what. the. duck.

blogging is a motherducking waste of time.

pakikilakbay ng alamat

ako si pauee at wala na akong magagawa dun. ako ang spoiled brat sa mundo ng blogesperyo. walang kapararakan lahat ng pinagsasabi ko pero pipilitin kitang magbasa. isa akong living irony. pauee by day and pauee by night dahil hindi naman ako nagpapalit ng pangalan.

masakit sa bangs

ano ang mga sintomas ng masakit na bangs? unang una, dapat mahapdi ito at hindi mo mahawak-hawakan. pangalawa dapat ito'y namumula. pangatlo, namamaga at mukhang matamlay. so sa iyong pagsisiyasat, masakit ba ang bangs mo?

Ilang-ilang

Since isa akong taong natural na epal sa mundo, hindi ko madalas mafeel yung na-out of place or naiilang. Kahit madalas hindi ko alam or wala ako sa pinaguusapan, kaya kong magspace out na lang basta basta at naturally hindi na ako magiging OP.

So medyo bago ako sa pakiramdam na ito. Sobrang nakaka-ilang.

Naalala ko yung mga estudyante ko dating Koreans. Merong time na dalawa ang students ko in a session. Yung isa marunong magtagalog. Kapag nag-uusap silang dalawa ng Korean e bigla na lang ako magsasalita ng tagalog. Maiintindihan nung isa at sisimulan na ako kausapin. Para kasing nagmamalaki sha na marunong sha mag-filipino kaya mag-aangas sha at kakausapin ako. Instant in place na ako agad.

Ibang iba yung feeling na nakikiramdam ka kung naiintindihan ka ng kausap mo. Kahit pa common language kayo, dahil mag-kaiba kayo ng accent ang hirap magkaintindihan. Mapapakamot ka na lang sa ulo (or kung saan mo man gusto) pero di pa din kayo magkaintindihan.

Kasalanan ito ni Babel e. Tama ba yun ba yun, tao ba si Babel? Or tower? Haha. Basta kung di dahil dun hindi magiging instant iba iba ang language ng mga tao. Shet. haha.

Oh well life's like that. Eventually makakasanayan rin.

Buri naalis ko yung Korean-English accent na na-adapt ko sa trabaho dati. Kung nagkataon, mas lalong mahirap harhar.

O siya lunch time.

froggy christmas

Dahil nga sa maulan ngayon, habang naglalakad ako kanina ay nagmukhang obstacle relay ang daanan ko. Iniiwasan ko ang mga putik, baha at ang sandamakmak na palaka. Ang matindi-tindi pa doon ay napaka-unstable ng pwesto ng mga palaka. Dahil sila ay nabubuhay ay may tendency silang gumalaw. At worse, tumalon. At worst, tumalon papunta sayo.

Putek yan takot pa naman ako sa palaka. Buti sana kung ito ay mga palaka lang. Kaso mga PALAKA sila. Gigantic slimey jumping things. Iwas mode man ako kanina, sadyang ginusto ng pagkakataon na malundagan ako ng palaka. At magtitili ako sa gitna ng kadiliman.

Sana man lang, yung mga palakang yun andun kapag umaga. Tuwing umaga kasi may grupo ng kabataan dun na aalis na ako at babatiin ako ng "Hi Ate, ingat po kayo." Nung mga unang pagkakataon hindi ko pa sila pinapansin. Pero nung mga ika-32nd time na e natatawa na ako. Sa ngayon ay nagha-hi na ako pabalik. Kung andun ang mga palaka sa mga pagkakataong yun, malamang sa malamang magagamit ko naman ang mga batang yun para tabuyin ang mga palaka sa daraanan ko, bayad man lang sa araw araw na pagHi ko sa kanila. Haha ayos ba.

Kung hindi lang kadiri yang mga frog na yan, marerealize ko din sana na medyo may pagka-cute sila. Isipin mo kulay green sila, slimey, malaki ang eyes, malaki ang mouth, weird ang feet, mahaba ang tongue. Eeew, kadiri talaga sila. Hindi talaga cute.

Pero sige they do jump high. Super cool. Parang super powers nila yun. Dala na din shempre ng physical structure nila kaya sila nakakatalon ng mataas. Nakakainggit yung taas ng pagtalon nila. Parang sobrang saya nila kaya nakakatalon sila ng ganun kataas.

Pero naman kasi e!! Bakit kasi kelangan sila maglapitan at maglabasan sa mga panahon na nakahigh heels ako! Por juice po santos, ang hirap kaya magtatakbo. With matching ingat pa kasi like i might apak my deadly heels sa head nila and their juicy blood may like make talsik to my feet! haha kunwari concerned ako sa kanila no pero sa totoo lang nakakadiri lang talaga.

Bakit kasi ang slimey nila e. Nung natalunan ako minsan ay nagiwan ng nakakadiring texture ng fluid sa damit ko yung creature. My golly! Kulang na lang e umiyak ako dun. Pero shempre exag yun. Di yun totoo. Stir ko lang. Namemeke lang ako. Gets the points?

E yun lang naman. Sana kasi di na lang sila nagbabarge ng privacy ng tao. May karapatan naman akong maglakad dun no! Kalsada naman yun at di damuhan kaya wag nila sabihing nangeepal ako sa lugar nila. Ako ang tama dito, at kung madamage man nila ako dapat silang magbayad.

Ano nga ba ang currency ng mga palaka? Sabagay nasa pinas sila malamang peso lang din.

So ayun lang. I so love kermit but not his relatives. Shet ang arte ko pakshet kala mo may pera.

Merry Christmas frogs!! (paki-translate na lang sa frog talk)

Parang may mali

I think there is something wrong with the flu shot I took last June.

Oo. Hindi ako nagkatrangkaso. Hindi tumaas ang temperature ko more than 37 degrees. Kahit anong thermometer pa ang gamitin ko sa kilikili man o sa kung sang part pwede isuksok yan wala di talaga. Wala akong lagnat or sinat or binat or kung anumat. (pun intended)

Pero takteng yan, kasama ng pakiramdam ko no! Mahapdi ang feeling kapag hinahawakan ako ng kung sino (kahit yung di malaswang way. uuuy utak!) Nung naliligo ako ang sakit ng dampi nung tubig sa balat ko. At ayoko ng hanging galing sa iliktrikpan. It harts!

Malakas ang katawan ko at pwede ako makipagkulitan. Pero ang init ng pakiramdam ko sa loob. Kapag napahiga ako ramdam na ramdam ko ang sama ng pakiramdam. Pero wala e, wala akong lagnat.

Parang mas gusto ko pang may trangkaso na lang ako kesa ganito no. Internal sickness. Ni hindi ka papakitaan ng pag-aaruga kasi wala ka naman sakit (but since over OA akong tao, shempre umubra pa din ang drama ko para alagaan ako hihi). Mas okay pa yung trangkaso at least alam kong may virus ako kung bakit nagkakaganito. Takte this is madness!

Uminom na lang ako sa biogesic. Kahit walang laman ang tiyan safe yun. So pano? Ingat! (ala Sir Armando)

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Speaking of sakit, masakit man sa loob ko pero minsan may mga bagay kang kelangan tanggihan.

Minsan iniisip ko kung mali nga ba yung ginawa ko. Yung sumubok ako. Pero sa simula pa lang alam ko naman na di ko tatanggapin. Meron na akong mga plano simula pa lang pero sinubukan ko pa rin. Para lang din makita kung ano nga bang maibibigay nila. At kung kaya ko ba ang mga hamon na ibibigay nila sakin. Feeling participantes kumbaga.

Sa totoo lang mahirap talaga ang mga challenges nila. Malakas lang talaga ang apog ko at confident. La rasa Valiente!

Pero di ko naman akalain ganun pala kahirap tumanggi kapag nagbigay na sila sakin. Akala ko sapat na ang isang liham ng pagtanggi pero hinabol habol pa ako ng mga tawag at text. Ang hirap naman sabihin sa mga mukha nila na di na talaga ako matitibag sa desisyon ko kasi shempre di ba may respeto din naman ako sa kanila.

Nanghihinayang na ako kung sa nanghihinayang dahil maganda naman talaga ang maaari nilang ibigay sakin at sigurado. Pero kung di ako magririsk ngayon, kelan ko pa yun gagawin? Kapag wala na talaga akong pag-asa?

Saka sana maintindihan nila na hindi lang naman pera ang nagdedesisyon sa buhay. Andiyan din ang tinatawag na cheque, este Pag-ibig. Naks. haha shet.

Pag nalaman kaya nilang sinusulat ko to sa Multiply (at blogger photocopy) magagalit sila sakin lalo? Hahaha. Ooops.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Huling linggo.

Pwedeng huling linggo ko na to na manirahan dito sa bansang sinilangan. Pero shempre di pa din natin alam kung babalik ako o hindi. Sabi nga ng kanta..

Kay tagal mo mang mawala, babalik ka rin..
Babalik..
At babalik ka riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiin..

Alam mo yung nakakainis? Faulty yung timbangan ko. Di ko tuloy alam kung mageexceed na ako sa limit. Or kung pumayat ba ako talaga or pinapaasa lang ako ng weighing scale.

Ang hirap magempakshet, di ko malamang kung ano ba yung mga dadalhin ko sa hindi. At dahil nga sa limit, sad to say di ko pwedeng i-detach ang aparador ko, lagyan ng gulong at dalhin sa eroplano.

Dapat kasi winiweigh yung passengers. Tapos kung di mo nameet yung limit ng person weight, pwede mo idagdag sa bagahe mo. So sorry yung mga obese, excess baggage sila lagi. (No offense sa mga manas diyan hahaha)

Ang mahal pala maospital sa chorva. So dapat dito pa lang magaling na ako. Damn you sickness get away from me!

Mwah! Mamimiss ko kayong lahat. Shempre online pa din ako lagi. hehehe ^_____^


Comatose

Minsan gumagawa ka ng plano. Sa isip mo maganda pakinggan lalo na kung na-achieve mo na ang plan na ito. Pwedeng parte ng planong ito ang isang hindi masayang pangyayari. Kumbaga sakripisyo. Mas mapapabuti kung magaganap ang hindi magandang pangyayari iyon para maachieve ang end goal. Pero okay lang, kasi alam mo naman after ng lahat ng sakripisyo, pasasaan pa at darating ka din sa dulo ng plano mo.

Pero kumbaga sa ampalaya, ramdam na ramdam mo pa din ang pait higit sa sustansyang dala ng bwakanang inang gulay na yon. Kahit pa alam mong pwede siyang maging lunas ng sakit mong diabetes (read: dyabetes), sa bawat kagat nalalasap mo ang sumusuot sa dilang kapaitan ng gulay. Mahirap kainin pero kailangan. Mapait.

Pag sa iba nangyayari ang daling magbigay ng advice.

Naalaala ko ang isang trongoloid kong kaibigan na nagpunta ang muntik niya na maging gelpren sa davao. Sa bawat sambit niya ng mga salitang:

"Me sad."

Sabay ang pagtulo ng luha at pasulpot sulpot na pagsuka dala ng taksil na mga alak. Sabay hagod sa likod niya at sinasabi kong okay lang yun at sundan na lang niya. Tutal nasa Pilipinas lang din naman at madaling macontact.

Wow so galing naman me magadvise.

Pakeng shet ang hirap pala.

2 months maikli lang yun sasabihin ng mga tao. Pero sa unang mga oras pa lang gusto ko na maging beat at maghibernate. Sad lang malamang bawal ang bear sa eroplano.

Over OA talaga ang reaction ko. Ayokong isipin pero sumusuot sa kokote kong mumunti.

Buti pa laptop ko kayang maghibernate.

Mas malapit pa ang Singapore kaysa Davao.

Sarap ngumata ng sandamakmak na Ampalaya.


Hmm, ngayon lang ako hihiling Sayo ng matindi tindi. Please please alagaan Niyo siya.


Short Iskit: Emancipation of Maui

Sa Starbucks..

Ako: Isang tall, light Mocha Frappe with mint, no whipped cream.

Barista: Ano pong name niyo?

Ako: Pauee

Barista: Maui?

Ako: Hehe. Pauee with the P.

(naisip kong baka mali ang spelling pero sige okay na din.)

Barista: Ahhh, Paui.

Pagdating ng kape ko, ang nakasulat na name "Maui."

>_<

lights.. camera.. eksyon

argh kailangan pigain ang utak! kailangan pigain. kailangang magkaroon ng bagong entry. *piga*

Tuuuuuunay nga naman na ako'y isang masugid na tagasubaybay ng morning rush with chico and delamar, monster radio rx 93.1, proud member of the kbp. at dahil diyan ipaplug ko ang blog ni chico ang chicogarciadotwordpressdotcom.

