong magagawa dun. ako ang spoiled brat sa mundo ng blogesperyo. walang kapararakan lahat ng pinagsasabi ko pero pipilitin kitang magbasa. isa akong living irony. pauee by day and pauee by night dahil hindi naman ako nagpapalit ng pangalan.

masakit sa bangs

ano ang mga sintomas ng masakit na bangs? unang una, dapat mahapdi ito at hindi mo mahawak-hawakan. pangalawa dapat ito'y namumula. pangatlo, namamaga at mukhang matamlay. so sa iyong pagsisiyasat, masakit ba ang bangs mo?

Mainit na Sabaw

Minsan pakiramdam ko tumutulo na utak ko palabas ng tenga ko. Hindi ko mawari kung ano ano na ba ang pinapaandar ng utak kong minsan sa tingin ko ay may sarili ding utak. Mas matindi pa sa pagkalabnaw ng sinigang, nilaga, sopas at pinakuluang medyas.

Akala ko naman dati naubos na lahat ng utak ko sa kolehiyo, aba ay may mas ilalala pa pala. Minsan nga ay nag-iingat na ako sa pagsinga pag may sipon ako at baka may sumamang utak. Umaariba ang pagka-ti-ey-en-dyi-ey.
----------------------------------------------------------------------------------------------------

Dahil medyo napaaga ako ng labas ng opisina ay naisip kong mag-bus na lang muna papuntang Ayala. Alas-otso pa kami magkikita pero alas-siyete pa lang. Matagal tagal ang aantayin ko kung magtetren ako kasi kinse minutos lang yun.

Pagpara ko ng bus tinanong ko ang mama kung dadaan ba yun ng ayala. Sabi niya ang sakyan ko daw ay yung may karatulang "Ayala Leveriza". Kaya naman nag-abang ako.

Sumakay ako ng bus. Medyo matagal tagal na ang naibyahe at nasa Boni na. Nung siningil ako ng kundoktor ay nabanggit kong sa Ayala ako bababa. Sabi ng konduktor di daw yun dadaan ng Ayala dahil Ayala Ilalim yung nasa karatula nila.

Ilalim. Leveriza. Parang ang layo naman ata ng pagkakabasa ko.

Binababa na lang ako ng kundoktor free of charge sa Boni.

Sinigurado ko na Ayala Leveriza na ang sasakyan kong sunod. Nang malapit na sa Ayala ay saka pa lang ako siningil ng kundoktor. Sa katangahang palad ang nasabi kong bababaan ko ay "Boni." Nag-alala ang kundoktor dahil lagpas na daw at binaba na ako. Free of charge.

Gusto kong sabihin na sinadya ko ang mga pangyayari para makalibre ako. At gusto ko din sana na yun ang isipin niyo. Pero hindi. Dala lang lahat yan ng lubos na katangahan at kawala sa sarili. Pero kung iisipin mo ay swerte na din ako sa panahong yung dahil tanga ako.

------------------------------------------------------------------------------------------------

Anong gagawin mo kung dalawa lang kayong tao sa loob ng isang room at ang kasama mo ay umiiyak?

Nataranta ako. Kami lang ng boss ko ang nasa loob ng room at tahimik kami sa pagtatrabaho (naks parang totoo.) Bigla na lang shang tumayo at tumalikod sakin. Hindi ko alam kung umiiyak sha pero naririnig ko ang pagka-asar niya. Nagpanic ako at di ko malaman ang gagawin.

Wala ang ginawa. Kinuha ko na lang ang baon ko at lumabas. Lunch na. Tinawag ko na ang mga kasama ko. Iniwan ko ang boss ko na mag-isa.

Close naman kami ng boss ko. Pero wala akong ginawa. Sabaw na sabaw.

------------------------------------------------------------------------------------------------

Tatlong araw na akong nagcocommute papuntang trabaho. Dahil yung usual na van na sinasakyan ko ay lagi na lang akong naiiwan. Imbis na isang van lang ang sakay ko ay nagiging van + bus + mrt + fx ang ruta ko. Lagi na lang kasi akong late nagigising. Este late na gumigising. Wala akong kadala dala.

