yupomismo
Sa pangatlong bote ng San Mig Light na isinasalin ko sa baso kong may yelo, unti-unti ko nang nararamdaman ang epekto ng alak na dumadaloy ngayon sa sistema ko. Nawawala na ako sa ulirat, nahihilo na ako at umiikot na ang paligid. Unti-unti ko na din nadarama na paakyat na ang daloy ng beer sa lalamunan ko. Alam ko na, eto na at malalasing nanaman ako.
May mga luhang namumuo sa mata ko. Pero pinigilan kong tumulo. Sa hindi malamang kadahilanan ay naiiyak ako. Hindi ko alam kung dulot ito ng napipinto kong pagsusuka. O talaga nga naman may panahon pa akong magsenti sa gitna ng kasiyahan.
Pinagmasdan ko ang mga tao sa paligid. Bagamat mga bago ko pa lang silang kilala, di ko maitatanggi na sa mga taong ito, nakakaramdam ako ng kasiyahan. Sa tuwing may taong hahalakhak, at sa tuwing may sasayaw saliw sa kantang "Boom shakalak", talagang di ko maitatanggi na sa mga panahong yun, hindi ko kailangan indahin ang lahat ng problema ko sa buhay.
Sa pagmamasid, mukha din namang masaya ang mga kasama ko. May mga munti akong alam sa buhay nila, alam kong may mga problema din silang dinadala, pero sa panahong yun, alam kong hindi sila malungkot. Sa pagsasama-sama namin, alam kong kahit panandalian, napapasaya namin ang isa't isa.
Ininom ko na ang naisalin ko sa baso. Nakadagdag nanaman ito sa lahat ng nararamdaman ko. Mas naging nakakahilo ang paligid. At mas umangat ang beer sa lalamunan. Pero hindi ko pa ito isusuka. Kayang kaya ko pa ito kontrolin.
Panahon ko na para kumanta. Inabot nila sakin ang mikropono. Sa pagbirit ko sa isang kantang walang kuneksiyon sa mga nangyayari sa buhay ko, sinasabayan ako ng mga kasama ko. Ibinibigay namin ang isang daan porsiyento ng aming kakayahan para mas lalo pang mapasaya ang atmospera ng inuman. Ang totoo ay sa mga panahong ito, wala na akong ibang iniisip kundi ang magsaya.
Patapos na din ang inuman, at mauubos ko na ang ikaapat na bote ng beer. Nalimutan ko na na nahihilo ako. Pakiramdam ko normal na ang ganitong paningin. Paliko liko na ako maglakad. Pero ganun din naman ang lahat ng kasama ko. Panahon na para umuwi. At tapos na ang kasiyahan.
Pagsakay ko ng taxi, alam kong sa biyahe pauwi ay babalik nanaman ang lahat ng gumugulo sa isip ko. Sa bawat pagpatak ng metro, bumabalik na naman ako sa ulirat. Lumilipas na ang epekto ng alak at babalik na naman ang mga problema.
Sa paghiga ko sa kama, pilit kong inaalala ang sayang naramdaman ko kanina habang nagkakantahan. Pilit kong inaalala ang tono ng "Boom Shakalak". Pero sa halip, nalaman ko na ang dahilan ng muntikang pagtulo ng luha ko kanina. At ang di ko mapigilan na pag-agos ng luha ko ngayon. Alam ko na na hindi ito dulot ng alak. Luminaw na sa utak ko ang tunay na dahilan.
Isinantabi ko muli ang pag-iyak, inisip ko muna kung ayos na ba ang mga kasama ko sa kanilang sari-sariling mga bahay. Malamang ay mga tulog na sila. Ipinikit ko ang mga mata ko. Alam kong kahit papano ay mapipigil nito ang pagdaloy ng luha. Kailangan ko na ulit magsimulang magbilang.
Umabot na ako sa isanlibo ng makaramdam ako ng antok. Matatapos na ang araw ko, at mamayang kaunti ay papasok na ako ulit sa opisina.
Hindi ako umiyak kagabe, kulang lang ako sa tulog.

0 ang naki-usyoso:
Post a Comment