Sa aking pakikinig ay isang topic ang tunay na pumukaw sa aking pansin. noong bata pa kasi ako ay nangangarap akong maging isang direktor at scriptwriter. habang nanonood ako ng mga pelikula ay nakakaisip ako ng alternative na mga pangyayari or mga ending na mas mapapaganda pa sana ang daloy ng istorya. di ko alam kung sadyang epal lang ang utak ko, pero madalas mangyari yan sa aking panonood mapa-hollywood man or local.

Kaya nga ba ang kursong kinuha ko sa kolehiyo ay engineering. dahil sa alam kong wala akong sapat na pera para maging direktor o sapat na kakayahan para maging scriptwriter. pero habang nasa kolehiyo naman ako ay pinipilit kong magdirek at magsulat ng mga skit at play na ginagawa ng aming organisasyon. maipilit lang ba ang pangarap ko kumbaga.

Pero pagkagraduate ko sabi ko tutuparin ko na ang pangarap ko. wala nang makakapigil sakin. kaya ngayon ay nasa IT company ako bilang isang software developer. syempre wala pa ring connect. pero at least may chance akong yumaman. yun naman talaga ang pangarap ko. sino bang hindi?

Mabalik ako sa topic na nagustuhan ko bago pa ako maiyak sa pag-iisip tungkol sa aking mga pangarap. ang topic na pumukaw ng lubusan sa aking pansin ay ang top 10 sexy titles for a sexy film.

Eto ang mangilang-ngilang entries na nagstick sa aking utak at ang mga naisip kong plot para sa mga ito:

Luha, sa Dulo ng Batuta


Setting: isang baranggay na may police station.
Suggested actors: Yul Servo, LA Lopez.
Theme Song: Yakap (by LA Lopez)

Isang kilalang binata si Rolito (to be played by LA Lopez) sa kanilang baranggay. Higit sa isa siyang napakatalinong bata sa kanilang baranggay, napakabait pa at matipuno kaya nga naman gusto siya ng halos lahat ng kababaihan sa kanilang lugar. Pero meron siyang isang madilim na sikreto.

Hindi pa nagkakagirlfriend si Rolito kailanman kahit na napakaraming babaeng naghahabol sa kanya. Sa araw araw ay nagmamasid si Rolito sa police station sa tapat ng kanilang bahay. Inaantay niya ang paglabas ng pulis na si Junatan. Hindi kailanman malilimutan ni Rolito ang gabing kasama niya si Junatan sa isang madilim na lugar. Sinamahan ni Junatan si Rolito sa kanyang pag-iyak. Dito na pinakita ni Junatan kay Rolito ang kanyang batuta.

Ano ang kahahatungan ng pagtitinginang ito? Matatanggap kaya ng baranggay ang tunay na pagkatao ni Rolito? Gaano kahaba ang batuta ni Junatan?


Mahjong: Magsalatan tayo sa Magdamag

Setting: Isang pasugalan
Suggested Actors: Snooky Serna, Chuck Perez
Theme Song: Tagalog version ng Low ni Flo Rida

Dahil salat sa buhay at sawa na sa kahirapan si Lorinda (Snooky), kailangan niyang gamitin ang kanyang naipon upang magtayo ng isang pasugalan. Kahit pa ilegal ay ito na lamang ang naiisip niyang paraan para makaahon sa kahirapan.

Napansin ni Lorinda na madalas sa kanyang pasugalan si Pepe (Chuck). Di din alintana na parang napakaswerte ng taong ito. Kaya nga naman minabutin niyang kilalanin si Pepe. Nalaman niyang ang paboritong sugal ni Pepe ay mahjong. Napakagaling nitong sumalat. At dito na sila nagsimulang magkamabutihan.

Makakaahon nga ba sa kahirapan si Lorinda? Malalamang ba ng gobyerno ang ilegal na pasugalan? Kaya bang salatin ni Pepe ang flores ni Lorinda? O mas kayang salatin ni Lorinda ang stick?

Ang Kikiluhin mo, Titimbangin ko

Setting: Palengke
Suggested Actors: Anna Larucea, Chuby del Rosario
Theme Song: Otso otso

Si Cristy(Anna) ay isang tindera sa palengke. Sa patuloy na pagtaas ng presyo ng kanyang paninda, madalas ang pagrereklamo ng mga mamimili. Madalas siyang sigawan at mura-murahin ng mga ito. At tanging naisip ni Cristy na paghihiganti ay ang pandadaya sa kanyang timbangan. Laging kulang ang timbang ng kanyang binibigay sa kanyang mga customer.

Nakarating sa mga inspektor ang bagay na ito. Kaya nga naman ang chief inspector na si Brando (Chuby) ay nagsadya para timbangin ang lahat ng kinikilo ni Cristy. Ngunit pagdating ni Brando sa palengke ay nabighani siya sa ganda ni Cristy. Dito na nagsimula ang kanilang pagtitinginan.

Mahuli kaya ni Brando ang ginagawang pandaraya ni Cristy? Mangyari kaya na ang kikiluhin ni Cristy ay sakto lang sa titimbangin ni Brando?

Paltos na nang Matapos

Setting: Department Store
Suggested Actors: Sheila Ysrael, Mon Confiado
Theme Song: Annie Batungbakal

Si Diana(Sheila) ay isang saleslady sa isang kilalang Department Store. Umaga man o gabi ay nakatayo siya sa kanyang trabaho. Madalas siyang magdouble shift para matustusan ang mga gastusin sa bahay. At dahil may dress code sa department store, madalas sumakit ang paa ni Diana sa suot niyang high-heeled shoes.

Si Ramon (Mon) ay isang mayamang bumibili ng sapatos sa pinagtatrabahuhan ni Diana para lamang makita siya. Namamasid ni Ramon ang paghihirap ni Diana sa kanyang trabaho, kaya sinabi niya sa kanyang sarili, gagawan niya ng paraan para maiahon si Diana sa kahirapang ito.

Maaagapan kaya ni Ramon ang paglala ng paltos ni Diana? Papayag kaya si Diana sa mga balak ni Ramon?

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ikaw, may maisusuggest ka bang Pelikula?

Pahabol:

Q. Whats the difference of "Oooooooh" from "Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah"?
A. Three inches.


ang mga iboboto ko sa Project Lafftrip Laffapalooza

Matagal tagal din akong na-wala sa mundo ng blogsphere, aba at pagdating ko, ano tong kaguluhang ito na tinatawag na Project Lafftrip Laffapalooza, na matatagpuan mo sa http://kwentongbarbero.com ?


Aba at hindi ako pwedeng magpahuli sa botohang ito. Bilang aktibong blogera DATI, marami-rami din akong nabisitang blog na maituturing kong nagpapaligaya sa akin lalo pa sa panahon na ang laptop ko lang ang kaibigan ko. Eto ang mga laman ng aking balota:

Rank 1: Ang kaibigan kong si Mariano (Loser's Realm: [hachipatuchi.blogspot.com])

Hindi matatawaran itong karakter na ito. Mula sa pag-guhit ng mensahe sa tiyan niya sa pamamagitan ng kutsilyo o blade sa panahon ng kalasingan (at nawitness ko talaga itong pangyayaring ito) hanggang sa kung anu-anong ka-ewanang kanyang ginagawa sa kanyang loser na buhay. Kapag wala akong magawa (at kahit na madalang pa na mangyari iyon) talagang ginagawa kong bisitahin ang blog na ito para makapagdulot ng ngiti sa aking mga labi. Talaga namang masasabi kong ito ang pinakapanalong Loser's blog sa buhay ko.

Rank 2: Ang kasosyalan ni Inday [blogniinday.com]

Talo pa ako ni Inday sa ka-taasan ng kanyang sosyal status! Talagang laftrip ito.

Rank 3: Kaberdehan [greenpinoy.com]

Maituturing kong kasiyahan sa mundo ng blogesperyo. Enjoy talaga.

---------------

Kung nalulungkot kayo ng lubusan, subukan niyong bisitahin ang blogs na nabanggit ko at talaga namang, kung hindi kayo mabubwiset e matatanggal ang lumbay niyo. ^___^

diabetic



nope. wala akong sakit.

ang punto ng blog entry na ito ay ang konsepto ng katamisan.

sabi ng mga kaibigan ko at mahal sa buhay, ako daw ay lubos na matamis, in english, sweet. ito ay sa kadahilanang nagtetake ako ng extra effort into making people i love happy. kumbaga mahilig ako mag-epal at magmadrama para lang maipakita sa mga taong mahal ko na they are well appreciated.

for example, mahilig ako mag-organize ng surprise birthday parties kuno para sa mga kaibigan ko. sabi nga ng mga officemates ko adik ako dito. masaya naman kasi e, at konting effort lang mapapasaya na yung taong may birthday. maglealeave na ng indelible mark sa puso ng tao ang kakaunting effort na yun na kayang kaya ko naman ibigay.

mahilig din akong magorganize ng mga get together, etc. ang sakin lang, kung hindi ko yun gagawin, hindi yun mangyayari. magtake na ako ng initiative para naman sa ikakasaya naming lahat. para sa akin napakaliit na sakripisyo ng konting effort na yun kapalit ng sayang madudulot ng get together. hindi na dapat iniinda yung disappointments sa mga lakad na hindi natuloy, or sa mga taong hindi nagpupunta.

madalas din akong tinatanungan ng mga kaibigan kong lalaki kung anong tactics ang maari nilang gawin sa gelpren nila. minsan based from experience ang shineshare ko, pero kadalasan imbento ko lang din. ang kabayaran lang dito is makita yung satisfaction and happiness sa mukha nung inadvisan ko kapag kinukwento na nila how everything turned out.

magbigay ka ng tamis sa mundo at ito rin ang madalas niyang ibabalik sayo. oh yeah positive thinking.

ano nga ba ang katamisang binalik sa akin ng mundo sa ngayon? higit sa appreciation ng mga taong napapasaya, maswerte din ako at may nagsusukli dinn sa akin ng lubos na katamisan. hindi ko nga malaman kung ano na ba ang pinakasweet na ginawa sakin ng taong ito.

ito ba yung pagtawag niya sakin sa office landline in the middle of the day para lang kamustahin ako? yun bang ipepersonal message ako ng receptionist dahil may ifoforward na tawag for me sa teleponong malapit sa aking workstation?

ito ba yung pagdalaw niya sakin nung panahong SL ako, na may dalang mga prutas kong paborito? may kasama pa itong konting pagsisinungaling sa kung anong ginagawa niya sa mga oras na iyon, para masurprise ako at bigla na lang siyang andiyan?

pwede din bang ito yung habang nag-uusap kami kasama ng mga kaibigan ko e kumuha siya ng ballpen, isinulat sa kamay niya ang "1 mo"? nagulat na lang ako kasi alas dose na pala at ito pala ang unang monthsary namin?

o ito ba yung nagalit ako sa sinabi niya pero kailangan niya na umuwi, kinabukasan nagising ako sa tunog ng gitara sa bintana ng kwarto ko, bigla akong ginising dahil andiyan siya sa labas ng bahay, kinakanta ang theme song ng lumang palabas na pinanonood at iniyakan namin the day before, may dalang paborito kong pagkain, umiiyak at bakas sa mata ang paghingi ng sorry? at matapos mo siyang yakapin may binigay pang card expressing how much he loves you and how he is sorry?

ito ba yung kapag nakaka-alala ka ng masamang pangyayari sasabihin niya sayo na wag kang mag-alala dahil tatabunan niyo ang bawat isang malungkot na ala-ala ng isang milyong masayang memories?

ito ba yung matapos ang isang buong araw na may suot kang high heels, pahihigain ka at mamasahiin ang paa mo nang hindi mo hinihingi?

walang katapusan, napapagod na ako sa pagenumerate. ang alam ko lang sa panahon ngayon wag na wag akong kukurutin at baka magising ako.

sabi nga ng paborito kong DJ's: even if sometimes it doesn't seem so, the world is beautiful.

saka masarap din yung hershey's kisses with hazel nuts. ^___^

rationalization

kaya daw nilagay yung utak ng tao above the heart ay para mapagisipan muna ng tao yung actions niya bago pa man niya paandarin o pairalin yung emotions niya.

