what. the. duck.

blogging is a motherducking waste of time.

pakikilakbay ng alamat

ako si pauee at wala na akong magagawa dun. ako ang spoiled brat sa mundo ng blogesperyo. walang kapararakan lahat ng pinagsasabi ko pero pipilitin kitang magbasa. isa akong living irony. pauee by day and pauee by night dahil hindi naman ako nagpapalit ng pangalan.

masakit sa bangs

ano ang mga sintomas ng masakit na bangs? unang una, dapat mahapdi ito at hindi mo mahawak-hawakan. pangalawa dapat ito'y namumula. pangatlo, namamaga at mukhang matamlay. so sa iyong pagsisiyasat, masakit ba ang bangs mo?

for sale: ice-cold halo-halo

O kay sarap ng halo-halo. lalo na ngayong panahon ng tag-araw. talagang nakakalaban sha sa init ng panahon. super refreshing. kaya nga naman kahit san ka tumitingin sa ngayon ay may nagtitinda ng halo-halo. every where i go, every smile i see, all nang-aanyaya na bumili ng halo halong tinda nila. Halo-halo: Buy me, buy me, buy me..

pero hindi ata refreshing yung sign na nakita ko kanina. actually imbis na maka-refresh sha sakin e lalo lang nag-init ulo ko. at sobrang naconfuse ako. sakit talaga sa ulo pramis.

For Sale: Ice-Cold Halo-halo.

Ayan na nga yung title.

Naguluhan kasi ako. Meron na bang tindang halo halo ngayon na hindi ice-cold? May halo-halo na bang walang yelo? Gulong-gulo na ako!! Kelan pa to nang-yari? Paano nag-simula? Sino ang pioneer? At sino ang patrons nito? Saan? Naku, sobrang naguluhan talaga ako. Ibang klase confusion ang inabot ko.

Hindi natin alam baka sa susunod e meron na ding squid balls na square. O kaya naman hot ice cream. Or pandesal na walang flour. Or sopas na dry. Nakakatakot kung iisipin.

Mawawalan na ng individuality ang mga pagkaing ito kung magkaganon. Kumbaga sa tao e nawawalan ng personality. Para mo na ding sinabing "Mamatay ka na food-being!!"

Ouch ang sakit sa part ng pagkain. Wala talagang pakundangan minsan yang mga tindera na yan. Di na nila hinayaan yung mga mamimili na magsabi, ng tipong "Pabili nga ng iced tea, no ice ha!" Talagang pinangunahan na nila. Sobrang awang awa ako sa part ng halo-halo.

Di bale, I love you Halo-halo. Kahit kelan di ko hahayaang alisin nila ang ice sayo. ^_^

2 ang naki-usyoso:

  1. Anonymous said...
     

    nakakalungkot ung idea ng squid ball na square...marereduce cia into a 2-dimensional supply of protein...imbis na SQUID SPHERE e magiging SQUID EQUILATERAL na cia...(with equal sides mind you)

    LATERAL SURFACE AREA na lang bale un...pero hindi naman possible dahil hindi naman squarish ang balat ng sphere!


    **mind explosion**

  2. Anonymous said...
     

    o sige na mali na. cube pala dapat. pero kasi cool nga kung square. may bagay nga bang square? i mean wala yung thickness, lahat ng bagay may thickness kahit papano.

Post a Comment