The more you sleep, the more you get sleepy.
<11:15 am> mariano : Oo, tama kailangan na ng trabaho.
<11:15 am> pauee : Kailangan na ng bagong buhay.
<11:16 am> mariano : New year, new life. oh yeah.
<4:15 pm> pauee : Ayun, nakatulog ako.
<4:15 am>mariano : Haha. What's so new about that?
Normal na ang ganyang usapan sa amin dalawa ng kaibigan kong si Mariano. Masinsinang usapan. Mamaya konti makakatulog ako.
Hindi lang naman ako ang ganyan. Madalas ay ganyan din siya. Malupit lupit ang usapan at mamaya maya magiging idle siya. Ayos. Tulog na si mariano. Matutulog na din ako hehe, kanina ko pa gusto magpaalam para matulog e.
At dahil diyan naka-imbento kami ng salita at ito ang salitang ANTUKERO at ANTUKERA. Oo, sa amin nagsimula yang salitang yan at naipalaganap lang. Mahilig kasi ako maglagay ng -ero at -era sa mga common na salita to pertain to a person having the quality. Feelingera ako na nagpapauso ng mga words e.
Pero sa katunayan, hindi kasi akma ang salitang antukin para idescribe ako. Kasi I'm more than that. Hindi lang ako antukin, mahilig pa akong antukin.
Masarap matulog, lalo na kung kagigising mo lang. Mas nakakaantok ang ganito. Kung kanina ka pa gising hindi na gaano masarap matulog. Mas masaya na gumawa ng ibang bagay. Pero kung tuloy tuloy ang tulog, ayun panalo.
Sabi pa nila, matulog ka sa tanghali para hindi ka antukin sa gabi pag may lakad ka. But nooooooooo. Pag nagsiesta ako, mas maaga ako nakakatulog sa gabi. Mas hinahanap ng ulirat ko na mawala sa sarili. Sleeping is heaven.
Kaya nga ba pag sinasabi ko na inaantok na ako, kung talagang magkaibigan tayo, maniniwala ka. Dahil ugali ko naman ang antukin. At ika nga ni Mariano, what's so new about that. Same same.
Hindi ko nga alam kung dapat kong ayusin itong pag-uugali na to. Pag nasa trabaho naman ako mainam naman akong nakakawork. Pero pag ginusto ko matulog, tulog talaga ako with matching malupit lupit na panaginip. Himbing ng over oa ang tulog ko pag ginusto ko. Kung baga Sleeping is my talent.
Nagawa ko na matulog sa MRT ng rush hour. Oo, nakatayo ako. At tulog. E puyat naman kasi. Nakakapit naman po ako sa handle bar. May malaki pa akong bag noon kasi pauwi ako sa province. Di naman siguro nila pagnanasaan itakbo yung malaking bag na yun kaya nagdesisyon na akong matulog. Q-ave. Taft na ako nagising. Sakto.
Ang di lang kaaya aya, ayokong matulog sa klase. Medyo takaw pansin kasi ako sa teacher. Kaya pansin kung natutulog ako. Hindi mainam. Ang naaalala kong ginagawa ko ay lumalabas ako ng room at uupo sa sulok saka iidlip. Malas ko na nga lang kung mag-cr ang teacher ko at makita akong natutulog sa sulok. Nangyari na yun e, nagkatinginan pa kami. Teehee.
Kaya kung madalas man akong online sa instant messenger, pasensya na po kung di ako nakakareply sa madalas na panahon, tulog po kasi ako e. Half siguro ng araw ko tulog ako lalo na ngayong job hunting mode. Hindi mainam, pero masaya. Haha. Try niyo. ^___^
Nagawa ko na din matulog sa laptop ko. Pag gising ko ayun box-box ang mukha ko. Go figure. :p
O siya. goodnight!
ako rin sobrang antukin.
naalala ko nung college, naglalakad ako ng nakapikit sa walkway papunta sa klase.
powernaps na malulupit.
mumulat ako kada-20 steps, swerte na hindi ako nakakaapak ng palaka o nakakabangga ng kapwa estudyante. ^__^
eewww so kadiri naman kung maka-apak ka ng palaka!!