ang human beings daw ay rational beings. kumbaga we are born thinkers. kaya nga ba sobrang big deal na lahat ng actions mo pagisipan mo muna. para di ka masabihan ng "hindi gumagamit ng utak" or "hindi pinaiiral ang kokote" (kahit pa hindi ko talaga alam kung anong ibig sabihin ng salitang "kokote" e inaassociate ko na lang siya sa salitang "utak" hehe)


nevertheless, madami pa din tao ang umaaction ng hindi pinagiisipan. impulsiveness ika nga. kumbaga spur of the moment na lang, o kaya to the limits come what may. kung anong maisipang gawin yun na lang yung gagawin.


may mga times na nakakatulong din tong ganito. yung hindi mo masyadong pinagiisipan yung actions mo. o kaya yung plano mo. lalabas din na natural kasi hindi scripted yung galaw mo. more than that nalelessen yung expectations leading to less disappointments. kapag natural din, mawawala yung pagkaranoid mo about things not turning out exactly as planned. and in the long run, wala mashadong pagsisisi.


pero kung you think about it deeply. sisisihin mo din sarili mo sa ganitong sitwasyon. sasabihin mo you shouldve planned it then maybe hindi pumalpak ang lahat. kahit naman kasi anong sitwasyon sisisihin at sisisihin mo pa din sarili mo. its all part of being human daw.


di ko alam kung parte din ba ng pagiging tao mo yung super dali mapersuade. kumbaga andali magbago ng mga desisyon, plano and outlook mo sa buhay. naisip ko kasi na hindi yun parte ng pagiging tao kundi part ng pagiging weak ko. kung magbago kasi ako ng decisions daig ko pa si darna with matching umuusok na costume change. panis din sakin si superman na kelangan pa ng phone booth para magpalit ng tights niya.


hindi ko alam kung maaaccount ko yun sa hindi pag-iisip about things, or im just downright impulsive. madalas kasi akong may plano na throughout the course of the day. pero aminado akong everything is subject to change. kumbaga depende pa yun sa kung anong environment meron ako.


may isang libro akong nabasa na choose your own adventure. yun bang ikaw pipili kung anong gagawin mo next tapos turn to page ganto. madalas i turned up dead sa mga napipili kong adventure. parang dito din sa game na to na choose your own adventure din e madalas i end up being eaten alive by the manticore. (haha kung alam mo yung game parang gago lang yung comment kong to.)


so i suck at making impulsive choices. ang madalas lang naman kasi, dun ako kung san ako masaya. and then after that no regrets whatsoever. hindi ko alam kung ayos bang pagrarationalize yun. pero masasabi ko talagang pag gumawa ako ng desisyon hindi ko yun pagsisisihan. wala kasing point e. di mo naman na maibabalik ang panahon.


stick to your choice and make most out of it.


hehe sabi ng isang tao dito sa paligid na nakikibasa sa likod ko, it seems like i am trying to convince myself. pwedeng ganun nga. hehehe.


pero basta, life is too short to be spent wallowing on mistakes done. dito nga naimbento yung katagang "move on!"

oras na ba?

disclaimer: eto ay re-post.

napapanahon na ba para sagutin ko ang samu't saring katanungan ng mga tao sa paligid ko?


napapansin ko kasing lumalawak ang scope ng aking fans. di na lang sha nacocontain sa group of friends ko, kundi lumalayo na. simula nung gawin kong for everyone ang blog-worthy thoughts e napakadami nang bumibisita at bumabasa sa posts ko. gusto ko mang isipin na kaya nagkakaganon ay dahil nagiging famous lang ako. pero di ko pa din maipagkakaila na napakadami sa mga bumibisita dito ay mga tsismoso't tsismosa na nag-aantay ng kasagutan sa tanong na malamang nahagilap nila kung saan saan. malamang nadidisappoint na din kayo dahil kung anu ano lang sinusulat ko dito. kaya eto na siguro ang panahon para pagbigyan ko naman kayo.


napagmuni-munihan ko na ang pagiging malaya ng isang tao ay relatibo. hindi to kayang bigyang definition ninuman. at kung ako ang tatanungin niyo, hindi lamang ang pagiging malaya sa kung anong kinikilos at ginagalaw mo ang scope ng freedom, kasama na din dito ang pagiging malaya mong isipin kung anong ikaliligaya mo. meron kang sapat na oras at panahon para sa sarili mo. at hindi umiikot ang buhay mo sa buhay ng ibang tao.


nabasa ko sa blog ng kaibigan kong si arcie, mayroon daw shang kaibigan na nagtanong sa isang couple kung paano ba maikeekeep ang isang long relationship, at eto ang sinagot ng couple:


We are just lucky that we don't fall out of love at the same time.


sabi nila, kailangan mo daw ng mangsasalba sa relasyon. kapag pareho kayong ayaw na, wala na talagang magagawa. pero habang yung isa ay di pa nagfafall out of love, magagawa pa ding maisalba ang relasyon.


ganun ba yun talaga? kelangan talagang may argabriyado sa sitwasyon? kung ikaw yung taong sasalo di ba parang ginagawa mong gago ang sarili mo sa pagpilit sa taong ayaw na. at kung ikaw yung sinasalo, hindi ba nakakasakal na pipilitin mo ang sarili mo sa bagay na ayaw ng puso mo?


sa natutunan ko sa dalawang taon, kapag may bagay kang ipinilit hindi din maganda ang kalalabasan. sasakit lang ulo mo sa kakaisip, at lalo pa, hindi mo malilimutan na ginawa lang yung bagay na yun dahil pinilit. hindi bukal sa loob. hindi sincere.


sabi ni bruce sa pbb, love is not an emotion but a choice. kung ganoon, bat niya mas pinili na mainlove kay wendy lalo pa't alam nila na pareho silang committed outside? dahil nadala siya sa emotions sa loob ng bahay. love may be a choice, but it is a choice coupled with emotions. syempre mas pipiliin mo yung bagay na mas ikakasaya mo. happiness is an emotion. no one could doubt that.


bakit hindi na lang piliin ng tao yung bagay na less complicated? dahil, yun ang essence ng pagiging malaya. sa pagiging malaya mo, maraming kaakibat na kumplikasyon. mga taong patuloy na kekwestiyunin ka sa desisiyon mo. pero sa dulo, ang masasabi mo na lang sa kanila, hindi sila ang nasa sitwasyon. hindi nila alam kung anung nararamdaman mo.


mahirap pumili ng isang bagay na alam mong may masasaktan. pero sabi nga ng isa kong co-teacher, gawin mo ang mga bagay para sa sarili mo at hindi para sa iba. kung sa buong panahon ay ginagawa mo na lang ang bagay para sa isang tao, hindi malayong dumating ang punto na mapagod ka at magsawa. sa panahong ito, mas pinili kong kumilos ayon sa anong gusto ko, sa kung anong maidudulot ng desisyon para sa akin. mas pinili kong gumalaw para sa sarili ko.


its an act of selfishness, yes. pero in the long run i know, na everything will be for the better. people may not see it now, but things will be more ugly if i had not made this decision. things will be more difficult, will be harder for most people.


i may be impulsive but i have thought about this action for a long long time.


of course, pwedeng hindi pa tapos ang lahat. pero sa panahon ngayon, hayaan niyo muna akong gumalaw mag-isa. gusto ko muna magkaroon ng independence. gusto ko muna kumilos ayon sa kung anong tama para sa akin.


sana nasagot ko yung mga tanong niyo or kahit papaano nakapagbigay ako ng konting paglilinaw. kung gumulo man lalo, sorry naman. i tried my best.


metaphor

sa totoo lang di ko alam kung paano ko haharapin ang mga bagay bagay..


pag ang isang bagay kinasanayan na ng sistema mo, para bang buong mundo mo ay hindi makapaniwala na may pagbabagong mangyayari.. kumbaga pag nagpalit ka ng shampoo ay magkakadandruff ka sa simula.. kahit pa its all for the better.. na soon in life e ikagaganda na ng buhok mo yung pagpapalit ng shampoong yun.. pero inevitable na magkadandruff ka sa sa simula..


at ang tanong na bakit.. bakit nga ba ang hirap sagutin.. alam mo ang sagot pero di mo masabi.. parang pag nagreview ka sa exam at naaalala mo kung saang pwesto sa notebook mo nakasulat yung salitang yun pero di mo pa din maalala kung ano yung salita.. uubusin mo na ang oras sa kakafigure out kung ano yung salitang yun.. dalawang bagay lang pwedeng mangyari, maalala mo ang salita o maubusan ka na ng oras..


kung mahulog ka ba sa bangin, valid ba ang excuse na natanga ka lang? or may hihingin pa silang ibang dahilan.. ah kasi hinahabol ka ng kung sino at di mo namalayan na may bangin pala.. o kaya naman e sinadya mo on your own na mahulog.. pero yung "wala lang, nahulog lang ako" tatanggapin ba yun na rason ng mga tao? lalo na yung mga taong nakakita.. hindi ba talaga pwedeng wala lang nahulog ka lang talaga?


kapag sinara mo yung pintuan at napalakas ang sara mo iisipin ng mga tao na galit ka.. kahit pa pwede namang sabihin na malakas lang ang hangin, o kaya naman ay may mali dun sa pintuan, basta ikaw ang nagsara at napalakas ay nagdabog ka.. masakit nga naman sa tenga yun ng mga taong malapit sa pinto.. pero paano kung nagmamadali ka ng lumabas at nalimot mo na na may masasaktan kung sasarhan mo ng malakas ang pintuan.. di mo sinasadya pero nakasakit ka..


masama bang akuin lahat ng kasalanan kung alam mo namang totoo? kailangan ba talagang two way ang lahat? e kung sadyang gago ka lang talaga at sayo ang mali, aminado ka naman, di ba yun pwede.. kung ang stack ng uno stacko ay biglang malaglag dahil sa mali mong pagkakahila di ba kasalanan mo naman yun talaga.. o kung mabasag yung mga platong ikaw naman yung may hawak di ba sayo dapat lahat ng sinisisi.. di na dapat isipin ng mga tao kung pangit ba yung pagkakakapatong patong nung uno stacko.. o kung madulas yung pinggan.. ang bottom line ikaw pa din ang may kasalanan ng lahat..


at kung sa kakakamot ko sa ulo kong may dandruff dala ng bagong shampoo ay malimutan ko ang salitang nireview ko, at sa pagalala ko ay nahulog ako sa bangin matapos kong ibagsak ang pintuan dahil natumba ko ang stack ng uno stacko katabi ng mga nabasag ko nang mga plato, pwede bang ako na lang ang may kasalanan ng lahat?


wag na kayong magtanong pa sa iba. kasi ako. nasa akin ang mali.

marunong pala akong magsulat




biruin mo nga naman. ^_^

Sa Panahon ng Crisis, Bawal Ang Magalit. *_*

"We can't end up hating each other."

"Hate doesn't even begin to describe what I feel for you."

"I'm taking my son with me."

"God forbid, baka mapatay kita."

Script yan from Madrasta. Yung famous movie ni Sharon Cuneta. The one with the line "I was never your partner, I was just your wife." It was a scene with Christopher de Leon and Zsa Zsa Padilla where Zsa Zsa was his ex-wife.

Damang-dama ko yung galit ni Christopher nung binitawan niya yang words na yan. May intensity yung galit at sobrang may lalim na pinaghuhugutan. Meron pang patayan na involved. Sana hindi naman ito sign dahil andun si Rico Yan sa film. Eep.

Minsan magtataka ka, paano umaabot sa lubos na pagkamuhi ang galit ng isang tao. May level of galit ba na madedefine ang isang tao? May basis ba ito? Pwede mo bang sabihin na si person A ay 3 stars lang ang galit mo, at kay person B ay 2 stars lang? At paano kaya aabot sa punto na baka mapatay mo na ang isang tao?

Gawa tayo ng scenario.

Kunwari nagkukwento ka ng buong buhay mo kay person A. Sobrang trusted mo na yung taong ito kaya naman halos lahat ng sikreto at masamang incidents sa buhay mo ay na-share mo na sa kanya. Until one day, nag-inuman sila person A, kasama sina person B to E. Si person B ay may matinding grudge sayo sa kadahilanang binasted mo siya. Naikwento ni person B ito kina person A to E. Dala ng kalasingan, naishare na din ni person A ang mga naikwento mo. Kasama buong buhay mo.

Kanino ka sobrang magagalit sa incident na ito? Kay person A? or kay person B dahil di pa din sha makaget over?

E kung kinabukasan, magsorry si person B?

Hindi mo tuloy maisip kung maswerte ka ba o hindi na ikinwento sayo ni person E ang lahat dala ng loyalty niya sayo. Mas gugustuhin mo bang hindi na lang malaman ang lahat?

