what. the. duck.

blogging is a motherducking waste of time.

pakikilakbay ng alamat

ako si pauee at wala na akong magagawa dun. ako ang spoiled brat sa mundo ng blogesperyo. walang kapararakan lahat ng pinagsasabi ko pero pipilitin kitang magbasa. isa akong living irony. pauee by day and pauee by night dahil hindi naman ako nagpapalit ng pangalan.

masakit sa bangs

ano ang mga sintomas ng masakit na bangs? unang una, dapat mahapdi ito at hindi mo mahawak-hawakan. pangalawa dapat ito'y namumula. pangatlo, namamaga at mukhang matamlay. so sa iyong pagsisiyasat, masakit ba ang bangs mo?

Flashback

"And a rikitikitik and a blue black sheep,
That is true, yes or no?"
-- OST Monkey-Monkey Anabelle Larong Kalye

Sa tingin ko napapanahon upang pag-usapan ang mga thing of the past. Nainspire ako dahil sa PBB Teen Edition, sobra sobrang mga bata ang pinasok ni kuya sa loob. Batang ugali at asal. Ganung ganun ugali ko nung mga grade 2 ako.

Pwede mong sabihing mas swerte ang kabataan noong panahon ko. Umuusbong na ang makabagong teknolohiya, pero maliban sa Family Computer na 1999 in 1 at sa iba't ibang variations ng larong brick game, masasabi kong marami pa rin sa amin ang naadik sa mga larong kalye. Marami kaming larong hindi kinakailangan magbayad ng 10 piso kada oras at hindi nakakasira ng mata.

Isa siguro sa mga bagay na sobrang kina-adikan ko noon ay ang bisikleta. Ito yung mga panahong masasabi kong sobrang presko pa ng hangin. Sa kabaduyang palad, nagbuo pa nga kami ng grupong tinawag naming Biker Gang, kung saan lahat kami ay magkikita sa headquarters (sa basketball court) at magsisimula kaming magronda-ronda sa buong neyborhud. Kasama na dito ang pag-iwas sa mga horror streets (matataas ang talahib) at sa mga monster streets (madaming nanghahabol na aso). Nagsisimula ang routine ng bandang alas-kwatro ng hapon kung saan hindi na mashadong ma-araw at matatapos sa bandang alas-sais kung saan padilim na. Nagmamadali na kaming umuwi noon dahil tiyak lagot nanaman kami kay nanay, lalo na yung mga naka-tokang magsaing ng panghapunan.

Pero noong panahong hindi pa ako allowed maggala-gala sa neyborhud, nakikipaglaro na lang ako sa mga kapitbahay ko sa tapat ng bahay. Dito na ako na-expose sa kung ano anong laro na sa hindi ko malamang kadahilanan, sa halos lahat ng sulok ng Pilipinas ay pare-pareho lang. May kaunting pagbabago lang sa mga version, pero para pa ding Mafia ang pagkakapareho ng mga laro. Scary, but true.

May mga larong parang pareho lang ang tema, pero iba ang title, at ang OST (theme song sa simula) tulad ng Shake Shake Shampoo, Monkey Monkey Anabelle at Matayang Taya (which is a hindi-pinag-isipan-ang-title game). Sa Shake shake shampoo, merong sense of kabadingan dahil kailangan mo pang kumembot kapag nataya ka at nasabihan ng Shake!, at titigil ka lang kung may isang hindi taya ang hinawakan ka at sinabihang Shampoo. Nakapagtataka na walang banlaw at sabon na involved. Pareho din ito ng tema ng Monkey Monkey Anabelle, pero iba lang ang sinasabing salita at walang pakembot kembot. At kung lahat ay mataya, sa parehong laro, kailangan ay mag-unahan pa kayo na magsabi ng Viva!. Sa Matayang Taya (ang pangit talaga ng title) ay simple lang, kung sino ang mahawakan ng taya ay siya na ang taya (no wonder ganun din kawalang kwenta ang title).

Isa sa larong napakadaming title sa iba't ibang sulok ng pinas ay ang larong Sikyo Base\ Morong-morong\ Bente uno\ Agawang Base\ Black 123 at kung anu-ano pa. Isa lang ang ibig sabihin nito, may dalawang base, kelangan ma-agaw (matouch.) Sobrang simple lang ng theme, pero madaming strategies na involved. Pwede kang umikot, maging pain (bait), sumugod at marami pang iba. Malas mo lang kung ikaw na lang ang naiwan sa base mo.

Speaking of malas, ang pinakamalas na maging taya sa isang game ay sa larong tumbang preso. Sobrang sakit sa bangs maging taya dito kasi sobrang mafeefeel mo na pagtutulungan ka ng mga kalaro mo. Biruin mo binabato bato ka na ng tsinelas (well basically yung lata yung binabato pero ganun na din yun), kailangan mo pang itayo yung lata, at gumawa ng strategy para habulin sila. Mahirap maging taya sa tumbang preso. Nakakaiyak lalo na kung pikon ka.

Meron ding mga laro na sa panahon ngayon ay hindi ko maisip ang trip ng taong nagimbento. Isa na dito ang Doctor Quack Quack. Masakit na laro ito. Para lang mahirapan yung taya, pahihirapan niyo din ang sarili niyo. Kung medyo sadista pa ang taya ay maaari ka pang mabalian. Ang isa pang laro ay ang Sasara ang Bulaklak, Bubuka ang Bulaklak, dadaan ang Reyna pakembot kembot pa. I mean, ano bang point ng larong ito? Napaghahalatang gusto lang maglumandi ng Reyna para kumembot kembot sa gitna ng mga kalaro niya.

Ang ultimate larong kalye talaga na pwede mo nang maconsider na sport ay ang larong Patintero. Sa larong ito nagpopromote ng team effort at strategy. Hindi pwedeng basta-basta na lang bara-bara pumasok at tumakbo pa-home base. Kailangan mag-ingat baka andiyan na bigla ang Patotot. I wonder bakit wala pa ito sa Olympics. Ito nga dapat ang pambansang laro ng Pilipinas e.

Imbis siguro sa mga landi-landian love teams ang ipakita sa mga youth(or kids) oriented shows, pwede siguro ipromote na lang ang mga larong kalye. Para naman yung kabataang nanunuod, iconsider na maglaro ng mga ito, imbis na nakaupo magdamag sa tapat ng PC at nakikipagsigawan sa mga ka-network.

Para sa lahat ng kabataang adik sa network games: "Saksak puso, tulo ang dugo. Patay, buhay, umalis ka na diyan sa pwesto mo."

1 ang naki-usyoso:

  1. Anonymous said...
     

    wahahaha... nakarelate yata ako sa lahat ng mga namention mong laro, sa totoo lang, kakamiss din yung mga yan.

    kwento ko lang.
    kami din dati, nagbibike kami ng mga barkada kong babae dito lang sa village namin. mga grade 6 na yata ako nito, tapos ang mga kasama ko, mas bata pa sa akin ng 2-3 taon. tapos mneron ding male version ng mga nagbibisikleta sa neighborhood namin, mga kasing-edad din namin. pero tulad ng pbb, parang tagong bersyon lamang ng paglalandian ang pagbibisikleta namin.

Post a Comment