what. the. duck.

blogging is a motherducking waste of time.

pakikilakbay ng alamat

ako si pauee at wala na akong magagawa dun. ako ang spoiled brat sa mundo ng blogesperyo. walang kapararakan lahat ng pinagsasabi ko pero pipilitin kitang magbasa. isa akong living irony. pauee by day and pauee by night dahil hindi naman ako nagpapalit ng pangalan.

masakit sa bangs

ano ang mga sintomas ng masakit na bangs? unang una, dapat mahapdi ito at hindi mo mahawak-hawakan. pangalawa dapat ito'y namumula. pangatlo, namamaga at mukhang matamlay. so sa iyong pagsisiyasat, masakit ba ang bangs mo?

Sa Panahon ng Crisis, Bawal Ang Magalit. *_*

"We can't end up hating each other."

"Hate doesn't even begin to describe what I feel for you."

"I'm taking my son with me."

"God forbid, baka mapatay kita."

Script yan from Madrasta. Yung famous movie ni Sharon Cuneta. The one with the line "I was never your partner, I was just your wife." It was a scene with Christopher de Leon and Zsa Zsa Padilla where Zsa Zsa was his ex-wife.

Damang-dama ko yung galit ni Christopher nung binitawan niya yang words na yan. May intensity yung galit at sobrang may lalim na pinaghuhugutan. Meron pang patayan na involved. Sana hindi naman ito sign dahil andun si Rico Yan sa film. Eep.

Minsan magtataka ka, paano umaabot sa lubos na pagkamuhi ang galit ng isang tao. May level of galit ba na madedefine ang isang tao? May basis ba ito? Pwede mo bang sabihin na si person A ay 3 stars lang ang galit mo, at kay person B ay 2 stars lang? At paano kaya aabot sa punto na baka mapatay mo na ang isang tao?

Gawa tayo ng scenario.

Kunwari nagkukwento ka ng buong buhay mo kay person A. Sobrang trusted mo na yung taong ito kaya naman halos lahat ng sikreto at masamang incidents sa buhay mo ay na-share mo na sa kanya. Until one day, nag-inuman sila person A, kasama sina person B to E. Si person B ay may matinding grudge sayo sa kadahilanang binasted mo siya. Naikwento ni person B ito kina person A to E. Dala ng kalasingan, naishare na din ni person A ang mga naikwento mo. Kasama buong buhay mo.

Kanino ka sobrang magagalit sa incident na ito? Kay person A? or kay person B dahil di pa din sha makaget over?

E kung kinabukasan, magsorry si person B?

Hindi mo tuloy maisip kung maswerte ka ba o hindi na ikinwento sayo ni person E ang lahat dala ng loyalty niya sayo. Mas gugustuhin mo bang hindi na lang malaman ang lahat?

Ang komplikado magalit no. Mas mabuti pa nung bata pa ako na nagagalit ako sa mga pinsan ko kasi di nila ako ginising at hindi ko tuloy napanuod ang Princess Sarah. Tapos susuhulan lang nila ako ng Ice Candy okay na ako. Pero magpapakwento ako kung ano ang nangyari.

Naaalala ko din ang galit na nararamdaman ko noon kapag hindi pwedeng lagyan ng Milo yung Oatmeal na meryenda ko. Bawal daw kasi may ubo ako. Nakakainis kaya, wala kayang lasa yung Oatmeal. Nakasimangot ako noon buong araw, hanggang sa buksan ko yung tv tapos Xmen na pala. Masarap na din ang Oatmeal basta kakainin habang nanunuod ng Xmen.

Sa ngayon ang galit ko naglalast ng 2-3 minutes. Actually once magsorry yung tao, wala na okay na ako agad. Kumaba e ambilis kong magpatawad. Siguro kasi para sa akin mababaw na lang kasi ang lahat. Mas madaming bagay na mas worth it.

Isang beses pa lang ako nagalit ng sobra sa buong buhay ko. Yun yung naramdaman ko na niloko ako ng lubusan. At wala pang kabalak balak magsorry ang taong yun. At siya pa ang galit. Pero sa ngayon tinatawanan ko na lang yun lahat. At pag nakikita ko siya tinatawanan ko din siya. Bwahaha. Sorry naman nakakatawa siya kasi e.

Sabi nga ng kanta:

Cool ka lang, relax ka lang. Simple lang ang buhay ngumiti ka na lang. Blah blah blah..

Kaya't kaibigan, konting pasensya lang. ^_____^

3 ang naki-usyoso:

  1. Mariano said...
     

    Talaga nga namang mayroong mga taong sadyang madaling magalit. Madalas pa nga sa ipis sila nagagalit at minsan naman sa mga mukhang ipis.

    Dapat matuto talaga tayong mag-anger management tulad ng mga bata sapagkat isang ice candy lang masaya na nga naman sila. Hindi sila nagpapatayan kung magkabanggan man sila sa kalye.

    At talagang maaari sigurong abusuhin ang galit ni Miss Pauee. Mainam yan, gagalitin ka for 1 hour tapos within 2-3 minutes lipas na ang galit, tapos gagalitin ka ulit. Cyclical anger, ahehe.

  2. tipzstamatic said...
     

    ako rin...natatawa na lang ako sa kanya/kanila. although iba naman tayo ng reason ng galit. =)

    ganyan lang. tawanan lang ang mga panget. hahahaha.

  3. Anonymous said...
     

    ice candy is the ultimate solusyon talaga mariano.

    and tipz oo ang panget kasi nila e hahahaha

Post a Comment