Ang komplikado magalit no. Mas mabuti pa nung bata pa ako na nagagalit ako sa mga pinsan ko kasi di nila ako ginising at hindi ko tuloy napanuod ang Princess Sarah. Tapos susuhulan lang nila ako ng Ice Candy okay na ako. Pero magpapakwento ako kung ano ang nangyari.

Naaalala ko din ang galit na nararamdaman ko noon kapag hindi pwedeng lagyan ng Milo yung Oatmeal na meryenda ko. Bawal daw kasi may ubo ako. Nakakainis kaya, wala kayang lasa yung Oatmeal. Nakasimangot ako noon buong araw, hanggang sa buksan ko yung tv tapos Xmen na pala. Masarap na din ang Oatmeal basta kakainin habang nanunuod ng Xmen.

Sa ngayon ang galit ko naglalast ng 2-3 minutes. Actually once magsorry yung tao, wala na okay na ako agad. Kumaba e ambilis kong magpatawad. Siguro kasi para sa akin mababaw na lang kasi ang lahat. Mas madaming bagay na mas worth it.

Isang beses pa lang ako nagalit ng sobra sa buong buhay ko. Yun yung naramdaman ko na niloko ako ng lubusan. At wala pang kabalak balak magsorry ang taong yun. At siya pa ang galit. Pero sa ngayon tinatawanan ko na lang yun lahat. At pag nakikita ko siya tinatawanan ko din siya. Bwahaha. Sorry naman nakakatawa siya kasi e.

Sabi nga ng kanta:

Cool ka lang, relax ka lang. Simple lang ang buhay ngumiti ka na lang. Blah blah blah..

Kaya't kaibigan, konting pasensya lang. ^_____^

Halika, dito ka muna sa tabi ko.

Pare ko, hindi ganyan kadali ang buhay.

Hindi ka gigising sa umaga na laging may nakahain ng almusal sa lamesa. Hindi ka aabutan ng tuwalya't sabon kapag maliligo ka na. Hindi laging plantsado ang damit na nasa aparador. Hindi ganon yon pare.

Pare ko, hindi ganyan kadali magdesisyon.

Hindi lahat ng pagpipiliian ay itim at puti. Hindi lahat ng desisyon ay pwede mo ilagay sa timbangan. At hindi kailanman magpapapansin sa harapan mo ang tama at nararapat. Seryoso pare, hindi yun ganon.

Pare ko, hindi ganyan kadali makalimot.

Hindi nadadaan sa pagtulog ang mga bagay. Hindi mawawala sa isip mo kung palagi mong iisipin. Hindi nadadaan sa pagtawa at sa paggawa ng kalokohan para matabunan ang inaayawang alaala. Hindi yun kusang magpupumiglas paalis sa isip mo. Pagbali-baliktarin mo man ang mundo, pare, hindi yun ganon.

Pare ko, hindi ganyan kadali tumakbo palayo.

HIndi ka maitatago ng layo ng lugar na pinuntahan mo. Hindi pwedeng hindi ka masundan kung ang sarili mo naman ang nagbibigay ng direksyon papunta sayo. Hindi madadaan sa bilis ng takbo. Nakakalungkot man pare, pero hindi yun ganon.

Tigil muna pare. Pahinga ka muna.

Wag kang tutulala. Wag mong pag-isipan.

Hinga ka muna ng malalim.

Flashback

"And a rikitikitik and a blue black sheep,
That is true, yes or no?"
-- OST Monkey-Monkey Anabelle Larong Kalye

Sa tingin ko napapanahon upang pag-usapan ang mga thing of the past. Nainspire ako dahil sa PBB Teen Edition, sobra sobrang mga bata ang pinasok ni kuya sa loob. Batang ugali at asal. Ganung ganun ugali ko nung mga grade 2 ako.

Pwede mong sabihing mas swerte ang kabataan noong panahon ko. Umuusbong na ang makabagong teknolohiya, pero maliban sa Family Computer na 1999 in 1 at sa iba't ibang variations ng larong brick game, masasabi kong marami pa rin sa amin ang naadik sa mga larong kalye. Marami kaming larong hindi kinakailangan magbayad ng 10 piso kada oras at hindi nakakasira ng mata.

Isa siguro sa mga bagay na sobrang kina-adikan ko noon ay ang bisikleta. Ito yung mga panahong masasabi kong sobrang presko pa ng hangin. Sa kabaduyang palad, nagbuo pa nga kami ng grupong tinawag naming Biker Gang, kung saan lahat kami ay magkikita sa headquarters (sa basketball court) at magsisimula kaming magronda-ronda sa buong neyborhud. Kasama na dito ang pag-iwas sa mga horror streets (matataas ang talahib) at sa mga monster streets (madaming nanghahabol na aso). Nagsisimula ang routine ng bandang alas-kwatro ng hapon kung saan hindi na mashadong ma-araw at matatapos sa bandang alas-sais kung saan padilim na. Nagmamadali na kaming umuwi noon dahil tiyak lagot nanaman kami kay nanay, lalo na yung mga naka-tokang magsaing ng panghapunan.

Pero noong panahong hindi pa ako allowed maggala-gala sa neyborhud, nakikipaglaro na lang ako sa mga kapitbahay ko sa tapat ng bahay. Dito na ako na-expose sa kung ano anong laro na sa hindi ko malamang kadahilanan, sa halos lahat ng sulok ng Pilipinas ay pare-pareho lang. May kaunting pagbabago lang sa mga version, pero para pa ding Mafia ang pagkakapareho ng mga laro. Scary, but true.

May mga larong parang pareho lang ang tema, pero iba ang title, at ang OST (theme song sa simula) tulad ng Shake Shake Shampoo, Monkey Monkey Anabelle at Matayang Taya (which is a hindi-pinag-isipan-ang-title game). Sa Shake shake shampoo, merong sense of kabadingan dahil kailangan mo pang kumembot kapag nataya ka at nasabihan ng Shake!, at titigil ka lang kung may isang hindi taya ang hinawakan ka at sinabihang Shampoo. Nakapagtataka na walang banlaw at sabon na involved. Pareho din ito ng tema ng Monkey Monkey Anabelle, pero iba lang ang sinasabing salita at walang pakembot kembot. At kung lahat ay mataya, sa parehong laro, kailangan ay mag-unahan pa kayo na magsabi ng Viva!. Sa Matayang Taya (ang pangit talaga ng title) ay simple lang, kung sino ang mahawakan ng taya ay siya na ang taya (no wonder ganun din kawalang kwenta ang title).

Isa sa larong napakadaming title sa iba't ibang sulok ng pinas ay ang larong Sikyo Base\ Morong-morong\ Bente uno\ Agawang Base\ Black 123 at kung anu-ano pa. Isa lang ang ibig sabihin nito, may dalawang base, kelangan ma-agaw (matouch.) Sobrang simple lang ng theme, pero madaming strategies na involved. Pwede kang umikot, maging pain (bait), sumugod at marami pang iba. Malas mo lang kung ikaw na lang ang naiwan sa base mo.

Speaking of malas, ang pinakamalas na maging taya sa isang game ay sa larong tumbang preso. Sobrang sakit sa bangs maging taya dito kasi sobrang mafeefeel mo na pagtutulungan ka ng mga kalaro mo. Biruin mo binabato bato ka na ng tsinelas (well basically yung lata yung binabato pero ganun na din yun), kailangan mo pang itayo yung lata, at gumawa ng strategy para habulin sila. Mahirap maging taya sa tumbang preso. Nakakaiyak lalo na kung pikon ka.

Meron ding mga laro na sa panahon ngayon ay hindi ko maisip ang trip ng taong nagimbento. Isa na dito ang Doctor Quack Quack. Masakit na laro ito. Para lang mahirapan yung taya, pahihirapan niyo din ang sarili niyo. Kung medyo sadista pa ang taya ay maaari ka pang mabalian. Ang isa pang laro ay ang Sasara ang Bulaklak, Bubuka ang Bulaklak, dadaan ang Reyna pakembot kembot pa. I mean, ano bang point ng larong ito? Napaghahalatang gusto lang maglumandi ng Reyna para kumembot kembot sa gitna ng mga kalaro niya.

Ang ultimate larong kalye talaga na pwede mo nang maconsider na sport ay ang larong Patintero. Sa larong ito nagpopromote ng team effort at strategy. Hindi pwedeng basta-basta na lang bara-bara pumasok at tumakbo pa-home base. Kailangan mag-ingat baka andiyan na bigla ang Patotot. I wonder bakit wala pa ito sa Olympics. Ito nga dapat ang pambansang laro ng Pilipinas e.

Imbis siguro sa mga landi-landian love teams ang ipakita sa mga youth(or kids) oriented shows, pwede siguro ipromote na lang ang mga larong kalye. Para naman yung kabataang nanunuod, iconsider na maglaro ng mga ito, imbis na nakaupo magdamag sa tapat ng PC at nakikipagsigawan sa mga ka-network.

Para sa lahat ng kabataang adik sa network games: "Saksak puso, tulo ang dugo. Patay, buhay, umalis ka na diyan sa pwesto mo."

kuntento

"You know what is so good about
hitting your head with a hammer?
It feels so good when you stop."
- Jimmy Goco of Beerkada

This entry is dedicated to one of my cousins and to one of my closest friends in college.

"Ikaw nga ang dapat nakakaalam. Babae ka e. Kaya nga kita sinama-- aray!!"

Nabatukan nanaman tuloy kita. Ang hilig mo kasing ipamukha sakin na ginagamit mo lang talaga ako. Hindi ko naman kasi talaga alam kung ano na ang gusto ng kabataan ngayon. Malay ko ba kung ano ang magpapasaya sa isang 18 years old. Bakit kasi kailangan mo pang bilhan ng regalo yung debutanteng kabarkada ng girlfriend mo.

"O sige, yun na nga lang shower set. Yung color purple. Ang alam ko pag ganung age nagugustuhan yung color na yun. Tama ba? Bakit kasi di mo man lang alam ang favorite color niya?"

"E hindi ko nga kasi ka-close yun. Pero tama sige, malamang purple nga. Ang galing mo talaga you're the best. Di ko talaga alam kung anong gagawin ko kung wala ka."

Actually hindi ko din talaga alam kung anong gagawin mo kung wala ako.

Naalala ko nung nag-Hongkong tayo last year, sa sobrang kakulitan mo na gusto mong magpicture tayo sa 7-11 dun, nawala tayo sa tour. Nakakatawa pa nga ang mukha mo nun kasi nagpapanic ka. Gulat na gulat ka na marunong ako ng kaunting Mandarin kaya nakapagtanong tanong ako. Kung nakikinig ka lang kasi sa alternative class natin nun, e di sana marunong ka din kahit konti.

"So pano, sunduin na lang kita mamaya?"

"Bakit ba kasi kailangan ko pa sumama dun. Si Jana lang kilala ko dun at hindi pa sha yung debutante."

"Basta invited ka sabi ni Jana. Saka hahayaan mo bang ako lang mag-isa habang nagtsitsikahan sila ng barkada nila?"

"Nakakahiya kasi parang ang tanda tanda na natin dun."

"Leche ang arte mo. Basta magdodoorbell na lang ako sa inyo mga 7 o'clock."

Naiisip ko minsan kulang na lang ako ang maglaba ng underwear mo. Ganyan ka kadependent sakin. Hindi kasi ata napabuti na magkatapat tayo ng bahay, classmates since highschool at pareho pa ng work.

Dati naglolokohan kami ni Jana nung nililigawan mo pa lang siya. Sabi niya hindi naman daw ata girlfriend ang kailangan mo kundi alalay. Naikwento ko pa nga sa kanya kung paano nagsimula na ako ang may hawak lagi ng wallet mo.

Nagpapa-gas ka noon, tapos imbis na credit card, yung timezone card ang naiabot mo sa gas boy. Namumutla na ang gas boy nun kasi inaway mo na imposibleng magka-problema yung card mo. Buti na lang nakita ko sa wallet mo na andun yung Visa mo at timezone card ang hawak ni kuya.

Hindi mo man lang sinabi sakin na may theme pala yung party. Buti na lang tinext ako ni Jana. Pero grabe wala akong yellow na dress. Siguro pwede na itong brown.

Sana tinext ka din ni Jana. Baka kasi mag-red ka nanaman. Naalala ko yung isang beses na tinawagan mo ako kung pwede kitang bilhan ng green na polo dahil yun pala ang theme at late ka na. Red din yung suot mo nun. Tawang tawa pa ako kasi paskong pasko ang dating mo kung nagkataon.

