what. the. duck.

blogging is a motherducking waste of time.

pakikilakbay ng alamat

ako si pauee at wala na akong magagawa dun. ako ang spoiled brat sa mundo ng blogesperyo. walang kapararakan lahat ng pinagsasabi ko pero pipilitin kitang magbasa. isa akong living irony. pauee by day and pauee by night dahil hindi naman ako nagpapalit ng pangalan.

masakit sa bangs

ano ang mga sintomas ng masakit na bangs? unang una, dapat mahapdi ito at hindi mo mahawak-hawakan. pangalawa dapat ito'y namumula. pangatlo, namamaga at mukhang matamlay. so sa iyong pagsisiyasat, masakit ba ang bangs mo?

Senseless Beginning.

Grabe. Im like so baduy naman.

Di ako nakagawa ng year-ender blog entry.

E uso yun.

So sad. Isa na akong baduy na nene.

At dahil diyan, ireredeem ko ang sarili ko at eto ako ngayon gumagawa ng...

drum roll..

Year-Starter Entry.

Oh yeah. I know hindi din ako original nito kaso wala na ako magagawa e. Tapos na ang 2008 kaya no choice. 2009 entry na dapat ito. Sorry na lang po talaga. Siyet.

Anyway, naalala ko lang bakit ang representation ng New Year ay isang BABY? Tipong si 2009 isang baby, si 2008 isang gurangers. Grabe di ko matanggap. Parang masyadong discrimination sa mga matatanda. Parang "they are so last year".

Hmm, pero ngayon wala na akong nakikitang ganung representation. Meron pa ba? sa mga tv shows or whatever shet there is. So siguro so last year na din yung ganung symbolism.

At ang polkadots. Oo nagsuot ako ng polka dots na pantulog. Ayos di ba. Ano nga ba ang sinisymbolize nun? Pera nga ba? Siyet sana nakagain ako ng pera while sleeping.

Alam ko iniisip mo, kahit anong talon pa ang gawin ko wala na akong itatangkad. Di na nga ako tumalon e. Nakaka-disappoint lang yang maderpaking superstutu na yan. Bata pa ako tumatalon na ako. Wala naman nangyayari. Same same pa din ang height ko. At nadepress lang ako.

Lalo din ako nadepress dun sa mga superstutu na makalat. Tipong magkalat ng bigas. Magpasabog ng bilog na prutas sa sahig, etc etc. Di namin ginawa yan. Nakikitira lang kami e. Saka ano bang karapatan kong magsayang ng bigas. Buti sana kung di ako namumulubi dito.

Naaalala ko din na laging nabubulok yung bilog kuno na mga prutas na iniipon ng parents ko. 12 na bilog na prutas ba yun? E kasi naman basta makaipon lang. Kahit di namin kilala yung prutas.

Kadami lang tradisyon e. Pero yun sa totoo lang wala naman silang sense lahat. Pero ayun ang masasabi ko lang masaya pa din ang bagong taong sa pinas at walang tatalo. Actually kung kasama ang family mo masaya. Pero sige baka sa pinas lang yun hehe. So kahit walang kwenta yung mga tradisyon na yan nakakamiss pa din silang gawin.

Happy Nunir everyone. Sana maging mas matino tong 2009. Babye 2008. Sumama ka na sa paputok ha? Ingat!

1 ang naki-usyoso:

  1. Anonymous said...
     

    ui...heheh..same teu..

    eshikiro.blogspot.com

Post a Comment