------------------------------------------------------------------------------------------------

Kanina, nag-add ako. Di ako gumamit ng calculator.

Kuha ka ng 1000. Dagdagan mo ng 40. Add mo ang isa pang 1000. Tapos dagdag mo 30. Add another 1000. Tapos 20 naman dagdag mo. Tapos isa pa ulit 1000. Lastly, add mo 10.

Aba ang sagot ko ay 5000. Isipin mo. Siyet. Alam ko mali. Kaya paulit ulit kong pinag-isipan. Ang tagal bago ko nakuha ang sagot. putek. 4100 nga lang naman. Grabe sumakit talaga ulo ko dun.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Eto pa isa:

Mary's father have five daughters. One of them is Nana, the 2nd was Nene. The 3rd was Nini and the 4th was Nono.

What's the name of the 5th daughter?

Aba ang sagot ko Nunu. Dahil nga naman sa vowels. Aba si Mary nga pala ang ikalimang anak! Binasa ko ulit yung tanong at sobrang natangahan lang ako ng sobra sa sarili ko.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Sa sobrang sabaw ko ay di ko na maisip yung iba pang ka-sabawan ko. Pero sa alam ko napakadami nun.

Iwasang maging sabaw. Pero minsan ayos lang din pala. Lalo na sa pagkakataon tulad ng una kong naikwento.

10 ang naki-usyoso:

  1. Anonymous said...
     

    sabaw pa lang, sabaw na!

    tameme ako sa kasabawan mo. lalo pa kaya kung may laman pa yan, baka nalunod na ako, o nakahandusay sa sahig, dumudugo ilong.

    palagay ko, i crush you na. do you crush me, too?

    kelangan kitang mailink oramismo!

  2. Anonymous said...
     

    ahaha. i crush you too at ang iyong fabulosong blog. haha naway marating ko ang kahit katiting nang iyong kasikatan :p

    will link you too! ^_^

  3. Anonymous said...
     

    duders, walang kwenta tong blog site mo...di nasasagap ng multiply kung may bago.

    im sooooooo like tamad na to read updates thats not in like multiply yknow...

    oh well, kahit sino naman ata e maiisip na si NUNU ang huling anak. demmet, jedi mind tricks.

    make like ayos of ur multiply settings so that it'll make like copy of ur post from blogger onto ur multiply.

    pwede yata un dude. make like use the programming geniosity to make like life easier for the multipliers like me like.

    (ugh, hyperconyoism)

    -alex

  4. Unknown said...
     

    lufeeet!!! love it! ang kulit nung bus at 4100..

  5. Anonymous said...
     

    Wahahaha!

    Grabehan na ito, putek. Ano bang klase yang kasabawan yan ha? Parang yung time lang na...di ko maalala. ALam mo namang sabawero din ako.

    Sus yan, emosyonal na bossing. Biglang nagbe-breakdown y'all ang drama. Di man lang nagcomfort, ahaha. Sabaw.

    Mainam! Masaya ang ganitong mga kwento mo. Nakakamiss.

  6. Anonymous said...
     

    I crush you na pauieeeeeee! hahahaha... Masarap ata yang sabaw na isama sa tokwa-day. lolz

  7. Anonymous said...
     

    uso ata ang katagang i crush you sa mundo ng blogerya, pwes makikiuso din ako hahaha

    i crush lahat ng nagcocomment dito! ^_^

    igno, exlinks?

  8. nwalma said...
     

    sabay sabay ang pagkasabaw
    na may kasamang bataw
    habang hataw
    wala lang, baw

  9. Anonymous said...
     

    o nga pala i would like to acknowledge the presence of a beauty queen na nag comment dito. (translation: huwaw! nagcomment sa blog ko ang Ms. Philippines -Earth at Ms.Earth-Water!!!!)

    nice rhymes carny :D

  10. Anonymous said...
     

    ahahaha. ayan na. na-crush na si pauee. mwahaha!

    kambal, tandaan mo yung sinabi ko kagabi. sasakalin talaga kita sige ka.

Post a Comment