"Putek, naka-tube ka nanaman? Wala ka na bang ibang klase ng damit? Lahat ng lakad natin naka-tube ka!"

"Ano bang pakielam mo? E sa wala na akong ibang masuot e. Saka alam ko namang bagay sakin ang tube."

"Sabagay."

"Naks, siguro walang kotseng naiwan sa inyo no? At ako ang pagdadalahin mo?"

"Alam mo ang galing mong bumasa ng utak."

"Gunggong. Tara na nga."

Naisip ko bigla, parang wala ka nanamang balak ihatid si Jana sa kanila. O ipapakiusap mo nanaman na ihatid natin si Jana. Kahit kailan talaga wala kang kwentang boyfriend.

Kung makikita lang ng girlfriend mo yung listahan ng favorites niya na ginawa ko. Ibang klase ka kasi ambilis mo malimutan kahit kakasabi pa lang niya. Kaya naman nasa wallet mo na ang listahan para wala ka nang dahilan para makalimot.

"Jana, sorry talaga mapilit itong si Martin. Sabi ko nga huwag na akong isama.."

"Ano ka ba, lagi ka niyang nakekwento kahit kay Debbie. Gusto ka din ma-meet nun. Saka nung iba pa naming ka-barkada."

"Sabi ko naman sayo, nag-iinarte ka pa kasi."

"Teka, asan si Debbie? Martin bigay mo na yung gift mo."

"Ay oo nga pala."

Alam kong malilimutan mo din yun kung hindi ko pinaalala. Muntikan mo na ngang malimutan na magboboracay kayo ni Jana last week. Buti na lang ipinang-empake na kita. Naiwan mo pa nga ang cellfone mo sa sala namin kaya kay Jana ka nakikitext nun.

"Lorrie? Ikaw ba yan? Friend mo din pala si Debbie!"

"Oi hi kamusta? Yeah sort of."

"And is this your boyfriend?"

"Ah hinde, bestfriend ko."

rubeeeeks

madami na akong kakilalang nakakasolve nito. pero iilan lang ang kakilala ko na mabilis.

so, in fascination, im posting his video. hehe. panis pa nga ito. dati naalala ko inorasan ko sha at mas mabilis pa siya dito. malamang ay na-video conscious haha. siya ata ang champion ng rubiks challenge ng engg week for 2 consecutive years na sumali sha.



yun lamang. magbigay pugay!

at ako naman si the flash.

yes. eto ay in relation sa kaibigan kong si batman at sa kanyang mga post. dahil bubuo kami ng justice league. emo na justice league. mga super hero na nagda-drama. mga superhero na mahilig mag-blog. mga superhero na hindi makahanap ng kakuntentuhan sa buhay.

ako si the flash. mabilis akong kumilos, mabilis akong magdecision , mabilis akong umaksyon sa mga bagay bagay, mabilis ako sa lahat ng bagay.

super cool ko no. kayang kaya kong gumawa ng decision ng madalian. iharap mo sakin yan ngayon, mamayang konti zoom zoom zoom may decision na ako! super bilis. super the flash.

kung sa gimik nga, mabilis din ako mayaya. ngayon umaga papasok ako sa trabaho, i-text mo lang ako na may gimik mamaya, siguradong siguradong isang mabilis na "oo sige punta ako" ang isasagot ko. hindi ka pa siguro nakakahinga ng malalim nakasagot na ako. hindi mo pa siguro naiicocompose yung instructions ng party ay nagtext na ako ulit ng "teka, san ba yan?"

hindi ko alam kung madali or mahirap akong makaaway. kasi kung nakaramdam ako ng galit, sasabihin ko agad yun sayo. mararamdaman mo ng lubusan. pero recently, ang duration ng galit ko, pinakamatagal na siguro ang 5 minutes. madalas kong sinasabing hayaan mo muna ako, after 2 minutes okay na ako. madali kong magetover ang isang galit. lalo pa at alam ko naman na may kababawan.

hindi ko din alam kung madali o mahirap akong maging kaibigan. magulo kasi ang utak ko, mabilis at madaling magbago. dahil dala na nga ng pagiging mabilis ko e ang pagka-impulsive. kaakibat na din yung super powers ko.

mabilis at handa din akong tumulong sa kahit sino. lalo na yung nanganganib ang buhay. para saan pa at naging super hero ako.

pero sabi nga ni batman, super hero lang ako, hindi ako diyos. mabilis man mawala ang lahat sa pisikal, hindi ko din sigurado kung mabilis din nakaka-react ang nasa sa loob. mabilis man magdesisyon para sa mga bagay bagay, hindi ko alam kung nakaka-keep up ba ang buong pagkatao ko.

at kung matulungan man kitang mapabilis ang mga bagay bagay, hindi ko pa din kaya na bilisan ang nararamdaman at nasa saloobin ng ibang tao, o kahit ako.

ako si the flash. at miyembro ako ng justice league. justice league na handang tumulong sa lahat. justice league na ang headquarters ay starbucks.

trivia: ako si the flash sa gabi, at si koko krunch sa umaga. ^__^

mas masarap ang cellfone kung isasawsaw sa suka

Ingredients:

1 Cellular Phone*, preferably an iPhone
1 cup vinegar, preferably silverswan

Procedure:

1. Dip cell phone in vinegar.
2. Consume.

*If cellular phones are not available, you can also use your PDA, laptop or your new Rolex.

Tannix, sana ma-i-post mo ang larawan ng putaheng ito. ^_^

Kaninang umaga pagkagising ko gutom na gutom ako. Initial thing pa naman na ginagawa ko pagka-gising ay mag-internet. So paglingon ko sa laptop ko nagutom ako lalo at gusto ko na sana kainin ang mouse ko.

Ang problema, wala nga pala akong mouse. Crap.

Tsk tsk. Pagkakataon nga naman.

Mabuti na lang mabait ang nanay ko. Ipinagluto niya ako ng sopas. Masarap ang sopas lalo na at gutom na gutom ka. Lalo na sa linggo ng umaga. Kasama ko pang kumain ang buo kong pamilya. Very nice Sunday family bondingan.

Kung hindi ako naipagluto malamang e nasimulan ko nang ngasabin ang celpown ko. Mukha kasi sha talagang masarap. And the tiny parts look crunchy.

Sabi nga ate ko kanina, "Anu ba tong cellfone ko andami nang gasgas."

Naisip kong emo na sagot "Buti ka panga cellfone lang, ako buhay."

Pero shempre di ko sinabi yun. Baka batukan pa ako nun at gumulong sha sa kakatawa. Kahit nga ako natatawa ako sa statement na yun. Imagine paano magkakagasgas ang buhay? E wala naman yun solid surface. Hahaha so funnyyyy.

In line with that tuloy nakaisip ako ng few lines na may konek sa cellfone at buhay. Kaso ayoko na ilista dito. Parang andalas ko na kasing naglilista ng bagay bagay.

Pero parang nakakabitin, kaya sige maglilista na din ako ng iilan.

1. Ang buhay parang nokia N series. Maganda, madaming features, pero komplikado. At kung masira, ang hirap ayusin. Kung maayos man, sobrang laki ng cost. Pero kung maayos na ulit, everything is worth it.

2. Ang buhay minsan parang cellfone. Minsan malolowbat ka, minsan pa nga maeempty bat. Pero at least pag naicharge na from empty bat, mas matagal ka nang maglalast. Matagal man ang charging time, alam mong magiging okay lang din ang lahat in the end.

3. Ang buhay parang cellfone, mag-aalert kapag may bagong message na parating. Pero yung owner yung may discretion kung babasahin ba niya yung message or idedelete agad. At kung binasa man niya, choice pa din niya kung rereplyan or iignore.

4. Ang buhay parang cellfone, pwedeng palitan ang housing. Pero it's still the same phone underneath.

Necessity na ang cellfone ngayon no? Nakakatawa kasi dati naman hindi naman kelangan ng cellfone. Kahit kapag magkikita, definite yung plans. Ngayon parang lagi na lang "text text" na lang.

Kelan lang nagkaroon kami ng dilemma ng taong madalas kong kinikita. Pano tinopak ang globe. Hindi namin malaman san ba kami magmeemeet. Kasi parang lagi na lang kaming nagtetext ng "San ka na?" kapag andun na. Buti na lang at naisipan namin magantayan sa same place. Ayun nagkita kame.

Pero nakakalungkot yung dependence sa cellfone. Parang ang bawat lakad ngayon isa nang malaking kalabuan. Hindi na definite ang lahat ng plans. Dahil nga pwedeng magtextan na lang.

Minsan old fashioned ako, kaya pag ako ang nagplano, gusto ko clear. May eksaktong lugar at oras ng pagkikitaan. At ayoko ng late. Dapat definite ang lahat.

Pero ako naman pasaway kapag iba ang nagplan. Madalas pa nagugulat na lang sila at andun ako. Kasi hindi naman ako nagconfirm. Ewan malabo talaga ako.

Isa akong taong hindi mahilig magtext. Or sa ngayon ganun ako. Mas gusto ko kasi yung sa personal. At masakit lagi ang hinlalaki ko.

Buti na lang may sopas pa. Ipapa-init ko na lang. Nakakaramdam nanaman ako ng gutom. Ayokong ngasabin yung cellfone ko, madumi sha today.


fashion statement

Nosebleed

Sobrang bigat talaga ng librong pinahiram mo sakin.

Hindi ko alam bakit ako nagpapa-uto sayo. Sabi mo maganda ang istorya nito. Ako naman sige hiniram ko. Kahit pa alam kong mapipilitan lang akong magbasa. Kung interesado ka, malamang nga may saysay ang kwento.

Pinilit kong basahin ang unang pahina. Lipat sa susunod. Teka hindi ko naintindihan. Inulit ko nanaman ang unang pahina. Masyado talagang malalim ang ingles nito. Alam mo namang hindi ako mahilig magbasa lalo na kung sa ibang wika.

Bukas ko na ulit ito susubukan basahin. Medyo malalim na ang gabi.

Naalala ko yung mukha mo nung kinukumbinsi mo ako na basahin tong libro. Sobrang liwanag ng mukha mo noon. Tuwang tuwa ka na ikinukwento sakin na hindi mo mapigilan ang sarili mong tapusin ang libro kahit antok na antok ka na. Hindi ka pa nga gaanong makahinga noon, sa sobrang excited ka na ikwento sakin. Sobrang ganda ng pagkakalapat ng pangyayari. At lalo na ang ending.

Sinabi ko naman na sayo na hindi ako mahilig magbasa. Pero sige, sinabayan ko na lang yung saya mo. Pinakita ko na excited din akong malaman ang kwento. Pero gusto mo na basahin ko muna ang libro. Para kung pag-uusapan natin, alam natin pareho ang nangyari, at ang buong istorya.

Crap.

Kaya ito ako ngayon. Alam mo yung pakiramdam na obligado ako. Pero gusto ko naman tong basahin. Ayaw lang ng utak ko. Nireresist niyia ang impormasyong nababasa niya sa libro mo. Hindi niya kinakaya. At nagbabadya siya ng nalalapit na pagtirik.

Naiisip ko kasi ang itsura mo pag sinabi ko sayo na tapos ko na ito basahin. Malamang sasaya ka sobra. Makikita ko yun sa mga mata mo. Bibilis ang pagsasalita mo at alam kong paguusapan natin ng istorya. Mararamdaman mong sa wakas, meron ng taong makakaintindi sa mga pinagsasabi mo.

Kung meron lang sana akong mahahanap na summary ng kwento sa librong ito. Kaso wala. Sinubukan ko nang maghanap sa internet. Wala talaga. Sabi mo sikat ito, pero bakit wala akong mahanap na review. Talagang pinahihirapan ako ng librong ito. Nakakalungkot, mukhang kailangan ko talagang basahin.

Bakit ba hindi ko maamin sayo na hindi tayo pareho ng gusto? Nahihirapan akong sabihin sayo na ibang iba ang taste natin. Hindi ko kayang sabihin na nababaduyan ako sa trip mo. At hindi ko din kayang isipin mo na sobrang pinaplastik lang kita simula simula.

Habang mas tumatagal ang pagkakaibigan natin, mas nalalaman ko na hindi talaga tayo bagay. Hindi tayo magkatugma. Madami kang gusto na kinamumuhian ko. At marami akong gusto na pakiramdam mo ay para lang sa masasamang tao.

