what. the. duck.

blogging is a motherducking waste of time.

pakikilakbay ng alamat

ako si pauee at wala na akong magagawa dun. ako ang spoiled brat sa mundo ng blogesperyo. walang kapararakan lahat ng pinagsasabi ko pero pipilitin kitang magbasa. isa akong living irony. pauee by day and pauee by night dahil hindi naman ako nagpapalit ng pangalan.

masakit sa bangs

ano ang mga sintomas ng masakit na bangs? unang una, dapat mahapdi ito at hindi mo mahawak-hawakan. pangalawa dapat ito'y namumula. pangatlo, namamaga at mukhang matamlay. so sa iyong pagsisiyasat, masakit ba ang bangs mo?

Glutton's Guide No. 1: Ice cream-wafer sandwich

Intro muna ng seryeng ito. Talaga nga namang napakasarap kumain. Ito ang pangalawang gusto kong ginagawa sa buhay ko. Una na syempre ang *toot*. Shempre hindi bastos yan, alam niyo naman adik ako matulog. Yung pangatlong gusto ko ay tumae, pero di naman kasi yun ang point ng seryeng ito so ayun. Sa ibang time na lang yun kung gusto niyo haha.

Anyhow, dahil sa ako ay nagmamatakaw sa kadalasan, naisipan kong medyo i-share na din tong aking mga "karanasan" sa larangan ng pag-lafang dito sa banyagang bansa. At ito ang unang entry.

Tsa-ran! Isang makapal na hiwa ng ice cream na ipapalaman sa manipis na wafer. Sa halagang 1 SGD lamang o tumataginting na 30 PhP (ayon sa current market exchange rate). Masarap at malinamnam. Akin yung gitna. Mango-flavor. Oh yeah national fruit. Kung gusto mo malaman ang kakapalan ng ice cream eto ang isa pang kuha:


Pinag-masdan ko si Manong ice cream-wafer sandwich vendor. Kumuha siya ng isang bloke ng parihabang ice cream. Saka niya ito hiniwa na parang keso. Nilagay niya sa gitna ng manipis na wafer saka binalatan (dahil kasama ang karton sa pag-hiwa siya). Masarap at malinamnam na proseso.

Alam ko na meron nito sa dairy queen. Pero iba ang level nito kasi parang dirty ice cream style. May manong na naglalako. At sa tabi sha ng eskwelahan. Sana sa susunod maabutan ko muli si manong. I love him. Hehe.







Sarap no? Kakagutom. Hehe.






.

2 ang naki-usyoso:

  1. Anonymous said...
     

    hi. medyo masakit sa mata ang red na text sa gray na background...

  2. Anonymous said...
     

    oh hi! your wish is my command :D

Post a Comment