Glutton's Guide No. 2: Beancurd
Oh I miss home. Kahit pa dalawang linggo pa lang ako dito sa banyagang bansa. At isa sa mga namimiss ko sa bansang sinilangan ay ang mga naglalako ng kung anu-ano sa kalye with matching pasigaw ng product effect. Oh yeah that's what I call ADVERTISING.
Anu-ano ang maiiisip mong ganitong mga products? Andiyan ang Balut, Penoy. Ang Binatog na di ko malaman laman kung ano nga ba ang lasa. Hopia, Mani, Popcorn. Meron din mga non-food thingies tulad ng Repair Payong Sapatos (pronounced: Ripeeeeeer Payung Sapatuuus).
Pero isa sa mga paborito kong lako-ed products ay ang Taho. Sa tuwi-tuwina naiibsan ni Manong magtataho ang aking gutom sa umaga through his paglalako. Ayoko nung sago na dinadagdag kaya sinasabi ko kay Manong kung pwedeng minus sago and plus soya na lang ang drama. Sa kadalasan naman ay pumapayag si manong. Eto rin nga palang taho ay ginamit ni Lingling na pang-flirt sakin sa pamamagitan ng pagdala sakin nito every morning sa office. Haha kinikilig naman daw ako.
Anyhow, mabuti na lamang meron din Taho dito sa banyagang bansa. Ang kasosyalang pangalan nito ay Beancurd at mabibili lang ito sa halagang nagrerange sa 1 - 1.60 SGD, depende sa kung saan ka bumili.

Hindi kulay brown ang arnibal na nilalagay nila. Pero same same. Although di ganoon katamis kaya I kinda like it better. Mas dekalidad din ang Soya na ginagamit kaya mas hindi nakaka-soya. Waw patawa haha.
Commercialized na din ang taho dito. Wala nga lang ang shouting product endorsement effect. Pero may mga stores na na yun ang specialty tulad ng Mr. Bean at Jollibean (na hindi daw associated sa Jollibee, pero same font, green nga lang. Click the names to see the product websites.)
O siya. Kain na. ^__^
-
Jollibean? Haha. Panalo. Pati nga font parang parehas! Haha. Miss you pauee!
oo winner nga e pero nakakabwiset kasi paasa na may jollibee dito!
miss ko na din kayo shobra.