Bukas isosoli ko na sayo itong librong to. Aaminin ko na na hindi ko talaga kaya. Madami na akong librong nabasa para sayo. Sabi mo magaganda ang istorya, pero hindi ko naman nagustuhan. Ngayon hindi ko na kaya. Kailangan ko na tapusin ang pagpapanggap. Hindi tayo pareho. Hindi tayo akma para sa isa't isa.

Hmm.

Sige susubukan ko ulit basahin to. Kaya ko pa naman. Mukhang maganda naman nga ang istorya.

manukan blues

Yehey! Fried chicken nanaman ang ulam.

Noong bata ako gustong gusto ko ng fried chicken. Anu ba, e fried chicken yun e. Its the ultimate ulam para sa mga bata. Ang paboritong parte ko pa e yung legs. Lalagyan ng mommy ko ng tissue yung parang "hawakan" nung leg, tapos kakagatin ko ng mukhang sarap na sarap ako yung malaman na part. Madalas e sinasawsaw ko pa sa ketchup yung manok. Nagkakaroon pa ako ng ketchup stains sa side ng mouth. Sobrang ganado talaga akong kumain kapag fried chicken ang ulam.

Ngayon hindi na leg ang favorite part ko. Nagpalit na ako, gusto ko na thigh part. Eto yung kinakapitan ng legs sa bandang ibaba ng manok. Mas masarap na ang laman nito para sakin. At mas gusto ko na din ang gravy kesa ketchup. Kinukuchara ko na din ang manok at wala nang silbi ang tissue.

Hindi na din ganun ka-exciting para sakin ang ulam na fried chicken. Sa totoo lang ang dry na niya para sakin. Usually kapag pritong manok ang ulam namin, inaasahan ko na na may sopas, o kahit anong side soup. Kumbaga e boring na para sakin ngayon kung fried chicken lang ang ulam. Kailangan may kapartner sha, para naman maging exciting.

Nagkaroon na din ako ng alagang manok. Ang pangalan niya ay Kiok. Hindi sha simpleng manok lang kasi malaki sha. Hanggang tuhod ko sha. Kapag nakikipagtropahan sha sa mga ibang manok sa paligid ligid e nakikita kong talagang bully sha. At para pa shang manok na aso. Kapag may dumaan basta basta sa harapan niya, malamang e tutukain niya yung paa. Masakit sa bangs ang manok na ito. Lalo na susko madaling araw pa lang ang lakas na tumilaok!

Pero di rin nagtagal si Kiok. Nung may katandaan na sha e wala akong nagawa, kelangan na shang gawing adobong Kiok. Ayun, hindi ko din natikman. Hindi kinaya ng powers ko. Baka maiyak ako e. Isipin pa ng daddy ko di masarap luto niya.

Bakit nga ba kapag madali lang ang isang bagay, sinasabi ng mga tao "Chicken lang yan." Napagnilay nilayan ko na maaaring dahil ito sa madali lang maging isang manok. Isang kahig isang tuka ka nga lang di ba. Pero ewan ko naguguluhan pa din ako. Isipin mo, ang hirap kaya ng buhay din ng manok. Meron shang pakpak pero di sha nakakalipad. At kung makalipad man sobrang minimal lang. Parang pinapaasa lang ang mga manok na "Ayan, may wings ka, go fly!" Pero di naman niya makayanan yung tulad ng lipad ng ibang ibon. Mediocre Bird sha kung ganun. Pero bakit ang "Chicken" ay alternative expression for madali? Napakasama para sa part ng mga manok!

Madalas pa ngang gamitin ang mga manok sa mga talinhaga patungkol sa mga relasyon. Madaming interpretasyon sa mga kasabihan yan. Pero ang sa totoo, kung pagiisipan mo, madalas laging argabyado ang manok.

1. Palay na ang lumalapit sa manok.

Ang scary ng idea. Pero bakit nga ba lalapit yung palay? Gusto nga ba niyang makain? Or talagang nang-aakit lang sha na parang "Uyyy kakainin niya ako." Kung nakakalapit yung palay, malamang sa malamang kayang kaya niyang tumakbo palayo. Kapag yung manok naakit na at tutukain na yung palay, eto naman si malditang palay tatakbo at magpapahabol pa. Takot yung palay sa commitments e. Tsk tsk, bakit nga ba ganun ang buhay.

2. Kapag ang manok, nakatali, madaling hulihin.

Unang-una, bakit ba nakatali yung manok? Sobrang possessive naman ng amo niya. At ang masaklap pa dun, malamang iniiwan niya lang sa tabi tabi na nakatali yung manok. Napapakain niya ba madalas? Binibigyan ba niya ng sapat na inumin? O kapag umuulan ba, isinisilong ba niya ang manok? E etong si mamang mangnanakaw ng manok, papainan niya ng pagkain yung manok. Kung chicken ka at gutom na gutom ka na, tapos aakitin ka ng bigas at pag-aaruga ng magnanakaw, hindi ka ba lalapit? Kawawang manok, malamang yung magnanakaw, itatali din sha after e.

3. Pero mas madaling hulihin ang manok na sugatan.

Eto na malamang ang pinakamalungkot sa lahat. Hindi na nakuntento na itali yung manok, inilaban pa sa sabong. At nung sugatan na yung chicken, tapos sumama sa nagoffer sa kanya ng mas magandang buhay, kasama na ang paggamot sa mga sugat niya, masisisi mo ba yung manok kung willing shang sumama? Kawawang chicken, sana hindi na sha ilaban sa sabong ng susunod na amo niya.

Kung ang lahat ng manok na lang sana tulad ni Chickee (manok sa jollibee), na laging nakangiti, mas mainam sana.

Pero masarap pa din ang roasted chicken, lalo na at may garlic sauce. Yummy.


Matayog ang Lipad

Sabi ng mga kaibigan ko tama na daw ang emo na entries.

At dahil masunuring tao ako in general, paminsan-minsan, mga every other day, kapag bilog ang buwan, pagbibigyan ko sila.

^________^

Ang dami kong nakikitang bata sa daan ngayon na nagpapalipad ng saranggola. Naalala ko tuloy yung bugtong:

Buto't Balat,
Lumilipad.

Short but precise. Kapag narinig mo, di mo man maisip na saranggola ang tamang sagot, kapag nalaman mo na, mapapasambit ka ng "Ahh. oo nga."

Ganun ka-iksi, pero eksakto. Kung sino man nakaisip ng bugtong na yun ay talagang tatawagin kong henyo. Eto na siguro ang pinakamalupit na bugtong na narinig ko. At kung papakinggan mo, nagrhyrhyme pa. Ito na siguro ang ultimate bugtong of all time.

Hindi mo ito maikukumpara sa:

Isang prinsesa,
Nakaupo sa tasa.

Kung malaman mo na Kasoy ang sagot sa bugtong na yan, masasambit mo ba na "Ay oo nga?" Sobrang talinhaga ng bugtong na yan at hindi na malapit sa katotohanan. Naoverpower nito ang pagiging rhyming ng bugtong, wala ito sa kalingkingan ng galing ng bugtong ng saranggola.

Madaling magsabi ng kung anu-anong salita. Pero ang importante, yung kahulugan. Totoo bang naihahayag mo sa mga salita mo ang gusto mong ipahiwatig. At kahit pahabain mo pa ang statement mo, hindi ka pa din sigurado na masasabi mo ang gusto mong sabihin.

Sana lahat parang yung bugtong na lang nang saranggola. Madali sabihin, madali intindihin. Walang talinhaga, walang kalaliman.

Teka, parang nag-eemote nanaman ako a. Anu ba Pauee, ang sakit mo sa Bangs!

Ano-ano nga ba ang maaaring signs na hindi ka na naiintindihan at gustong pakinggan ng kausap mo?

1. Habang kausap mo sha e nagkukutkot sha ng kuko. Malamang sa malamang ay wala na shang naiintindihan sa mga sinasabi mo, naguguluhan na sha. Mas malinaw pa para sa kanya na kelangan niya tanggalin yung dumi sa ilalim ng kuko niya. Kahit yung hard to reach places itatry niya yung best niyang abutin. At least fulfilling, kesa naman makinig sa yo.

Ganti sa taong to: I wish na magkaroon sha ng ingrown. Sa hinliliit ng kamay.

2. Dalawang words na lang ang sinasagot niya sayo, Talaga at Bakit. Kapag ang tono mo ay tonong nagpapahiwatig na kelangan ng affirmation, isasagot niya sayo ang tanong na "Talaga?", at kapag sumagot ka, susundan niya ng "Bakit?" Pakiramdam mo ay enthusiastic sha sa kinukwento mo. Pero sa totoo lang, ikaw na daw ang pinakaboring na kausap sa balat ng earth. Para kang kumakausap sa isang robot na buggy ang program.

Ganti sa taong to: Kamustahin ang recent break up niya. At tumawa.

3. Bigla niyang iniba ang usapan. Okay lang sana kung yung segway niya ay malapit lapit naman ng kaunti sa kwento mo. Pero kung nagkwekwento ka ng tungkol sa Syota mo at bigla shang humirit tungkol sa nakita niyang babaeng naka-4 inch heels na natalisod sa kanto ng Lanuza, siguro naman ay mahahalata mo na na wala siyang ganang makinig sayo.

Ganti sa taong to: Talisudin.

4. Nagteteks habang kausap ka. Sabihin man niya na multi-tasking sha, isa pa din napakabastos at kawalang manners ang biglang magteteks habang may kausap. Malamang e nagteteks pa sha ng ibang tao habang sinasabi na wala kang kakwenta kwentang kausap. O di ba naishare niya pa.

Ganti sa taong to: Isumbong sa syota niya na merong kateks na iba.

Madami pang ibang klase ng pang-eewan ng mga taong obvious na ayaw ka na kausapin at intindihin. Kaya mas mabuti pa talagang iklian mo na lang ang kwento mo. Baka naman kasi ala telenovela nag stories mo, may chapters pa at commercials. Mas nagkakaintindihan ang mga tao kung short but precise ang usapan. Direct to the point. Straightforward.

Pwede ko kayang isabay yung saranggola sa remote control helicopter? Tapos ipagyayabang ko sa mga bata dun sa park. Yung sakin wireless/sinulidless.

Ang hirap naman hindi mag-emote! ^_____^

yupomismo

Sa pangatlong bote ng San Mig Light na isinasalin ko sa baso kong may yelo, unti-unti ko nang nararamdaman ang epekto ng alak na dumadaloy ngayon sa sistema ko. Nawawala na ako sa ulirat, nahihilo na ako at umiikot na ang paligid. Unti-unti ko na din nadarama na paakyat na ang daloy ng beer sa lalamunan ko. Alam ko na, eto na at malalasing nanaman ako.

May mga luhang namumuo sa mata ko. Pero pinigilan kong tumulo. Sa hindi malamang kadahilanan ay naiiyak ako. Hindi ko alam kung dulot ito ng napipinto kong pagsusuka. O talaga nga naman may panahon pa akong magsenti sa gitna ng kasiyahan.

Pinagmasdan ko ang mga tao sa paligid. Bagamat mga bago ko pa lang silang kilala, di ko maitatanggi na sa mga taong ito, nakakaramdam ako ng kasiyahan. Sa tuwing may taong hahalakhak, at sa tuwing may sasayaw saliw sa kantang "Boom shakalak", talagang di ko maitatanggi na sa mga panahong yun, hindi ko kailangan indahin ang lahat ng problema ko sa buhay.

Sa pagmamasid, mukha din namang masaya ang mga kasama ko. May mga munti akong alam sa buhay nila, alam kong may mga problema din silang dinadala, pero sa panahong yun, alam kong hindi sila malungkot. Sa pagsasama-sama namin, alam kong kahit panandalian, napapasaya namin ang isa't isa.

Ininom ko na ang naisalin ko sa baso. Nakadagdag nanaman ito sa lahat ng nararamdaman ko. Mas naging nakakahilo ang paligid. At mas umangat ang beer sa lalamunan. Pero hindi ko pa ito isusuka. Kayang kaya ko pa ito kontrolin.

Panahon ko na para kumanta. Inabot nila sakin ang mikropono. Sa pagbirit ko sa isang kantang walang kuneksiyon sa mga nangyayari sa buhay ko, sinasabayan ako ng mga kasama ko. Ibinibigay namin ang isang daan porsiyento ng aming kakayahan para mas lalo pang mapasaya ang atmospera ng inuman. Ang totoo ay sa mga panahong ito, wala na akong ibang iniisip kundi ang magsaya.

Patapos na din ang inuman, at mauubos ko na ang ikaapat na bote ng beer. Nalimutan ko na na nahihilo ako. Pakiramdam ko normal na ang ganitong paningin. Paliko liko na ako maglakad. Pero ganun din naman ang lahat ng kasama ko. Panahon na para umuwi. At tapos na ang kasiyahan.

Pagsakay ko ng taxi, alam kong sa biyahe pauwi ay babalik nanaman ang lahat ng gumugulo sa isip ko. Sa bawat pagpatak ng metro, bumabalik na naman ako sa ulirat. Lumilipas na ang epekto ng alak at babalik na naman ang mga problema.

Sa paghiga ko sa kama, pilit kong inaalala ang sayang naramdaman ko kanina habang nagkakantahan. Pilit kong inaalala ang tono ng "Boom Shakalak". Pero sa halip, nalaman ko na ang dahilan ng muntikang pagtulo ng luha ko kanina. At ang di ko mapigilan na pag-agos ng luha ko ngayon. Alam ko na na hindi ito dulot ng alak. Luminaw na sa utak ko ang tunay na dahilan.

Isinantabi ko muli ang pag-iyak, inisip ko muna kung ayos na ba ang mga kasama ko sa kanilang sari-sariling mga bahay. Malamang ay mga tulog na sila. Ipinikit ko ang mga mata ko. Alam kong kahit papano ay mapipigil nito ang pagdaloy ng luha. Kailangan ko na ulit magsimulang magbilang.

Umabot na ako sa isanlibo ng makaramdam ako ng antok. Matatapos na ang araw ko, at mamayang kaunti ay papasok na ako ulit sa opisina.

Hindi ako umiyak kagabe, kulang lang ako sa tulog.

eskapo


Napanood ko kelan lang sa HBO yung pelikulang Alcatraz. Nakakatakot yung theme ng pelikulang yun. Isipin mo na nakakulong ka sa isang bilanggong nasa isang isla. Makatakas ka man alam mong dagat din ang paligid nun. Sabi nila dun daw nilalagay yung nuknukan na ng bigat na kasalanan na mga kriminal.

Pero sa pelikula, nakatakas sila. Hindi na nakita ang mga katawan nung mga nakatakas kahit nag search na sila sa buong dagat, sa buong paligid. After a while, shinut down ang Alcatraz. Nice waste of money.

True to life nga daw yun e. Pero hindi natin alam kung nabuhay pa yung mga nakatakas. Kahit anu pa man nakatakas pa din sila, sa pagkakabilanggo, at kung namatay man sila, sa buhay na ito.

Minsan parang ang sarap sarap magtago na lang sa kung anong nangyayari sayo. Parang ang sarap tumakbo ng tumakbo ng tumakbo palayo sa lahat ng komplikasyon na meron ka sa buhay. Pero sa realidad, alam mo namang kay tagal mo mang mawala, babalik ka rin. Para ka lang tumakbo ng tumakbo sa isang treadmill. Nakakapagod, nakakahina, pero di ka umuusad. Pero at least nakakapayat.

Sabi nila laughter is the best medicine. Pero kung iisipin, healthy rin minsan na magmukmok ka lang sa isang tabi. Ika nga e maging emo. Para bang nakikipagtaguan ka pero magpunta ka sa pwesto mo na hindi ka na talaga makikita, at di ka na dun lalabas hangga't di natatapos yung laro. Sawa ka na maging taya, sawa ka na din makipag-unahan parang mag-save sa base.

Ang saya nga minsan magsuot ng hood. Ika nga ng kaibigan kong si EJ, para tong proteksyon from something not physical. Kumbaga naitatago ka niya sa kung ano mang gulo na andiyan lang sa tabi tabi at readyng ready na pumasok sa utak mo. Well, screw them, you got the hoodie. Parang may special powers yung hood na kahit anong metaphysical element ay magbobounce palayo. Tagong-tago ka sa realidad.


Advise din sakin ng kaibigan kong si Chris, kung iiyak daw ako dun ako sa fire exit. Napakasymbolic nga naman ng lugar na yun. Isipin mo na nakakatakas ka gamit ang exit na yun sa kung anu mang problema meron ka. Ibuhos mo lahat ng luha mo sa exit, at pag pasok mo sa buhay mo dapat di na sila kasama. Kung sa bahay siguro, pwede ka na umiyak habang ibinabalik mo sa kalikasan ang nasasaloob mo sa loob ng banyo. Dapat pagka-flush, naiflush mo na din lahat ng problema mo.


Kung magpapakamatay ka naman, isipin mo na lang na pahihirapan mo pa yung mga kamag-anak mo sa pagpapalibing sayo. Hanggang sa kabilang buhay mag-eemote ka. Dahil isa kang malaking pabigat. Iiyak pa sila ng matindi-tindi sayo. Hanggang sa kabilang buhay may problema ka. E ganun din pala, bakit ka pa pupunta dun. Mahal ang pamasahe.

O sige na, tayo na ang hindi makapag-eskapo. Tayo na ang hindi makapagtago. Kahit naman ata anung gawin kailangan pa din harapin lahat ng komplikasyon, lahat ng gulo sa buhay. Kaya siguro mas mabuti pang matulog na lang. Beauty sleep. Bukas haharapin mo na problema mo. Pero at least maganda ka di ba. ^_^


minsan

yan yung password ng isa sa mga servers sa project ko.

ewan sino nag-set niyan. pero sa tuwing tinatype ko yan kapag binubuksan ko yung server, nawei-weirduhan ako. anu bang trip nung gumawa ng password na yan? emo ba sha nung mga panahong iyon? or naisip niya na minsan lang naman niya bubuksan yung server.

ano nga bang ibig sabihin talaga ng word na "minsan"?

ika nga ng isang pelikula/kanta/teleserye: gaano kadalas ang minsan?

na sa tingin ko sinagot pa ng isang kanta: dahil ang minsan ay magpakailanman.

confusing!

sa pagkaaalam ko, ang salitang minsan -> sa english "sometimes." not all the time. not everytime. but sometimes. not just sometimes. or only sometimes. rather, plain sometimes.

so kung sometimes ang ibig sabihin ng minsan, pano mo naman maitatranslate yung
"oi pare di ba minsan nagkita tayo kumain pa tayo sa labas."

hey dude, isn't it right that sometimes we saw each other then we ate outside?

so freaking wrong.

wala atang direct translation yung salitang minsan. so left tayo with the confusion sa tunay na ibig sabihin ng salitang yan.

minsan magulo talaga ang buhay no. minsan masaya. minsan malungkot. minsan walang kwenta. minsan masaya. at minsan nageemote ako. minsan dapat hindi sinisingitan ng hirit ang emote na salaysay. pero minsan hindi ko talaga mapigilian.

sa totoo lang ang dali dali gamitin ng salitang yan. imagine kapag tinanong ka "Crush mo ba sha?" safe na isagot mo ang "Minsan." magmumukhang hindi ka hayok at deads na deads dun sa tao. kahit naman sa totoo lang ang ibig sabihin ng minsan mo e "minsan lage."

minsan nga lang ako ma-leyt sa trabaho e. mga every monday. minsan na yun para sakin e. or tuwing kelan ako nanunuod ng sine? minsan lang, every other day. at minsan lang din ako kumain, kapag wala lang akong magawa.

minsan lang ako gumimik, every weekend lang. at minsan lang din ako magsusulat ng gantong kahabang post para sa isang salita.

di ko kasi maalis yung pagka-weird ko sa salitang yan lalo na madalas ko na iniinput as password. minsan makakalimutan ko pa e. kasi naman e. bakit kasi minsan pa ang ginamit na salita. nalilito na ako. minsan lang ako malito at eto na yun.

---


for sale: ice-cold halo-halo

O kay sarap ng halo-halo. lalo na ngayong panahon ng tag-araw. talagang nakakalaban sha sa init ng panahon. super refreshing. kaya nga naman kahit san ka tumitingin sa ngayon ay may nagtitinda ng halo-halo. every where i go, every smile i see, all nang-aanyaya na bumili ng halo halong tinda nila. Halo-halo: Buy me, buy me, buy me..

pero hindi ata refreshing yung sign na nakita ko kanina. actually imbis na maka-refresh sha sakin e lalo lang nag-init ulo ko. at sobrang naconfuse ako. sakit talaga sa ulo pramis.

For Sale: Ice-Cold Halo-halo.

Ayan na nga yung title.

Naguluhan kasi ako. Meron na bang tindang halo halo ngayon na hindi ice-cold? May halo-halo na bang walang yelo? Gulong-gulo na ako!! Kelan pa to nang-yari? Paano nag-simula? Sino ang pioneer? At sino ang patrons nito? Saan? Naku, sobrang naguluhan talaga ako. Ibang klase confusion ang inabot ko.

Hindi natin alam baka sa susunod e meron na ding squid balls na square. O kaya naman hot ice cream. Or pandesal na walang flour. Or sopas na dry. Nakakatakot kung iisipin.

Mawawalan na ng individuality ang mga pagkaing ito kung magkaganon. Kumbaga sa tao e nawawalan ng personality. Para mo na ding sinabing "Mamatay ka na food-being!!"

Ouch ang sakit sa part ng pagkain. Wala talagang pakundangan minsan yang mga tindera na yan. Di na nila hinayaan yung mga mamimili na magsabi, ng tipong "Pabili nga ng iced tea, no ice ha!" Talagang pinangunahan na nila. Sobrang awang awa ako sa part ng halo-halo.

Di bale, I love you Halo-halo. Kahit kelan di ko hahayaang alisin nila ang ice sayo. ^_^

look, the glass is half full

cinomment ko yang title to two of my closest friends lately who have their own fair share of problems. yes, for me it is a fair share.

lahat naman sa mundo may problema. hindi mo nga masasabi na mas malalim ang problema mo kesa sa iba. kasi darating at darating ka sa punto na marerealize mo na putek para mong sinabing ingrown lang ang problema mo kumpara sa amputation ng iba. there's always someone else out there na masasabi mong di mo kakayanin i-fit yung shoes nila, that is kung meron silang shoes in the first place.

you get my drift. sabi ni einstein everything is relative. kung sa akin e feeling ko pasan ko na ang mundo, malamang sa malamang para sa iba e mundo ng langgam lang ang pasan ko. pero ako ang nakakaexperience ng pag-pasan na yun e, at ang pakiramdam ko e pasan ko ang mundo ng dinosaurs. mababaw man para sa iba, malamang sa taong nagdadala e kasing lalim na yun ng pacific ocean and atlantic sea combined.

pero pero, lagi naman may brighter side ang things e. di ba nga sabi nila nasa nagdadala lang yan. di ka ba nagtataka na yung iba e kering keri lang nila yung problems nila, kahit pa ga-universe na ang pasan nila. isipin mo na lang na kung universe yung buhat mo, super cool malamang nasa outer space ka na.

ang punto ko lang naman, lahat ng tao may problems. and no man is an island. andito tayo para sa isa't isa. plus the fact na pwede tayong mag-inuman, yey!

pero seriously, joke lang di ko kayang magserious. so slightly seriously, so far madami pa tayong tao sa mundo. and andito tayo para magdamayan di ba? I mean di pa naman umabot sa point na silya o kaya lamesa na ang kadamay mo.

sabi nga ng meralco di ba, may liwanag ang buhay. bukas makalawa, sa isang araw, sa akinse, sa katapusan, sa isang buwan, sa isang taon or kahit kelan pa, pasasaan pa at masosolve din ang problemang yan. shempre may darating pa din na bagong problem, pero the heck, bring it! kayang kaya sus. yun lang pala e.

ngiti ngiti ngiti. kahit magmukhang autistic ka pa.

and don't worry, malamig pa yung tubig sa baso. ^______^


marcha marcha

This is It
by Pauee

mahigit limang taon din nagtiis
dumanak ang dugo at tumagas ang pawis
ilang buwang di natulog at ilang araw umiyak
pinagod ang katawan, puso at utak

oo, eto na, eto na sa wakas
it's over na, matatapos na ang palabas
panahon na nga para umakyat sa entablado
its the ultimate time para ngumiti ng todong todo

kahit nobyembre pa lang tapos na ang lahat
kelangan pa ding tuldukan ang ugat
kelangan magmarcha at magsuot ng sablay
para magpapicture na din with tatay at nanay

magmamarcha na ako, oo totoo ito
kahit pa halos 5 buwan na nagtatrabaho
babalik ako sa eskwalahan para ayusin
mga papeles sa pagmarcha talagang tatapusin

tanung ng iba excited ka pa ba?
sa tagal nang tapos, baka wala ng kwenta
sa isip isip ko oo excited pa ako
kahit papano'y, pangarap tong totoo

naku kailangan ko pa pala ng damit
upang tamang ayos ay aking makamit
shempre kelangan sa picture ako'y maganda
para naman maayos din ang sa aking alaala

oh yes eto na, talagang this is it
end of the road akin ng makakamit
masasabi ko na talagang ako'y isang graduate
exciting talaga, this is so great.

congrats fellow graduates :D

Bakit lagi akong nasa wrong side ng van?

Kung saan ako uupo, dun sisikat ang matindi-tinding araw. At kung iiwas man ako, liliko ang nakaririmarim na van para mapunta na ulit sa pwesto ko ang sikat ng araw.

Malas ba ako o talagang napaglalaruan lang ako ng pagkakataon?

Malamang di lang kasi ako nagtatanda. Haha

Loser

Ang loser ko. Literal na loser. As in nakawala. Nawalan ako ng pera. Tsk tsk. E kasi di ko naman sadya. huhuhu di na ako love ng atm machine.

Kelangan ko kasing magwithdraw ng pera, e naisip ko withdraw na ako ng malaki-laki para di na paulit ulit magwithdraw. E di yun na antay antay, lumabas na card ko, waiting for cash. And poof "Machine Unavailable."

Naghysterical ako. Joke lang. Lumipat ako ng machine. Buti na lang nagkahunch ako so balance inquiry muna. Ayun nawala ang malaki-laking amount na supposedly nakuha ko kanina.

Naghysterical ako. Joke lang ulit. Kinausap ko yung guard. Yung guard yung naghysterical. Haha bakit nga ba sha nagkaganoon. Ewan.

Naglog sa logbook. Tapos nagpunta kami sa bangko. Nagfile ng report. Ayun 5 banking days daw kasi icocontact pa nila ang bangko ko. How sad is that.

Di naman ako loser. Temporarily loser lang. 5 working days loser. Haha kinalahati ko pa naman yung bank savings ko. No fun in that. So sabi ni bank manager e sa iBank na lang daw ako magwithdraw kung magwiwithdraw ako ulit. For the meantime. Naisip ko for the forevertime ko na yun gagawin.

Wag tularan ang LOSER na tulad ko.

prabins thing

Sa mga hindi nakakaalam, oo sa prabins ako nakatira. kumbaga e araw araw ako lumuluwas ng maynila para magtrabaho, pagkatapos ay uuwi ako ulit sa probinsya.

kaya nga naman problema namin laging magkakaibigan kung san o pano ako uuwi sa tuwing gigimik kami. lagi tuloy akong "iskwater" sa kung saan saang kabahayan.

"O hi tita! Okay naman po ako sa trabaho, haha ganun pa din po. Opo okay po salamat po. Hehe okay na po ako dito. Thanks po."

Lagi ko yang linya sa mga tito't tita ko kung tawaging mga magulang ng mga kaibigan ko. Mahirap maging skwater, madalas kailangan mong maging magaling umarte lalo na sa panahong nagsinungaling ang kaibigan mo. o kaya naman ay kailangang magkunwaring okay ako at normal kahit sa totoo lang e umangat na sa esophagus ko yung tatlong grandeng ininom ko ng straight.

Naging mainstay na din ako sa apartment nang isa kong kaibigan. kumbaga e given na na kapag may gimik e dun ako uuwi. Kama ko ang sofabed, at kwarto ko ang sala.

Lagi tuloy akong kelangang isipin kapag nagpaplano ng gimik. Kelangan overnayt sha kundi nako di ako pwede. O kaya naman e magdamag dapat tayong tatambay dun. nakakahiya naman kasi kung magiiskwater nanaman ako. ngayon pa naman madalas kasama ko sa gimik panay lalaki.

"Ma, si Pauee po, friend ko. Dito po muna sha matulog. Wala na po kasi shang masasakyan pauwi."

Ilang beses ko na narinig yan sa mga kaibigan ko. Pano naman hindi magiisip ng masama ang mga magulang ng mga kaibigan kong lalaki kung linggo linggo na lang e sinasabi nila yan sa parents nila. Damn those malicious minds! Haha.

Lugi nga ako kung magdadala ako ng sasakyan sa tuwing papasok ako o gigimik. Isipin mo ang gasolina, ang toll gate, at kung mamalas malasin pa ako, ang lagay pa sa mga gahamang pulis, luging lugi talaga ako.

At kung sa pamasahe naman, nakow mahina ang 200 pesos saking pamasahe sa isang araw. Kaya nga halos 1/4 ng sweldo ko ay napupunta lang sa pamasahe. Nakatabi na yun e, yung perang napupunta sa drivers ng jeeps, mrt tickets at colorum na vans na parang lumilipad lang kapag dumadating na ang sweldo ko. Nagbabayad ako ng pamasahe para makapagtrabaho, para may ipang bayad ako ng pamasahe. You see the irony in this? Putek yan.

Pero sige di na ako magrereklamo sa layo ng inuuwian ko sa araw araw. Given na yun e. Mas malayo pa nga ang kaleyj ko. (swerte ko lang at dormer ako nun).

Ang pinakamalaking problema ko sa ngayon ay ang bwiset na bwiset na late na pagdating ng bills.

Shempre kelangan kong makishare sa gastusin sa bahay. Dakila ako e, kalahati ng sweldo ko binibigay ko sa nanay ko (oo martyr ako. dapat nga barilin ako sa dapitan. o sige na mali nanaman history ko putek yan. at oo 1/4 na lang ang natitira na panggimik ko. tsk tsk)

Kelan lang e dumating ang bills ng smart bro-ken. Tatlong buwan. Sabay sabay.

Kasama ang disconnection notice.

Yep. Bye-bye internet for now. T_T

So... anyone out there na gustong bilhin tong xbox ko?

It is a lot of faaaaaahnnn

Matagal tagal din akong nawala dito sa mundo ng blogerya. Mahirap kasi talaga kapag tamad. Sa lahat ng sakit yun na din siguro yung hindi na kailanman madidiscover ang lunas. Kahit yung mga matatalinong scientists, mathematicians, doctors, psychologists, promil children at si saver the wonder dog ay magjoin forces para lang pag-aralan at hanapin ang lunas ng sakit na to, sa tingin ko di pa din nila mahahanap yun. Aabutin na lang sila ng katamaran. Which is kinda ironic no?

Ang saya sana nun. Kapag tinatamad ako, iinom lang ako ng tableta at sisipagin na. Yung mga estudyanteng kelangan mag-aral at tinatamad, itatago na lang ng parents yung tablets sa saging o kaya naman ay dudurugin at ihahalo sa juice ng mga anak nila yung tablet na yun para sa sure na pagpasa sa exam. Yung mga taong nadedemonyo ng mga kaibigan nila na huwag na lang pumasok, magmamadali lang inumin ang tableta at makakatanggi na sa mga masasamang impluwensya at papasok na lang sa trabaho. Talaga nga namang kahit sinong tao ay uunlad at madadamay na din ang bansa nila dahil lang sa wonder tablet na ito. At yayaman at talagang sisikat ang makakaimbento ng gamot na yan. Malamang kasi kung bumili ang mga tao niyan ay banig banig at talagang mag-iistak na sila for the future since hindi mo alam kung kelan ka talaga aatakihin ng katamaran.

O sige para sa mga mapanuring mga mata diyan, oo nasa tao lang talaga ang lunas sa katamaran. E kaso nga, mashado akong tinatamad para subukang labanan yung katamaran ko. Pano na yan its like a vicious cycle.

At dahil sa panahon ngayon ay hindi pa naiimbento yang gamot na yan, may mga ilan ilang pagsubok ang mga tao para tulungan ang ibang tao na lunasan ang napakatinding sakit na ito.

1. Self- help books.

Ito yung mga librong tuturuan ka pano labanan yung katamaran mo. Madami niyan sa nasyunal or kaya naman ay sa gudwil. Pero madalas mo ito talagang makikita sa mga buk sale. Kasi binebenta na lang talaga to ng mga tao dahil wala naman gamit.

Kasi naman, kahit anong self help book pa ang iregalo sakin na panlaban sa katamaran, katatamaran ko lang din na basahin yun. Maiistak lang din yun dito sa ilalim ng kama ko. Siguro ay makakapagtanim na ako ng kamote sa kapal ng alikabok na mamumuo sa mga librong yun bago ko pa maisipang basahin. Kaso lang pag nakita kong makapal na ang alikabok e tatamarin na akong linisin. Hindi ko na babasahin all together. Sad no?

Madalas lang din kasi, itong mga self-help books na to ay nangungunsensya lang. "Kapag di ka nagsipag, hindi ka magkakaroon ng kinabukasan." "Tamarin ka ngayon, tamad din ang lahat ng tao sa paligid mo." Hindi nila alam na ang mga taong tamad ay tinatamad na din makunsensya. Kaya nga hindi kami gumagamit ng safeguard.

Ang rating ko sa self-help books as a cure to katamaran: negative 8 stars. Dagdag lang yan sa source of katamaran. Not helping at all.

2. Energy drinks.

Eto yung mga the likes of extra joss, red bull at lipovitan. Pwede mo na din isama dito ang kape at kung anu ano pang inuming nakakagising kuno. At kung sosyal ka e number one na siguro sa listahan mo ang istarbaks.

Dati sinubukan kong uminom ng extra joss. Aba, hindi nga ako inantok. Dilat lang ako magdamag. Dilat na tulala. Di ako makagalaw, ang sakit ng katawan ko. Tinamad na akong subukan pang mag-aral. Baka kasi lalo lang akong masaktan. Nakakatamad pa naman indahin yung sakit.

Hindi ko rin kayang inumin yung red bull o kaya lipovitan. E kasi naman ang baho baho nila. O sige, kaya ko silang inumin tatakpan ko lang ilong ko. Pero all n ight long ay maaamoy ko pa din yun galing sa hininga ko. Magiging masyado akong conscious. Mauubos ang energy ko sa pagtutbras at tatamarin na din akong gawin ang kelangan kong gawin. Energy drink nga sha. Magkakaroon ka ng energy para maging conscious sa hininga mo.

At nakakatamad gumastos. Sayang kasi pera kung magistarbaks ka pa para labanan ang katamaran. Yag istarbaks e para tustusan ang katamaran ko. Pag tinatamad akong gumawa ng anything worthy, yayayain ko friends ko para tumambay diyan sa istarbaks. At ito ang mga friends kong tinatamad ding magsasayaw at magvideoke at manuod ng sine at kung ano ano pang pwedeng ibang gawin. Kaya nga naman tatambay na lang at gagastos, este magkakape.

At oo, tiring din na magkanaw pa ng kape. Kahit pa neskape 3-in-1 pa yan na ihahalo mo na lang sa mainit na tubig. Sakin kasi ay medyo baliktad din ang epekto ng kape. Oo magiging dilat ako sa loob ng isang oras, pero tatamarin din ako bigla bigla at gugustihin matulog di kalaunan.

Ang rating ko sa energy drinks? Negative 2 stars for gastos. Hindi naman nakakatulong. Nakakacontribute pa sa katamaran.

3. Other People.

Have other people help you. Maging mga friends mo man or loved one or family or... ahh, yun lang.

Kaso, contagious ang katamaran pramis. Maging ang boyfriend ko ay madalas dinadamayan lang ako sa aking slum trip. Minsan tinatamad kaming magdate. Kaya sa bahay na lang nakasalampak sa sofa at manunuod na lang ng dvd. Minsan nga ay tinatamad na kaming manuod ng dvd kaya TV na lang. Yan ay kung andiyan lang yung remote sa tabi-tabi.

At sabi nga nila birds of the same feather flocks together. Kaya nga naman friends ko ay mga tamad din, tulad nila mariano at docmnel . oh yeah tamad people stick together. We do nothing together. Doing nothing is a lot of faaaahhn you know.

Wala. Wala na talagang lunas ang katamaran. Idol ko nga si Juan Tamad e. At least sa story niya e nagawan ng paraan ang katamaran niya. Tama ba? Tinatamad na akong alamin pa kung tama yun e.

Kaya pasensya na sa nag-aabang at nagbabasa sa blog na to at nag-aantay ng bagong entry. Ginagawa ko naman ang best ko. Kanina tinignan ko yung self help books. Sinulyapan ko din yung kape sa kusina. At tinry kong makipag-chat sa fellow bloggers para sipagin, kaso wala e, walang pag-asa. Di ko malunasan ang sakit kong ito.

Nawa'y masundan ko pa ang entry na to.